Nasa isang coffee shop ako ngayon, magkikita kami ng mommy ni Marcus. Tumawag kasi ito sa akin at gusto niya makipag usap sa akin, alam ko na marami siyang tanong. Naghintay lang ako ng ilang sandali at dumating na sya. " I'm sorry if pinaghintay kita iha, na stock kami s traffic." nginitian ko lang sya at nagkipag beso ako. " Its okay tita, kararating ko lang din naman " umopo na kami at nag order. " Ahh Brianne, ano ba talaga ang nangyayari sa inyo ng anak ko? Hindi kasi siya nag sasabi sa amin ng Daddy niya kung ano ang problema, noong nakaraan lasing na lasing sa isang bar at nakipag away kaya sinundo ng mga kuya niya tapos pag pasok sa kwarto ay nag wala na naman. Sigaw sya ng sigaw ng sorry at tinatawag ang pangalan mo, may nagawa bang kasalanan si Marcus sayo?" nag buntong hining