KABANATA 1

1998 Words
Palihim na tinitingnan at pinagmasdan muli ni Brent Ang Larawan ng Asawa niyang matagal ng missing dahil sa Pag crash noon ng eroplanong sinakyan nito pauwing silay. Taga Silay City, Negros Occidental si Camela Manzares Ang dati niyang asawa.nakikilala Niya ito noon nang dinala sya ng kaibigang si Roland na umattend ng wedding party ng pinsan nito doon sa silay, dahil Doon Ang pinsan nito nakapag Asawa. Isang probinsya ng silay Ang napuntahan nila kung saan ini-held ang kasal ng pinsan ng kaibigan. at Doon Niya unang nakita Ang asawang si Camela, Isa itong probinsiyanang taga Negros, Silay City at galing lamang sa mahirap na pamilya. naglalako lamang ito ng mga kakanin at naka bestidang luma at pinarisan ng tsinelas Ang suot nito nang una Niya itong makita. Nang tiningnan niya ang buong mukha ng dalaga ay natigilan pa siya dahil sa kakaibang gandang taglay nito. Matangos Ang ilong at manipis Ang labi At may malalantik na eye lashes. Medyo curly Ang buhok nito na hanggang puwit Ang haba niyon. para itong Maria Clara sa kanyang paningin dahil mahinhin din itong kumilos. kahit laking probinsya ito ay may angking itong kakinisan at kaputian sa balat. Abala ito ng Araw na iyon sa pagsusukli ng mga bumibili sa nilalako nitong mga kakain. At Isa na si Brent na lumalapit rito ng mga sandaling iyon. Natigilan naman ito nang makita siyang nasa giliran siya nito at na-aamuse pa siya nang makitang tila nahihiya itong napatingin sa kanya. "Pwedi ko bang makilala ang pinaka magandang babaeng nakikita ko ngayon dito?" Nakangiti niyang tanong rito. Namula Ang pisngi nito. nag blushed ito sa kanyang sinasabi. Parang gusto nitong magsalita ngunit mukhang napipilan ito ng mga oras na iyon dahil sa kanyang presensya. Nagsi-alisan na ang mga bumibili sa paninda nito pagkatapos nitong masuklian ang mga costumer nito. "Ahhhhmmm.." Anitong nag-aalinlangan. "Ako nga pala si Brent De Chavez, Ikaw magandang binibini, anong pangalan mo?" Tanong niya rito na hindi hiniwalayan ng mga tingin Ang dalagang probinsyana. "Ahh, ako nga pala si Camela Manzares sir." Sagot nito sa kanya na nagbaba agad ng tingin. "Nice meeting you Camela ,You're so beautiful at hindi Ako magsasawang pagmasdan ka." Wika ni Brent rito. Mas Lalo itong namula sa kanyang mga sinasabi at napipilitan itong muling nag- angat ng tingin sa kanya kaya ilang sandali naman silang nagkatitigan sa isat isa. 'Oh god, she's really beautiful!' Sigaw ng isipan ni Brent. Kaya mula noon ay di na tumigil pa si Brent De Chavez na hindi mapasagot ang probinsyanang binibini na agad -agad bumihag sa kanyang puso. Nagulat nalang ito nang pagdating nito mula sa pagtitinda ay naka-abang na siya rito. "Anak Camela, may bisita ka. Naku, kanina pa si Sir Brent naghihintay sa'yo." Matamis Ang ngiting salubong ni aling solesa sa anak nitong si Camela. Nakikita na naman niya sa nmukha ni Camela na parang nahihiya na naman ito sa kanya at sabay tingin nito sa buong bahay nila. Ang duda niya'y nahihiya ito sa kanya dahil mahirap lang Ang mga ito. Lalo pa't maliit lang Ang Bahay Ng mga magulang nito at gawa lamang sa kahoy at dahon ng niyog Ang bobong. Nanlaki pa ang mga mata nito nang sinalubong niya ito at agad na Ibinigay rito ang mamahaling bulaklak na inorder niya para lang ibigay kay Camela. "Flowers for you, and hope you like it Camela." Nakangiting wika niya rito at sabay kinindatan ito. "S- salamat po s-sir." Tila kinabahan pang tugon nito at parang nanginginig ang kamay na tinanggap nito ang kanyang mga bulaklak na Ibinigay. Nang makita ni Brent na binigyan sila ng pagkakataong makapag-usap ni Camela sa mga magulang nito ay natuwa naman Siya. "Camela..." Sambit niya sa pangalan nito. Muli namang nagtama ang kanilang mga mata. Sa isip ni Brent ay napakasarap sigurong halikan Ang mga labi nitong natural