“You made it. Thank goodness!” galak na bati ni Gale pagkababa ni Nicollo ng sasakyan. Tinapik nito ang kanyang balikat at nagbuntong-hininga. “Nasaan na Clarissa? Iniwan mo siya sa party?”
Tumango-tango ang binata habang inaayos ang kanyang necktie at naglalakad papasok ng venue. Hindi niya maiwasan na mapa-ngiwi nang makita na nagsisimula na ang kasiyahan at nasa loob na ang lahat ng panauhin. He knew he was too late for the festivities, and that means he missed a lot of chances to network with the guests.
“Don’t worry, Roshane is doing a good job keeping them all distracted. Excited na excited ang lahat na makita siya.”
“Nasaan siya?” Luminga siya sa bawat kumpulan ng mga tao ngunit ni anino nito’y hindi niya naaninag. “I specifically told you to accompany her closely, right? Bakit hindi kayo magkasama?”
“Sorry. Nagkahiwalay kami kanina sa dami ng gustong lumapit at kumausap sa kanya. Besides, I have to greet people as well.” Napakamot na lang ng batok ang dilag. “I’m sure she’s fine. Roshane is a social flower, she can manage.”
“No, she’s not a social flower.”
Hindi na niya hinintay pa na makasagot sa kanyang sinabi si Gale at nagpatuloy na sa paglalakad. Inis man, pilit na iginuhit ni Nicollo ang ngiti sa mga labi nang makita si Cain Lorenzo na sumasalubong sa kanyang pagdating. Ito ang Chairman at CEO ng Lorenzo’s Snap Kitchen, at isa sa matalik na kaibigan ng kanyang ama na si Harry.
“Hijo, I’m glad you made it.” Umakap si Cain sa binata at tinapik ang kanyang likuran. Nang magkalas sila’y hindi pa rin nawaglit ang tuwa na kumikislap sa mga mata nito. “Muntik ko na tawagan si Harry nung di kita nakita kanina sa opening program.”
“I’m really sorry, Tito. The traffic was bad from where I came from. Pero alam n’yo naman na hinding-hindi ko palalampasin ang anniversary celebration ng Lorenzo’s Snap Kitchen.”
“Naku, mabuti na nga lang at dumating ka. Matampuhin pa naman itong si Tito Cain mo,” pabiro na bulalas ni Eula na bigla na lamang lumitaw mula sa likuran ni Cain. Nakipag-beso ito sa binata at luminga sa kabilang dako ng kasiyahan na tila ba may hinahanap. “Nasaan na ang girlfriend mo? I thought I saw her with Gale kanina. What’s her name again? The one who won an international award?”
“Ma,” mahinang saway ni Caizen sa ina. Ito ang panganay na anak ng mag-asawang Lorenzo at may-ari ng prestihiyosong ospital sa Maynila. “Stop it, will you?”
“It’s okay,” mabilis na agap ni Nicollo. “It’s Roshane Montallana. We’re not together anymore, pero siya ang bagong team chief ng Business Development department.”
“I must say, that’s so mature of you. Napaka-swerte ni Harry at may maaasahan siyang anak sa mga negosyo niya.” May bahid ng dismaya ang tono ng pananalita ni Cain. Umubo-ubo ito at saglit na pinukulan ng tingin ang panganay na anak. “Maybe Caizen and Cailen can learn a thing or two from you.”
Ang komento na iyon ay nagdala ng tensyon sa paligid. Nakipagpalitan na lamang ng tingin si Nicollo kay Caizen at kapwa silang nagkibit-balikat. They're used to Cain's sneaky remarks. Mula noong mga bata pa sila’y madalas nang nakukumpara si Nicollo sa magkapatid na Lorenzo. Pero dahil magaan ang loob nila sa isa't isa, napagbibiruan na lamang nila ito.
Cain was fond of him because he grew up interested in his father’s business. Unfortunately, the man's two sons aren’t so invested in their industry. Caizen pursued to be a doctor and managed his own hospital, while Cailen opened a marketing firm as well.
Hindi niya masisi ang magkapatid sa pagpili na humiwalay sa negosyo ng ama. After all, his younger brother Nathan did the same.
“Anyway, enjoy the party,” basag ni Caizen sa katahimikan saka lumingon sa ama. “We should go greet the Mayor and his group. Nasa VIP room na sila.”
“Oh, right.” Imbes na sundin kaagad ang suhestiyon ng anak, muli itong bumaling kay Nicollo. “Why don’t you join us, hijo? I’m sure they’d love to meet you. Madalas kitang nakukwento sa kanila.”
Hindi man siya nakatingin sa direksyon ni Eula, napansin na ng binata mula sa gilid ng kanyang mga mata ang matalim nitong tingin. Hindi kailan man nagsalita ng masama sa kanya ang ginang, ngunit batid niya ang lihim na panibugho nito tungo sa kanya. And while he knew Cain's excessive favors toward him harbored her ill feelings for him, he never took it against her. Instead, he learned how to deal with her.
“I’ll try to join later, Tito.”
“Yes, Dad. Bigyan natin si Nicollo ng time para bumati sa ibang bisita. Give others the chance to meet him. After all, we all know everyone’s looking forward to see him.”
“Right,” pilit na ngumiti si Eula at isinukbit ang kamay sa braso ng asawa. “We’ll see you later, hijo.”
Hindi na nakareklamo pa si Cain nang hilahin siya palayo ni Eula. Habang si Caizen nama’y nakipagpalitan ng tingin sa kanya. He nodded at him as a sign of gratitude for bailing him out of an awkward situation, and the man smiled in return.
“Well, that’s awkward.” Biglang sumulpot si Gale mula sa gilid niya habang umiiling-iling. “Mukhang madami pa ang hindi informed na break na kayo ni Roshane?”
“That’s why I told you to keep her company.”
“Sorry na,” naka-ngusong bulalas nito at nagbuntong-hininga. “If it'll make you feel better, I’ll go look for her now.”
“No, I’ll do it. Do what you need to do.”
Nagpatuloy si Nicollo sa pagsuyod sa lugar. Bawat gilid ng venue ay tinignan na niya ngunit hindi pa rin niya natanaw ang dating kasintahan. Where is she? The longer it takes to look for her, the more worried he becomes.
Batid niya na propesyonal si Roshane, at hinding-hindi nito aalis ng pagdiriwang nang hindi nagpapaalam kay Gale o sa mga Lorenzo na host ng event. Nabunutan lamang siya ng tinik sa lalamunan nang mahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na pigura sa balkonahe.
“There she is.”
Sa gitna ng kanyang pagtahak sa direksyon kung saan nakatayo ang dilag, unti-unting napakunot ang noo niya. The sight of someone he knew talking to her wasn’t giving him a pleasant feeling. Habang papalapit siya ng papalapit, naririnig niya ang masayang tinig ni Cailen Rex Lorenzo.
“You should really think about it.” Narinig niyang wika nito kay Roshane kasabay ng pag-abot ng business card sa dalaga. “Here. Kung magbago man ang isip mo, give me a call.”
Ang mga kataga na iyon ay nagsindi ng nagngingitngit na apoy sa kanyang dibdib. Hindi na niya nagawang makapag-isip pa. Nang tuluyan na makalapit sa dalawa, tinabig ng binata ang kamay ni Cailen bago pa man makapagsalita si Roshane.
“Nicollo,” gulat na tawag nito sa kanyang pangalan. “A-andito ka na pala.”
Imbes na balingan ang dilag, nanatili ang mga mata ni Nicollo sa lalaking kaharap. The confident look in his face only made him enraged. It was as if he was expecting him to make such entrance.
“Mr. Baltazar, it’s nice to see you here,” malumanay na wika nito at dahan-dahan na ibinalik sa bulsa ang business card. “Although, this isn’t quite the best time to introduce yourself. As you can see, nag-uusap kami.”
“Hindi ko naman kailangang magpakilala pa, right? You obviously know me,” sarkastiko na saad niya kasunod ng pagtaas ng kanyang kilay. “Although, I must say, I keep confusing your name with Caizen.”
Nanatili silang nakatingin sa isa’t-isa, hanggang sa isang pilit na tawa ang namutawi sa lalamunan ni Cailen. Umiling-iling ito at sinapo ang kamay sa batok.
“Hindi ka pa rin nagbabago,” saad nito at luminga kay Roshane. “You still have the habit of forgetting things that matter the most.”
"What are you implying…."
“I need to go,” putol ng dilag sa akma niyang pagsagot sa komento nito. Pinukulan siya nito ng isang matalim na tingin bago muling bumaling kay Cailen. “It’s nice to meet you.”
Nang tumalikod si Roshane at nagsimula na lumakad palayo sa kanila, mas lalong lumapad ang ngiti sa labi ng kaharap. The smugness in his face tells him that he’s mocking him deep inside. Gustuhin man niya na patulan ito, nagawa ng binata na pigilin ang kanyang sarili. Sa halip, sinundan niya na lamang ang dating kasintahan.
“Shane,” tawag niya rito ngunit hindi ito lumingon sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad ng mabilis. “Roshane, let’s talk.”
Akma na sana niyang hahablutin ang kamay nito, subalit tumigil ito upang tuluyan siyang harapin. It wasn’t the Roshane he was expecting to see. Buong akala niya ay inis ang makikita niyang ekspresyon sa mukha nito bunga ng kanyang ginawa sa harapan ni Cailen, ngunit iba ang tumambad sa kanya.
“What’s wrong?”
It was the same stare she gave him the day they broke up two years ago. He never wanted to see that again. Puno ng sakit at lungkot ang mga mata nito, at batid niya na sa kanya nakadirekta ang mga emosyon na iyon.
Bago pa siya muling makapag-tanong, hinagupit ang palad nito sa kanyang pisngi. Ramdam ni Nicollo ang hapdi sa kanyang mukha, kaya naman sinapo niya ito ng kanyang palad. Sa muling pagtatagpo ng kanilang mga mata, nanatili na nagngangalit ang tingin ni Roshane sa kanya.
"Totoo ba na ikaw ang nag-suggest sa board para i-recruit ako?" Malayo sa normal nitong pananalita, mataas na ang tono ng boses ng dalaga. Nanlalaki na rin ang mga mata nito at namumula ang magkabilang mga tenga. "It's not anyone's idea, but yours? You urged them to the idea of recruiting me?"
Hindi kaagad nakasagot ang binata. Kinagat niya ang kanyang labi habang hinahabi sa isipan ang nararapat na isagot kay Roshane. However, he knew that anything he says will only make the situation worse than it already was.
"Sumagot ka!"
She was screaming. Sinubukan niya na ilapat ang mga kamay sa balikat ng dalaga upang ito'y mapakalma, subalit marahas na tinulak siya nito palayo.
"Ang buong akala ko si Simon ang nakaisip ng lahat ng ito," pagpapatuloy nito at saglit na ipinikit ang mata. "That's why I accepted it. Kahit na alam ko na magugulo na naman ang buhay ko dahil sa'yo. I wanted to do it for my sister, but it turns out na napaikot mo na naman ako?"
"Roshane, hindi 'yon ang intensyon ko. Gusto ko talagang tulungan si Simon."
"You didn't think how this would affect my family?" Ang tanong na ito ang nagpatigil nang tuluyan kay Nicollo. "How dare you? Alam mo naman kung gaano kahirap para sa pamilya ko yung nangyari sa'tin, hindi ba? Why are you subjecting them to the same worries again?"
Namayani muli ang katahimikan sa pagitan nila. Mabuti na lamang at nasa labas na sila ng venue, kung hindi ay kanina pa sila pinagtinginan ng mga tao.
"I'm sorry, but I did what's good for the company." Pilit na pinawi ng binata ang emosyon sa kanyang mukha. He needed to keep his emotions in check, especially after he promised her that they'll go back to being strangers. "Like I said, I refuse to expand the company through marital connections. Kaya kung ano man ang naging desisyon ko, just trust that it came from what I believe was right in terms of business aspects."
"Business aspects? Tingin mo tama 'to? That's bullsht! Everything about this so-called business move is torture for both of us."
It was the kind of torture he'd gladly endure. Gusto niyang sabihin ang mga kataga na iyon, pero alam niya na muli lamang ito na makakagulo sa isipan ng dalaga. Lihim siyang napakuyom ng mga palad.
"I'm sorry if it made you feel that way," mahinang saad niya. "Pero kahit na papipiliin ako ulit, ito pa rin ang magiging desisyon ko."
"Sure. Ito rin naman ang dahilan kung bakit tayo naghiwalay, di ba? Because everything about your work comes first before our relationship."
"You know that's not true, Roshane."
"It is," hinawi ng dalaga ang mga hibla ng buhok na nakatakip sa kanyang noo. "Look at where we are now. Kung inisip mo ang mararamdaman ko at mga taong minsan na tinuring kang pamilya, hindi mo 'to ginawa. You're a selfish man."
Napako ang mga paa ni Nicollo sa kinatatayuan habang pinapanood ang paghakbang palayo ng dating kasintahan. Bumagsak ang kanyang mga balikat kasunod ng isang malalim na buntong-hininga.
As her figure slowly disappeared from his sight, he felt his chest getting heavy. Pakiramdam niya'y may dumagdag muli na malaking tipak ng bato sa pagitan nila ni Roshane. She was physically close, but their distance was slowly getting farther. Farther than the day they called it quits.