KABANATA 6

1175 Words
"Wala akong pakialam sa mga papeles na yan! At Lalo ng Wala akong pakialam na si Samantha at camela ay iisa!" Sunod-sunod na pagsisigaw ni Gretha. "Pinalalaki mo lang Ang problema Brent, Kung Buhay nga si camela, Wala na siyang magagawa pa Lalo kana, Dahil nandiyan na si Gretha at greggy sa Buhay mo!" Singhal nanaman ni madam Brenda De Chavez sa anak. "Honey, Kapag Buhay Ang unang Asawa, Ibig sabihin, Siya yung totoong legal na Asawa ng anak natin. At Ang marriage nila ni Gretha ay mahuhulog sa Isang fake marriage iyon at wala tayong magagawa kapag si iho Brent at camela ay magkakaayos muli, Dahil ito Ang legal na Asawa ng anak natin." Pormal at mahabang paliwanag ni Don Armando De Chavez sa Asawang si madam Brenda. "No!" Sigaw ulit ni Gretha. "Magkamatayan Muna kami ni camela! Naiintindihan mo Brent? Hindi ko hahayaang maibabalik ka sa kanya!" Buong lakas na sigaw na naman ni gretha. Sa sobrang pagkainis ni Brent ay tinalikuran nito si Gretha. "Brent!" Malakas Ang boses na tawag ni Gretha sa asawa. Ipinatatawag Naman si camela sa tatlong anak ni Mr. Ferdinand Leganada sa malaking bahay kung saan Siya dati nakatira Kasama Ang ama ng mga ito. Kapwa mayayaman at successful din sa Buhay at may kanya kanyang mga properties na naipundar Ang mga anak ng secret millionaire. Kinabahan si camela, Kasama Niya si naneth patungong sa malaking bahay ni Mr. Ferdinand. Nadatnan nilang kapwa nakatingin sa kanya Ang tatlong anak ng secret millionaire at nakita din ni camela na naroon din si Atty. Gad Fuentebella, Ang lawyer ni Ferdinand na humawak sa mga documentong pamana ng mga anak ng businesses man. Nanginginig Ang mga kamay ni camela sa kanyang mga kaharap mabuti nalang at naroon si naneth. "Have a seat Mrs. Camela Manzares De Chavez.." Ani atty. Fuentebella sa kanya. Ka lilibing lng ni Ferdinand kaya ngayon Ang mga ari Arian nman ni Ferdinand Ang hahatiin ng tatlong anak nito at Ang nakakahiya ay pati Siya ay may mga properties din na nakapangalan sa kanya. Sinimulang ipinahayag ng attorney Ang mga pamana ng tatlong anak, At Ang pinakahuling binanggit ay Ang ipinamana Kay camela. "Mrs. Camela Manzares De Chavez, Ang malaking bahay na ito at Ang dalawang negosyo at Isang lupaing nabili ni Mr. Leganada sa Santa Maria Bulacan, Ay nakapangalan sa iyo." Ang huling pahayag ni Atty. Fuentebella. Napatayo at di makapaniwala si camela. "Pero attorney, Ayokong Magalit SA akin Ang mga anak Niya, Wala akong karapatang tatanggap ng mana galing Kay Mr. Ferdinand Leganada.." Ani camela. Napataas Ang kilay ng anak na babae ni Ferdinand na si Mrs. Scarlette Leganada Smith. At napangiti naman Ang dalawang anak na lalaki nito na sina Felixander at Frix Leganada. "Isang maliit na bagay lang para saamin Ang napupunta sa'yo Mrs. Camela De Chavez. Siguro'y binayaran lang ng aming ama Ang nagawa niyang kasalanan sa'yo." Sabi naman ng panganay na anak ni Ferdinand. "Kaya taos puso mo ng tanggapin iyon.." dugtong pa ng Isang anak nito. Kahit nahihiya ay mahinang napatango na Lang si camela. Pagkatapos ng lahat ay bumalik na si camela sa malaking bahay. Di Siya makapaniwalang ipinamana iyun sa kanya at Ang dalawang negosyo at Isang lupaing nabili ni Ferdinand sa Bulacan. At ngayon naman ay hahanapin niya si mico para magsama na sila ng kanyang anak at di na magkahiwalay pa. Excited naman at nagmamadaling nagbihis si Brent nang malamang bumalik na si camela sa malaking bahay ni ferdinand. Nagpunta kasi siya roon noong nakaraan Araw at Ayun sa kanyang napagtanungan ay Hindi pa raw umuwi si camela sa malaking bahay Mula sa hospital kaya nag alala ng sobra si Brent kung nasaan nanaman si camela,Ang kanyang asawa. Gusto na Niya itong mayakap at makakausap at sabihin ritong ito talaga si camela Ang kanyang asawang nawawala. Dinala Niya Ang mga papers na ngpapatunay na ito Ang kanyang asawa. Mabuti nalang at may nakakapagsabi sa kanya na bumalik na raw ito sa malaking bahay ni Mr. Ferdinand. Nasa Labas na sana si Brent ng mansion at tumungo sa garahe para Kunin Ang kotseng kadalasang dalhin nito nang bigla namang sumunod dito Ang batang si greggy. "Daddy, Aalis po ba kayo?" Tanong ni greggy. " Oo anak, Aalis si daddy, Bakit? May kailangan kaba?" Tanong ni Brent sa anak lumapit Ang Bata. "Daddy, Birthday ko po ngayon huwag kang aalis, Sabi ni mommy papasyal at kakain po Tayo sa Labas .Ayaw ni mommy na magpa party ehh, Kaya I treat nalang daw po ninyo ako." Sabi pa ni greggy. Natigil si Brent oo nga pala, Nakalimutan niyang birthday ni greggy Five years old na ito ngayon. Kinarga ni Brent Ang anak at hinalikan. "Happy birthday anak, Mahal na mahal ko kayo ni kuya Mico mo, Kaya lang rebelde si kuya mo Kay daddy." Malungkot na wika ni Brent at naalala Ang anak na si mico. Ang di alam ni brent ay pinuntahan na rin pala Siya ni camela sa kanila at sa Oras na iyun ay nakapasok na si camela sa gate ng mansion ng mga De Chavez. Hindi sana ito papasukin ng guard ng gate pero nagpumilit si camela. Kitang kita ni camela Ang pagkarga ni Brent Kay greggy. Nang makita ni camela na karga karga ni Brent Ang anak sa Asawa nito ngayon ay parang my matutulis na bagay Ang sumaksak sa kanyang puso. "Sir, may bisita po kayo, Nagpumilit pumasok.." Anang guard na nakasunod sa likuran ni camela. Di makapaniwala at namamanghang nakatingin si Brent sa sinasabing bisita ng guard na walang iba kundi Ang kanyang asawang si camela. Ngayong nakikitang muli ni camela Ang asawang si Brent ay sobrang namimiss Niya pala ito. Gusto Niya itong yakapin ng mahihigpit pero pinigilan Niya Ang sarili dahil Hindi na iyun maaari. May pamilya na itong iba. Dapat magagalit siya rito dahil Hindi nito pinahahalagahan ang anak nilang si mico na mas priority pa nito Ang anak nito sa Asawa nito ngayon. Nandito Siya para Hindi ibabalik Ang pagsasama nila ni Brent kundi nandito Siya upang alamin kung nasaan Ang kanyang anak na si mico. Nang makarating Siya sa harap ni Brent ay Hindi agad silang dalawa nkakapagsalita. Kapwa lamang silang nagkatinginan. Bakas sa Mukha ni Brent Ang kaligayahan ng mga sandaling iyon na kaharap na niyang muli Ang kanyang asawang si camela. Habang si camela Naman ay Hindi mo makikita Ang katuwaan sa Mukha seryoso lang itong nakipagtinginan sa asawang si Brent. "Camela!" Nasorpresang Sabi ni Brent nang makabawi-na siyang bumasag sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa. Sabay na inilagay nito Ang batang si greggy. "Magandang Araw sa'yo Mr. Brent De Chavez." Ani camela na sinadyang pormalan Ang pagkakabigkas ng pangalan nito para mainis ito. "Puntahan na sana kita para malalaman mong totoo Ang mga sinasabi ko na Ikaw Ang nawawala Kong Asawa at Hindi Samantha Ang pangalan mo, Kundi ikaw si camela.. ." Paninimula nanaman ni Brent . "At sino namang nagsasabi sa'yong ako si Samantha? Oo, Tama ka Brent, Ako nga ito si camela!" Walang kaabug-abog na sagot Niya sa asawang si Brent De Chavez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD