Muling pinuntahan ni Samantha ang isang baybayin ng Isang karagatan kung saan siya banda nakikita noon ng bagong ikinasal na mag asawa. Nag honeymoon ang mga ito noon sa isang yatch sa gitna ng karagatang iyon at nakikita siya ng mag-asawang palutang-lutang sa tubig-dagat roon.
Doon nalang siya nagkamalay sa isang silid ng private hospital at ni wala siyang matatandaan kahit isa man lang tungkol sa kanyang pagkatao kung sino siya at kung taga saan ba siya
Blangko ang kanyang buong kaisipan at kahit sariling pangalan ay hindi niya matandaan iyon. Nabigla nalang siya noon nang may biglang nag claim nalang sa kanya sa hospital at nagpapakilalang ito raw ay kanyang Asawa.Ito ay isang may edad na at mayamang lalaki na nagpakilalang si Mr. Ferdinand Leganada na asawa niya daw na naghahanap sa kanya. Na aksidente daw siya sabi ng mga ito sa isang barkonh lumubog. Ngunit nagtataka naman siya kung bakit parang may mag flashed sa kanyang isipan na isang eroplanong sumabog gayung lumubog na barko naman daw ang kanyang sinasakyan noon.
Lingid pala sa kaalaman ni Samantha na ang mag- asawang nakakita sa kanya noon ay ninong ng mga ito si Mr. Leganada. At ipinaubaya siya ng mag- asawang iyon sa ninong ng mga ito na isang Biyudong successful business man. Dahil malaki ang pagkakagusto ni Ferdinand nang makita sa unang pagkakataon si Samantha kaya sumang-ayon rin ang bagong ikinasal na magpapa-as if itong asawa ni Samantha.
Kaagad na dinala ng secret millionaire si Samantha sa Canada dahil nababalitaaan nito na may naghahanap Kay Samantha- ang asawa raw nito na ilang araw na ring naghahanap rito.
Hindi mapigilan ni Samantha na makadama ng takot sa kanyang nagpakilalang asawa, para sa kanya ay di niya tlaga kayang makipag Lambingan rito at Nanginginig pa siya sa takot noon kapag gusto nitong makasiping siya. Nangingilabot siya sa kanyang asawang may edad na kapag ito'y lumalambing sa kanya. Nagwawala pa siya at parang nenenerbiyos na hindi niya maintindihan ang sarili. Siguro ay impact din iyun sa kung anong nangyayari sa kanya.
Kaya kunyari naiintindihan naman siya ni Ferdinand na hindi muna sila magsisiping dahil sa kanyang kalagayan. mabait ito at mahal na mahal siya nito at patuloy siyang ipinagamot doon sa Canada.
After Seven years na pagsasama nila naaawa narin siya sa kanyang asawa at Ginagampanan nalang niya ang pagiging Asawa rito kahit hindi pa bumabalik Ang kanyang memorya.
At sa baybayin ng karagatang iyon kung saan siya nagmamasid sa magandang tanawin nito ay tila may nagpa- flashback sa kanyang isipan...
Nagpaalam muna saglit sng alalay na si naneth kay Samantha upang saglit na bibili ng kanilang ma-snack upang may kakainin din Sila habang sila'y magpapalipas roon.
"Bilisan mo don Naneth ha." Aniya sa Alalay.
"Yes ma'am. babalik agad ako." Wika ni Naneth.
Naiwan naman siyang mag Isa na ipinagpatuloy na pinagmamasdan ang magandang tanawin ng karagatang iyon. Di nagtagal ay may biglang nagsasalita sa kanyang likuran. Maraming mga bagay na gustong pumapasok sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon kaya lang ay di kaya ng kanyang isipan at sumasakit agad ang kanyang ulo.
Hangga't sa di inaasahang may biglang nagsalita sa kanyang likuran.
"Ang tulad mo'y parang diwata sa karagatan dahil sa iyong angking kagandahan camela.." Tinig iyon ng Isang lalaki.
At nabigla pa siya nang mapagtanto kung sino iyon- ang lalaking nagngangalang Brent De Chavez. Ang nagsasabi doon sa beach resort ng mga veneracion na siya raw ay ang nawawalang Asawa nito. Hindi niya maipagkaila ang very attractive na kaguwapohan ng lalaki.
"It's you again.." Ani Samantha.
At nagtama ang kanilang mga mata ng ilang segundos. At di iyon nakayanan ni Samantha kaya tinalikuran niya ito.
"Sorry.. sinundan ko kayo dito. Gusto lang naman kasi kitang makakausap.." Sabi ni Brent.
"Tungkol saan?" Tanong ni Samantha na patuloy lang nakatalikod sa kanya at tanaw Ang malayong tanawin sa dulo ng katahayang iyon.
"Believe me, ikaw si camela, hindi ako pweding magkamali, Ikaw ang aking nawawalang asawa." Panimula na naman ni Brent.
Nagulohang napahimas-himas si Samantha sa kanyang ulong sumasakit na naman. Hindi niya maiwasang Sasakit ang kanyang ulo lalo na kung Ang sinasabi nito ay may connection sa kanyang kalagayan ngayon. Siguro ay alam nito na Siya ay may amnesia. Hindi napigilan ni Samantha ang muling lumingon rito.
"Pwedi ba, huwag mo akong lolokohin?kapwa tayo may mga asawa, paano kita nagiging asawa?" aniya rito sabay siyang napapisil sa kanyang noo.
"Hindi ko alam kung bakit mo ako Kilala siguro ay dahil may amnesia ka kaya di mo Ako Kilala! ako si Brent, ang asawa mo!" Muling di napigilan ni Brent ang sarili nito na pilitin si Samantha at papaniwalain na ito wng kanyang asawang nawawala.
"Nagkakamali ka lang! " Ani samantha na tinalikuran agad siya.
Sumunod naman ito sa kanya.
"Ikaw si camela, maniwala ka! ako ang asawa mo!. hindi mo lang talaga ako matatandaan dahil alam kong may amnesia ka talaga! " Pangungulit ni Brent na sumusunod sa kanya.
Sa sinabing iyon ni Brent at sa pagpupumilit nito ay nagalit si Samantha at tumigil sa paghakbang na muling nilingon agad si Mr. Brent De Chavez dahil sa mapangahas nitong balak na siya'y lolokohin ng ganoon nalang kadali. Siguro'y alam nito ang kanyang sitwasyon kaya nagtangka itong lokohin siya nito.
"Tama na, huwag mo na akong lokohin, tigilan mo ako Mr. De Chavez, Wala kang patunay na ako ang asawa mo kaya huwag mo nang dagdagan ang sakit ng ulo ko!" Naiinis na niyang wika rito.
Si Naneth Naman ay natigilan at nanlaki Ang mga mata nang makitang may guwapong lalaking lumapit at nakikipag- usap kay Samantha at dinig na dinig pa nitong nagpakilalang ito raw ang asawa ng among si Samantha.
"Camela, hayaan mong maghahanap Ako at maghahalungkat ng mga ebidensya na Ikaw ang asawa ko! patutunayan ko Sayo Ang lahat na Ikaw si Camela!" Matapang na Sabi ni Brent Kay Samantha.
Nang makita naman ni Samantha na naroon na pala Ang alalay na si naneth ay hinila niya ang kasama patungong kotse para uuwi na kaagad sila. nagtaka naman si naneth.
"Uuwi na tayo ma'am Samantha?" Tanong pa ni Naneth.
"Yes, kailangan. Gulong-gulo itong isipan ko dahil sa lalaking yan." Tugon ni Samantha.
At tuloyang hinila si Naneth patungong kotse nila kung saan ito nakaparada.
"Camela patutunayan ko, tandaan mo yan patutunayan kong ikaw ang asawa gagawin ko Ang lahat!" Tawag at sigaw na wika ni Brent Kay Samantha. Mas lalong nahihirapan siya ngayon dahil ayaw makinig at maniwala sa kanya si Samantha.
Naiwang bigo si Brent na pinagmamasdan ang papalayong sasakyan nina Samantha at ang alalay nitong si naneth. Pero Hindi Siya titigil hangga't Hindi biya ma- confirm na ito nga ang kanyang asawa. kukunin at babawiin niya ito Mula Kay Mr. Ferdinand Leganada!
Walang araw na hindi nagtatalo sina Brent at Gretha simula nang dumating sa buhay nila si Samantha na kamukhang kamukha ng unang asawang nawawala ni Brent. Minsan pa'y nag- iiyak si Gretha sa harap ng asawang si Brent para ibaon nalang ni Brent sa limot ang lahat ng alaala ng unang asawa nito at hayaan nalang si Samantha na sadyang kamukha lang talaga ito ng dating asawa nito.
"Hindi mo ako naiintindihan Gretha, Ilang taon Kong hinintay ang muli niyang pagbabalik. Ilang taon akong umasa at naghintay na sanay buhay pa siya kaya I'm sorry kung nasaktan man kita ngayon, hindi ko sinasadyang saktan ngayon ang damdamin mo at sanay maiintindihan mo ako na mahal na mahal ko pa rin ang unang asawa ko." Wika ni Brent na di na napigilang mapatulo ang mga luha.
"Hindi Brent! Hindi!" Malakas na iyak ni Gretha at pinagsusuntok- suntok siya nito sa dibdib.
Dahil sa mga sinasabi ni Brent Kay Gretha na buo na ang desisyon niyang hahalungkatin ang buong pagkatao ni Samantha Leganada at paiimbistigahan at kukunin Ang mga impormasyon tungkol sa pagkatao ng asawa ng secret millionaire na si Ferdinand Leganada ay itinuturing na kaagad ni Gretha veneracion si Samantha Leganada na Isang mahigpit na karibal sa kanyang asawang si Brent De Chavez.
Nag-iisang umiinom ng wine si Brent ng mga sandaling iyon dahil sa kanyang problema tungkol sa pagkatao ni Samantha.
Simula nang makita niya ito sa beach resort ay muling na refresh ang pagmamahal niya sa dating asawang si camela. Muli niyang nararamdaman ang labis na pagmamahal sa puso para sa una niyang asawa.
At muli din niyang nararamdaman ang sobrang sakit dulot ng pagkawala nito noon. Biglang nagflashed sa isipan ni Brent ang Lambingan nila dati ng kanyang asawa...
"You are my one and only love forever and ever sweetheart.." Pangako pa ni Brent kay camela sabay yakap rito ng mahigpit sa Asawa.
"Hmmm...promise?" Malambing pang wika nito.
"Yes, camela, promise.." Sagot din ni brent at siniil kaagad nito ng mainit na halik Ang asawang si Camela.
"Never akong magsasawa Sayo sweetheart, Ikaw ang Buhay ko at Ikaw lang talaga Ang mamahalin ko." Paanas pang wika at pangako ni Brent sa asawang si Camela.
Napangiti Naman ng matamis si Camela sa Asawang si Brent.
"Napaka swerte ko dahil iniibig mo ako at minahal ng tapat Brent." Tugon pa ni Camela Kay Brent.
"Mommy, Daddy! Palambing din po ako!" Anang makulit na limang taong gulang na anak nilang si Mico.
Nakita kasi ng bata na naglalambingan ang mga magulang nito kaya lumapit rin ito at iniwan ang mga laruan nito. Natawa nalang ang mag- asawa sa paglapit ng maliit na anak. Mabilis itong kinarga ni Brent at hinalikan ang anak.
Iyon ang mga alaala nilang naiisip ni Brent. habang tinutungga ang kopitang may lamang alak ay di namamalayang tumulo na pala ang kanyang mga luha.
"I'm sorry camela, kung si Samantha ay ikaw talaga, sana'y mapatawad mong Hindi ko natutupad Ang Isang pangako.." Bulong ni Brent sa sarili.
Dahil sa kalasingan ay di na niya namamalayang nakakatulog na pala Siya sa sofa kasama sa mga boteng nagkakalat sa Salas. Sinunod namang niligpit iyon ng mga katulong ngunit si Brent ay magdamag na nakatulog roon sa sofa ng Salas.
Kinabukasan ay pinagsalitaan na naman si Brent ng kanyang Inang si madam Brenda De Chavez dahil sa kanyang paglalasing kagabi.
"Wala kang mapapala sa paglalasing mo. kung si Mrs. Samantha Leganada ang problema mo dahil sa isip mong siya ang asawa mo, pwes itong sasabihin ko sayo, kamukha lang Siya ni camela! at
Patay na talaga sng una mong asawa!" Pagalit na sabi ni madam Brenda De Chavez sa anak.
"No, mama. kilalang kilala ko ang asawa ko, Siya talaga si Samantha.!" Napataas ang boses ni Brent na sagot sa ina.