STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH
RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR
//GOALS #10//
IT has already been an hour. Isang oras nang naghihintay si Jet sa loob ng kotse niya. He knows she is just somewhere inside the house. Sleeping. Bakit ba hindi na lang siya lumabas at kumatok sa pintuan kaysa iyong naghihintay siya sa labas? Bakit ba hanggang ngayon hindi niya pa din magawang humarap sa mommy nito gayong iyon naman ang naunang tumawag sa kaniya?
Nag-sunrise na't lahat-lahat pero hindi pa din siya gumagalaw sa pagkakaupo niya sa driver's seat. This is just crazy.
Nag-vibrate ang cellphone niya mula sa holder nito at nakita niya ang mensahe mula kay Xavier. "Wer r u man?"
Napatingin siyang muli sa puting bahay. I should see her... but not now. Inapakan na niya ang accelerator at nagsimula nang tahakin ang daan pabalik ng South.
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
"HINDI ko alam eh," ang tanging sagot ni Zoe sa mga nagtatanong kung nasaan si Jet. "May emergency yata."
Nakakahiya na siya ang girlfriend pero wala siyang alam kung nasaan ang boyfriend niya. Normal ba 'yun? Pero mas normal ba na gawain na bigla na lang mawawala ang isang tao sa kalagitnaan ng gabi? Wala din siyang ideya kung saan ito pumunta.
"Wala din 'yung kotse niya eh," sabi ni Xander at sumubo ng tinapay. "San kaya 'yun? Babalik daw ba?"
"Huh?" tanong ni Zoe. "Ah, oo. I'm sure babalik naman 'yun. Kung uuwi na kayo sige go lang mauna na kayo. I'll wait for him here."
"Sure ka? Sabay ka na lang sa'kin," sabi ni Xander. "Kasabay ko din sila Kimmy eh."
"Wag na. Baka lalong magalit 'yun," pagngiti niya. "I'll wait na lang."
But over her dead body will she wait. Psh. Kaya naman as soon as alam niyang nakalayo na ang mga kaibigan ni Jet ay nag-checkout na din siya sa resort. Wala na din naman na ang mga gamit ni Jet. Nagtanong siya kung saan ang sakayan pabalik ng Middle. Sumakay siya nang tricycle at bumili ng ticket sa bus na magdadala sa kaniya sa Connect—isa pang bus station na iuuwi siya sa Middle.
Kaloka, walang aircon. Napapaypay si Zoe gamit ang palad niya. Halos lahat sila sa loob ng bus ay amoy pawis na. Mygosh. Pero buti na lang siya mild lang dahil 'yung iba ay halos ma-suffocate na siya sa amoy. I need oxygen. Napagkataon pang nasa gitna siya ng dalawang bruskong lalaki na akala mo ay mapipisa na siya. Naglalaway pa ang isang malapit sa bintana.
Omg. IWD.
Pahirapan naman niyang dinukot ang cellphone niya mula sa likod na bulsa ng shorts niya. "Ay, lowbatt. So great." Nasa ibabaw niya ang bag kung nasaan ang power bank niya. Pero paano naman siya tatayo kung meme na din 'yung katabi niya?
This is going to be an f-ing long ride.
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
"ANO? Nasaan?" tanong ni Jet sa receptionist na mukhang takot na takot na sa kaniya.
"S-sir, kanina pa po umalis after breakfast."
"Goddamn it," bulong na lang niya. "Nag-checkout na siya di ba?"
"Opo, sir," nanginginig na tugon nito sa kaniya. "And nagtanong po kung paano makakabalik ng Middle."
"How?" Matapos ito ipinaliwanag sa kaniya kung paano makakarating sa bus station si Zoe at habang nagda-drive papunta doon, hindi na niya matawagan ang babae. "Where the f**k is she?" Hindi niya maiwasang hindi mapahampas sa manibela sa init ng ulo niya dahil hindi sumasagot ng phone si Zoe.
"Kanina pa ho nakaalis, sir," sabi sa kaniya ng babae sa bentahan ng ticket. "Mga 45 minutes ago na ho."
Jet fingers his hair. How am I supposed to find her now? Sinubukan niyang tawagan muli ang cellphone nito pero cannot be reached na ang sinabi sa kaniya. f*****g hell. Now she has a dead phone.
Kung kanina pa nakaalis iyon edi magpapaangbot na lang sila sa Middle. Nakikisabay pa sa init ng ulo niya ang init ng panahon. Seriously, when he gets his hands on her again, she is dead.
xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox
"AY ang galing naman, wala ding laman ang power bank. Tss," bulong ni Zoe nang makalipat na siya ng bus at thank you, Lord dahil nasa unahan siya at maluwag at mukhang mas matino ang mga tao at hindi masangsang sa ilong.
"Uhhm, miss, heto na lang sa'kin. Gusto mo?" tanong ng lalaking katabi niya.
"Nako, hindi na po," agad niyang sagot dito. Ni hindi niya nga napansin na may katabi na siya dahil bakante ang gitnang upuan.
"Sige na, miss. Baka kasi magkaroon ka ng emergency. Kahit mag-30% ka lang baka kasi kailanganin mo."
"Wag na po talaga," pagngiti niya dito. Mukhang maayos naman itong tao. Mga twenty plus siguro. Pero looks can be deceiving nga naman.
Ngumiti na lang din ang lalaki. "Sige, kung ayaw mo okay lang."
"Thank you po."
Natahimik silang dalawa at akala ni Zoe ay hindi na sila ulit mag-uusap pero nagsalita ulit ang lalaki. "Ikaw si Zoe di ba?"
Agad naman siyang kinabahan. "Uhh, hehe. Opo."
"Jaime," pag-abot ng kamay ng lalaki. "Law student sa Ostfort."
"Oh." May karunungan naman pala ito. Inabot na niya ang kamay niya dito. "Nice to meet you po."
Bumitaw na ang lalaki. "Bakit ka nag-iisa? Asan 'yung boyfriend mo?"
Natawa si Zoe. "Nagr-racing kasi kami kung sinong mauunang makabalik ng Middle. Kaya ayun, magkahiwalay kami."
Alam niyang hindi benta ang palusot niya sa kausap pero hindi na lang din ito nagsalita. Ayaw na niyang makipag-usap dahil halos dalawang oras pa ang byahe niya at gusto pa magpahinga habang iniisip na mag-taxi na pauwi ng bahay niya mamaya.