// goals #11 //

955 Words
STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #11// "DITO na lang po," sabi ni Zoe sa taxi driver. "Sure ka?" tanong naman ni Jaime sa kaniya. Nagkaroon na ng crisis ng taxi pagdating nila ng Middle dahil biglang bumuhos ang ulan. Kaya napagkasunduan nilang maghati na lang at mauunang iuwi si Zoe. "Oo, sure ako, Kuya," sabi ni Zoe. "For sure baha na sa loob ng village and mahirapan lang kayong makalabas mamaya. Maglalakad na lang ako." "Pero umuulan." "Maliligo na lang ako pagdating ko ng bahay." "'Yung gamit mo?" "Waterproof 'yung bag!" pagtawa ni Zoe at binuksan na ang pintuan. "Text kita, Kuya 'pag nakauwi na ko. Ingat!" Wala pa siyang limang segundo sa ilalim ng ulan ay basang-basa na ang buhok niya. Nanakbo na siya pauwi dahil baka kung ano pang makita niyang species sa tubig at bigla pa siyang mapaatras sa paglalakad niya. May mga floating ipis na sa baha and she can swear na may palaka siyang nakitang tumatalon-talon pa. Huuuuuuu. She is so close to tears pero nawala ito nang makakita ng pamilyar na kotse sa tapat ng bahay nila. "How the hell did you get in here?" pagbukas ni Zoe ng pintuan ng bahay nila at naabutang nakaupo si Jet sa sofa set nila sa sala. Oh-oh. He's mad. xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox "f**k, Zoe. You're soaking wet," hindi niya maiwasang hindi mapalapit kay Zoe pero nang makarating siya sa harap nito ay hindi niya alam kung anong gagawin niya. "Thanks for the update, genius," sarkastikong tugon nito sa kaniya. "What the hell are you doing in my house?! How the hell did you get in here?" Hinawakan lang siya ni Jet sa braso, mahigpit at dinala sa loob ng banyo na nahanap niya kanina. Tinulak niya ito sa loob ng enclosure at binuksan ang tubig doon bago lumabas. Napasandal siya sa pintuan. Thank God, she's alive. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kung hindi pa dumating si Zoe sa susunod na oras. Hindi niya maisip kung paano niya hahanapin ito. At mas lalong hindi niya mapagtanto kung bakit niya ba kinakailangang hanapin ito. Bobo mo na naman, Jet eh. Malamang cargo mo 'yan dahil ikaw ang huli niyang kasama. Kapag may nangyaring masama sa kaniya ikaw ang unang hahanapin ng pulis. Biglang bumukas ang pintuan at kamuntikan pa siyang mahulog kundi lang siya nakahawak sa bannister. "Ano bang ginagawa mo?!" galit na tugon ni Zoe sa kaniya na nakatapis lang ng twalya. "Get out of my way!" Parang kakaibang level ang init ng ulo nitong babaeng 'to. Alas-siyete pa lang pero kung titingin ka sa labas ay iisipin mong hating gabi na sa sobrang dilim. "Bakit ka lumalabas na 'yan lang ang suot?!" sigaw din ni Jet. "Kita mong may lalaki dito!" "Oh bakit?" pamewang ni Zoe sa kaniya. "Lalaki ka ba? No, you're not. Hayop ka kasi, Jet. That's what you are." Hinayaan niyang lagpasan siya nito dahil baka kapag tinignan niya pa ito nang mas matagal ay hindi na niya mapigilan ang sarili at buhatin niya ito sa kama. Wala pa namang tao sa loob ng bahay na iyon. Pumunta siya ng kusina at nagtimpla ng kape. Halos tatlong oras na siyang nasa loob ng bahay na iyon at sa mga oras na iyon ay nalibot na niya ang buong bahay nang nagbabakasakali siyang nakauwi na si Zoe kanina. Nakakapagtaka lang na walang tao sa loob ng bahay na iyon. Kahit housemaid wala pero wala din namang alikabok na makikita. "...hmmm, mayroon... sige, kita na lang tayo para mabayaran kita... sige po... thank you... ingat. Bye." "Sino naman 'yang kausap mo?" tanong ni Jet nang makabalik na siya sa salas at narinig na may kausap sa cellphone si Zoe. Nakaupo lang ito sa sofa at nagpapatuyo ng buhok gamit ang isang twalya. "Nobody," sagot sa kaniya nito at tumayo na siya. "Paano ka nakapasok dito? Trespassing ka." "Nakita ko 'yung susi sa ilalim ng doormat." "Of course," pag-irap ni Zoe sa kaniya at naglakad papuntang kusina. Kung kanina ay pinalagpas niya ito, ngayon hinawakan niya ito sa braso. "Where have you been?" Zoe scoffs. "Wow, ha. Ikaw ang where have you been?" Sinubukan ulit nitong dumaan pero hinatak niya ito para mapunta sa harapan niya. "You should've just waited for me." Inalis nito ang kamay niya sa braso. "Sorry ha, but I don't wait on people. Lalo na 'yung mga taong walang pasabing umaalis." Tinalikudan siya nito at nagsimulang tahakin ang paakyat na hagdan. "You could've called me!" Lumiyad ito sa railing. "So now it's my fault for not calling you?! Huh, hindi ko alam kung anong kinain mo para isiping tatawagan kita para lang makauwi ako. I can do things on my own!" "But that's the rational thing to do!" "The rational thing is not leaving your girlfriend behind without any note that you're not going to go back!" "I did come back! Wala ka na do'n eh! You left, Zoe." "Eh kasi hindi mo sinabi kung babalik ka!" "How are you supposed to know kung hindi ka naman nagtatanong?!" "Hindi ko kailangang tanungin kung babalik ka pa! 'Cause understood na kapag umalis ka nang walang paalam hindi ka na babalik!" "I was going to come back! I didn't say I wasn't!" Umiling lang si Zoe at pinatuloy na ang pag-akyat sa hagdanan. "Sorry ha, I didn't know. Kasi hindi naman lahat ng umaalis... bumabalik. Ts." Napaupo na lang si Jet sa sofa habang sapo-sapo ang ulo niya. Napapagod siyang makipagtalo kay Zoe dahil ayaw din naman niyang nakikipagaway sa babae. Pero bakit nga ba kasi hindi siya nagpaalam? Anong katangahan 'yun? Siya nga ang may kasalanan simula't simula. And now he hates the thought that he has to make it up to her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD