Iyak ng iyak si Sailor ng makabalik sa kanyang kwarto, hindi siya makapaniwala sa natanggap mula sa kanilang Lola. Hati sila sa lahat ni Ace, kahit na hindi naman siya tunay na kaanak ng kaniyang Lola. Pero batid niyang may tampo sa kanya si Ace, lalo pa at pantay ang kanilang natanggap. Baka saktan nanaman siya nito pero hindi na siya papayag na baboyin siya nitong muli, hindi na siya papayag pa. Maya-maya'y narinig niyang may kumakatok sa kanyang pinto. Ramdam niyang si Ace iyon, kong si Nanay Salud kasi kasunod ng katok nito ang pagtawag sa kanyang pangalan. Pinahid niya ang luha tsaka nagpasyang buksan ang pinto. Bahagyang siyang napaatras ng makitang si Ace nga ang kumakatok. "A-Anong ginagawa mo dito?!" mataas ang boses na tanong niya dito, medyo nangangatal ang kanyang bibig dahi