KABANATA 8

1046 Words
"S-sino po kayo?" Takang tanong ni mico. Kumalas ito ng pagkakayakap at muling tumingin sa kanya. "Mico anak, Ako 'to Ang mama camela mo." Pakilala ni camela na Umiiyak habang hinahawakan Ang magkabilang pisngi ng anak na si mico. Napakalaki na pala ni Mico at napakaguwapong Bata ito. Noong naiwan Niya ito ay batang Bata pa ito noon. "A-ano po? Ka-kayo Ang mama ko?" Di makapaniwalang ulit ni Mico. "Oo, Anak ako 'to, Ang iyong Ina, Buhay ako!" Wika ni camela at patuloy Ang pag-agos ng mga luha sa mga mata. "Sino yan apo?" Tanong ni Lola solesa.ang Ina ni camela. Sumunod pala ito Kay mico. Namangha ito nang Makita Ang anak na si camela. "Camela Anak, Ikaw ba 'yan?"gulat na Sabi ni solesa. "Mama oo, Ako 'to, Buhay ako!"sagot ni camela. "Naku anak Buhay ka pa pala!" Tuwang- tuwa si Aling solesa at niyakap Ang anak. "Mico, Siya Ang mama camela mo, Hindi mo na ba Siya matatandaan?" Ani solesa sa apo. Doon ni Mico niyakap ng mahigpit Ang inang si camela. "Mama camela!" Sambit ni Mico na Hindi na nahiyang umiiyak ng Todo dahil sa sobrang kaligayahang nadarama sa Oras na iyon. Buhay pala Ang kanyang Ina At laking pasasalamat Niya sa maykapal na kinaawaan Siya nito. Nag-iiyakan ng matagal Ang mag-inang Mico at camela. "Kukunin ko kayo dito anak, Babalik Tayo ng maynila at Doon na Tayo maninirahan at magkakasama habang Buhay, Kayo ng Lolo't Lola mo." Sabi ni camela sa anak. "Hindi na kayo magpakahirap pa ni itay 'nay, Bibigyan ko kayo ng magandang Buhay roon. At ikaw anak, Kahit may ibang pamilya na Ang papa Brent mo Hindi parin Tayo maghihirap at mabibigyan parin kita ng magandang kinabukasan." Mahabang Sabi ni camela sa anak at sa kanyang inang matanda na. Mababakas sa Mukha ng binatilyong si mico Ang sobrang kaligayahan ng mga sandaling iyon mararanasan na niya talaga Ang pagmamahal at pag aaruga ng Isang Ina. Dinala nga ni camela Ang anak na si mico pabalik ng maynila sa Lugar ng Makati City Kasama Ang kanyang mga magulang. At Doon sila titira sa malaking bahay na pag aari na niya. Nababalitaaan naman ni Brent na naroon na Ang kanyang anak na si mico sa poder ng asawang si camela. Hindi pweding ganoon-ganoon nalang na isusuko Niya Ang kanyang tunay na pamilya. Kaya naiisip niyang pupuntahan at dadalawin Ang kanyang mag Ina. "Saan ka pupunta?" Salubong ni Gretha Kay Brent. "Okay, Sasabihin ko sa'yo Gretha, Pupuntahan ko Ang asawa't anak ko, Kaya please lang huwag mo na akong harangan.." Kalmadong wika ni brent. Magsalubong Ang mga kilay ni Gretha. "Gano'n nalang iyon kadali ha, Brent? Paano kami ni greggy? Basta mo nalang ba kaming ibabasura? Iyon Ang Hindi ko mapapayagan!" Nagsisimula nanaman Ang pagtatalo nila ni Gretha. "Anak ko si greggy at Hindi ko Siya pweding tatalikuran at sana Gretha maunawaan mo Ang sitwasyon namin ni camela, Mahal ko Ang una Kong Asawa kaya hayaan mo nalang kami!" Di na napipigilang salita ni Brent. "Hayop ka Brent!" Ani Gretha sabay sampal nanaman nito Kay Brent. "Sobra na Ang pa nanakit mo ng damdamin ko!" Gigil na dagdag ni Gretha dahil sa galit. "Pero mas nasasaktan si camela Gretha!" Giit ni brent. At nagmamadaling tinalikuran si Gretha. Nakita at narinig naman ni madam Brenda Dew Chavez Ang muling pag away ng anak at ng pangalawang Asawa. Kaya lumapit Naman ito. "Brent! Bumalik ka dito!" Sigaw na rin ni Brenda sa anak. Ngunit di na napipigilang pa si Brent at umalis talaga ito. Nang tingnan ni madam Brenda si Gretha ay matalim itong nakatingin sa kanya. "Mama Brenda, Masyado na talagang sinasaktan ako ni Brent. Akala niya siguro ay Basta basta Niya nalang akong ipagtatabuyan." Ani Gretha at lumalapit ito kay brenda. "Huwag kang mag alala Gretha, Hindi ko hahayaang babalikan ng anak ko si camela.." Sagot ni Brenda. Biglang sumilay Ang mga ngiti sa labi ni Gretha. "Siguraduhin mo lang mama na ako parin ang kakampihan mo dahil alam mo na na alam ko Ang tinatago mong baho." Sabi ni Gretha Kay sa byenang hilaw. "Gretha!" Ani madam Brenda na nanlaki Ang mga mata. "Yes mama, Kaya humanap ka nanaman ng paraan para muling mawala si camela. Isang katulong Naman Nina camela Ang nakabukas ng gate nang magdoor bell si Brent sa malaking bahay na ipinamana ni Ferdinand Kay camela. "Magandang Araw sa'yo Manang.." Pagbibigay galang ni Brent sa may edad na katulong nina camela. "Magandang Araw din sa'yo sir, May kailangan ba kayo?" Tanong ng katulong na si Aling minda. "Asawa Po ako ni camela, Nandiyan ba Siya at Ang aming anak na si mico?" Deretsong Sabi at pakilala ni Brent. Saglit pang natigilan Ang katulong ngunit pinapapasok naman siya kaagad. Nadatnan ni Brent na masayang nagku- kuwentuhan Ang kanyang asawa't anak. Naroon din pala Ang mga magulang ni camela na sina aling solesa at mang pablo. Pati si naneth, Ang alalay dati ni camela na ngayon ay binigyan ni camela ng magandang trabaho ito Ang Pina ma-manage ni camela sa Isa niyang negosyo. Malaki Ang utang na loob Niya rito, Hindi Siya pinababayaan nito sa panahong kinakailangan niya ng tulong. "Ma'am, May bisita kayo, Sabi Niya Asawa mo raw Siya." Ang Sabi ng katulong. Natahimik Ang lahat nang Makita Ang pagdating at pagpasok ni Brent De Chavez. "Papa Brent.." Mahinang bigkas ni Mico sa pangalan ng ama. "Nay, Tay, Magandang Araw sainyo, Nandito pala kayo.." Ang Sabi pa ni Brent na nagbibigay galang sa mga magulang ni camela. "Magandang Araw din Brent.." Halos magkasabay na sagot ng mga magulang ni camela. Iniwan Nina naneth, At ng mga magulang ni camela Ang tatlo na sina camela, Brent at Ang anak ng mga ito na si mico para magkakausap ng maayos. "Mico anak,kumusta kana? Mabuti naman at sumama ka sa mama camela mo pauwi sa ating lugar." Ang Sabi ni Brent sa anak. "BAkit naman Hindi ako sasama? Matagal ko nang pinangarap Ang mama ko, Para maramdaman ko naman Ang pagmamahal ng Isang ina. At kayo po, Kung talagang mahal mo ako bakit Hindi mo pinahahalagahan Ang damdamin ko na huwag masaktan papa.." Mahabang sagot ni Mico sa ama. Habang si camela ay nanatiling nakikinig lang. "Bakit nasabi mo 'yan anak? Mahal kita anak, Mico." Malungkot na Sabi ni Brent sa anak .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD