"Kung ano man Ang iniisip mo nagkamali ka anak, Mahalaga ka sa amin ng Lola Brenda mo at mahal na mahal ka namin. Aaminin ko Minsan nagkakamali at nasasaktan kita, Ngayon ko lang na realized na nakikinig ako Kay Gretha. Sorry kung nasasaktan kita, Alam ng panginoon na sobra Ang pag alala ko sa'yo." Mahabang dagdag na Sabi ni Brent sa anak.
"Pero patawad din Po papa, Hindi na ako uuwi sa mansion, Masaya na ako dito na Kasama Ang mama camela ko. Mahal na mahal ako ng aking Ina, Hindi tulad sa Asawa mo ngayon na lagi siyang galit sa akin at pa sekreto Niya ako noong kinukurot kapag wala ka, At ngayon sisinghalan at pagbibintangan ng mga kasalanang Hindi ko ginawa. Kaya ayoko na sa impyernong buhay na Kasama kayo ng pangalawang mong Asawa." Mahabang Sabi ulit ni Mico.
"Anak, Sino bang may Sabi sa 'yong papayag ako at hahayaan Kong muli na babalik ka sa poder ng papa mo? Hindi kaya ng ama mo na ipagtanggol ka Mula sa tigreng Asawa Niya ngayon."
Sabad naman ni camela sa usapan.
Napatingin sa kanya Ang asawang si Brent at si mico naman ay mahina Ang boses na nagpaalam sa kanyang mga magulang at pumasok na ito sa sariling kuwarto.
At napagsolo sila ng asawang si Brent.
"Narinig mo na Ang mga sinasabi ng anak mo? Ayaw na niyang babalik sa poder mo dahil sa Asawa mo at ngayon ano pang kailangan mo brent? puwedi ka nang umalis." Pagtataboy ni camela rito.
Kahit masakit para sa kanya na ipagtabuyan ito pero kailangan Niya iyong gagawin, Gusto na niyang tahimik na Buhay Kasama Ang kanyang anak.
"Kahit ipagtatabuyan mo pa ako ng ilang beses babalik at babalik parin ako dito, Dahil kayo Ang tunay Kong pamilya.." Matatag na Sabi ni Brent at nakikipagsukatan ng tingin sa kanya.
"Anong Sabi mo? Mr. Brent De Chavez ayoko nang magulong buhay.." Mahinang sambit ni camela na may tonong pagkainis.
"You Stopped calling me that camela.." Kalmadong wika ni Brent na Ang tinutukoy ay Ang pagtawag Niya rito ng pormal sa pangalan.
Halata rin Ang pagkainis nito sa Mukha na kung makatawag Siya ay para itong ibang tao.
"Okay, 'brent'.." Seryosong ulit Niya.
"Alam mo, Ang hirap sa 'yo ehh, Ako na nga itong gi-give up at magpa kumbaba tapos gugulohin mo pa." Sabi ni camela na pinipigilang mapaiyak sa harap ng Asawa.
"At bakit I gi-give up mo agad ako? Hahayaan mo nalang ba ako Kay Gretha?" Ang Sabi naman ni Brent na tinititigan siya sa mukha.
Para naman siyang nailang sa paraan ng pagtitig ng Asawa sa kanya.
"Bakit Hindi? Pinakasalan mo nga Siya at nagkaanak kayo, Tapos ngayon gusto mong ipaglaban pa kita? Tapos na Ang lahat ng kuwento sa atin Brent!" Napataas na naman Ang boses na wika Niya sabay tinalikuran ito.
Ayaw niyang makikita nito Ang mga nagbabantang luha sa kanyang mga mata dahil sa sakit na nararamdaman ng pagkakataong iyon.
"Tama ka, Pinakasalan ko nga si Gretha, Napalapit Ang loob ko sa kanya at napamahal rin siya sa akin pero nang bumalik ka at Makita kitang muli sa beach na Kasama si Ferdinand ay bigla nalang naglaho Ang lahat na pagmamahal ko Kay Gretha at Hindi ko iyun sinasadya, Muling na refresh Ang labis na pagmamahal ko sa'yo at Ang sakit na nararamdaman dulot ng pagkawala mo noon camela." Mahabang wika ni Brent.
"Ayoko nang makinig sa mga sasabihin mo, Huwag mong Gawin yan Kay Gretha dahil nasasaktan Ang anak niyo." Sagot niyang nanatiling nakatalikod rito.
Para Hindi nito makikita Ang tuloyang kumawalang luha sa kanyang mga mata. Nabigla si camela nang bigla nalang siyang hinawakan ni Brent at pinihit paharap rito. Natigilan ito nang makitang umiyak siya.madali Niya iyong pinahid.
"Bakit si Gretha Ang inaalala mo? Bakit, Hindi ka ba nasasaktan sa kalagayan nating ito? Kayong dalawa ni mico?" Nahirapang tanong ni Brent na muli siyang tinitigan sa Mukha.
"Tapos na kaming nasasaktan Brent! Kaya umalis kana." Ani camelang umiwas rito at muli itong tinalikuran.
Nagdilim Ang Mukha ni Brent sa narinig buhat Kay camela.
"At sa tingin mo ba Hindi ako nasasaktan sa pagtataboy mo ngayon sa akin? For God's sake camela, Ilang taon akong naghihintay sa'yo! Lagi akong umaasang Buhay ka pa at babalik ka pa sa Buhay namin ni Mico! Kaya lang sa anim na taong paghihintay at paghahanap ko sa 'yo ay nawalan ako ng pag asa." Patuloy na Sabi ni Brent na parang mapaiyak na rin ngunit halata ang pagpigil nito sa sarili.
Lumingon ritong muli si camela at muling nagsalubong Ang kanilang mga tingin.
"Oo, Hindi ka nakapaghintay sa pagbabalik ko. Pero labis Akong nasasaktan sa tuwing naiisip ko Ang pangako mo sa akin noon, Sabi mo pa noon, Ako lang ang mamahalin mo at Wala nang iba. Sinungaling!" Sumbat ni camela na tuloyan na talagang kumawala Ang lahat na poot sa kanyang dibdib sa kaharap na Asawa.
"Camela sorry sweetheart." Nai-sambit ni Brent.
"Tapos na Ang usapang ito, Kailangan ko nang magpahinga kaya makakauwi kana.." Mahina niyang Sabi rito at tumalikod na talaga ng tuloyan.
Matamlay na naiwang napaupo si Brent sa sofa ng salas kung saan sila nag uusap ni camela. At habang si camela naman ay ibinuhos Ang pag iiyak sa loob ng kanyang kuwarto. Nasasaktan talaga Siya ng sobra Lalo na sa pag uusap nila ngayon ng Asawa at sa pag iwan Niya rito sa salas.
Lasing na lasing si Brent nang makauwi ng mansion. Pag-uwi Niya Mula kanina sa kanyang mag inang camela at Mico ay dumeretso Siya sa kanyang kaibigan si Roland at nakikipag inuman rito. Hindi biro Ang problemang dinadala Niya ngayon kaya sya naglalasing para saglit na makakalimot sa lahat.
"My gosh Brent! Where have you been?Ang lasing-lasing mo!" Ani Gretha at inalalayan si brent.
Oo nga pala, Galing ito Kay camela. Iyon Ang Sabi nito kanina na pupuntahan nito Ang unang Asawa nito nagdilim Ang anyo ni Gretha habang inalalayan Ang Asawa paakyat sa itaas kung saan Ang kuwarto nila.
"Pinagtatabuyan ako ni camela, Ayaw na ng Asawa ko sa akin Gretha ." Sabi pa ni Brent sa lasing na boses.
Halos dumuwal na ito sa kalasingan.
" Puro ka camela, Camela! Baka mapupuno na ako Brent, At mapapatay ko Ang camela na 'yan! Bwesit." Galit na galit na Singhal ni Gretha Kay brent.
Hangga't nakarating sila sa kanilang kuwarto.