"P-Pero Lola! Ayoko ko pong magpakasal sa panget na yan!" pangangatwiran ni Ace.
"Apo, a-alam kong n-napakabata nyo pang d-dalawa para kayo ay ikasal. P-Pero sana tanggapin mo ang aking k-kahilingan. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni Sailor, gusto ko bago ako m-mawala matiyak kong maayos kayong dalawa," nahihirapang wika ng kanyang Lola tsaka umubo ito ng umubo kaya natakot siya para sa kalagayan nito.
Si Sailor naman ay umiiyak na hinahagod-hagod ang likod ng kanyang lola.
"S-Sige po Lola kong iyan po ang nais ninyo. P-Payag po ako, pakakasalan ko po si Sailor," pagsang-ayon niya. Namilog naman ang matang tumingin sa kanya si Sailor, napangiwi siya at napakagat labi hindi niya alam kong kakayanin niyang makasama sa iisang kwarto ang babaeng ito. Hindi nga niya makayang tumingin dito ng matagalan dahil nasusuka talaga siya sa pagmumukha nito. Habang lumalaki lalo naman itong pumapanget.
"S-Salamat apo ko, salamat dahil pinagbigyan mo ako," mangiyak-ngiyak na wika ng kanyang Lola.
Matapos ang pag-uusap na iyon, agad na ipinag-utos ng kanyang Lola sa assistant nito na ito ang mag-asikaso ng lahat. Minamadali nila ang bawat sandali dahil tinapat na sila ng doctor na hindi na magtatagal ang kanilang lola. Matapos ang isang linggo, heto at nasa harap na sila ng simbahan ngayon. Siya ay mukhang prince sa suot niyang black tuxedo, kahit sinong babae ei maiinlove sa kanya. Kaya lang ewan, malas lang niya dahil sa isang panget na babae lamang siya ikakasal. Hindi niya alam kong papano siya makakawala sa sumpang ito na kailangan niya tanggapin dahil ito ang nais ng kanyang Lola, pero ipinapangako niya na gagawin niya ang lahat para makawala sa kasalang ito na sumpa para sa kanya.
Walang silang ibang bisita, tanging ang kanyang Lola lamang na tumatayong magulang nila ni Sailor, si Nanay Salud, ang assistant ng kanyang lola at malalapit na kaibigan at iba pa nilang mga kasambahay. Hindi niya kaylanman gugustuhing malaman ng ibang tao ang pagpapakasal sa panget na si Sailor, lalo naman na sa kanilang campus.
Ngunit nakikita niya ang maaliwalas na mukha ng kanyang lola, halata ang kasiyahan nito iyon bang kahit may dinaramdam ito ay mababakas ang kaligayahan sa mukha nito.
Maya-maya ay narinig na nila ang pagdating ng sasakyan. Marahil iyon na ang kinalululanan ni Sailor. Siya naman ay pinapwesto na sa unahan, huminga siya ng malalim at inihanda ang sarili sa pagpasok ng kanyang panget na bride.
Narinig niya ang pumailalanlang na music sa simbahan, hudyat na iyon na maglalakad na ang bride sa aisle. Napangiwi siya ng makita ito, todo make up pa ito pero hindi pa rin maitatago ang panget nitong mukha, tadtad pa ng malalaking tagihawat. Naka-wheel chair ang kanyang lola na itinutulak ni Manang Salud. Ito ang maghahatid kay Sailor sa Altar. Mas nakaramdam siya ng paghihimagsik sa kanyang puso. Mawawala na lamang ang kanyang Lola mas pinili pa rin nito si Sailor. Imbis na nasa tabi niya sana ito, sabagay okey lang naman iyon sa kanya kasi para sa kanya isang masamang panaginip lamang ang kasal na ito. At kahit kailan ei hindi magkakatotoo.
Mababakas naman ang kasiyahan sa mukha nito lalo na ng magsimula itong lumakad sa papalapit sa kanya. Nakatitig ito sa kanya habang naglalakad, nakangiti pa ito pero mas naiirita siya dito. Parang gustong-gusto nitong pakasalan siya nito, samantalang palagi niya itong inaaway.
"Badtrip!" inis na wika niya sa sarili.
Sumenyas kasi ang kanyang lola na ngumiti siya. Napilitan na lamang siyang sumunod dahil na rin sa pag-aalalang magalit ito.
Nang ganap na makalapit na ito sa kanya, nauna na siyang nagtungo sa altar hinayaan niya ito pero narinig niya ang pagtikhim ng kanyang Lola kaya napilitan siyang balikan si Sailor.
