KABANATA 7

1248 Words
Napamaang Ang mukhang tiningnan siya ni Brent ng maigi. "K-kung ganoon, Alam mo na-" Hindi iyon natuloy ni Brent dahil dinugtungan na Niya kaagad. "Oo, Alam kona dahil nababalik na Ang lahat ng aking memorya at alam ko na ring may asawa't anak kana ngayon At alam ko na rin na Wala dito Ang anak Kong si mico, Dahil lumayas Ang anak ko.." Ani camela na pinigilan Ang umiyak sa harap ng asawang si Brent. "Camela, Sweetheart,nI'm sorry! Sobrang namimiss kita.." Wika ni Brent at niyakap Siya ng mahigpit nito. Nabigla naman si camela sa pagyakap sa kanya ni Brent kaya naitulak nita ito. "Sweetheart, Bakit? Hindi mo ba ako na mimiss?" Malungkot na tanong ni Brent sa kanya. "Nandito ako para Hindi makipagbalikan at makipag ayos sa'yo Brent, Ibaon mo na sa limot Ang lahat ng mga nakalipas sa atin." Aniyang diniinan Ang pagbigkas ng bawat salita. "But no, Camela!" Protesta ni Brent na tumaas Ang boses. "Are you out of your mind? May pangalawang pamilya kana! Nandito ako para alamin kung nasaan si mico. Sabihin mo kung saan Ang anak ko! Hinayaan mo lang siyang lumayas!" Galit na sumbat ni camela . "Oo, Tama ka. Lumayas nga Ang anak natin, Pero Hindi ko Siya hinayaan, Pinapalipas ko lang Ang sama ng kanyang loob. God knows how I love my son Mico, Nalalaman Kong nandon Siya sa silay sa mga magulang mo kaya paglipas ng Isang Linggo niya roon ay sinundo ko Ang anak natin. Pero ayaw niyang sumama saakin mas gustohin pa niyang manatili roon kahit Hindi ko pinayagan ." Mahabang paliwanag ni Brent sa kanya. "Naging rebelde Ang bata dahil siguro sa Hindi mabuting pagpapasunod niyo, Kayo ng Asawa mo ngayon!" Hindi na talaga napigilang kumawala Ang temper ni camela sa harap ni Brent. "Camela, Please, Huwag tayong mag away. Ang dapat nating gagawin ay ecelebrate Ang iyong pagbabalik sa Buhay namin ni Mico. At pupuntahan natin Ang ating anak para mabuo na tayong muli.." Nagmamakaawang Sabi ni Brent. "Huwag mo na kaming pakialaman ni Mico, Brent. Mag focus kana lang sa asawa't anak mo." Ani camela at napatingin sa batang si greggy na nagpalipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Brent. "Ang tungkol Kay Gretha, Ma- solve din natin ito, Camela please." Patuloy paring Sabi ni brent. Hindi rin nagpahuli si Gretha sa eksena, Nakita ni camela na paparating si Gretha sa kanilang kinaroroonan. "Speaking of the devil, Paparating Ang Asawa mong si gretha." Aniya Kay Brent at inihanda Ang sarili sa susunod na mangyayari. "Well, Well, Well, Umuwi na pala Ang una at nawawalang Asawa mo my dear husband brent." Si Gretha na halata ang galit at ang sobrang pagseselos natiningnan Siya Mula ulo Hanggang paa. "Mommy, Sino po ba Ang magandang babae na kausap ni daddy?" Tanong pa ni greggy. "Gretha please, Huwag kang bastos." Saway kaagad ni Brent Kay Gretha. "Bakit Samantha? Alam mo na ba na ikaw si camela? Kaya nandito kana ngayon at umuwi? Papayag ka lang ba na tayong tatlo ay magkatabi sa iisang silid? At papagitnaan natin si Brent tuwing matutulog?" Sunod-sunod na tanong sa kanya ni Gretha. "Ano ba Gretha." Muling saway ni Brent. "Hayaan mo ako Brent! Tinatanong ko lang Ang una mong Asawa kung okay ba Siya!" Napasinghal nanamang sagot ni gretha. Nag init Ang tainga ni camela sa narinig akala siguro nito ay ganoon nlng siya ka bait para manahimik lang. "Masyado ka namang na o-obsessed sa Asawa nating dalawa Gretha, Para kang aso na inaagawan ng pagkain.." Nanginginsultong sagot Niya rito. Ito pa Ang may ganang nagalit sa kanya ngayon na Siya nga itong masyadong nasasaktan sa sitwasyon. "Son of a b***h!" Pagka Sabi niyon ay sinampal Siya nito ng malakas at nabigla naman Siya sa pagsampal nito kaya mabilis rin niya itong nagantihan ng malakas na pagsampal. Susugurin sana Siya ni Gretha ngunit maagap itong napigilan ni Brent. "Bitawan mo ako Brent!" Nagpupumiglas na sigaw ni gretha. Nag iiyak naman si greggy ng Todo at kinuha ito sa Yaya nito. "Bitawan mo Ang babaeng yan Brent! At ipapakita ko sa kanya kung paano ko ilalampaso 'yang pagmumukha Niya!" Nanggagalaiting sigaw narin ni camela. Akala siguro ni Gretha na magpakumbaba na lang siya rito. No, Hindi iyon pwedi. Patuloy paring nagpupumiglas si Gretha para susugurin ng away si camela, Ngunit hinawakan talaga ito ng mahigpit ni Brent. "Tama na, Tama na Gretha! Nasasakal na talaga ko sa'yo!" Sabi rin ni Brent na mas lalong diniinan Ang paghawak Kay gretha. Kulang nalang at nasampal din ito ni Brent sa mga eskandalong ginawa nanaman nito. "Aray, Ano ba Brent! Nasasaktan ako, Bitawan mo ako!"patuloy parin ni Gretha. "Hindi kaba nahiya sa sarili mo? Sa mga inaasal mo? Hindi ako nagpunta rito para makipag agawan sayo Kay Brent! At Hindi ako umuuwi dito! Nandito ako para hanapin at alamin kung nasaan Ang anak Kong si mico at kung saan Siya lumayas! At ngayong alam ko na kung nasaan Ang anak ko di na ako magtatagal rito Gretha!" Pagkasabi niyon ay tumalikod na kaagad para aalis sa lugar na iyon. "Camela!" Tawag pa ni Brent sa kanya. Muli siyang lumingon Hindi upang sagutin Ang pagtawag ni Brent kundi muli siyang nagsalita at si Brent Ang tiningnan. "Sa susunod Brent, Kakadenahan mo yang Asawa mong pranning!" Sigaw ni camela. susugurin sanang muli ni Gretha si camela ngunit buong pwersa itong kinaladkad ni Brent papasok ng mansion. Samantala... Pagkatapos Naman ni mico nagharvest ng mga gulay ay tulalang nag iisip ito ng malalim. Mahirap Ang pamumuhay ng kanyang Lolo at Lola dito sa silay pero mas gugustohin pa niyang mananatili sa lugar na ito kaysa babalik Siya ng maynila Doon sa poder ng kanyang ama. Napabuntong hiningang patuloy na nag isip si mico. Alam niyang mahal Siya ng kanyang ama pero Minsan mas pinaniniwalaan pa nito Ang kanyang step mother kaya lagi siyang napapagalitan at Minsan ay sinasaktan ng ama. Ang hirap pala talagang Hindi mo na totoong Ina Ang nakakasama ng iyong ama kung nabubuhay lang sana at naroon Ang kanyang Ina ay Hindi sana Niya mararanasan Ang ganitong buhay. Tumulo Ang luha ng binatilyo at simpleng pinahid Niya iyon agad. "Apo? Umiiyak ka na naman ba?" Pansin ng kanyang Lola solesa. "Ay Lola, W-wala po ito." Kaila ni mico. "Nakikita kita apo, Baka nahihirapan kana sa uri ng pagmumuhay namin ng Lolo mo. Hindi ka namin pipigilan kung iiwan mo kami at uuwi ka sa papa mo.mayaman ka at Hindi ka nababagay rito Mico.." Napaluhang wika ng kanyang Lola solesa. Niyakap ni Mico Ang Lola.. "Hindi Po 'la, Dito lang Po ako huwag kayong mag alala saakin okay lang Po ako. Ayoko nang babalik sa papa ko." Ani mico sa Lola at niyakap din ito ng Lola solesa. "Naawa ako sa'yo apo, Wala kana ngang Ina malayo kana rin sa papa mo." Ani Lola solesa. "Okay lang Po ako 'La promise.." Sagot naman ni mico ngunit di napipigilang kumawala nanaman Ang luha sa mga mata. Natigil sila sa pag uusap ng may biglang kumatok sa pintuan. "Baka nandiyan na si Lolo mo Mico ." Ang Sabi ni Lola solesa. "Ako nalang Po Ang magbukas Kay Lolo 'la ." Ang Sabi ni Mico at ngmamadaling binuksan nito Ang pintuan. Natigilan pa si mico ng Hindi Ang Lolo Pablo Niya Ang nabungaran kundi Isang magandang babae na parang nakikita at namumukhaan na niya ito. Nanatiling nagkatinginan sila ng babae at nagtataka Siya ng bigla nalang itong napahikbi sabay niyakap siya ng mahigpit nito. "Mico.." Sambit ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD