Chapter 4 - Traces of an old love

2190 Words
Kinuyom nang mahigpit ni Roshane ang kanyang mga kamay habang nakasakay ng taxi papauwi. Nanginginig pa rin ang mga kalamnan niya habang sinasariwa ang namagitan na tensyon sa kanila ni Tanya. “Seasons come and go, Ms. Montallana.” Those words repeatedly rang at the back of her head like a broken record. Gusto niyang kastiguhin ang sarili sapagkat batid niya na hindi na dapat niya pinatulan ang babaeng nababalitang papakasalan ni Nicollo. After all, it was her who wanted to cut ties with anything or anyone related to him. What was she so agitated about? Nawaglit lamang ito sa kanyang isipan nang tumunog ang kanyang telepono. Umiling-iling siya at ikinalma ang sarili bago bunutin ito mula sa kanyang bag. Kumunot ang kanyang noo nang makita na ang pangalan ni Reema na naka-flash sa screen ng cellphone niya. “Bakit natawag ‘yun?” bulong niya sa sarili. Bukod sa bihira sila mag-usap sa personal, bilang lang din ang pagkakataon na tine-text o tinatawagan siya ng nakakatandang kapatid. “Hello, Ema?” “Nasaan ka?” “Nasa taxi. Pauwi na ‘ko. Bakit hinihingal ka?” Mas lalong kinabahan ang dilag nang marinig ang buntong-hininga nito sa kabilang linya at ang mumunting sigawan nanahahagip ng kanyang telepono. “Reema, anong nangyayari d’yan? Bakit may nagsisigawan?” “Basta, umuwi ka na. We need you here. Wala si Chael para pigilan si Papa.” Bihira niyang marinig na nakikiusap si Reema, ngunit sa pagkakataon na ito’y tila seryoso ang tono ng pananalita nito. “Kailangan mo rin kausapin si Roanna tungkol sa lintek niyang boyfriend.” “Si Simon? Bakit? Nandyan siya sa bahay?” “Basta, dito na lang namin ipapaliwanag. Besides, this ridiculous chaos concerns you too.” “Okay,” luminga sa labas ng bintana si Roshane. “Malapit naman na ‘ko. I’ll be there in five to ten minutes.” Kasabay ng pagputol ng kabilang linya ay ang mas mabilis na t***k ng kanyang puso. Napahaplos ang kamay niya sa kanyang dibdib habang pilit na kinakalma ang sarili. May kakaibang bigat na siyang nadarama kahit na hindi niya pa alam ang sitwasyon na sasalubong sa kanya mamaya. Hindi umabot ng sampung minuto’y nakarating na sa bahay si Roshane. Sa gate pa lamang ay naririnig na niya ang galit na boses ng kanyang ama at ang palahaw na iyak ni Roanna. Dahil dito ay wala na siyang sinayang na oras. Mabilis siyang dinala ng kanyang mga paa papasok sa kanilang tahanan. “Pa, awat na. Please!” mangiyak-ngiyak na bulalas ni Rowela habang naka-akap sa kanilang ama. Nanlilisik ang mga mata at nakakuyom ang magkabilang mga palad palad nito, habang si Roanna nama’y nasa kabilang gilid ng sala at akay-akay ang kasintahan na may pasa na sa kanang mata. May dugo na rin ang gilid ng bibig nito at putok na ang labi. “Anong kaguluhan ang nangyayari rito?” Sinadya niya na lakasan ang kanyang boses upang makuha ang atensyon ng mga ito. Nang lumingon ang lahat sa kanyang direksyon, nakita niya ang paglambot ng ekspresyon sa mukha ng kanyang ama. Matapos noon ay nabalot ng katahimikan ang kaninang nagkakagulong tahanan nila. “Anak, naka-uwi ka na pala,” malumanay na saad ng kanilang ina at tinapik ang balikat ng asawa. “W-wala ito. Hindi lang lubos na nagka-intindihan ang Papa mo at si Simon.” “Roshane, kailangan kitang makausap….” “Anak ng… Hindi ka talaga titigil?” Akmang susugurin muli ng kanilang Padre de Pamilya si Simon upang pigilan itong magsalita, mabuti na lamang at naroon si Tyler upang humarang sa pagitan nila. “Wala ka talagang modo, ano? Lumayas ka sa pamamahay ko ngayon, istupido ka! Kapag nakita pa kita ulit, sisiguraduhin ko na hindi lang ‘yan aabutin ng pagmumukha mo!” “Roanna,” may awtoridad na wika ni Roshane at luminga sa luhaang kapatid. “Pauwiin mo na si Simon. Ngayon na.” “Shane…” “Roshane, I just need five minutes. Kailangan lang kita kausapin…” “Go home, Simon. Hindi mo ba narinig ang tatay ko? He doesn’t want you here. Kung nirerespeto mo ang mga magulang namin, kanina ka pa umalis.” Huminga siya ng malalim ang dalaga at nilingon ang ama. “Whatever it is that you want to tell me, I’m sure Roanna can relay the message. For now, get out of our house.” Sa kabutihang palad, nagawang kumbinsihin ng kanyang mga salita ang binata. Hindi na ito umimik at yumuko na lamang. Sinenyasan na lamang niya si Tyler upang tulungan si Roanna na akayin palabas ang kasintahan ng kapatid. “Pa, magpahinga na muna kayo ni Mama sa kwarto. Kami na bahala ni Ate Ela rito.” “Anak,” tawag ng kanyang ama. Malayo sa mabagsik nitong wangis kanina, bakas sa mga mata nito ang pagsusumamo. Hinawakan at kinuyom ng dilag ang kamay nito at tumango. “Let’s talk later, Pa. Magpahinga muna kayo. Baka tumaas pa ang presyon mo.” “Halika na. Mamaya na lang ‘yan,” sang-ayon ng kanyang ina at sumenyas sa kanya. Nagtanguhan naman sila bago tuluyan na maglakad papunta sa kwarto. Nang marinig ang pagsarado ng pintuan ay saglit siyang napapikit. Hinaplos niya ang kanyang noo at umiling-iling. Napukaw lamang ang kanyang atensyon nang tapikin ni Rowela ang balikat niya. “Anong nangyari, Ate? Bakit nagkagulo bigla rito?” “Sa tingin ko si Roanna ang dapat magpaliwanag sa’yo,” pilit itong ngumiti at hinawi ang buhok na humaharang sa kanyang noo. “Wala ako sa posisyon na manghimasok pero gusto kong tandaan mo ‘to, Shane. No matter what she asks of you, please put yourself first.” “What do you mean, Ate? May pabor ba na hihingin sa’kin si Ana kaya galit na galit si Papa?” “It’s not Roanna,” huminto ito nang makita na papasok na ng bahay si Tyler kasunod ang kanilang kapatid. Saglit na bumakas sa mukha nito ang dismaya bago muling bumaling sa kanya. “Basta, tandaan mo ang sinabi ko. Alam ko ang mga pinagdaanan mo at ayoko na maulit ‘yon.” Hindi na siya binigyan ng pagkakataon pa ng nakakatandang kapatid na makapagsalita. Lumakad na ito palayo at sinenyasan si Tyler na kaagad naman na sumunod dito. Tanging sila na lamang ni Roanna ang natira sa sala at nanatili itong iwas sa kanyang mga tingin. “May gusto ka raw sabihin sa’kin?” untag niya rito. Walang kataga na namutawi sa bibig nito. Sa halip, nagsimula itong humikbi. Dahil dito’y nilapitan niya ang kapatid at yinakap ito. “Tell me what happened. Bakit ka naiyak? This is so not you.” Inupo niya si Roanna sa sofa at pinunasan ang mga luha na patuloy na pumapatak mula sa mga mata nito. This was the first time in a long while since she last last her cry. Kahit pa ito ang pinaka-malapit niyang kapatid, hindi ito ‘yung tipo na umiiyak sa kanyang harapan. She was tougher and livelier than her. Kaya naman nadudurog ang puso niya na makita ang pag-iyak nito. “May naging problema ba sa wedding preparations niyo ni Simon?” Umiling-iling ito. “No, it’s not like that. Wala itong kinalaman sa kasal namin.” “Then, what? Hindi naman magagalit ng ganon si Papa ng basta-basta….” “I’m pregnant,” putol nito sa pagsasalita ni Roshane. “Alam ko nagulat ka rin sa biglang desisyon namin na magpakasal. Pumunta siya dito para sabay namin sabihin kay Mama at Papa ang totoo pero….” “Well, you’re in the right age. Imposibleng dahil lang doon kaya nagalit si Papa.” “Yeah, I know. Kaya nga kumpiyansa ako na papuntahin siya rito.” Napatakip ng mukha si Roanna habang pilit na pinipigil ang sarili na humagulgol. “But Simon is currently facing some difficulties in his work.” “Work?” Napa-kagat ng labi ang dilag. “Hindi ba isa siyang shareholder sa Baltazar Holdings?” “Yes. Magiging parte na rin sana siya ng Board of Directors pero….” Dito na tuluyan na sinalubong ng kapatid ang kanyang tingin. Mahigpit nito na hinawakan ang kanyang kamay bago muling nagsalita. “Something went wrong. He needs your support, Shane. Kung hindi, mawawala ang pabor sa kanya ng mga stakeholders at mawawalan ng career ang ama ng magiging anak ko.” “M-My support? Anong kinalaman ko sa Baltazar Holdings? I’m not even with Paix’s company anymore.” “The company wants to recruit you. Hindi ko alam kung nabalitaan mo na, pero hindi maganda ang kalagayan ngayon ng Baltazar Events,” paliwanag nito. “What do you mean? Last time I checked, sila pa rin ang nangungunang event marketing firm sa Pilipinas.” “Yes, but E&A is catching up. Nababahala ang board, lalo pa tinanggihan ni Nicollo….” huminto sa pagsasalita si Roanna at huminga ng malalim. “Tinanggihan niya ang pagpapakasal kay Tanya Hermosa. The tie-up with Emerald Broadcasting would’ve been a great diversion.” Hindi siya nagsalita kaagad. Sa ngayo’y tila hindi niya mawari kung bumigat o gumaan ang kanyang pakiramdam. It’s a confusing feeling. The feeling of falling off the cliff and stopping midway, unaware of when you’ll submerge in the raging waters. “Anong kinalaman ko sa mga ‘yan? Bakit ako ang gustong kausapin ni Simon?” “Tulad ng sinabi ko, gusto ka nila i-recruit. The industry is buzzing with your name, so….” “So they want to use me? Is that it?” Hindi na nagpaliguy-ligoy pa ang dalaga. Nandilim ang wangis niya kasabay ng isang sarkastikong ngiti. “No wonder Papa got mad. Talagang pumunta si Simon dito sa pamamahay natin para sabihin ‘yan? Gagamitin niya ang koneksyon mo sa'kin for his personal gain? To climb the ladder?” “I’m sure it’s not his intention, Shane. Stress lang siya ngayon at ito lang ang paraan….” “Tama na ang pagtatanggol mo sa kanya, Ana.” Hinawi ni Roshane ang kamay ng kapatid at tumayo mula sa sofa. “I’m happy that you’re pregnant, really. Pero matagal ko na sinabi sa’yo, hindi ba? Don’t let Simon walk all over you.” “He’s not like that. Please, Shane.” Bago pa talikuran ng dilag si Roanna, lumuhod ito sa sahig at inakap bigla ang kanyang binti. Tuluyan na itong humagulgol na nagdulot upang siya’y mapapikit. “Shane, please. Help him just this once. Parang awa mo na.” “Tumayo ka d’yan, Ana. Stop that,” mariin niyang utos ngunit nanatiling mahigpit ang kapit nito sa kanyang binti. “Roanna, ano ba? Nakikita mo ba ang sarili mo? Bakit mo ‘to ginagawa para sa kanya? I still remember how many times you cried every time he cheated on you. Hindi ka pa ba nadadala?” “Because I love him,” saad nito sa gitna ng mga hikbi. “Siya ang ama ng dinadala ko, Shane. Ayokong isilang sa mundong ‘to ang anak ko na walang ama. I want a happy family for my child.” Tila natunaw ang puso niya nang marinig ang mga katagang ‘yon. They had the same dream of having a family as happy as theirs. Nang ikasal at magkapamilya ang mga nakakatandang kapatid nila, nangako sila na susuportahan nila ang isa’t isa kung sino man ang mauna sa kanila na makakamit nito. Yumukod siya upang alalayan na makatayo si Roanna. Nang makaupo sila muli sa sofa, pinunasan niya ang mga pisngi nito at niyakap ito nang mahigpit. “I’m sorry, Shane,” mahinang wika nito. Wala na itong lakas, marahil ay bunga na rin ng kaiiyak. “Alam kong napaka-selfish ko, pero hindi ko na alam kung ano pa ang puwede kong gawin. I don't want to lose him.” Sa halip na sumagot, nanatili lamang siya na nakayakap dito. It was a familiar scene, that’s why she couldn’t blame her. She didn’t want Roanna to suffer the same way she did. She didn’t want the traces of an old love to hinder the things she could do to save her sister’s relationship. Nang tuluyan niyang mapakalma ang kapatid, hinatid niya na ito sa kwarto at pinagpahinga. Unang hakbang pa lamang niya palabas ng silid, nahagip na ng kanyang paningin si Reema. Nakasandal ito sa railing ng hagdanan at para bang kanina pa siya inaabangan. “Huwag mong sabihin na pagbibigyan mo si Roanna?” Batid ni Roshane na hindi na niya kailangan pang sagutin ang tanong nito. Sa pag-iwas pa lamang niya ng tingin mula sa nakakatandang kapatid ay malinaw na ang kanyang naging desisyon. “Sometimes, I can’t tell if you’re kind or if you’re just a naive fool.” “Ema, alam mo na hindi ko puwedeng pabayaan si Roanna kung may magagawa naman ako.” “Hindi mo responsibilidad na sagipin ang relasyon nila,” matigas na saad nito. Lumakad ito papalapit sa kinatatayuan niya at itiniklop ang magkabilang braso. “Ang buong akala ko natauhan ka na sa dalawang taon na nagpaka-layo layo ka, hindi pa pala. You’re jumping head first right into the same mud over and over again.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD