Sandaling nanatili si Sailor sa silid ni Ace, nanginginig pa rin kasi ang kanyang katawan dahil sa nangyari. Umiyak lang siya ng umiyak habang yakap-yakap ang sarili, hindi niya akalaing magagawa ni Ace ang ganon sa kanya. Binaboy siya nito ng walang pag-aalinlangan tapos sa huli ang maririnig niya sorry dahil nadala lamang ito ng matinding galit? Napakasama nito, wala naman siyang ginagawang masama pero patuloy pa rin siya nitong pinag-iisipan ng masama. Bigla niyang naalala ang offer ng kanyang kuya Dylan. Mabuti pa nga siguro umalis na lamang siya, siguro naman kapag ginawa niya iyon matatahimik na ito. Ngunit ng maisip ang huling habilin sa kanya ng kanyang Lola Adelaida, muli nanaman siyang napaluha. Hindi niya kayang suwayin ang huling kahilingan ng kanyang Lola. Sa naisip , napab