Napakunot ng noo si Ace ng pagpasok niya sa silid ng kanyang Lola ay mapansing tila kakaiba ang aura nito. Medyo nangingitim ito at tila namimilipit sa sakit, hinang-hina at animo hinahabol nito ang paghinga. Kanina pagdating nila ni Sailor okey pa naman ito pero ngayon tila hirap na hirap itong huminga. "La! Okey lang po ba kayo?!" nag-aalalang tanong niya dito, agad niya itong niyakap ng makalapit siya. "Ace, a-apo. N-Nasaan si Sailor?" tanong nito sa kanya kahit hirap nanaman ito sa pagsasalita. Parang hinahabol nito ang paghinga. "Lola, s-saglit lang po t-tatawagin ko si Nanay Salud dadalhin po namin kayo sa ospital!" kandabulol na wika niya dito. Akmang tatayo na siya ngunit, hinawakan ng kanyang Lola ang kamay niya tsaka marahan itong umiling habang nakatingin sa kanya. "Lo