Nasa loob lang ako ng kwarto ko buong weekend, ayaw ko lumabas o makipag usap kahit kanino. Naka off ang cellphone ko at hindi ako tumanggap ng mga bisita. Panay tawag ang nasa front desk sa loby ng condo dahil nagwawala si Marcus, hindi kasi sya maka akyat ng unit ko dahil pina banned ko sya. Si Sam wala ring magagawa at ayaw makialam sa problema namin, galit din sya at hindi makapaniwala sa ginawa ni Marcus. Who would have thought na ang isang almost perfect na boyfriend ay magagawang magluko at mangbabae. Nagising ako sa ingay ng alarm clock, wala akong choice kaylangan kong pumasok dahil may kaylangan akong i-submit na requirements sa isang major subject ko. Bumangon na ako at timinignan ang aking mukha sa salamin mabuti nalang hindi na gaanong namamaga ang aking mga mata, kunting co