na mapupula. "Sir Brent." Sambit din nito. "I love you Camela, and I want you to be my girlfriend." Pagtatapat niya rito. "Alam ko na man po na gusto niyo po ko sir.." Ani Camela. "Huwag kang mag sir sa akin. at huwag mo Akong pupoin. Ngayong nagtapat na ako sa'yo ay pwedi ko bang malaman kung ano ang kasagutan mo? sana di ako mabibigo Camela at tugunin mo rin at mamahalin mo parin ako." Ani Brent kay Camela. Sa unang pagkakataon ay nakita naman ni Brent na ngumiti ng matamis si Camela sa kanya na mas Lalong dumagdag pa ng kagandahan nito kaya mas lalo Naman siyang nai- inlove rito. "Sana pagbigyan mo na man ako ng time upang pag-iisipan kung tanggapin ba kita o hindi." Sabi ni Camela rito. "No problem, at sana sa pagbabalik ko rito ay handa kanang sabihin sa akin ang tungkol sa kasagutan mo." Wika niya rito. Di naman nagtagal ang panliligaw ni Brent sa kanya. At siyempre iniibig din siya agad ng dalaga dahil bihira lng ang babaeng Hindi magkakagusto Kay Brent, bukod sa mayaman at maimpluwensya ang pamilyang pinanggalingan ay napakaguwapo din ng binata. "Mahal din kita Sir Brent " Wika nito sa kanya. Nakita naman ni Camela ang sobrang tuwa sa mukha ng mga sandaling iyon ni Brent. "Oh salamat Camela Parang ayoko na yatang lalayo sa tabi mo." Tuwang- tuwang wika nito. Pagkatapos ng pamamanhikan ni Brent sa Bahay ng dalaga ay agad niya itong binihag at dinala sa Makati City at pinatira sa kanilang mansion ng mga De chavez. Di pa sila kasi puweding ma-ikasal dahil 17 years old palang noon si Camela at sya'y 21 yrs old. Galit na galit ang Ina ni Brent noon at Malaki Ang pag ayaw nito kay Camela para sa kanilang Unico Iho. Pero matigas din si Brent dahil mahal na mahal nito si camela. at katunayan nga'y pinakasalan niya tlaga ito pagkatapos mag 18th birthday ito. Pagkatapos ng wedding party nina Brent at Camela ay kinabukasan naman ay isinilang nito Ang unang anak nila. lalaki Ang sanggol at pinangalanan nila itong 'Mico'. Mas lalong gumanda si Camela pagkalipas ng Limang taon dahil marunong na siya sa pag aayos ng sarili Lalo na sa pananamit dahilan iyun upang lalong napamahal ito Kay Brent. Five years old narin si Mico at mahal na mahal ito ng ama at Ina na Camela at Brent at patio Lolo at Lola nito ay mahal na mahal ito kahit Hindi gusto ng mga ito Ang Ina ni Mico na si Camela. Isang mabait at maalagaing Asawa at Ina si Camela kina Brent at Mico halos lahat ng Oras nito ay iginugol sa Mag-ama. Ang di alam nina Brent at Camela na sa Limang taong pagsasama nila ay Hindi parin tanggap ng lihim ni madam Brenda De Chavez si Camela. Isang di inaasahang biglang pag Alis ni Camela noon pauwing silay dahil nasa hospital daw Ang Ina nito. Umuwi ito patungong silay sakay ng Isang eroplano, Sa kasawiang palad ay nagkaroon daw ng problema Ang sinakyang eroplano sanhi ng pagka crash nito! Anim Ang namatay, Lima Ang survivor at apat Ang missing kabilang na sa missing roon Ang asawang si camela. Lihim namang ikinatuwa ng Ina ni Brent Ang pagka missing ni Camela. Labis na ikinalungkot ni Brent Ang nangyari sa asawa.Ipinahanap niya ito at siya din mismo ang tumulong sa paghahanap ng nawawalang asawa. Marami siyang tauhang inuutusan ngunit lahat iyon ay bigo sa paghahanap Kay camela. Sobra namang naapektuhan Ang limang taong gulang na anak nilang si mico sa pagkawala ng Ina nito, halos Araw At Gabi ay sinisigaw Ang pangalan ng Ina nito at pumalahaw ng iyak. nang Makita ni madam Brenda Ang sitwasyon ng apo ay para itong nakokonsensya sa nagawa nito sa Ina ng kanyang apo. Lumipas Ang dalawa, tatlo Hanggang apat na taong pagkawala ni camela ay patuloy paring umaasa si Brent na babalik at uuwi pa sa kanila Ang minamahal na Asawa. Patuloy paring Ang paghahanap ni Brent ngunit walang camela Ang nakikita at nagpapakita.. Siyam na taong gulang na si mico, Lumaki itong my bahid na kalungkutan sa mukha. Halatang Hindi ito masayahing bata kahit na masasabing lahat ng gusto nito'y mabibili dahil mayaman sila. Para itong may sariling mundo at Hindi pala ngiti at gusto pa nito na laging nag iisa. Walang Araw at Gabi na Hindi naiisip ni Brent Ang nawawalang Asawa,kung saang na kaya ito o kung Buhay pa nga ba ito. "Wala na nga si camela, baliw kana ba talaga Brent!? kailan mo ba matatanggap na Wala na Ang Asawa mo! Mag pa five years na siyang missing, Patay na Siya!" Galit na asik ni madam Brenda De Chavez sa anak na si Brent. Tanging katahimikan lang Ang isinagot ni Brent sa kanyang Ina. Lumipas pa Ang ilang Araw, Linggo at mag buwan hangga't ganap ng Six years Ang pagka missing ng asawang si camela. Sumuko na nga si Brent sa paghihintay at paghahanap. nawala na Siya ng pag asang babalik at Buhay pa nga ba ito. Isang Araw ay dinala ni madam Brenda Ang anak ng kumare nito. Si Gretha Veneracion, Isang liberated at magandang babae na galing pa sa america. Isa itong Modelo at mayaman rin Ang pamilya. Nagkarelasyon nga si Brent at Gretha at pinakasalan Ang Modelo sa Isang beach resort na pag aari lang din ng mga veneracion. isang engrandeng kasalan Ang naganap roon dahil iyon Ang gusto ng kapwa magulang Nina Brent at Gretha. Napatda Ang pag iisip ni Brent habang hawak-hawak Ang larawan ng nawawalang dating Asawa. nang may biglang nagsalita sa kanyang likuran. si Gretha iyon. At mabilis na inagaw Ang larawang kanyang hawak. nanlilisik sa galit Ang mga mata ni Gretha na pinunit ng ilang beses Ang larawan ni camela. "How dare you, Brent! Until now ay si camela parin ang nasa puso mo!"galit na galit na Singhal ni Greta. "I'm sorry babe, yes.. mahal ko parin si camela.. pero Wala na Siya at huwag mo nang pagselosan,dahil mahal din naman kita at ikaw na ngayon Ang Asawa ko.." pag -aalo ni Brent sa pangalawang asawa. Naiyak si Gretha na yumakap Kay Brent sabay sabing kakalimutan na nito ng tuluyan Ang nawawalang Asawa at para sa ikakatahimik ng lahat ay nangangako din si Brent na kalimutan na talaga ng buo si camela . Naisip niyang imposibleng Buhay pa ito dahil sa tagal na ng pagkawala nito. i- focus nalang Niya sa bagong Asawa Ang lahat at sa anak nilang 4 years old na lalaki. si greggy at syempre pati si mico Ang anak Niya Kay camela. Nasa Thirty-six years old na Si Brent at Ang second wife ay matanda Siya rito ng dalawang taon dahil nasa thirty - three na Si Gretha at Si mico ay 15 years old na pala ito at Isa na itong binatilyo ngayon ganoon parin suplado at tahimik na Bata ito dahil din siguro sa pangit na pag uugali na ipinapakita sa kanya ng step mother na si gretha. at Ang ama nitong si Brent ay laging si greggy nalang Ang atensyon nito at si mico ay napabayaan nalang. kaya mas Lalo itong naging masungit at rebelde Minsan nga'y nasampal ito ng ama dahil sa pagsagot-sagot nito sa step mother. mag- alsa balutan sana Ang binatilyong si mico ngunit nagmamakaawa at humingi ng sorry si Brent sa anak. "Kaya lumaki Ang ulo ng anak mong 'yan dahil sinusuyo mo pagkatapos mong disiplinahin!"galit na wika ni Gretha kay Brent. Masama talaga Ang pag uugali ng second wife ni brent. gusto nga nitong tuluyan naring mawala Ang anak ni Brent Kay camela sa poder ng ama nito. "Mico is my son Gretha, baka nakakalimutan mo yan.. mahal na mahal ko Ang anak ko.." galit na ring sagot ni Brent sa pangalawang Asawa. Isang Umaga malungkot na napaupo si mico sa terrace nila at may malalim itong iniisip. Nasasaktan ang batang si mico sapagkat Wala ng halos time sa kanya Ang kanyang ama at nasa bago nitong pamilya halos iginugol ang oras nito. Sa tuwing siya'y nag-iisa ay ramdam niya talaga ang matinding lungkot na naramdaman tungkol sa mga alaala ng kanyang Ina kahit Matagal na itong wala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD