STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH
RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR
//GOALS #9//
HABANG nasa banyo si Zoe at nags-shower, matiwasay nang nakahiga si Jet sa kama nila. Oo, nila. Not unless gusto ni Zoe na matulog sa sofa. Pabor pa kay Jet iyon dahil maso-solo niya ang kama. Kung tutuusin, ayos lang naman sa kaniya na may kahati pero kung mag-iinarte lang si Zoe, ay talagang ipauubaya na niya ang sofa sa girlfriend niya.
Girlfriend.
Hindi niya maiwasang mapangiti. Para siyang ulol na kinikilig. Umayos ka nga, Jet. Iniisip niya kung kailan niya kaya matitikman ulit ang mga labi ni Zoe. Pagdumating ang pagkakataon na iyon, susulitin na niya iyon. Ewan ba. Para kasing unang beses niyang maka-drugs ngayong gabi.
Hindi niya kasi akalain na sa kabila ng mga kasungitan nito sa kaniya ay hahayaan niyang maka-isa siya dito. That despite arguing almost every second, she will let him feel the chill she felt when their lips touched. Iba pala ang pakiramdam na napasuko mo ang kinaiinisan mo kahit ilang segundo lang. 'Yung isang pagkakataon na alam mong nakaibabaw ka sa kaniya.
Bago pa lumalim ang mga iniisip niya, bumukas na ang pintuan ng banyo at niluwa nito si Zoe na suot-suot ang pajamas na kanina nang isinuot. Agad na tumaas ang kilay ni Zoe sa kaniya. "Pwede ka nang umalis sa higaan ko."
"What?" tanong din ni Jet. "This is not just your bed. It's ours."
"Oh, so now we have a conjugal property?"
"Have intentions of marrying me, babe?" pangaasar ni Jet. At na-reward-an naman siya ng pag-irap nito. Pumunta ito sa gilid ng kama nang naka-cross arms. "What?" tanong niya dito. He pats the space next to him. "Pwede ka nang humiga. And if you want... we can have round two of that kiss."
"Get. Off. My. Bed."
"Sorry, babe, but I have no intentions on sleeping on the couch," sagot niya dito at inabot ang switch sa ibabaw ng kama para patayin ang ilaw ng kwarto at maiwang nakabukas na lamang ang mga lampshade. "Good night."
As soon as na tumalikod si Jet naramdaman niya ang mga daliri ni Zoe sa braso niya at inikot siya at nilaglag sa kama. Mabils na tumalon si Zoe sa kama at pagtayo ni Jet habang nagpapagpag, para nang starfish na nakahiga si Zoe at kunwaring natutulog na. Huh, so she wants to play this game.
Jet goes on his fours and crawls to Zoe. Hinawi niya ang buhok nito na siyang ikinamulat ng dalaga at mamilog ang mga ito. "You know, babe, I really don't mind being the one on top."
Hindi alam ni Jet na may ilalaki pa pala ang mga mata ni Zoe nang mapatingin siya sa posisyon nilang dalawa. Agad itong bumalikwas at natatawang nahiga si Jet sa kanina niyang pwesto.
Namumula ang mukha ni Zoe at parang sasabog na bulkan na siya pero isa lang ang lumabas sa bibig nito. "Manyak!"
"Babe, I really don't mind sharing the bed. I swear I won't touch you."
Kinuha nito ang kumot at ang unan. "Stop calling me babe, you—you—you bastard!"
"Zoe," pagtawag niya pa dito at tumawa. "Come on, sleep on the bed. It's a cold night! It will be your funeral."
"Edi sagutin mo na lang 'yung kape sa libing ko. Bwisit ka!" tumalikod na ito sa kaniya at hinarap ang sandalan ng sofa.
Kontento na lang ding humiga si Jet sa malambot niyang kama. Kung ayaw niya edi wag. Hindi na siya pipilitin ni Jet. Basta siya, matiwasay siyang matutulog.
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
ABA talaga nga namang tiniis siya ni Jet. Hmph. Wala akong pakialam. Ibinaon na lang ni Zoe ang sarili sa sofa at kumot. Pumikit na siya pero bigla niyang naalala ang eksena kanina sa bonfire. Nagpapadyak naman siya sa sofa at napasabunot sa sarili. Why are you even thinking of that?
Uhhm, baka kasi first kiss mo 'yun, Zoe? Paalala ng utak niya sa kaniya. Normal na iisip-isipin mo 'yun.
Whuttt? No!!! Napasubo lang naman siya sa sitwasyon kaya nakalimutan niyang ipinamigay na niya ang mahiwaga niyang first kiss. Huhu. Now that she thinks of it, sobrang nanghihinayang na siya na kay Jet lang napunta ang halik niya. Nakakaiyak.
Napakagat siya sa labi niya. But damn it felt good. At tuluyan na nga siyang nasiraan ng bait sa palaisipan na iyon. No! Imposibleng nag-enjoy din siya. Yuck. Yuck. Yuck. Kadiri na lang talaga. Erase. Erase na 'yung memory na 'yun.
Ilang minuto pa siyang nagpaikot-ikot sa sofa bago nakatulog. Pero sa kalagitnaan ng gabi, may nag-ring na phone at inakala niyang kanya pa rin iyon kaya nagising siya ngunit narinig niya ang inaantok na boses ni Jet na sumagot sa cellphone nito at bumalik na siya sa pagkakatulog. Hindi na niya mawari kung imahinasyon na lamang niya na may sumarang pintuan at kung bumalik pa ang lumabas.
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
HE doesn't know what he is doing. Bakit pa ba niya pupuntahan iyon? No, he really has to see her. He answered his phone at three in the morning and the first words he heard was, "She's home."