BUMANGON si Sarah sa hinihigaan nitong kama. Malabo ang tinging iminulat ang mga mata.
“Anak, tanghali na bakit nasa higaan ka pa? Wala ka bang pasok ngayon?” narinig niyang sabi ng kanyang ina nang pumasok sa maliit niyang silid na ang harang lang ay manipis na kurtinang nangungupas na.
“Ano’ng oras na po ba, Nay?” tanong niya rito. Nag-inat pa siya ng dalawang braso at naghikab.
“Quarter to 6 na, anak.” Nag-hang ang mga braso niyang nakataas sa ere. Nanlaki ang mga mata sa sinabi ng kanyang ina. Naibaba niya tuloy ang mga braso at nagmamadaling bumaba sa kama niya.
Kinuha niya muna sa ilalim ng unan ang cellphone bago lumabas ng silid. Napalatak siya dahil lowbat ang cell phone nang tingnan niya ito. Kinuha niya ang tuwalyang nakasabit sa sampayan na nasa likurang bahagi ng kanilang bahay at agad pumasok sa maliit nilang banyo.
MABILIS ang paglalakad na ginawa ni Sarah upang makarating sa istasyon ng tren patungo sa pinagtatrabahuan niyang kompanya. Ito lang kasi ang paraan upang makatipid siya sa pamasahe. Kung sasakay pa siya ng jeep ay aabutin nang ilang oras sa biyahe dahil sa sobrang traffic. Hindi lang kasi isang sakay ang gagawin niya kundi dalawang sakayan. Hindi naman kasi diretso ang biyahe ng jeep na sasakyan mula sa bahay niya patungo sa building kung saan siya nagtatrabaho bilang Janitress. Sa tren, isang sakay lang at lalakarin na lang niya patungo doon.
Hingal kabayong narating niya ang terminal ng tren dahil sa paglalakad nang mabilis. Kaagad siyang pumasok sa loob ng terminal ng tren at bumili ng ticket. ’Buti na lang walang pila kung kaya nakabili siya agad ng ticket. Binayaran niya ang ticket at kinuha agad iyon.
“Sarah! Sarah!” Napalingon siya sa taong tumatawag sa kanya. Si Kevin lang pala. Ito ang kapitbahay niyang masugid na manliligaw.
“Mukhang hingal na hingal ka, ah?” sabi nito nang makalapit sa kanya.
Napahawak pa siya sa dibdib. “Oo, eh, tinanghali kasi ako ng gising. Lowbat pala cell phone ko dahil hindi ko nai-charge kagabi,” sabi niya habang habol-habol ang paghinga.
Naglakad na sila patungo sa collector ng ticket. Ibinigay na nila ang ticket at pumasok sa loob ng tren. Inalalayan pa niya siyang makaupo at si Kevin naman ang nanatiling nakatayo sa harapan niya. Napuno na ‘agad ang tren ilang minuto palang ang nakalilipas mula nang makaupo siya. Expected na niyang ganitong scenario dahil araw-araw na ganito ang nangyayari. Kapag ganitong alas-sais nang umaga ay maraming pasahero ang sumasakay dahil kagaya niya ay nagtitipid rin sa pamasahe. Mas makakamenos ka nga naman ikompara sa pagsakay ng jeep.
“Okay, ka lang diyan?” tanong niya kay Kevin na mukhang nahihirapan na sa pagkakatayo dahil wala na siyang mahawakang iba kundi ang kakapiranggot na natitira sa hinawahakan nitong bakal na maraming kamay na nakahawak.
Napangiti si Kevin sa kanya. “Oo naman basta nakikita kita ayos na ako.” Makahulugang wika nito. Napalabi siya sa biro nito. Kahit ilang beses na itong na-basted ay tuloy pa rin ang panliligaw nito sa kanya. Sa katunayan tinapat na niya ang lalaki noon pa man na hanggang kaibigan lang ang nararamdaman niya sa lalaki. Wala pa sa isipan niya ang magkaroon ng nobyo. Mas priority niya kasi ang kanyang ina na may sakit at higit sa lahat ang kakainin nila araw-araw.
Napanguso siya. “Ikaw talaga,”ang tanging na sabi niya. Halos iharang na ni Kevin sa mga taong napapalapit sa kanya ang katawan nito huwag lang akong mahirapan-siya naman itong nahihirapan. Natapos ang kalbaryo niya sa loob ng tren, nakababa silang paraeho ng maayos kahit nagtutulakan na ang mga tao.
“Salamat, ingat ka!” Pasasalamat niya at nagpaalam na rin sa kanya sa pamamagitan ng pagkaway ng kamay. Sa ibang daan ang kompanya na pinagtatrabahuan nito at siya naman ay sa kabilang street.
Guwapo naman sana si Kevin at mabuting tao pero hanggang kaibigan lang ang nararamdaman niya para sa kanya. Kaya kung minsan ay nakararamdam siya ng konsensiya sa ipinapakita niyang kabaitan sa kanya-sa kanila ng Nanay niya.
“Hi Kuya Guard!” bati niya sa guard na nasa harap ng entrance ng building. Nginitian niya at ikinaway ang kanan kamay.
“Tanghali ka na yata, Princess Sarah,” birong sabi ni kuya Guard habang nakangiti. Natawa siya sa tinawag niya sa kanyang ‘Princess Sarah’.
“Tinanghali po kasi ako ng gising. Meron pa naman po akong labinlimang minuto sa oras ko kaya hindi pa ako late,” sabi niya. Maaga kasi siyang pumapasok kaya hindi sanay si Kuya Guard na late siyng pumasok ngayon.
“Sige po, Kuya.” Paalam niya sa kanya.
Pagpasok niya nang building tinakbo niya kaagad ang papasarang pinto ng elevator. Halos mabunggo niya ang taong nasa loob sa sobrang pagmamadaling makapasok sa loob. Pinindot niya ang button patungong floor na pupuntahan at saka pumuwesto sa dulo.
“Sorry po!”hinging paumanhin niya sa taong nabangga nang nakapuwesto na siya sa bandang sulok. Hingal na hingal siya sa sobrang pagod dahil sa pagmamadaling maglakad.
My god! Kanina pa ako tumatakbo magmula sa PNR hanggang dito sa pagsakay ng elevator. Mukha na akong haggard at hindi na fresh ang hitsura ko. Kaliligo ko lang pero parang hindi ako naligo ng isang araw. Aniya sa isipan niya. Napatingin siya sa harapan. Likod lang ng lalaki ang nakikita niya. Nakasuot ito ng itim na suit. Bumaba pa ang tingin niya sa sapatos ng lalaki. Balat na kulay itim at makintab ang sapatos nito. Mukhang mamahalin.
Napatingin naman siya sa rubber shoes na may kalumaan na. Mukhang malapit nang bumigay ang sapatos niya dahil bumubuka na ang harapan nito. Mukhang mataas ang katungkulan ng lalaking nasa harapan niya. Napakagat-labi siya habang nakayuko dahil nakaramdam siya bigla ng hiya. Nabangga ko kasi siya kanina.
Bumukas ang pinto ng elevator hudyat na nasa floor na siya nang pupuntahan. Nag-excuse muna siya sa taong nasa harapan nang bumukas ang elevator. Gumilid naman ito. Hindi niya maiwasang mapalingon habang papasara ang elevator. Nanlaki ang mga mata nang makilala niya kung sino ang kasama niya sa loob ng elevator. Walang iba ang may-ari ng pinagtatrabahuan niya. Si Mr. Javier Hermano, ang CEO. Nang makarating ako sa opisina ng supervisor niya ay agad siyang pumasok.
“Mabuti naman nakaabot ka sa trabaho at hindi ka late.” Sabi ng supervisor niyang masungit. Ewan niya ba kung bakit mainit ang dugo ng Supervisor sa kanya, kahit noong baguhan pa siya ganito ang trato nito sa kanya.
“Sorry po, Ma'am,” hinging paumanhin niya kahit hindi dapat ginagawa dahil hindi pa naman siya late.
Pumunta na siya sa stock room kung saan naroon ang basahan at panlampaso ng sahig na gagamitin niya. Isinuot niya na rin ang apron at inilagay sa bulsa ang mga kakailanganing basahan sa paglilinis ng mga salamin at lamesa.
Una kong lilinisin ang floor ng CEO. Bago ako lumabas ng elevator ay huminga muna ako ng pagkalalim-lalim-kasing lalim ng Pacific Ocean. Kapag narito kasi siya sa area ni Mr. CEO grabe ang bilis ng t***k ng kanyang puso, parang may concert lang. Ano ba itong pinag-iisip ko. Concert talaga?
Sinimulang na niyang lampasuhin ang sahig. Naglagay siya ng malaking sinage sa nalampaso niyang area para hindi doon dumaan ang mga taong mapapadaan sa area na ito. Habang naglilinis nakarinig siya ng pagsigaw.
“Ahhh!” Napalingon siya. Nanlaki ang kanyang mga mata. Nakita niyang nakaupo sa sahig ang babae kung saan siya naglalampaso kanina. Napakagat-labi siya nang makita ang hitsura ng babae. Puti pa naman ang kulay ng dress.
Ewan ko ba, naturingang mayaman hindi nagbabasa ng signage. Ang laki kaya ng letter na nakalagay sa signage. CAUTION WET FLOOR. 'Tapos may drawing pang taong nadulas.
“Ma'am, sorry po,” hinging paumanhin niya kahit ang babae naman ang may kasalanan. Ang laki ng daanan doon pa sa madulas na bahagi dumaan. Tinabig ng babae ang kamay niya nang tutulungan sana niyang tumayo.
“Get off your filthty hands on me. You are so kadiri!” mataray na sabi nito. Biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Mr. CEO. Parang gustong tumakbo palayo ni Sarah. Nakasalubong ang mga kilay ng boss niya habang nakatingin sa kanila ng babae. Kinabahan siya.
“What happened to you?” tanong nito sa babaeng nakasalampak sa sahig. Bakit itinanong niya pa, obvious naman na nadulas ang babae. Ang mga mayayaman nga naman. Biglang umiyak ang babae. Medyo tumaas ang kilay niya sa inasta ng babae. Bakit kaninang nadulas hindi siya umiyak? Ngayong narito ang CEO saka siya umiyak? Late reaction?
“Look at what she did to me! She stained my expensive dress!” Sumbong ng babae sa boss niya habang kunwari umiiyak.
Ano naman ang ginawa ko? Naglilinis lang ako dito at hindi ko na kasalanan kung nadulas siya. May sinage naman akong inilagay, pagkalaki-laki. Hindi yata uso sa kanya ang magbasa ang babaeng ito. Alam naman niyang basa ang floor doon pa dumaan.
Tinulungang tumayo ni Mr. CEO ang babae. Kapagkuwan ay humarap sa kanya si Mr. CEO. Kunot na kunot ang noo at matatalim ang mga titig nito sa akin. Napayuko na lang siya dahil sa takot at nagsimula na siyng makaramdam ng nerbyos.
‘Diyos ko huwag naman sana niya akong alisin sa trabaho. Kailangan ko ang trabahong ito.’ Piping dasal niya.