PALAKAD-lakad si Sarah sa loob ng opisina ng supervisor niya. Pagkatapos ng pangyayari kanina ay ipinatawag ang supervisor niya. Grabe ang naging reaction ng supervisor niya, kulang na lang ilublob siya sa tubig na pinagbanlawan ng basahan. Talsik laway pa nga siya habang nagsesermon sa akin kanina. Tiniis ko na lang kaysa mas lumaki pa ang problema niya. Magpapakumbaba na lang siya.
Umupo muna siya sa silyang naroon para magpakalma ng kanyang sarili. Ang nasa isip niya ngayon ay baka alisin siya sa trabaho dahil sa kapalpakan niyang nagawa, na hindi naman niya kasalanan talaga. Parang gusto niyang umiyak baka huling araw na niya ngayon. Ipinikit niya ang mga mata at umusal ng maikling dasal.
‘Diyos ko! Huwag naman po sana akong masisante. Kailangan ko ng trabaho.
“Kung bakit naman kasi doon pa ako naglinis. Sana pala sa ibang floor na lang.” Kastigo niya pa sa sarili.
Ilang minuto ang lumipas. Dumating ang Supervisor ni Sarah. Sinuri niya ang kanyang mukha kung mukha ba itong sinabon ng boss namin. Pero sa palagay naman niya mukha namang kalmado ang mukha. Sumenyas itong umupo siya kaya sinunod naman niya.
“Ma'am, ano pong sinabi ng CEO?” atat na tanong ni Sarah sa supervisor.
Hindi kasi siya matatahimik hangga’t hindi niya nalalaman kung sisante nga ba siya o hindi sa trabaho.
Umupo muna ang Supervisor niya bago sinagot ang tanong niya.
“Sabi ni Mr. Javier Hermano ay ililipat ka daw niya. So you no longer work here in the office.” Napatitig siya sa kanyang supervisor dahil sa kanyang sinabi.
Hindi na ako magtatrabaho dito? Aba, saan naman kaya ako magtatrabaho kung ganoon. Pero teka saan naman niya ako ililipat? Sa labas kaya ng building? Baka naman ako na ang maglilinis ng mga bintana sa labas? Lalambitin ako sa bawat floor para linisin lang ang naglalakihang bintana ng building. Hindi kaya delikado iyon? Mga katanungang tanging supervisor lang ang nakaaalam.
“Eh, Ma'am, saan naman po ako maililipat?” tanong niya.
Tiningnan niya siya nang nagmamadali ka look. Napangiti siya ng alanganin at napakamot na lang sa ulo. Napasunod na lang ang tingin niya habang kinuha nito sa ibabaw ng lamesa ang bottled water saka in-open at tinungga ang laman niyon.
Napalulunok si Sarah habang nakatingin sa tubig - nauuhaw rin ako. Matagal bago niya sinagot ang tanong niya dahil inayos pa nito ang buhok at tumayo upang pumunta ng CR. Ilang minuto lang bumalik rin ang Supervisor. Umupo sa silya nito at saka hinawi ang bangs niyang tumakip sa malapad niyang noo at sa manipis niyang kilay na isang guhit lang yata ang kapal. Kilay pa kaya ang matatawag doon? Naisa-isip ni Sarah.
“Sabi ni Mr. Hermano, sa kaniya ka na magwo-work as her personal maid. Hindi ka na dito maglilinis kundi sa kaniyang bahay. All around ang trabaho mo doon at stay in ka. Sinabi niya rin na ikaw lang ang naroon kaya wala kang ibang kasama. Unless kung mag-stay sa bahay niya si Mr. Hermano.” Napanganga siya sa sinabi niya. Magtatrabaho ako sa bahay ng CEO?
Sigurado akong malaki ang lilinisan ko doon dahil s’yempre mansyon ang bahay ng boss niya. Mahirap yata dahil stay in siya. Iniisip niya kasi ang kanyang Nanay kung hindi siya mag-uuwian sa bahay nila wala itong kasama. May sakit pa naman ang kanyang Nanay. Pero ano naman ang magagawa niya kung iyon ang parusa sa kanya dahil sa nagawa niya sa kaibigan nito. Alangan namang magreklamo pa ako. Baka tuluyan na niya akong alisin sa trabaho kung magrereklamo pa ako sa utos niya.
“Puwede ka ng lumabas. By the way, puntahan mo nga pala si Mr. Hermano. Gusto ka niyang makausap,” aniya.
“Okay, po, salamat.” Sabi niya at saka lumabas ng opisina nito.
PAGKALABAS ng opisina ng supervisor niya ay mas lalong kinabahan at natakot si Sarah. Pupuntahan niya ang opisina ng CEO baka naroon ang babaeng umaway sa kanya kanina. Diyos ko! Wala naman na sana. Nang nasa tapat na siya ng office ni Mr. Hermano ay huminga muna siya ng malalim upang maibsan ang kabang nararamdaman niya sa mga sandaling ito. Kinatok niya ang pinto ng tatlong beses, means I hate you.
“Come in,” narinig nitong wika. Mas lalong dumoble ang kaba niya sa dibdib. Boses palang kasi nito pak na pak. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sumilip ako at hindi muna ako pumasok. Nakita ko siyang abala sa harapan ng laptop niya.
“Get inside, hindi ’yang pasilip-silip ka pa diyan. Maninilip ka ba?” Masungit na sabi niya kaya naituwid ko ang katawan ko at tuluyan na akong pumasok. Marahan kong isinara ang pinto at pumihit paharap sa kanya at naglakad patungo malapit sa lamesa ni Sir Hermano.
“Sir, gusto niyo daw po akong makausap?” Pinagsiklop niya ang mga kamay at nahihiyang tumingin sa boss niyang may dalaw yata dahil sa sungit. Tinaasan pa niya siya ng kilay. Ang taray niya, ha? Aba, daig pa ako sa pagtaas ng kilay niya. Taray!
”Obvious ba na gusto kitang kausapin? Kaya nga kita ipinatawag ’di ba? Are you out of your mind?” gustong kutusan ni Sarah ang sarili. May punto nga naman siya doon. Bakit ko pa kasi itinanong kung ipinatatawag nga naman ako para kausapin siya.
Sumenyas itong umupo ako sa katapat na upuan sa table niya. Umupo siya.
“Siguro naman sinabi na sa iyo ni Ms. Beth ang dapat mong malaman at naiintindihan mo ang mga sinabi niya.” Tumango siya.
“You will no longer work here. Doon ka na sa bahay ko magwo-work. Ikaw ang gagawa ng lahat ng gawain sa bahay ko. Wala kang kasama maliban na lang kung uuwi ako doon. Make sure everything are clean. Ayoko ng marumi at higit sa lahat ayoko ng TAMAD,” pagkadiin-diin nito ang salitang TAMAD. Hindi naman ako tamad. Masipag kaya ako.
“Naku, Sir, hindi po ako tamad na tao, napakasipag ko po. Sa katunayan kaya ko namang linisin ang buo niyong mansion pati na ang bahay ng kapitbahay ninyo.”
‘Sa sobrang sipag ko nga gusto kong walisin pati ang kaibigan mong maarte.’ Sabi niya na lang sa sarili. Napangiti siya sa kaniya.
“Okay good, you may go,” utos nito sa akin.
“Thank you po, Sir!” sumaludo siya sa kaniya. Sumalubong ang mga kilay nito dahil sa ginawa niya. Lumabas na lang siya sa opisina nito bago pa bumuga ng apoy ang boss niya. Napangingiti si Sarah habang naglalakad palabas ng opisina nito.
“Salamat naman hindi ako naalis sa trabaho. Problema nga lang stay in na ako sa bahay niya,”
PAGKABABA ng tricycle ay napansin si Sarah na maraming tao sa harapan ng bahay nila.
“Anong nangyari?” tanong niya habang hinahawi ang mga taong nakaharang sa daraanan niya.
“Ang Nanay mo, Sarah, inatake sa puso! May pumuntang lalaki dito kanina tapos nagtalo sila.” Sabi ng isang kapitbahay nilang babae.
Kumuyom ang kanyang mga kamao. Malamang si Tiyo Nonoy iyon naniningil na naman siguro sa utang namin sa kanya. Alam naman niyang wala pa kaming pambayad.
Nakita niya ang kanyang Nanay na nakahandusay sa sahig at tila wala ng buhay. Kaagad niyang nilapitan at hinawakan ang mga kamay nitong nanlalamig. “Tumawag po kayo ng ambulansiya!” utos niya sa mga taong nakikiusyoso. Niyugyog niya ang kanyang ina at tinapik ang pisngi nito. “Nay, gumising po kayo! Nay!” Ngunit hindi man lang ito natinag. Diyos ko! Huwag mo pong kunin ang Nanay ko.
NAKATULALANG nakaupo si Sarah sa upuan malapit sa pinto ng operating room, hinihintay nila ang paglabas ng doktor na tumingin sa Nanay niya. Sumama sa ospital ang kaibigan niyang si Gretchen. Hindi niya mapigilang umiyak. Ang malas ng araw ko ngayon. Hindi niya mapigilang sabihin sa sarili.
Inakbayan ako ng kaibigan ko. “Magiging maayos rin ang Nanay mo. Huwag kang negative diyan.” Pagpapanatag nito sa akin.
“Paano kapag iniwan na ako ni Nanay wala na akong kasama sa buhay. Siya lang naman ang lakas ko kaya ako nagpupursigi sa buhay. ‘Tapos kukunin pa siya ng diyos sa akin? Nasaan ang hustisya doon.” Naghihinanakit na litanya niya sa kaibigan.
“Ano ka ba huwag kang magalit sa diyos. Isipin mong gagaling ang Nanay mo, hindi ’yang negatibo ang iniisip mo. Narito naman kaming mga kaibigan mo at hindi ka namin iiwan,” naiyak na rin ang kaibigan niya. “Hayan tuloy naiyak na ako,” dagdag pa nito.
“Sino ba dito ang anak ng pasyente?” tanong ng doktor nang lumabas mula sa operating room.
Tumayo ako. “Ako po ang anak ng pasyente.” Sabi ko. “Kumusta na ho ang Nanay ko?” dagdag na tanong ko sa doktor.
Malungkot na tiningnan ako ng doktor. Kinabahan ako. “Nagkaroon siya ng heart attack, hija. Tatapatin na kita hindi na maganda ang kalagayan ng Nanay mo. We require a heart operation for her. Malaking halaga ang kakailanganin sa operasyon, hija na dapat mong paghandaan.” Sabi ng Doktor.
“Magkano ho kaya ang magagastos sa operasyon ng Nanay ko?” tanong niya. Tiningnan niya ako na parang pinag-iisipan kung sasabihin niya ba o hindi.
“One million pesos ang magiging cost sa operasyon ng Nanay mo. We will do the operation as soon as possible. Maiiwan ko na muna kayo,” paalam ng doktor.
Nanghihinang naupo siya sa upuan. Hindi siya makapaniwala kung gaano kalaking halaga ang kakailanganin para sa operasyon ng kanyang ina.
Napasuklay siya sa kanyang buhok. “Problema ko pa ngayon kung saan ako kukuha ng pera para sa operasyon ni Nanay.
Napakalaking halaga niyon!” Gulong-gulo ang isipan niya. Problema pa niya ang bayarin sa pag-stay ng kanyang ina sa ospital.
“Pasensya ka na, Sarah, wala rin akong pera. Ang maibibigay ko lang sa iyo ay isang daang piso. Pero hayaan mo tutulong ako sa paghahanap ng mauutangan mo, ” sabi ng kaibigan. Nangilid ang mga luha niya. Walang-wala pa naman sila dahil sapat lang ang pera niya para sa pagkain nila sa araw-araw, hanggang sa sumahod uli siya.
Diyos ko bakit mo ba ako pinaparusahan ng ganito? May nagawa ba akong kasalanan sa inyo?