Chapter 6 - The Unwanted Privilege

2950 Words
“Is this everyone?” May himig ng inip ang boses ni Nicollo kasunod ng paglingon sa kanyang sekretarya na si Jasmine. “Hindi ba sinabi ko na ipatawag mo silang lahat?” Sinapo ng mestisang dilag ang batok at nagbuntong-hininga. “I’m sorry, sir. Nasa international summit ang ibang department heads so…” “Fine,” putol niya rito bago saglit na itinuon ang tingin kay Roshane na nakatayo sa likuran nito. Nakayuko ang dalaga at tila walang balak na salubungin ang kanyang mga mata. Hindi na siya nagulat pa sapagkat batid niya na naging padalos-dalos siya kanina nang marinig ang pakikipag-kita nito kay Tanya. Inikot niya ang paningin sa loob ng malawak na meeting room. Ito ang silid na madalas nilang ginagamit sa tuwing may mahalagang pagpupulong ukol sa malalaking project or management issues ng kompanya. Some of his employees even call it the “Hell Room” because it would take hours before they could step out if the meeting was held here. “What is this about, Nicollo?” untag ni Gale sa pananahimik niya. Luminga ito sa direksyon ng dating kasintahan kasunod ng isang malumanay na ngiti. “Ipapakilala mo ba sa lahat si Ms. Montallana?” Ang tanong na iyon ay mas lalong naghatid ng tensyon sa paligid. The knowing look on the face of every person in the room made him even more frustrated. Gustuhin man niya na kastiguhin isa-isa ang mga ito, batid niya na mas lalala lamang ang sitwasyon kung ito ang kanyang gagawin. “I’ve been hearing concerns, rumors, and all sorts of things since last week,” inilapat niya ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at umiling. “At hindi ko nagustuhan ang mga ‘yon.” Mula sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya ang pag-angat ng tingin ni Roshane. Halata sa mukha nito ang pagkabahala bunga ng kanyang mga sinambit. Her eyes were silently pleading, asking him to not take this too far. “The merger with Emerald Broadcasting, my rumored marriage with Tanya Hermosa,” saglit siyang tumigil sa pagsasalita saka tuluyan na ibinaling ang kanyang tingin sa dalaga. “And the decision to hire Roshane Montallana.” Nagpalitan ng tingin ang mga department heads. Marahil ay hindi nila inakala ang harap-harapan na pagpaparating ni Nicollo ng kanyang saloobin tungkol sa isyu habang nasa kaparehong kwarto si Roshane. “Sigurado akong marami kayong haka-haka tungkol sa mga bagay na ‘to. Whether your interest leans on my personal life or just pure concern for the company, I refuse to let any senseless gossip destroy the dynamic of our company.” “Alam namin na personal na buhay mo ‘to,” mabilis na segunda ni Gale sa kanyang babala. “But you can’t blame us for being curious. After all, malaking bagay para sa kompanya ang merger na ‘yon.” Alam niya ang nais iparating ni Gale. Mas mataas man ng di hamak ang posisyon niya rito, isa ito sa mga pioneer employee ng kompanya. He values her opinion when it comes to matters concerning the company. Naging malapit na magkaibigan na rin sila dahil sa mga pinagdaanan nila sa trabaho kaya naman ni minsan ay hindi niya minasama ang mga suhestiyon nito. “Address the elephant in the room, Nicollo,” mariin na dagdag pa nito bago siya makapagsalita muli. “Ang makakatapos lang naman ng usapin na ‘to ay ang pagsasabi mo kung bakit hindi natuloy ang merger natin sa Emerald Broadcasting.” “I’m disappointed in you, Gale.” Wala man bahid ng galit ang kanyang tono, nagawa nito na pawiin ang kumpiyansa sa mukha ng kaibigan. Kung kanina’y walang alinlangan nitong sinasalubong ang kanyang mga argumento, ngayo’y maagap ito na umiwas ng tingin at huminga ng malalim. “More than anyone else, akala ko isa ka sa mga unang tao na makakaintindi kung bakit ko ginawa ‘yon.” Imbes na sagutin siya, tumang-tango ito bilang senyales ng pagtanggap sa kanyang sinabi. Walang nangahas na sumegunda pa rito, nanatiling tahimik ang lahat na para bang hinihintay ang tuluyan niyang pagsabog. “Hindi si Roshane Montallana ang dahilan kung bakit hindi ako pumayag sa merger o sa pagpapakasal kay Tanya,” walang paligoy-ligoy na anunsyo ni Nicollo. Tumayo siya sa kinauupuan at ibinulsa ang magkabilang mga kamay. Lumakad siya paikot ng silid habang maingat na sinusuri ang ekspresyon