Episode 3

1458 Words
“AKO na muna magbabantay sa Nanay mo,” presinta ni Kevin nang dumalaw siya sa ospital. Dalawang araw ng naka-confine si Nanay. Nahihiya na si Sarah sa kaibigan dahil pinahiraman niya siya ng kaunting pera. Imbes na magamit niya pa ito sa kanila- sa kanya pa ang bagsak. “Nakahihiya na sa iyo, Kevin. Pinahiraman mo na nga ako ng pera mag-volunteer ka pang magbantay sa Nanay ko,” “Wala naman akong pasok ngayon at hanggang bukas kaya may oras akong bantayan ang Nanay mo. Kaya pumasok ka na para hindi mabawasan ang suweldo mo, sayang pa iyon.” Pagpupumilit nito. Napangiti siya at saka ginagap ang mga kamay nito. “Salamat, Kevin. Sa kabila ng pagba-basted ko sa iyo nandito ka pa rin para tulungan ako - kami ni Nanay. Hindi mo naman kami kargo para aksayahin ang panahon mo sa amin,” madamdamin niyang wika sa kanya. Ngumiti si Kevin. Mas naging guwapo siya kapag ngumingiti. Napakabuti niyang anak at kapatid kahit hindi man kadugo ang pamilyang nakagisnan niya ay minahal niya ang mga ito. Kahit hindi maganda ang naging trato nila sa kanya. “Pamilya na rin ang turing ko sa inyo at naging mabuti kayo sa akin, lalo na ang Nanay mo. Itinuring niya akong parang tunay niyang anak,” aniya. Napakabuti ng kanyang Nanay kahit sa ibang tao. Tumutulong kahit kapos rin sa pera. Kaya mahal na mahal niya ang kanyang ina. Hindi niya kayang mawala ang kanyang ina. Wala na nga ang kanyang Tatay pati ba naman ito? “Dont' worry everything will be okay.” Umurong ang mga luha niya dahil sa sinabi ni Kevin. Bigla siyang natawa. “Aba, umi-ingles ka, ah?” birong sabi niya. Napakamot ng batok si Kevin. Napangiti rin siya. “Kapag ganitong drama ang usapan, hindi ko maiwasang mag-ingles,” natatawang sabi nito. Napailing sa kalokohan niya ang kaibigan. “Masaya ako at nakangingiti ka na. Ayokong nakikita kang malungkot, Sarah,” aniya. “Salamat, dahil kahit ang bigat ng nararamdaman ko ay kaya mo akong mapangiti sa simpleng joke mo lang,” NGAYON ang unang araw ng pagtatrabaho niya bilang kasambahay ni Mr. Javier Hermano. Dinala na niya ang mga gamit niya dahil dito na siya titira magmula sa araw na ito. Nasa akin na rin ang susi na ibinigay nito sa akin kanina nang dumaan ako sa opisina niya. Gusto niya ngang mapanganga nang makapasok sa loob ng bakuran ni Sir Javier. Ang lawak ng bakuran tapos ang laki pa ng bahay niya. Sobrang ganda at mukhang mahihirapan siya sa paglilinis. Unlike sa building na pinagtatrabahuan niya ay may area lang na nakatoka sa kanya. Dahil hindi lang naman siya ang naglilinis doon. Sampo silang naglilinis sa opisina. Pagkabukas palang ng pinto ng bahay ay parang gusto niyang mahimatay. Napakagulo ng buong bahay at tila may magnanakaw na nakapasok. Ang mga upuan ay wala na sa ayos. Alikabok ang nasa ibabaw ng mga mamahaling gamit. Puwede nang pagsulatan ng pangalan. Dahan-dahan niyang isinarado ang pinto. Naglakad siya habang nakatingin sa sala at pumamaywang. “Diyos ko! Ang kalat naman ng bahay ni Sir Hermano. Ang ganda sa labas pero sa loob nakakadismaya. Hindi yata tinitirhan ni Sir itong malaking bahay niya?” kausap niya sa kanyang sarili habang nakatingin sa sala. Nakapamaywang. Iniwan ko muna ang sala at naglakad papunta sa kusina. Pinuntahan niya ang maids quarter na tutulugan. Ayon kay Sir Javier malapit lang daw iyon sa kitchen area. Nakita niya agad ang maids quarter malapit sa bathroom. Napakalaki nitong bahay pero walang nakatira. Parang puwedeng tumira dito ang sampong tao o higit pa dahil sa lawak. Binuksan niya ang magiging silid. Napanganga siya sa nakita. Napasuklay tuloy siya sa buhok. “Grabe naman ito paano ako makakatapos ng paglilinis kung pati sa magiging silid ko ay kailangan ko ring linisin,” napakamot siya sa leeg. Napaka-alikabok ng silid at maraming sapot ng gagamba. Ang katre na hihigaan niya ay nasa gilid at nakatumba. May mga karton na nakatambak sa sulok. Napabuntong-hininga siya nang malalim. Hindi niya alam kung dito magsisimula o sa sala. Nagpasya na lang siyang dito muna dahil tutulugan naman niya ito at hindi sa sala. Kumuha siya ng timba at nilagyan iyon ng tubig. Naghanap siya ng basahan at nakakita sa nakatambak na karton na may damit na luma na. Damit ito siguro ng mga naging katulong dito na iniwan na lang nila. Mukhang ayos pa ang iba at iba naman ay puwede ng gawing basahan. Lalabhan niya na lang ang matitinong damit. Sinimulan na niyang maglinis. NAPAHIGA si Sarah sa malambot na kama dahil sa matinding pagod sa paglilinis ng buong bahay. Sa wakas nalinisan niya na rin. Wala na sigurong mairereklamo ang boss niya dahil bukod sa malinis na mabango pa. Grabe ang pagod ko sa paglilinis. Dahil sa sobrang pagod hindi ko namalayan nakatulog na ako sa kama ng kanyang amo. NAGPASYANG pumunta sa kanyang mansyon si Javier upang tingnan ang trabaho ng kanyang bagong katulong. Matagal na rin na hindi natitirhan ang bahay na iyon. Kung maayos baka doon na ako uuwi. Tutal may kasama na siya sa bahay. “Hey, can I come with you?” tanong ni Marga sa kanya. “No, you won't be able to. I'm heading to my previous home. I-check ko lang kung nalinisan ng maayos ng nakuha kong katulong ang bahay ko,” “Akala ko ba ibinenta mo na iyon? Don't tell me you're going to keep that house as a memory to your ex-wife.” Nakasimangot na turan nito. Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Bakit kailangan niya pang banggitin ang dati niyang asawa na iniwan lang naman siya dahil sumama sa ibang lalaki. “That house are from my grandmother hindi sa dati kong asawa. Wala kang pakialam kung hindi ko pa ibinenta ang bahay na iyon." Inis na turan niya sa kanya. Tinalikuran na niya ito dahil sa inis. Akala mo naman may relasyon kami kung sabihan niya ako. She's just a friend of mine. Hindi na niya nilingon kahit tinatawag siya ng kaibigan. Sumakay na siya agad sa sasakyan. Within half an hour nakarating na siya sa bahay ng matiwasay dahil walang traffic. It's already 9:00 PM kaya wala ng masyadong traffic sa daan. Napakunot-noo si Javier nang makitang madilim ang buong kabahayan. Naningkit ang mga mata niya. I told her na i-on niya ang ilaw dito sa labas kapag gumabi na. Napailing siya. Hindi sumusunod sa bilin niya. Binuksan niya ang ilaw sa loob ng bahay nang makapasok sa loob. Pagkabukas ng ilaw ay tumambad sa kanya ang malinis na sala at nasa wastong puwesto na. Unlike before parang may naghalungkat ng kagamitan sa sobrang gulo. Hindi na kasi nalilinisan magmula noong pinalayas niya ang huling naging katulong ko dahil hindi maayos ang trabaho nito. Nagpunta siya sa kusina. Maayos na rin at nasa tamang puwesto na ang lamesa at mga upuan. Pinuntahan niya si Sarah sa silid nito - sa maid's quarter. Kinatok niya ng malakas ang pinto. Nakailang katok siya ngunit walang sumasagot. Nagpasya siyang pihitin ang door knob - hindi naman pala naka-lock. Nagtaka siya dahil walang tao sa silid nito. Saan naman kaya natulog ang babaeng iyon? Bilin ko sa kanya na sa maid’s quarter ang tutulugan niya at hindi sa ibang silid. Pinuntahan niya na lang sa itaas baka doon natulog ang babaeng ‘yon. Una niyang in-open ang silid niya. Naningkit ang mga mata niya nang makita ang katulong niyang nakahiga sa kanyang kama! Gigisingin na sana niya nang hindi sinasadyang napatitig sa mukha nito. Nabato balani siya sa simple nitong ganda. Ipinilig niya ang ulo. Hindi dapat siya nakararamdam ng pagkagusto sa mga babae. Lahat ng babae ay pare-parehong manloloko! Tinapik niya ang balikat nito ng malakas. Napabalikwas ng bangon si Sarah. Disoriented pa ang kanyang hitsura. Para siyang sinabunutan dahil sa magulo ang kanyang buhok. Nagpahid pa ng laway sa kanyang mga labi na ikinangiwi niya. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siyang nasa harapan nito. Sumalubong ang kanyang mga kilay. “Naku, Sir, pasensiya na po dito ako nakatulog. Sobrang napagod po kasi ako sa paglilinis kanina.” Paliwanag nito sa kanya. Napatingin siya sa bedsheet may bakas pa ng tulo ng laway nito. Mas lalong sumalubong ang mga kilay niya. “Palitan mo ‘yang bedsheet ko dahil nilawayan mo na! I told you sleep in the maid's quarter not here on my bed!” Bulyaw niya. “Pagkatapos mo diyan magluto ka na ng hapunan ko,” dagdag niyang utos rito. Pinaiinit niya ang ulo ko! Simpleng mga instructions hindi pa niya magawa! “You're disgusting!” Napayuko na lang ito sa sinabi niya. Ang ayaw niya sa lahat ay hindi sumusunod sa patakaran at hindi nakaiintindi!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD