“Sigurado ka na ba sa desisyon mo, anak?” tanong ng kanyang ama na nagpatigil sa kanyang pag-aayos sa harap ng salamin. Nang tuluyan siyang lumingon, nabasa niya ang matinding pag-aalala sa wangis nito. “Hindi mo kailangan na gawin ‘to para sa kapatid mo.”
Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Roshane kasabay ng paghakbang papalapit dito. Nang makarating siya sa harapan nito’y kinuyom niya ang magkabilang kamay ng ama.
“Pa, ayos lang ako. Don’t worry about me.”
Batid niya na hindi sapat ang mga katagang iyon para mapanatag ito. Sa katunayan, makailang beses na rin sila nag-usap ukol sa nangyari noong gabi na nagpambuno ang ama at ang kasintahan ni Roanna. Nothing she says would put the man at ease, especially because she’s walking back to the place related to Nicollo.
Hindi man ito umamin, alam niya na ito ang pinaka-ugat ng matinding galit nito tungo kay Simon. Saksi ang ama at ang kanyang buong pamilya sa lahat ng sakit na dulot sa kanya ng dating kasintahan, kaya naman hindi na siya nagtaka pa.
“If ever I can’t handle it, hindi ako magdadalawang-isip na umalis,” paninigurado niya rito. “For now, I want to do what I can for Roanna. Isa pa, magandang oportunidad din ito para sa’kin. It means that I wouldn’t need to go back sa Australia. Hindi na ko malalayo sa inyo.”
“Okay, okay.” pagpapatalo ng kanyang ama kasunod ng isang buntong-hininga. “Kumain ka muna bago ka umalis, nagluto ang mama mo ng agahan. Ipagda-drive ka raw ni Chael habang wala pa ‘yung sasakyan mo.”
Payapa na lumipas ang agahan sa hapag ng mga Montallana. Sa kabila ng tensyon na bumalot sa pamamahay nila nitong nagdaan na mga araw, wala ni isa sa kanyang mga kapatid ang nangahas na magbanggit nito kanina.
Miski ang panganay nila na si Rachael ay walang imik noong inihinatid siya para sa unang araw ng kanyang trabaho sa Baltazar Events. Batid niya ang posisyon ng mga ito sa kanyang naging desisyon, kaya naman naiintindihan niya kung sumama ng bahagya ang loob ng mga ito sa kanya.
“So, I guess that’s it. Welcome to the company, Ms. Montallana. We’re so honored to have you here.”
Ngumiti ang babaeng kaharap at dinampot mula sa mesa ang pinirmahan niyang dokumento. Si Gale Villafuerte ang head ng strategy and business development team ng Baltazar Events. Inilahad nito ang palad sa kanyang harapan upang makipag-kamay at walang alinlangan naman na pinaunlakan ito ng dilag.
“Thank you. It’s an honor to be able to work with you, too. And you can just call me Shane.”
“Okay, Shane. Call me Gale na lang din. Anyway, bago pala kita ipakilala sa magiging team mo, gusto kang makausap ng Director.”
Kumurap-kurap siya at napa-awang ang bibig, “Director?”
“Um, yes.” Napasapo ng batok si Gale na tila ba tinanasya ang kanyang naging reaksyon. “Nicollo Baltazar. He instructed me to bring you to his office pagkatapos mong pirmahan ang mga papeles.”
“I-I see.”
Napalunok ang dalaga. Pangalan pa lamang ng binata’y naghahatid na sa kanya ng kaba, ano pa kaya kung magkita sila ulit matapos ng nangyari sa baby shower ni Nicoleen? Sa totoo lamang, hindi niya gaanong iniisip ang bagay na ito noong pumayag siya sa pakiusap ni Roanna.
“If you don’t mind me asking, are you two back together?”
Ang tanong ni Gale ang nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Hindi kaagad rumehistro sa kanyang isipan ang sinabi nito kaya’t ilang sandali pa ang lumipas bago nanlaki ang kanyang mga mata. Napa-ubo siya ng malakas at winasiwas ang kanyang palad sa ere upang itanggi ang konklusyon nito.
“N-no, we’re not.”
Bumakas ang dismaya sa mukha ni Gale, “Ah, I see. It’s going to be awkward, then. Kung gusto mo, sasabihin ko na lang sa kanya na ipinakilala na kita sa team, para hindi mo na kailanganin na pumunta sa opisina niya.”
“No, no. It’s okay. Kailangan ko rin naman siyang harapin sooner or later, so this is fine.” Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti. “Shall we go?”
Palakas ng palakas ang t***k ng kanyang puso habang papalapit sila sa opisina ni Nicollo. Alam niya ang bawat sulok ng lugar na ito kahit pa hindi siya ihatid ni Gale.
Hindi na rin niya magawang balewalain ang mga tingin na pinupukol sa kanya ng mga empleyado na kanilang dinadaanan. Bawat galaw ng mga mata nila'y tila isang matalim na kutsilyo na tumatarak sa kanya.
Well, she can’t blame them. Two years ago, she was their boss’ girlfriend. And now, she’s suddenly part of the company. Nakakahiya man aminin, ngunit batid niya na saksi ang mga ito sa iilan na mga naging away nila sa opisina ng dating kasintahan. Kapwa kasi silang isip-bata noon.
“You can come inside,” untag ni Gale sa kanya nang tumigil sila sa pintuan ng office ni Nicollo. “I’ll see you later.”
“O-okay. Thank you, Gale.”
Kumindat ito at tinapik ang kanyang balikat bago buksan ang pintuan para sa kanya. “Good luck.”
Kasabay ng kanyang unang hakbang papasok sa silid, tumambad sa paningin niya ang pamilyar na tanawin. It was him, seated in front of his office desk and adorned in his usual charcoal grey suit. Nang umangat ito ng tingin ay tila napako siya sa kanyang kinatatayuan. Gustuhin man niya na talikuran ito at kumaripas palabas, narinig na niya ang pagsarado ng pintuan sa kanyang likuran.
“Bakit ka nakatayo d’yan? Have a seat,” kaswal na saad nito at tumayo upang siya’y salubungin.
Malayo sa itsura nito noong huli nilang pagkikita, halata na mas maaliwalas na ang wangis ng binata ngayon. Bahagya na agumaan ang kanyang pakiramdam sapagkat hindi niya alam kung paano harapin muli si Nicollo sakali na magkita sila muli sa kaparehong sitwasyon at pagkakataon.
Hindi na siya nagsalita at tumalima na lamang sa sinabi nito. Tahimik siya na umupo saka pinagmasdan ang paglakad nito papunta sa lamesa kung nasaan nakasalansan ang mga kape at tsaa.
“Do you want to drink tea? I have some here.”
“No, water will do. Isa pa, hindi ka naman nainom ng tsaa….” Napatikom ng bibig ang dalaga nang napagtanto ang sinabi. “I mean, t-tubig na lang.”
Nakayuko man, dama niya ang mga mata ng binata na nakatuon sa kanya. Kinagat niya ang kanyang mga labi at lihim na kinastigo ang sarili. Bago niya pa napagtanto, lumakad na sa kanyang direksyon si Nicollo at inilapag sa harapan niya ang isang maliit na bote ng tubig.
“I drink tea now, in case you're wondering.”
“I-I see,” nauutal niyang sagot.
“It’s the only thing that can keep me calm these days.” He sat right across her as they gazes met again. Wala siyang mabasa ni katiting na emosyon sa mukha nito. “You should try it, too. Mukhang kailangan mo ng magpapakalma sa‘yo ngayon, lalo na at parang namumutla ka.”
“Ah, it must be the weather,” hinaplos ni Roshane ang kanyang pisngi at pilit na ngumiti. Umiwas din siya ng tingin mula sa binata upang kalmahin ang mas bumibilis na t***k ng kanyang puso. “Hindi pa rin kasi ako nakaka-adjust sa klima ng pinas masyado.”
“I see.”
“Anyway, bakit mo nga pala ako pinatawag dito?”
Namayani muli ang katahimikan sa apat na sulok ng silid. Tanging ang tunog ng air conditioner ang umuugong sa tenga ng dalaga.
“To apologize about what I did last time,” wala nang paligoy-ligoy na sagot nito sa kanya. "I was out of line."
"I apologize as well," mahina na wika niya. "Alam kong ako ang gustong pumutol sa anumang ugnayan natin, but here I am."
“Wala ka dapat na ipag-alala, I won’t get in your way while you work here." Puno ng kumpiyansa ang tinig nito. "Nirerespeto ko ang naging desisyon mo. Hindi mo rin kailangan mangilag sakin katulad ng ginagawa mo ngayon.”
“I know that. Alam ko na hindi ka ganoong klaseng tao. Mahalaga sa’yo ang trabaho mo kaya hindi naman ‘yan ang pinag-aalala ko.”
“Then, what are you worried about?”
Saglit siyang natahimik ulit. Nanatili ang kanyang paningin sa mga palad na nakapatong sa kanyang kandungan.
“Alam kong hindi natin maiiwasan ang isa’t isa, pero sana hangga’t maaari hindi tayo makita sa iisang lugar kung hindi naman kailangan.” Tuluyan na sinalubong ng dalaga ang nagtatakang tingin ni Nicollo. “Everyone here knows our history, so I don’t want to be a distraction in this company.”
Mas lalong kumunot ang noo nito. “Yeah, at alam din nila na matagal na tayong wala. What’s the issue here?”
"Ayoko lang maging awkward ang sitwasyon sa pagitan natin."
"Why? Are you uncomfortable with me?"
Hindi na bago ang ganitong takbo ng pag-uusap nila. Kahit noon pa man noong sila pa, hindi ito nauubusan ng tanong sa tuwing may hindi sila napagkasunduan. And while she was the feisty one in their previous relationship, she would end up throwing the towel in.
“There are already rumors going around,” sinapo niya ang kanyang batok at umiling-iling. “Ang pagtanggi mo sa Emerald Broadcasting at ang biglang pagpasok ko sa kompanya, everything about this will create a media frenzy. Sigurado ito na rin ang dahilan kung bakit binalaan ako ng Tanya Hermosa na ‘yon.”
“Tanya?” gulat na pag-uulit ng dating kasintahan. Unti-unti na nanlaki ang mga mata nito. “What do you mean? Did she say anything to you?”
There was a hint of displeasure in his face, making her hesitant to answer. Kilala niya si Nicollo. Sa kislap pa lamang ng mga mata nito’y batid na niya na hindi nito nagustuhan ang narinig mula sa kanya.
“W-wala naman,” maingat na tugon niya sa pang-uusisa nito. “I received a job offer from Emerald Broadcasting and she asked to meet me. Pero hindi rin naman natuloy kaya….”
“Job offer?” Lalong naningkit ang mga mata ng binatang Baltazar.
“Y-yeah. Iyon din ang dahilan kung bakit ako bumalik sa Pilipinas.”
Hindi pa natatapos ang kanyang pagpapaliwanag, tumayo na ito mula sa kinauupuan. Saglit itong luminga sa suot na wristwatch bago naglakad papunta sa office desk at pumindot sa telepono.
“Yes, sir?” boses iyon ng sekretarya ng binata.
“Ask everyone to gather at the meeting room. We’re having an emergency meeting.”
“Everyone? Sir….”
Pinatayan na nito ng tawag ang kausap bago pa ito makakontra. Matapos nito, lumingon muli si Nicollo sa kanya. This time, he had an irritated face. Roshane knew that the man was ticked off.
“Let’s go.”
“Nicollo… I mean, Mr. Baltazar, this is unnecessary…”
Natigil ang kanyang pagpoprotesta ng biglaan na hinila nito ang kanyang kamay. Dahil sadyang malakas ang binata, nagdulot ito upang mapatayo siya mula sa kinauupuan.
"Let me do one last thing for you," may himig ng pait ang tono ng pananalita ni Nicollo habang patuloy na nakikipagpalitan ng tingin sa dilag. "Pagkatapos nito, we can continue as strangers katulad ng gusto mo."
Muntik na mawaglit sa isipan ni Roshane ang bagay na iyon. Muling nagbalik sa kanya ang mga katagang binitawan niya noong pinagtabuyan niya si Nicollo sa pool. She clearly stated that they should act like strangers the next time they meet.
"After this, I'll just be someone you work with."
Tuluyan siyang binitawan nito at nagmartsa palabas ng opisina. She was left there, dazed. Wala siyang ideya sa gagawin o sasabihin nito sa meeting na may kaugnayan sa kanya.
Kung tutuusin, tila isang pamamaalam ang mga pahayag na sinambit ni Nicollo. Para bang ito na ang sagot ng binata sa kanyang mga pakiusap. Ngunit bakit tila mas pinabigat lamang nito ang kanyang pakiramdam? Why is she acting so unfamiliar in front of this goodbye when she's the one who said it first?