// goals #6 //

911 Words
STATUS: IN A RELATIONSHIP WITH RIVAL SCHOOL'S MR. POPULAR //GOALS #6/ "BAKIT ba kailangang nandito ako? Hindi ko naman kakilala 'yung celebrant eh," reklamo ni Zoe at sinarado na ang pintuan ng kotse ni Jet. Sa totoo lang, kanina pa punong-puno ang mga tenga ni Jet ng mga pagkontra ni Zoe sa plano niya. Pinili na nga lang niyang ibaba ang mga bintana ng kotse niya para hindi na marinig ang pagrereklamo ni Zoe. "Zoe," pagtawag niya dito dahil nauuna na naman maglakad. Parang akala mo laging natatae eh. Tumigil naman ito. "Will you please just shut up for, like, five minutes? Puro ka dada eh." "Wow ha," at ayan nang muli ang pagkunot ng noo niya. Tila mga hinukay na libingan sa makinis niyang balat ang mga linyang ito. "If you just stop dragging me to places then maybe I will. Tsaka beach? Jet, ang init-init!" "Kaya ka nga nasa beach kasi mainit eh! Para magbabad sa tubig! Tsaka anong dragging you to places? For your information, this is the first time I brought you to some place new. Ambisyosa." Sinuot na niya ang sunglasses niya at hinayaang maglakad si Zoe doon. Mabuti na 'yang mainis na si Zoe sa kaniya dahil balak niyang bwisitin ito hanggang gabi—hanggang umaga. Pero hindi din siya nakaligtas kay Zoe nang ibato nito sa ulo niya ang mabigat nitong bag. "Buhatin mo 'yan. Hiyang-hiya naman ako as girlfriend mo." Napakagat na lang si Jet sa mga labi niya at napahigpit ang hawak sa itim na strap ng bag ng babae. Baka kung ano pang masabi niya ito at baka mapatay niya pa 'tong babaeng 'to. Lord, help me. Kung hindi lang naman sinabi na isama niya si Zoe eh hindi naman niya talaga ito isasama. Over his dead body. Pero sa totoo lang, okay naman nga sila kanina nang nasa loob sila ng coffee shop at noong nakapasok na sila ng kotse kung saan siya nagpaliwanag tungkol sa susunod nilang lakad. "...hanggang Sunday morning lang tayo do'n. After that pwede ka nang—" "What the f*ck, Jet?!" Napalingon siya dito at nakitang nakasabit sa kamay nito ang black and red na thongs. "Eww!" pagbato ng babae papuntang backseat. "Kadiri." Agad itong nakakuha ng alcohol sa maliit nitong bag at pinaliguan ang mga kamay. Ilang beses na niyang nakikitang ganoon ang mukha ni Zoe pero parang unang beses niya pa din itong masilayan. Kinailangan na naman niyang magpigil ng tawa. Hindi niya maalala kung kaninong panty ang nakita ni Zoe sa kotse niya at kung paano ito napunta doon. "What?" Nanlaki ang mga mata ni Zoe. "You're asking me what? Are you f-ing serious? 'Yung mga supposedly anak mo literally nasa kamay ko kanina and you're asking me what?" "Hey, I think those are clean," pagdepensa pa niya. Imposible naman sigurong may marka ng puti ang panty na 'yun di ba? O imposible nga ba? Ni hindi niya nga alam kung kanino iyon eh. "Whatever!" pagbalik ng babae sa kaniya at halos idikit na nito ang buong katawan sa pintuan dahil malamang diring-diri na naman siya kay Jet. At simula noon, puro pagsusungit na naman ang ginawa ng babae sa kaniya. Napasinghap na lamang siya. Mamaya ka sa'kin, Zoe. xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxox BAGO pa sila makarating sa main entrance ng resort, nagsabay na silang maglakad at pareho nang may praktisadong ngiti para sa mga unang sasalubong sa kanila. Ngunit, isang assistant ang lumapit sa kanila at sinabihang umakyat na lamang muna sila sa kwarto para magpalit ng damit bago pumunta sa beach. Halos makatulog na si Jet sa kama kakahintay na matapos kay Zoe na magbihis sa iisa nilang banyo. Mabuti na nga lang talaga at siya ang nauna dahil kanina pa siya init na init. "Zoe, ano ba 'yan?! Ang tagal!" "Heto na! Palabas na!" galit na sigaw din ng babae bago niya narinig ang pagbukas ng pintuan nito. Napadilat siya saglit at pumikit bago nanlaki ang mga mata at napabangon sa kama. Biglang nag-init ang buong katawan niya. Pwede bang hindi na lang sila lumabas? Pwede bang dito na lang sila? T*ngina! Pwede bang hubarin na lang niya kay Zoe 'yung suot niya? "A-ano 'yang suot mo?" nauutal niya pang tanong habang pinipilit na alisin sa isip niya kung anong gusto niyang gawin kay Zoe sa kama. Nako po! "Damit, malamang," pabalang pa na sagot ng babae habang inilalagay ang mga sinuot nitong damit sa loob ng bag. "Magpalit ka nga!" "Ba't ako magpapalit? Ayoko nga! Tumayo ka na nga diyan, nagugutom na ko." Bago pa marating ni Zoe ang pintuan ng kwarto. Mabilis na binato ni Jet ang sarili niya dito. Agad naman niyang nalanghap ang pabango ni Zoe na tila inaakit siyang ibaon ang ilong niya sa leeg nito. "Magpalit ka," pag-ulit niya. "Bakit ba? Ano bang problema mo?!" Ang sexy mo. 'Yan ang problema ko! "Magbihis ka ng maayos na damit. Masyado kang papansin." Pero parang balewala lang ang insultong binato niya dito. "Huh, who cares? Wala na kong ibang dalang damit kaya magtiis ka. Umalis ka nga sa dadaanan ko. Chupi!" Tinulak si Jet nito at successful na nakalabas ng pintuan. Matapos itong sumara sa mukha niya, humablot siya ng unan at doon sumigaw. Hindi pa siya nakuntento at pinagsusuntok pa ito para lang mailabas ang init ng katawan at ang galit na galit ng mga hormone niya. Napakuskos siya sa mukha at sabay hawi sa buhok. Hanggang sa makaisip siya ng solusyon na mapapsunod niya si Zoe sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD