STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH
RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR
//GOALS #12//
It was a long night. Pagod na si Zoe sa ginawa nilang pag-ikot sa resort. In the future, this will all be mine. Kapag sinagot ko na siya, I promise I won't let him go.
Zoe spun around to face the smiling angelic face of the boy who painted her sky blue. "So, tomorrow ulit?" Ngayon pa lang ay excited na siya. Balak na niya kasing sagutin ang manliligaw niya ng dalawang taon.
Inabot siya nito at inilipat ang buhok niya sa isang gilid. "Yeah, I'll see you."
Ngumiti siya dito saka humalik sa pisngi nito. "Bye. Ingat ka pauwi ah? Text mo ko."
Tumango lang ang lalaki sa kaniya. Feeling niya nasa isang teleserye siya noong mga panahong iyon. It felt like she was stepping on cloud. 'Yung tipong may paikot-ikot with matching walling pa sa pintuan at ngiting parang nababaliw.
Little did she know it will only last for so long.
Because the following morning, he was gone. And he didn't return the following day... or the next... and neither the next after that.
That was Luis. The boy who never came back.
Zoe didn't bother to look for him. Pinaalala niya lang sa sarili niya kung sino siya at kung bakit hindi niya kailangang hanapin 'yung lalaking 'yun. Siya 'yung nililigawan pero bakit siya 'yung maghahanap? Sabihin mang wala naman talagang namagitan sa kanilang dalawa, may mga panahon na naalala niya pa din ito kahit naka-move on na siya sa biglang pangiiwan nito sa kaniya sa ere.
It has already been six months, Zoe. Stop thinking about it.
Pero sa katunayan, napabilis lang ang pagmo-move on niya dahil na-realize niya kung gaano pa karaming lalaki ang maari niyang ipalit kay Luis. Na kung paanong the moment na nalaman ng sangkatauhan na biglang nag-disappear ang manliligaw ni Zoe, tila may pa-audition ang PBB sa biglang haba ng pila ng manliligaw niya. Gayunpaman, wala siyang pinayagan kahit isa.
May mga nagpumilit, pero nawala lang din ang mga ito nang mag-leak na ang picture niya sa internet halos isang buwan na ang nakakaraan. Ngayon, puro manyak na ang nagkakagusto sa kaniya. Hay, ito nga ba talaga ang mga pinagpalit niya sa mga ideal niyang manliligaw?
Narinig niya ang pagbukas ng pintuan. "Bakit nandito ka pa?"
She hears him sigh. "Hindi ko din alam."
Umikot siya para magkaharap sila. Nakita niyang nakasandal si Jet sa may pintuan. Hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha nito dahil wala namang ilaw sa loob ng kwarto niya. Sobrang pagod na pagod na siya sa byahe niya kanina pa. Pero nang sabihin niyang "I can't do this anymore, Jet" hindi niya alam kung anong ibig niyang sabihin.
Pumasok si Jet sa loob ng kwarto niya at nagpamulsa. "Pagod ka lang," sabi nito at narinig niya ang panimula ng isang ngiti dito. "Matulog ka na. Aawayin pa kita bukas."
Hindi na niya mapigilan ang hindi mapangiti kaya tinakpan niya ang mukha niya.
"Good night, Zoe. I'll be downstairs. Dream a nightmare for me."
Pagsarado ng pinto, binato niya si Jet. Tsaka niya lang na-realize na may hindi pa pala siya naririnig. Sira ulo talaga. Hindi manlang nag-sorry. Hayop.
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
HINDI makatulog si Jet. Wala naman talaga siyang balak matulog dahil akala niya ay buong gabi siyang maghahanap kay Zoe sa daan. Kaya nga siya uminom ng kape. Pero ngayon, umuulan pa din at pakiramdam niya masisira ang kotse niya doon sa baha sa labas.
It's an old car anyways... Then what am I thinking about? Bakit hindi ako makatulog? Ah, oh right! May game ako sa Wednesday—yeah, that's just it. Kulang pa ko sa training.
Pero ilang minuto pa ang lumipas ay hindi pa din siya makatulog. Paikot-ikot lamang siya dito at kahit anong gawing pikit, gising na gising pa din ang diwa niya.
Is there something I did? Or is it something I never did?
Then it hits him.
Oh, right. How can I forget?
Kung iyon ang magpapatulog sa kaniya ngayong gabi, then he can't see why won't he do it. Umakyat siya sa kwarto ni Zoe. Kumatok muna siya bago niya ito buksan at baka natutulog na ito. Pero kahit natutulog na ito magso-sorry na siya dahil doon lang matatahimik ang kaluluwa niya.
Nakatalikod siya sa pintuan kaya't naupo si Jet sa gilid ng kama nito. Hinawakan niya ito sa braso at nagulat na hindi niya kinailangang puwersahin ang paglabas ng mga salitang, "I'm sorry, Zoe."
At mas lalong ikinagulat niya ang paglingon at pagsagot nito, "Wow, that's bullshit."
Biglang natawa si Jet, medyo relieved na narinig pa ng dalaga ang paghingi niya ng tawad. Siya naman kasi talaga ang may kasalanan. "I'm sorry, Zoe. Pinag-commute kita."
"That's what you're sorry for?"
Napakagat sa labi si Jet. Is it really? No. That's not it. "Actually, no... I'm sorry because I left you."
Pumikit na ulit si Zoe, mukhang kuntento na din at bumulong, "Yeah, you should be."
And he really is. Hindi niya nga ma-imagine ngayon na nakaupo si Zoe sa isang mataong bus. Alam niya kasing hindi naman ito sanay sa average na buhay. "Hmmm, yeah... so... I'll leave you to sleep now." Tumayo na ulit si Jet pero napatigil nang magsalita si Zoe.
"Kakabalik mo lang iiwanan mo na naman ako? Stay here."
What?! Is she asking me to stay here? Dito sa kwarto? Sa kama? Sa tabi niya? Hindi niya alam kung saan kaya hindi niya maiwasang magtanong, "Where?"
"If you want to sleep on the floor then so be it."
"Wait!" napahawak siya sa braso ni Zoe. "You mean, sleep? Like, right next to you?"
Dumilat si Zoe at pinanlisikan siya ng mga mata. "You're really making me uncomfortable! I changed my mind! Sleep on the floor."
"Wait!" agad na napahiga si Jet sa kama. "Teka lang."
"Goodness' sake, Jet. I'm so tired. Shut up. Pwede pa naman tayong mag-away bukas but for now inaantok na ko. So please. Quiet..."
Aabutin na niya sana ang kamay ni Zoe para mag-sorry ulit.
"And stay on your side of the bed. One finger and I will break you."
Napangisi na lang si Jet. Mas gusto niya itong Zoe na parati na lang siyang tinatakot. "Babe, you can throw yourself at me and I wouldn't mind."
"Oh my, God. Will please save that for tomorrow?"
"Will do, babe. Will do."