sa mukha ng kanyang mga empleyado. “This company came this far without the help of my father despite being a subsidiary, so what makes you think that I’ll let that merger happen and hand over half of my management rights? For company growth?” Kasabay ng paghinto niya sa paglalakad ang mahina at sarkastikong tawa mula sa kanyang lalamunan. Hindi naman nagtagal sa labi ng binata ang ngiti na iyon at unti-unting nandilim ang ekspresyon nito. “Naiintindihan ko ang concerns ninyo, but why are we getting threatened over a competitor? Hindi merger o pagpapakasal ko ang sagot para maungusan natin sila, we can do better than that. We’ve been on top for years, for goodness sake!” Mula pa noong una’y wala na siyang balak na tanggapin ang merger. Kahit pa ipinipilit sa kanya ng kanyang ama ang ideyang iyon kapalit ng pagpapakasal niya kay Tanya, nanindigan siya na hinding-hindi papayag na magkaroon ng kahati sa management rights ng kompanya. At mas lalong hindi siya pabor na gamitin ang kanyang personal na buhay upang mapalago lamang kanilang negosyo. He doesn’t work that way. It disgusts him. “Hiring Roshane was a strategic move mutually decided by everyone in the board, it wasn’t just me.” Humugot ang binata ng malalim na hininga at tahimik na sinenyasan ang dalaga. Nag-aalinlangan man noong una, wala na rin itong nagawa kundi humakbang papunta sa harapan ng mga ito. “I won’t expand on why we scouted her, sigurado naman ako na alam ninyo na pinag-aagawan siya sa industriya natin ngayon. Kung ano man ang pagkakakilala niyo noon sa kanya, consider it done and over with. From now on, she'll be the Business Development Chief of the Customer Relationship Marketing team.” ------ Matapos ang ginawa ni Nicollo, naging madali na para kay Roshane na mag-adjust sa kanyang bagong trabaho. Hindi na rin bago sa kanya ang ilan sa mga project na hinahawakan kaya naman wala gaanong naging aberya sa pag-turn-over ng mga ito sa kanya. In fact, two whole months went by without her even noticing because of how busy her days were. “Knock, knock.” Natigil ang pagtitipa ng dilag sa harap ng computer screen nang marinig ang pamilyar na sa boses sa pintuan ng kanyang opisina. Nang i-angat niya ang kanyang ulo, sinalubong siya ng malapad na ngiti ni Gale. Masigla itong kumaway sa kanya bago lumakad papalapit. “Busy ka ba?” tanong nito. “Hindi naman masyado,” sinalansan niya ang mga papel sa ibabaw ng mesa. “Pinaghahandaan ko lang ‘yung presentation ko next week.” “Oh, yeah. Nabalitaan ko nga na may proposal ka na kaagad,” pumalakpak si Gale sa ere at umiling-iling. “As expected, hindi talaga ako nagtataka kung bakit kating-kati ang management na kunin ka.” “Ikaw talaga,” napa-ngiti na lamang siya sa ginawa nitong pambobola sa kanya. Luminga siya sa wall clock na nakasabit sa gilid ng pintuan saka ibinalik ang atensyon sa kausap. “Lunch na pala. Kumain ka na ba?” “Actually, aayain sana kita. Pero may iba pa ‘kong ipinunta rito.” “Ano ‘yon?” “Well, inimbitahan kasi tayo sa anniversary party ng Lorenzo’s Snap Kitchen, one of our food company partners.” Napabuntong-hininga si Gale at sinapo ang sentindo. “Since malaking okasyon ‘yon, mahalaga na nandoon tayo. The opportunity to find network in that party is plenty. Ang kaso nga lang, may problema.” “And that is?” “Me, Nicollo, and the Head of Sales, Clarissa, are supposed to go. Pero may major client tayo na nagschedule rin ng party on the same day at kailangan na umattend din doon si Nicollo.” “Oh,” napakagat ng labi si Roshane at itinuro ang sarili. “So, gusto mo ‘kong sumama?” “Yes, please?” Ngumuso ito na tila isang paslit sa kanyang harapan. “Nicollo and Clarissa can go to that party, then both of us can attend the anniversary party.” “Isn’t it a bit inappropriate for me to attend? Especially if they’re expecting Nicollo….” “Oh, hahabol naman siya,” putol ni Gale sa kanyang protesta. “Naisip ko lang na mas okay na isama kita. That way, they’ll be distracted by your presence.” Nalaglag ang panga ng dilag sa narinig. Nang mapansin nito ang gulat niya’y humalakhak ito at ginawaran ng mahinang hampas ang kanyang balikat. “Huwag ka ngang masyadong humble d’yan,” pabiro na wika nito. “Kinabahan na lahat nung malaman nila na na-hire ka ng Baltazar Events, that’s why they’ve been dying to meet you. I’m sure na marami lalo ang nagri-reach out sa’yo.” It was something she can’t deny, which is why she just cast it off with a smile. Tumayo siya mula sa kanyang office desk at binunot sa drawer ang kanyang pitaka at telepono. “Fine, I’ll go with you. Pag-usapan natin ‘yan habang nagla-lunch. Kailan ba ang party?” “Tonight.” “What?” halos napasigaw siya sa gulat. Tinakpan niya ang kanyang bibig nang mapantanto ang lakas ng kanyang boses. “Ngayong gabi na?” Tumango-tango si Gale at isinukbit ang kamay sa kanyang braso. “Yup, kaya tara na. Kailangan pa natin mag-ayos at maghanap ng susuotin mo.” “Susuotin ko? What? Saan tayo pupunta?” “Ako na bahala,” kumindat ito at ngumuso sa lamesa ni Henry, ang isa sa mga Associates ng kanyang team. “Ry, ikaw na bahala rito. Okay? Hihiramin ko muna ang Chief n’yo.” Wala nang nagawa si Roshane nang hatakin siya nito palabas ng opisina. Bago niya pa mapagtanto, nasa kotse na siya ni Gale. Matapos kumain ng pananghalian ay dumiretso sila sa isang malaking salon. Naging mabilis ang mga pangyayari para sa dilag at hindi lumipas ang isang oras ay natagpuan niya ang sarili sa dressing room ng isang dress shop malapit sa kanilang opisina. “Kasya ba sa’yo?” boses iyon ni Gale na naghihintay sa kanyang paglabas. “O-Oo, kasya naman.” Tinignan niya ang sarili sa salamin. Sa buong tala ng buhay niya, bibilangin lamang sa kamay ang mga pagkakataon na nakapag-suot siya ng ganito kagarbo at klase ng damit. It was a emerald dressy cocktail dress. Medyo mababa ang hati nito sa kanyang dibdib kaya hindi niya malaman kung hahakbang na ba siya palabas o hindi. “Hindi ka pa ba tapos? Labas ka na, dali. Para makita natin kung hahanap pa tayo ng iba.” “Okay,” pagpapatalo niya at pinihit pabukas ang pintuan. “I knew it,” bulalas ni Gale habang pinagmamasdan siya. Tiniklop pa nito ang magkabilang mga braso at tumango-tango. “Perfect. Sigurado akong pagkakaguluhan ka mamaya.” "Humanap pa kaya tayo ng iba?" Tinapik ni Gale ang suot na wristwatch at umiling. "Wala na tayong oras, Roshane. Let's go." Bilang mapilit at puno ng enerhiya ang kasama, buong araw niyang hindi natanggihan ang mga suhestiyon nito. Mula sa golden hairpin at sa high heels na halos hindi na niya maitayo, si Gale ang nag-coordinate ng lahat ng kanyang suot. Namg pumatak ang alas siyete ng gabi, nagtungo na sila sa venue ng anniversary party ng Lorenzo's Snap Kitchen. Sa tanyag na Inocencio Forbe Park ito gaganapin, kaya't batid niya kung bakit ganoon na lamang ang pagnanais ni Gale na bihisan siya. If you're going to this kind of party, you have to dress to impress. May ilang mga kumuha ng litrato nila sa bungad pa lamang ng venue. Laking pasasalamat na lang ni Roshane sapagkat event photographers lang at hindi media ang nag-cover sa event. "Nandito rin ang E&A," bulong ng kasama sa kanya matapos nila ipakita sa entrance ang kanilang imbitasyon. Ngumuso ito sa isang gilid kung saan nakatayo ang grupo ng kalalakihan. "Those are their pioneers. Hindi nila pinalalampas ang ganitong mga okasyon." "Do you know them well?" Umikot ang mata ni Gale at ngumiwi, "Well, hot item sila these days, so anyone would know them." "Oh, look who we got here!" Kapwa sila napatingin sa direksyon ng paparating na ginang. Unang tingin pa lang ni Roshane riti ay nahuhulaan na niya kung sino ito. Mabuti na lang din at in-orient siya kanina ni Gale sa mga itsura ng mga posibleng makita nila sa party na ito. "Madam, long time no see." Mabilis na nakipagbeso si Gale rito bago bumaling sa kanya. "This is Roshane Montallana, our new BD team chief. And Roshane, this is Mrs. Eula Yvonne Lorenzo." Kung tama ang kanyang pagkakaalala, ito ang unang asawa ng Chairman ng Lorenzo's Snap Kitchen. Bukod dito, ito rin ang tumatayong VP of Operations ng kompanya. "It's a pleasure to meet you," nakangiti na bati ng dalaga. "Oh, no. The pleasure is ours, hija." Marahan na tinapik nito ang kanyang braso at sinuklian ang kanyang ngiti. "I heard so much about you. I'll talk with you and Gale later, okay? Babati lang ako sa ibang guests." "Sure, Madam.” sagot naman ni Gale. “Enjoy the party, okay?” Enjoying the party was the last thing Roshane could do. Halos umikot na ang paningin niya sa dami ng nagpapakilala at nakikipag-usap sa kanya. Hindi na rin niya malaman kung saan nagpunta si Gale sapagkat wala na ito sa kanyang tabi ng lumingon siya. “Nasaan na ‘yun?” Habang nakatakip ang kamay sa kanyang dibdib, lumakad ang dilag patungo sa balkonahe. Laking pasalamat na rin niya at nagsisimula na ang programa ng party, dahil dito’y nawala sa kanya ang atensyon ng mga panauhin. Kasunod ng isang mahabang buntong-hininga, tumingala siya sa langit at pinagmasdan ang pagsinag ng buwan sa kanyang kinatatayuan. The trail of nonstop work must have taken its toll on her, because she’s suddenly feeling all tired. “Hi,” isang tinig mula sa kanyang likuran ang bumasag sa tahimik niyang pagmumuni-muni. Nang lumingon siya, sumalubong sa kanya ang isang pamilyar na mukha. “What is the star of the night doing here all alone?” Hindi siya kaagad nakasagot. Nagpatuloy siya sa pagtitig sa binata habang inaalala kung saan niya ito nakita. His thickset eyebrows, inquiring eyes, and condescending aura, everything about the man seemed familiar. Napapalakpak siya sa hangin nang mapagtanto kung sino ang kaharap. “You’re from E&A, right?” Bahagyang napahalakhak ito sa kanyang itinuran bago tumango upang kumpirmahin ang sinabi niya. Inilahad nito ang kamay sa kanyang harapan at tinanggap naman niya ang pakikipag-kamay nito. “Yes, I’m Cailen Rex Lorenzo. Founder of E&A. Nice to finally meet you.” “Ah, nice to meet you as well.” Bago siya makabitaw mula sa pakikipag-kamay dito, mabilis na nilapatan nito ng halik ang ibabaw ng kanyang kamay. Nagdulot ito upang siya'y bahagyang mabigla. Mabuti na lamang at nagawa niya na pigilan ang sarili, kundi ay malamang marahas na naitulak niya ito palayo. “So, how are you adjusting with your work in the Baltazar Events?” This man is acting strange. Hindi naiwasan ng dilag na mag-alinlangan na sagutin ang tanong nito. After all, E&A and Baltazar Events are close competitors. Hindi rin siya sigurado kung may mga mata na naka-aligid sa kanya ngayon kaya bahagya siyang humakbang palayo rito. “It’s fine. I’m doing good.” "You're enjoying the privilege he gave you?" Naningkit ang mga mata ng dalaga at bahagya na nagsalubong ang mga kilay. Sa gitna ng pagpinta ng lito sa kanyang mukha, mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ng lalaking kaharap. "Anong gusto mong iparating?" Sa pagkakataon na ito, wala nang bahid ng pakikipagkaibigan ang tinig ng dilag. Wala ni isang kataga na isinagot sa kanya ang kausap. Luminga lamang ito sa direksyon ng nagpapatuloy na kasiyahan na tila ba may pinagmamasdan. Because of this, she also glanced at where he was looking. "Simon?" kunot-noo na bulong niya. "Maiintindihan ko kung hindi direktang sinabi sa'yo ni Nicollo Baltazar," pagpapatuloy ni Cailen. Nang lumingon siya, natagpuan ni Roshane na muli na itong nakatingin sa kanya. "Pero wala bang sinabi sa'yo si Simon? Or maybe even your sister out of concern?" "Kilala mo si Simon at ang kapatid ko?" "A bit. Simon and I went to the same uni, so yes. We do know each other." "Anong kinalaman ni Simon sa mga sinasabi mo?" Naghatid ng kakaibang kislap sa mata ng binata ang kanyang tanong. "Bakit hindi mo hulaan? There's no fun in telling you right away." "I'm not a fan of riddles," masungit na saad niya at nagbuntong-hininga. "And you're not exactly someone I want to have fun with. So, goodbye. Creep." "Hindi mo ba talaga alam na si Nicollo Baltazar ang nag-suggest kay Simon na i-scout ka?" Napatigil sa paghakbang si Roshane bunga ng narinig. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay at saglit na pumikit bago tignan ulit si Cailen. "It's a mutual decision from him and the board, walang mali roon." "You weren't in the cards until he suggested it," maagap na wika nito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit naman kita paniniwalaan? You're not even part of the company to know that." "Sure, hindi naman kita pipilitin na paniwalaan ako." Umiling-iling ito at isinilid sa mga bulsa ang magkabilang kamay. "But I wish you'd stop playing the role of the naive, a woman of your caliber deserves better than that."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD