KABANATA 4

1229 Words
Araw ng valentine's day ay kumain sa Isang paborito nilang restaurant sina Mr. Ferdinand at samantha. Binigyan Siya ng gift ng asawang milyonaryo at fresh na mga bulaklak galing sa Isang mamahaling flower's shop. Habang kumakain sila ay biglang nag ring Ang cellphone ni Ferdinand at Isang emergency meeting iyon na kailangang aatenand nito, Tungkol iyon sa Isang business kung saan ito may malaking shares. Kaya nagmamadali itong nagpaalam sa kanya at babawi nalang daw ito pag uwi. Naiwang nag iisa si Samantha sa restaurant habang siya'y kumakain. Pagkatapos niyang kumain Ay tumayo na Siya sa kinauupuan para aalis na rin. Tapos nang nabayaran ng Asawa lahat Ang bill nila kaya Wala na siyang babayaran pa. Nang kinuha Niya Ang sling bag ay natigil Siya nang may lumapit at nagsalita sa kanyang harapan habang siya'y nakayuko. "Happy Valentine's day my long lost wife." Anang tinig ng Isang pamilyar na boses ng Isang lalaki. Pag-angat Niya ng tingin ito'y walang iba kundi Ang nagngangalang Brent De Chavez. Isang pumpon ng white flowers Ang iniabot nito sakanya. Nagsalubong Ang kanilang mga mata at Hindi niya namamalayang tinanggap Ang binigay nitong bulaklak. Para siyang nahihipnotized sa karisma at dating ni Brent de Chavez. Napatitig Siya sa Mukha nito at nakaramdam ng kilig sa pagbibigay nito sa kanya ng bulaklak. "Hey, May dumi ba ako sa Mukha?" Natatawang tanong sa kanya ni brent. Para naman siyang nahimasmasan at napapahiyang tiningnan Ang mga bulaklak na ibinigay nito. Dahan-dahang inilapag Niya iyon sa table at walang imik na tinalikuran nanaman Niya ito. Ayaw nalang niyang tanggapin Ang mga bulaklak na bigay nito baka iyon pa Ang simulang mahuhulog Ang loob Niya sa lalaki. Hindi niya maintindihan Ang sarili, Parang na feel niyang dati na siyang may malalim na pgmamahal para Kay brent. At parang napanaginipan na Niya ito na nagmamahal sa kanya noon pa. "Camela.." Nakasunod na tawag nanaman sa kanya ni brent. Nagugulohang muling hinarap ni Samantha si Brent De Chavez. "Hindi nga ako si camela, Kaya please, Tigilan mo na ako." Mariing wika Niya rito.gulong gulo na talaga Siya sa presensya ni Brent de Chavez. "Paniwalaan mo ako, Na missing ka noong ma crash Ang eroplanong sinakyan mo patungong silay city kung saan nakatira Ang iyong mga magulang!" Dugtong ni brent. Magsalita pa sana si Brent ngunit natigil ito sa biglang pagdating ni gretha. Sinundan pala Siya nito. Nabigla nanaman si Samantha dahil sa pagsugod-salakay sa kanya ni Gretha at kinalmot Ang mahaba niyang buhok. "Hayop ka! Isa kang kabit, Kabit ka ng Asawa ko! Mga hayop!" Galit na galit na nagsisigaw si gretha sa loob ng restaurant na iyon at lahat ng mga tao roon ay sa kanila nakatingin. "Hindi ko alam kung Anong mga pinagsasabi mo, Let me go!" Ani Samantha Kay gretha. Madaling inawat ni Brent si Gretha palayo Kay Samantha. "Sabi ko kabit ka ng Asawa ko!" Muling Sabi ni Gretha. "Shut-up Gretha! Kung mapapatunayang Siya nga si camela, Ikaw Ang matatawag na kabit, Hindi Siya!" Singhal na rin ni brent kay Gretha. At pinagsasampal ng ilang beses ni Gretha si Brent dahil sa mga sinasabi nito.kinaladkad ni Brent Ang galit na galit na si Gretha palabas ng nasabing restaurant at naiwang inaayos ni Samantha Ang nagulong buhok dulot sa ginagawa ng Asawa ni Brent sa kanya. sabi na nga ba Niya, Gulo lang ang aabutin. Paano pa kaya kapag Ang kanyang asawang si Ferdinand ay makakaalam ding lagi siyang nilalapitan ni Brent de Chavez?kaya Mula ngayon iiwasan na kaagad Niya Ang lalaki kapag ito'y lumalapit na naman sa kanya. Nalalaman talaga ni Ferdinand Ang laging pagsusunod ni Brent de Chavez Kay Samantha kaya nakapagdesisyon agad itong bumalik agad sila ng canada. Alam ni Ferdinand noon pa man, kung sino si samantha. Kaya noong Makita nito si Brent sa beach resort at Ang mga magulang nito ay kinabahan Ang negosyanteng milyonaryo. Gusto sana itong aatras at hilahin palayo si Samantha kaya lang pinigilan nito Ang sarili para kunwa'y di Siya mahalata ng mga naroroon. Naging kalmado lang niyang hinarap Ang mga De Chavez at kampanteng ipinakilala pa Niya si Samantha na kanyang Asawa sa harap ng mga ito. Nagtaka si Samantha kung bakit babalik sila ng Canada. Habang nasa byahe na sila patungong airport pa Canada ay may natatanggap na text message si Samantha sa kanyang phone-si naneth iyon Ang kanyang alalay.nalungkot ito sa desisyon ng among si Ferdinand na babalik sila ng canada. Binasa ni Samantha kung Anong itine-text sa kanya ng alalay. "Ma'am, Huwag kang babalik ng Canada, Sasabihin ko na sa'yo Ang totoo, Ang mga nalalaman ko tungkol sa'yo, Hindi mo totoong Asawa si sir Ferdinand Leganada." Anang text ni naneth na kanyang binasa at ikinagulat Niya iyon. Unti-unti niyang tiningnan si ferdinand. Napansin naman Siya nito . " Why my dear?" Tanong pa nito. Galit Ang pumalit sa kanyang itsura. "Ibalik mo ako, Hindi na ako babalik pa ng Canada, Hindi na ako sasama sa'yo!" Napataas Ang boses na Sabi Niya rito. "What's wrong with you!?" Kunot-noong tanong ni Ferdinand at inagaw Ang cellphone niyang hawak at binasa iyon. Naningkit Ang mga mata ni Ferdinand sa galit kay naneth. "Ano, Totoo ba, ha!? Hindi pala Ikaw Ang Asawa ko?"Singhal na Niya Kay ferdinand. Namutla Ang secret millionaire at parang nagkaroon ito ng dalawang Sungay sa ulo sa kanyang paningin. "Huwag kang maniwala Kay naneth, She's crazy! Sasama ka sa'kin at doon na tayo maninirahan ulit sa Canada!" Matigas na Sabi ni ferdinand. Sa galit Niya rito ay inagaw Niya Ang manibela ng kotseng dala nila. Dahil sa kanilang pag -aagawan sa manibela ay nawalan ng preno Ang kotseng sinakyan nila. "Aaaahh!" Sigaw ni Samantha nang makitang nag-iba na ng direksyon Ang takbo ng sasakyang dala nila. "No!" Nanlaki Ang mga matang inagapan ni Ferdinand Ang pagmamaneho para maisalba lang sila sa disgrasya ngunit Hindi ito nagtagumpay at nakayanan, Sumalpok Ang kotseng minamaneho nito sa isang malaking poste ng highway'ng iyon. Dead on the spot si Mr. Ferdinand Leganada at si samantha ay napurohan din ngunit ligtas na ito pagkatapos maasikaso ng Doctor at mga nurse. Kinuha ng mga Kapatid Ang bangkay ni Ferdinand sa funeral at si Samantha naman ay patuloy pang nagpapagaling sa hospital habang binabantayan ito ni naneth hanggang sa ito'y makagising. "Ma'am Samantha, Kumusta na Ang pakiramdam niyo?" Tanong rito ni naneth. Napatingin ito sa kanya at tinitingnan rin Ang paligid. Nagtataka Ang hitsura nito nang muling tumingin sa kanya. "Nasaan ako?" Anito. Akmang tatayo sana sa kinahihigaan. "Ma'am Samantha, Huwag mo na kayong bumangon, Hindi pa kayo magaling.."pigil ni naneth rito. Muli Siya nitong tiningnan sabay hawak sa noong may bendahe. "S-samantha? H-hindi ako si samantha. Ikaw, Sino ka?" Maang pang tanong nito sa kanya. Natigilan si naneth sa ginagawang pag-ayos nito sa nahahawing kumot sa may paanan, Sa naririnig Kay Samantha. "Bakit ma'am? Nakaalala kana po ba?kung sino ka talaga?" Na -eexcite na tanong ni naneth. "Ha, Bakit? A-anong nangyayari saakin?ako si camela.." Sagot naman nito. Nabigla si naneth, Kung ganoon, Totoo pala Ang mga sinasabi ng nagngangalang Brent De Chavez na ito ay Ang nawawalang Asawa. Nagkatinginan sila ng ilang Segundo ni Samantha o camela Ang totoong pangalan nito. Isinalaysay ni naneth ang nangyayari dito kung bakit napunta ito Kay Mr. Ferdinand Leganada. Sinabi din Niya rito Ang tungkol Kay Brent de Chavez na nagsasabing Asawa daw ito ng lalaki. "Hangga't ibabalik kana sana ni sir Ferdinand sa Canada."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD