Naging maayos na ang mga sumunod na araw sa akin. Hindi ko na nakikita si Nika, at hindi narin nag paparamdam si Marcus. Masasabi ko na malaking tulong ito para maka move on kahit papaano. Pero yung mga salitang sinabi ng babaeng iyun ay tumatak talaga sa akin. Malamya kaya pinagpalit, walang thrill kaya nagsawa sila at nag hanap ng iba, boring kaya walang excitement. Nasa ganoon akong kaisipan nang biglang sumulpot sa aking harapan ang aking kaibigan, dala niya ang aming pagkain siya na kasi nag volunteer na pumila at bumili. "Tulala ka girl anong iniisip mo?" tanong niya sa akin. " Wala may naalala lang ako. Ano pala binili mo? sakto gutom na ako" pagiiba ko sa usapan, inismidan niya ako at umopo na sa tapat na upoan. " May chika pala ako sayo! Alam mo ba na hindi makakasama sa gradu