Hinawakan niya ang kamay nito tsaka inalalayan na patungo sa altar, ayaw kasi niyang magalit ang kanyang lola dahil baka atakihin nanaman ito.
Ilang sandali pa silang nanatili sa altar, puro oo lang ang kanyang isinagot sa tanong ng pare. At ng i-announce nito na kasal na sila at maaari na daw niyang halikan ang kanyang asawa. Tumalikod na siya, ngunit nagulat siya ng biglang may humatak sa kanya. Si Sailor, at hindi niya napaghandaan ang sunod na ginawa nito. Hinalikan siya nito sa kanyang labi na halos ikalaki ng kanyang mga mata. Ngunit hindi niya maintindihan ang kanyang sarili dahil parang nagustuhan niya ang halik na iyon kaya matapos na magulat kusang napapikit ang kanyang mga mata.
"Mabuhay ang bagong kasal!" sigaw ng isa nilang kamag-anak.
Doon na siya napamulat, agad niyang itinulak si Sailor at marahas na pinunasan ang kanyang labi tsaka masamang tiningnan ito pero agad ding nagbago ng makita niya ang matamis na ngiti sa labi ng kanyang lola. Maluha-luha pa ito habang tila taimtim na nananalangin dahil nakasalikop ang dalawa nitong palad.
Matapos iyon, nagkaron ng kaunting salo-salo sa villa. Mga malapit na kamag-anak at mga kasambahay at ilang manggagawa nila ang mga bisita. Siya ay tahimik lamang sa isang sulok habang si Sailor naman ay masayang inaasikaso ang mga bisita. Naiirita siya sa pagmumukha nito lalo na at nagpapawis na ito kaya medyo kalat-kalat na ang make up nito. Mas nakakabwesit na ang mukha nitong tingnan. Pero iyong matamis na ngiti nito ay hindi mawala-wala para bang napakaligaya nito ng sandaling iyon.
Nakita niyang pumasok na sa silid nito ang kanyang lola, marahil napagod na ito ng husto. Nakaalalay dito si Aling Salud. Sumunod siya sa mga ito, gusto niyang palaging kasama ito kahit sa mga huling sandali nito sa mundo. Masakit man pero kailangan niyang tanggapin na nalalapit na sila nitong lisanin.
"La, kumusta po?" tanong niya dito ng makapasok.
Pinahiga ito ni Aling Salud sa kama para makapagpahinga ito ng maayos. At ng matiyak na maayos na ang kanyang Lola nagpaalam na ito dahil marami pa ang mga bisita.
"Ayos lang naman ako apo, medyo napagod lang kaya nais kong magpahinga lamang muna," nakangiting wika nito pero napapansin niyang tila nahihirapan ito.
"Sige po L-Lola, maiwan ko na po kayo para makapagpahinga ka po ng maayos," wika niya. Saka tumayo na siya at tangkang bubuksan na ang pinto.
"Apo, halika muna dito," tawag nito sa kanya.
Napangiti siya, gusto talaga niyang manatili sa silid ng kanyang Lola pero akala niya magpapahinga ito kaya minabuti na lang na umalis na lamang sana. Lumapit siya dito tsaka umupo sa gilid ng kama nito.
Ginagap nito ang kanyang palad tsaka marahang hinaplos nito ang kanyang pisngi.
"Napakasaya ko apo, ngayong natiyak ko ng kasal na kayo ni Sailor matatahimik na ang kalooban ko. Alam kong mamahalin ka niya ng lubusan at aalagaan ka niya. Sana apo, matutunan mo rin siyang mahalin. Alam kong magiging mabuti siyang asawa para sayo, sana ikaw din apo." nakangiting wika nito, ngunit mababakas sa mukha nito na may dinaramdam ito.
"Wag mo na po kaming alalahanin Lola, okey lang po kami ni Sailor. Basta mangako lang po kayo na magpapalakas kayo para makasama pa namin kayo ng mas mahabang panahon," nakangiting wika niya dito. Ngunit sa likod ng ngiting iyon ay nagtatago ang matinding kalungkutan dahil batid niyang imposible ang kanyang sinasabi.
"Alam naman natin apo ko na may hangganan ang lahat ng ito kaya dapat maging handa na tayo sa maaaring mangyari. Kapag wala na ako, ikaw na ang bahala sa lahat ng aking maiiwan. Lalo na si Sailor, mangako ka apo na hindi mo siya sasaktan ha. Gusto ko maging masaya kayong dalawa palagi. Sayang nga lang hindi ko na maaabutan ang pagkakaron ko ng apo sa tuhod mula sa inyo," nakangiting wika nito at nabahiran nanaman ng lungkot ang mga mata.
Muntik na siyang maduwal dahil sa sinabi ng kanyang Lola. Nais niyang sabihin dito na imposibleng mangyari ang sinasabi nito dahil tumingin pa nga lang sa mukha nito parang nasusuka na siya, iyong tabihan pa kaya ito. Pero pinili nanaman niyang matahimik, ayaw niyang magdamdam sa kanya ang kanyang lola.
Kinagabihan.
"Oh! Anong ginagawa mo ditong bakulaw ka?!" galit na singhal ni Ace ng makitang nasa ibabaw ng kanyang kama si Sailor.
"Ahh, k-kwan dito kasi ako pinatulog ni Nanay Salud a-asawa ko," nakangiting wika nito sa kanya na halos ikasuka niya.
"Anong asawa ko?! Anong asawa ko ha?! Kadiri ka naman Sailor! Hindi mo ba nararamdaman na tutol ako sa kasal na ito at mas lalong hinding-hindi ko gustong maging asawa ka! Dahil lang kay lola kaya ako pumayag, kaya wag kang praning diyan ha! Assuming mo talagang baboy ka! Yuckk! Lumayas ka nga diyan sa kama ko!" galit na sigaw niya dito at di pa nasiyahan itinulak ito kaya nalaglag ito sa sahig. Muntik pa nga siyang matawa dahil sa tunog ng lagabog nito. Akala mo may dambuhalang balyena na nalaglag sa sahig.
"Yucckk! Mukhang may germs na ng katabaan itong kama ko!" tila nasusukang wika niya, hinila niya ang kobre kama na animo nandidiri at maging kumot ay inihulog din niya lapag. Tsaka pinagpagan ang unan at prenting nahiga na sa kama.
Si Sailor naman ay animo nauupos na kandilang, umiyak na lamang ng mahina tsaka dahan-dahang tumayo habang hawak-hawak ang balakang. Hindi niya alam kong saan siya matutulog, kabilin-bilinan kasi ni Nanay Salud, wag na wag daw lalabas ng kwarto ni Ace. Mag-asawa na daw sila ni Ace kaya dapat lamang na sa iisang silid na sila matulog. At isa pa nag-aalala daw ito sa kalagayan ng kanilang lola, siguradong magagalit daw ito kapag nalaman nitong hindi siya natulog sa silid ng asawa niya.
Akala niya, okey na ang lahat kanina sa kanilang kasal. Nakikita kasi niyang panaka-nakang ngumingiti si Ace, akala niya tanggap na siya nito bilang asawa. Kaya lang bakit nga ba hindi niya naisip iyon na nagpapanggap lamang ito dahil sa kanilang lola.
"A-Ahmm, Ace k-kasi sabi ni Nanay Salud hindi daw ako p-pwedeng lumabas ng kwarto mo. Baka makita daw ako ni Lola, baka daw kasi m-magalit sya kapag nalaman na h-hindi ako dito natulog sa kwarto mo," nabubulol na wika niya dito.
"Haysss, ei di matulog ka kong saan mo gusto!" singhal nito sa kanya habang salubong ang kilay na nakatingin sa kanya.
"P-Pwede naman t-tayong share sa higaan, promise hindi ako maglilikot," nahihiyang wika niya dito.
"Kapal ng mukha mo! Asa kang pwede ka dito! Diyan ka sa sahig, diyan ka nababagay!" sabay bato sa kanya ng unan, sapol siya sa mukha.
Napaiyak na lamang siya muli pero pinipigil niya ang umiyak ng malakas kasi baka marindi sa kanya ito at bigla siyang kaladkarin nito palabas. Ang kobre kama na inalis ni Ace ang kanyang pinanlatag para kanyang mahigaan at ang dalawang unan ay kanyang pinagpatong para kahit papano ay tumaas iyon. Hindi kasi siya pwedeng matulog na mababa ang kanyang unan, feeling kasi niya nalulunod siya kapag ganon. Kapag kuway nahiga na siya at kahit nahihirapan agad siyang nakatulog dahil siguro sa sobrang pagod.
"Hayyss! Parang kalabaw kong humilik ei!" inis na inis na wika ni Ace at pinilit na lamang din niyang matulog kesa naman pakinggan ang malakas nitong hilik.