KABANATA 2

1998 Words
Hanggang ngayon ay nangangarap pa rin si mico na muling babalik ang kanyang Ina. Kahit iisiping napaka imposibleng mangyari na Angbagau na iyon. "Halika anak Hug Kay mama!" Masayang yakap ni camela sa anak na limang taon. "I love you mama!" Ani mico na masayang-masaya. "I love you so much anak, ikaw ang buhay ko.. kayo ng papa Brent mo.." Ani camela. Iyon ang mga alaalang lahing nagpa- flash back sa isipan ni mico. ang kanyang inang matagal nang nawawala. fresh na fresh pa sa kanyang isipan ang pagmamahal ng kanyang ina noong siya'y nasa limang taong gulang pa lamang. "Kuya Mico.." si greggy iyon, ang batang four years old na kanyang half brother. Bigla nalang itong dumating sa kanyang likuran at nang malingunan ito ay nainis si mico at walang imik na tumayo at akmang tumalikod dahil ayaw niya rito. naiisip niya Kasing mas mahalaga ito para Kay Daddy Brent niya kaysa sa kanya. "Kuya.. bakit 'di mo ako mahal?" Naitanong ng batang si greggy sa kanyang kuya mico habang ito'y nakasunod sa kanya. Natigilan si mico at nilingon ulit ang batang Kapatid. "Huwag ka ngang makulit.." Galit na wika ni Mico sa kapatid. At bigla namang umiyak ng malakas si greggy. Mas lalong nagalit si mico. "Tumahimik ka, hindi kita inaano!" Ani mico na siyang pagdating naman ni Gretha at kaagad na kinarga ang anak at pinagalitan ng Todo si mico. "Ano bang ginagawa mo sa Kapatid mo!? Bakit mo ba pinapatulan yung Bata at sinasaktan!?" Singhal ni Gretha sa binatilyobg si Mico. Nagulat naman si Mico sa tinurang iyon ng kanyang step mother. "Hindi po, hindi ko po Siya sinasaktan.." Depensa ni Mico sa sarili. "Huwag ka nang magkaila pa, kitang- kita ko sa dalawang mata ko ang ginawa mong pananamit sa Kapatid mo! kaya dapat lang na isumbong kita sa ama mo sa ginawa mo!" Asik ni Gretha sa binatilyo. "Hindi po yan totoo, hindi ko sinasaktan si greggy!" Ani mico. Ngunit di na nakinig pa si Gretha at tuloy- tuloy itong nagpunta sa Salas kung saan naroon si Brent at sinumbong at pinagbintangan talaga ni Gretha si mico na sinasaktan ang anak na si greggy. tinuruan din ni Gretha ang walang muwang na anak na sumang- ayon na sinasaktan nga siya ng kuya Mico niya. At agad namang naniwala si Brent sa sinabi ng kanyang pangalawang asawa kaya galit na galit naman ito sa binatilyong anak na si mico.at dahil doon ay muli nitong nasampal ang anak. "Ano bang problema mo ha? bakit ka nananakit Kay greggy? huwag na huwag mo na itong uulitin Mico upang di mauubos Yung pasensya ko sa'yo, naiintindihan mo ba!?" Ani Brent sa binatilyong anak. "Bakit po kayo naniniwala agad Daddy sa asawa po ninyo?" Umiiyak na wika ni Mico. Dahil sa Sama ng loob ni Mico ay lumayas ito sa mansion ng ama na labis namang ipinag- alala Ang naramdaman ni Brent. Kung saan nagpunta ang anak. gayun din si madam Brenda, nag alala ito ng husto sa apo. Sinisisi nito ng lihim ang sarili dahil siya ang dahilan kung bakit naging malungkot ang Buhay ng kanyang apong si mico. Sobrang ikinatuwa naman ni Gretha na wala na ang anak ni Brent kay camela sa mansion ng mga ito. Iyon kasi ang talagang gusto ni Gretha Ang tuloyang mawala Ang anak ni Brent sa unang Asawa nitong nawawala na si Camela. Nalalaman naman nilang naroon pala si mico sa Silay City, sa lugar ng ina nitong si camela at doon ito tumira sa Lolo at Lola nito na ina at ama ni camela. hinayaan nalang muna nina Brent ang anak na si mico na magpapalipas roon ng sama ng loob. Ang importante ay nalaman nilang naroon lang si Mico at safety ito kung saan ito ngayon. Araw ng sabado ay inimbitahan ng mga magulang ni Gretha ang pamilya De Chavez na dumalo sa simpleng party na gaganapin sa isang beach resort na bagong binili ng mga ito. Kaya pinagbigyan naman ng mga magulang ni brent ang pamilya ng second wife. Magkasamang pumunta sina Brent at Gretha sa bagong resort na bagong binili ng mga magulang ng asawa kasama ang Four years old na anak nila at ang yaya ng batang si greggy. Ang mga magulang naman ni Brent ay nauna na ito sa kanila sa nasabing bagong resort ng mga Veneracion at sa salu- salong party nilang iyon ay may inaasahan ding bisitang darating sa araw na iyon Ang Daddy ni Gretha-ang kasosyo nito sa negosyo na si Mr.Ferdinand Leganada. isa itong secret millionaire na business man sa buong pilipinas. Ilang years na rin itong biyudo at ngayon ay may balita nilang may bago na raw itong asawa na nasa thirty plus pa lang ang edad ng babae samantalang ang secret millionaire na ito ay nasa sixty na ang edad nito. Dating nanirahan ang mga ito sa Canada pero ngayon ay tatlong taon na ito sa pilipinas Buhat nang nagbalik ito kasama ang asawa nito. Nasa Isang cottage sila at nakapuwesto na sa Isang mahabang table ang mga nakahandang pagkain. Naroon na ang mga imported wine at ang mga masasarap na menu na inorder mula sa isang sikat na restaurant. Kompleto na silang lahat. naroon na ang mag-asawang madam Brenda at Don Armando De Chavez, ang mag-asawang veneracion na mga magulang ni Gretha na sina Mr. and Mrs. Ramon and Gracelda Veneracion, at sina Brent at gretha naman. Ang tanging hinihintay nila ay si Mr.Ferdinand Leganada na lang at ang asawa nito. Samantalang nililibang naman ng Yaya ang batang si greggy at ito'y ipinasyal- pasyal sa bagong resort na nabili ng mga Veneracion. Di nagtagal ay may isang magarang kotse ang dumating at huminto roon. Dumating na nga ang hinihintay nila, si Mr.Ferdinand Leganada. Lahat Sila ay nakatingin sa naging dating at umibis mula sa kotseng iyon si Mr. Leganada at Kasunod Naman niyon ay ang isang napakagandang babaeng jasama nito! Naka abrisyete pa ito sa braso ng secret millionaire. Kahit distansiya pa ang mga bagong dumating ay nasisiguro nilang napakaganda ng babae Lalo na at nasa malapitan ito. Finally, nang malapit naang mga ito ay nanlaki ang mga mata ni Brent sa nakikita! Pati ang mga magulang ni Brent ay halatang nagulat ang mga reaksyon ng mga ito. Ang Kasama ng business man ay walang iba kundi si camela, Ang dati niyang asawang nawawala dahil sa pagsabog ng eroplanong sinakyan nito! hindi sila pweding magkamali, si camela nga ang kanilang nakikita atnakakaharap ngayon! Nagtaka naman si Gretha sa mga nakikita reaksyon ng mga magulang ni Brent at ng asawang si Brent. Hindi hiniwalayan ng mga tingin ni Brent ang babaeng kamukhang-kamukha ng kanyang asawang nawawala. Malapad Ang pagkakangiti ni Mr. Ferdinand Leganada na nagsasalita. "Good day Mr. Leganada. Thanks you're coming!" Mainit na salubong ni Mr. Ramon Veneracion rito. Malapad ang pagkakangiti ni Mr. Leganada. "Thank you Mr. Veneracion. Bye the way Ladies and Gentlemen, Meet my beautiful and loving wife... Samantha Leganada.." Pakilala ng secret millionaire sa asawa nitong kasama pagkatapos ay umupo agad ito paharap sa kanilang lahat. Ngumiti naman si Samantha sa kanila at mas lalong nagpapaganda rito sa kanilang paningin. "Hello everyone, Nice to meet you all ." mahinhing wika ni samantha at matamis ang mga ngiting muling Ibinigay sa kanila at kaagad na napaupo na rin sa tabi ng asawang secret millionaire. Hindi napigilan ni Brent ang mapatayo. Dahil di siya pweding magkamali- Ang babaeng kaharap nila ngayon na ipinakilalang asawa ng business partner ng ama ni Gretha ay walang iba kundi Ang kanyang nawawalang asawang si Camela! "Camela! Ikaw si camela ang aking nawawalang asawa sampong taon na ang nakalipas!" Disperadang wika ni Brent sa harap ng secret- millionaire na asawa ni samantha. Natigilan Ang lahat na halatang nagulat sa biglang pagtayo ni Brent at sa sinasabi jito. At nagkatinginan ang lahat at natahimik. Tumingin ang Asawa ni Mr. Leganada kay Brent at nagtama ang kanilang mga mata nito. Ito nga si camela! Sa paraan ng pagtingin nito ay ganoon din ito. at kaedad lang din ito ng nawawala niyang asawa, Thirty-two na si camela sa ngayon at ang babaeng ito ay tantiya niya'y nasa thirty plus na rin ito! pero bakit hindi siya kilala ng Asawa? "You're a big mistake, I'm not camela!" Nagugulohang sagot na wika nito at nagtatakang tiningnan siya nito. "No, you're my wife! kilala kita, Hindi ako pweding magkamali ikaw ang aking asawa !" Sobrang napapahiya naman ang mga magulang ni Gretha sa ginawa ni Brent at samantalang ang mga magulang naman ni Brent ay parang natameme ang mga ito at hindi nakapagsalita dahil maging ang mga ito ay nakikita ang malaking pagkakahawig ni Samantha at ng dating asawa ng kanilang anak na si Camela. Galit namang hinila ni Gretha si Brent palayo sa kinaroroonan ng lahat at doon sa malayo sila nagtatalo dahil iginiit talaga ni Brent na si Samantha ay ang kanyang asawang si camela. "Hindi Ako pweding magkamali siya ang Asawa ko Gretha, Siya si Camela!" Mariing wika ni Brent Kay Gretha. Nasampal ni Gretha ng dalawang beses si Brent dahil sa matinding pagseselos na nararamdaman nito sa Oras na iyon kay camela sa katauhan ni Samantha Leganada. "Tumigil ka Brent! bakit Hanggang ngayon ay umaasa ka paring Buhay Ang Asawa mo!? magkamukha lang Sila, tigilan mo Ang pag- iilusyon mong Siya Ang Asawa mong nawawala!" Sunod sunod na sigaw ni Gretha at napaiyak na rin ito dahil nasasaktan saga Oras na iyon. "I'm sorry, pero ramdam kung siya ang Asawa ko, patawad Gretha pero matagal Kong hinahangad Ang pagkakataong ito na muli siyang makikita at muli siyang nagbabalik!" Nahirapang wikang muli ni Brent. Sobrang sakit ng nararamdaman niya ng mga sandaling iyon na nakita nga niyang muli ang kanyang asawa pero hindi naman siya nito nakikilala. Dahil sa eskandalong nangyari ay kaagad na nagpaalam na umuwi sina Mr. Ferdinand Leganada at ang Asawa nitong si Samantha sa mag-asawang Veneracion. Humingi naman ng paumanhin ang mag-asawang Veneracion sa mga ito At ganoon din Ang mga magulang ni Brent. Pagkatapos nakaalis ang mag-asawang Leganada ay umuwi na rin silang. Umuwi sina Brent at Gretha na walang imikan. Para Kay Gretha ay nasisira Ang araw niya dahil sa nangyari kanina. Sa isip baman ni Brent ay hindi siya titigil hanggat hindi niya malalaman ang totoong pagkatao ng asawa ng secret millionaire na si Mr. Ferdinand Leganada. Hahalungkatin niya kung sino ba talaga ito at alam niyang malaking posibilidad na ito talaga ang kanyang asawa. Nangungusisa si Brent kung saan nakatira Ang Mag- asawang Ferdinand at Samantha at kung saan ang bahay ni Ferdinand Leganada. At dahil sa kanyang hangad ay natunton naman niya iyon agad. Isang araw ay bagpunta si Brent kung saan nakatira Ang mag- asawang Leganada. At buhat sa malayo ay tanaw ni Brent ang malaking Bahay ng Secret millionaire. Nag- aabang si Brent roon at nagbabaka sakaling lalabas si Camela ngunit ilang Oras na lang si Brent roon ay Wala siyang nakikitang Samantha na lumalabas nula sa malaking bahay. Kaya laylay ang balikat na umuwi na lang si Brent ng mga Oras na iyon. Pero di Kinabukasan ay muli siyang nagbalik roon at di siya pweding susuko dahil malakas talaga Ang kutob niya na si Samantha at Ang kanyang asawang nawawala ay iisa. May dahilan lang kung bakit di siya Kilala ng kanyang asawa. Maaaring nagka amnesia ito at nasisiguro niyang ito talaga wng kanyang asawang si camela. At dahil lamang siguro sa pagka amnesia ito kaya hindi siya nakilala ng asawa. Paano kaya ito napupunta sa poder ni Mr. Ferdinand Leganada? Natigil Siya sa pag- iisip nang makitang lumabas Mula sa malaking bahay si Camela at Kasama nito Ang isang babae na siguro ay kaibigan nito nakita niyang sumakay Ang mga ito sa kotse atumabas ng gate paalis. Kaya nagmamadali naman siyang sumakay ng sariling kotse nang makitang sumakay ito sa Isang kotse Kasama Ang Isang babae na parang alalay nito. Susundan niya si Samantha. Gusto niya itong makausap at Sabihin rito na totoong ito ay ang Asawa niyang nawawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD