Chapter 8 - Trembling Steps Into Something New

3263 Words
Nanginginig pa rin ang mga kalamnan ni Roshane habang tinatahak ang daan palabas ng venue. Naririnig niya ang pagtawag ni Gale ng kanyang pangalan mula sa di kalayuan ngunit hindi na nagawa ng dalaga na lingunin pa ito. All she wants now is to get out of this place, head straight home, and cry in her pillow. Walang luha na bumabagsak mula sa kanyang mga mata ngayon, pero nanatili ang bigat ng pakiramdam sa kanyang dibdib. Napahinto lamang siya sa kanyang mabilis na paglalakad nang madama ang kirot sa kanyang sakong. Dito na niya napagtanto na naka-suot nga pala siya ng heels. “Kapag minamalas ka nga naman,” inis na bulong niya sa sarili at hinatak pataas ang suot dress upang tignan ang namamagang mga paa. “Nothing today goes the way I want it to be.” Napabuntong-hininga siya saka sinapo ang noo. Muntik na siyang mapamura nang maalala na hindi niya pala dala ang bagong bili na sasakyan. Si Gale kasi ang nagmaneho sa kanya papunta sa event dahil buong maghapon silang magkasama. “Paano ako uuwi ngayon?” Padabog niyang binuksan ang dalang bag. Kahit papano’y nakahinga siya ng maluwag nang makita na may laman na pera ang kanyang pitaka. It’s late, but she can take a taxi home since she’s in the middle of the city. Isang malakas na busina ang pumawi sa pag-iisip ng dalaga. Dahil dito’y napa-angat siya ng tingin tungo sa pinanggalingan ng tunog na iyon. “Don’t tell me maglalakad ka pauwi?” naka-ngiti na bulalas ni Cailen habang nakatanaw sa kanya mula sa bukas na bintana ng sasakyan at nakahawak sa manibela. “Hop in. Ihatid na kita.” Imbes na sumagot, hindi naiwasan ni Roshane ang awtomatikong pagtaas ng kanyang kilay. After all, he’s basically a stranger she met at the party. She’s not a social flower who will smile to cast off the awkwardness in the air. “No, thanks. I can manage. Marami naman taxi rito.” “You sure?” Luminga ito sa relo at umiling-iling. “Mag-aalas onse na, delikado maglakad mula rito papunta sa sakayan ng taxi.” Iginala ng dilag ang kanyang mga mata sa paligid. He was right. Medyo napalayo rin kasi siya sa venue bunga ng kakalakad matapos ng sagutan nila ni Nicollo. Lalong kumunot ang kanyang ulo nang mapagtanto iyon. What is this man doing here? “Sinusundan mo ba ‘ko?” Naghatid ng tawa sa lalamunan ng binata ang kanyang tanong. “Are you accusing me of being a stalker?” Hindi siya nagpadala sa biro ni Cailen. Sa halip, nanatiling walang emosyon ang kanyang mukha habang nakikipagpalitan ng tingin dito. Nang mapansin nito na hindi siya nakikipagbiruan, tumigil ito at umubo nang malakas. “I was driving past when I saw you from afar,” maagap na paliwanag nito. “Matapos natin mag-usap kanina, nagpaalam na ‘ko dahil may early morning meeting pa ‘ko bukas.” Nagkibit-balikat na lamang si Roshane sa sinabi nito at tumango. Ibinalik niya ang tingin sa loob ng bag at bumunot ng telepono mula rito. “Oh. Then, you should go home. Thank you for the offer, but I can book a cab from here.” Hindi na niya tinignan pa si Cailen at nagpatuloy na lamang sa pagpindot ng daliri sa screen ng kanyang telepono. Hindi man siya nakatingin, batid niya na may pagtataka na naka-ukit sa mukha nito. But she was too distressed to care for any of that, anyway. Matapos ang nangyari, hindi niya gugustuhin pa na pumagitna sa kung anong alitan ang namamagitan sa dalawa. “I’m not a bad person, Ms. Montallana.” Ang mga kataga na iyon ang nagpahinto sa akma niyang paghakbang paalis sa kinatatayuan. “Inaamin ko na hindi naging maganda ang pagkakasabi ko sa’yo ng mga nalalaman ko, but I said that over concern. Because in this industry, gossips can tower over any achievement. I admire you work, so I wouldn’t want you to fall victim on that.” “Thank you, but then again, I don’t need your concern,” tahasan na pahayag ng dilag sa muling paglingon dito. “At this point, I don’t need anyone’s concern. Walang kinalaman dito ang pagiging mabuting tao mo o hindi. I’m sorry if that’s how my actions came off for you.” “Fair enough. Naiintindihan ko kung bakit ganito ang naging reaksyon mo..” “Again, thank you for the offer. Pero andito tayo sa event na ‘to bilang competitors sa iisang industriya. We can’t possibly be at this level of 'friendly' in this environment, can we?” Tumango-tango ang binata bilang pagsang-ayon sa kanyang komento. “Right. Siguro masyado lang ako na-excite na makilala ka. I started on the wrong foot, I’m sorry.” “What’s done is done, don’t worry about it.” “Kung magkita tayo sa ibang pagkakataon at hindi bilang magka-kumpitensya, will this conversation be any different?” “Maybe? Hindi ko masasabi.” Lumisan ang dalaga matapos nito. Hindi na niya pinahaba pa ang palitan na namagitan sa kanila. He and his riddles are the least of her concerns right now. Sa ngayon, mas namamayani sa kanyang isipan kung paano pa muling haharapin si Nicollo matapos ang nangyari. ------- Mabilis na lumipas ang araw at ni isang beses ay hindi pa sila nagkadaupang palad muli ng dating kasintahan. Subalit mabilis din na natapos ang maliligayang araw ni Roshane nang dumating ang araw ng kanyang presentation. She’ll be presenting a proposal in front of him, Harry, and Nathan today. Right now, she’s having a hard time staying in focus. Ito ang naging pinaka-malaking problema niya sa isang buong linggo na pinaghandaan niya ang presentation. “As you can see on this graph, the fuel that keeps Balatazar Events on top are weddings. In fact, it’s what we’re widely known for.” Pinindot ng dilag ang remote ng projector upang lumipat sa kasunod na bahagi ng kanyang presentasyon. “From celebrities, politicians, beauty queens, you name it. We’re like a staple everyone keeps coming back for more, don’t you think?” “Yes. It’s undoubtedly one of our strongest suits,” sang-ayon ni Harry na nakaupo sa kabilang dako ng meeting room. “Exactly, we consider it as one out of the many events we specialized. That’s why I thought, why not launch a helping arm that would set it apart from the rest of our services?” “You mean, like an app or something?” Tumango siya at ipinihit ang screen sa sunod na slide. Lumitaw rito ang introductory video ng platform proposal na gawa ng kanyang team. Nagpalitan sila ng ngiti ni Henry na nakatayo sa gilid malapit sa pintuan ng conference room. Kahit na malaki ang kumpiyansa niya sa kanilang pinaghirapan nitong nakaraan na dalawang buwan, hindi pa rin niya maiwasan na kabahan. Masusi niyang pinagmasdan ang ekspresyon ng tatlo habang pinapanood ang bidyo na kanilang hinanda. Hindi siya nakakasigurado pero bakas sa mga mukha nito ang interes. She considers that a good sign. Nang pumatak ang huling segundo ng video, nagpalakpakan ang mga ito at nagpalitan ng tingin. Malapad na ngiti rin ang ipinukol sa kanya ni Harry bago tuluyan na magsalita. “I must say, that is some well-put video proposal.” “Thank you, sir. I owe it to the team. Our associate, Henry, designed and put all our ideas together.” “Good job, Henry.” “Thank you, sir.” “From the looks of it, it’s a social s***h dating platform, right?” usisa ni Nathan habang nakatingin sa notes na isinulat nito sa papel. “I won’t lie, all the while I thought it’s just an app where you can avail perks and discounts. Hindi ito isang simpleng app at malaking investment ‘to kung tutuusin.” “That’s right, and that leads me to the next point I wanted to make.” Muling luminga ang dalaga sa screen kasabay ng pag-flash doon ng marketing expenditure figures ng kompanya. “This is the budget figures from last year. Kung makikita ninyo, almost half of it is spent through social channels. Which is a shame, dahil ang pinaka-mataas na conversions natin ay nanggagaling from customer referrals. The clients who experienced our wedding services first-hand, not the ones who saw us on social media.” “So, you’re saying na nagsasayang tayo ng expenditures sa social channels? Is that it?” segunda na tanong ni Harry at itiniklop ang magkabilang braso. “Dahil kung iyon ang ibig mong sabihin, kailangan natin ng separate meeting kasama ang ibang department.” “No, absolutely not. That’s not what I meant, sir.” Huminga nang malalim si Roshane upang i-organisa ang mga ideya na lumulutang sa kanyang isipan. “What I’m saying is that it’s time to take a risk. May kanya-kanyang advantages ang popular na social sites, pero kung gagawa tayo ng sarili natin, we don’t need to compete. As you know, exclusivity is what drives sale conversions.” “I get your point, pero may isang tanong lang ako.” Nabalot ng katahimikan ang apat na sulok ng silid nang magsalita si Nicollo. Lahat ng mata’y lumipat sa kanya, habang ang dalaga nama’y saglit na napatigil ang paghinga. This was their first time looking directly at each other since what happened in Lorenzo's Snap Kitchen Anniversary party. "If we're going to build a market out of this, where do we get the initial audience? Katulad ng sabi ni Nathan, malaking investment 'to. The launch has to be grand from the get-go." "From our current clientele, dahil ito ang biggest conversion driver natin." "Yeah, but isn't it a hybrid of a social channel and a dating site?" Kumunot ang noo ng bunata at itinapik ang daliri sa lamesa. "Paano sila mahihikayat to sign up to this platform kung most of them are already married or are set to be married?" "As I said, our conversions thrive through referrals. Kung magra-run tayo ng exclusive perks for the members of the platform, I'm sure we'll drown with inquiries." "How about if we don't introduce it as a dating app?" Sa pagkakataong ito, si Roshane naman ang nagsalubong ang kilay sa nais iparating ni Nicollo. "Hindi ba mabe-beat non ang purpose ng proposal na 'to? We specifically wanted to focus on it dahil it fits the vision of the company." "I agree," wika ni Nathan. "Isa pa, pwede natin i-expand sa other event services ang platform after the launch. Sa palagay ko, launching it as a dating app could build up attention." "I'm all good with it," deklara ni Harry at pabirong itinaas ang mga palad. "Wala akong masabi, well done. It's like I asked for a slice and you gave me the whole cake, hija." "I'm relieved that you liked it, sir." "Pero bago tayo mag-wrap up, may isa pa kong gustong itanong." "Yes, sir?" Nakangiti na usisa niya. "The platform logo. It's a sunflower, right? How did the team come up with it?" Tila isang bomba na sumabog sa likuran ng isipan ni Roshane ang tanong na iyon ni Harry. Sa lahat na maaari nitong mapansin, iyon ang kaisa-isang bagay na ipinagdasal niyang mapalampas nito. Kapwa may bahid ng pagka-ilang ang mukha nila ni Nicollo. Hindi na nakapagtataka iyon sapagkat may simbolo sa relasyon nila ang bulaklak na iyon. Kung siya lang ang masusunod, hindi ito ang design na pipiliin niya para sa platform. However, the whole team decided on it, and she didn't want her personal feelings affecting her work. "We chose the sunflower design mainly because it resembles the color scheme of the company's logo." Ibinalik ng dilag ang tingin sa projector screen upang maiwasan ang pagtatama ng mga mata nila ng dating kasintahan. "Bukod doon, it also means unconditional love and adoration." "Ikaw ba ang pumili ng logo?" tanong ni Nathan. May kakaibang himig ang tono ng pananalita nito kaya mas pinili niya na huwag itong direktang tignan. "We all voted for it. Everyone in my team." "Pwede pa naman natin baguhin sa mga susunod pang meeting," pag-iiba ni Nicollo sa usapan at bumaling sa amang si Harry. "I'll oversee the entire process, so you don’t have to worry.” “Actually, I was thinking if Nathan could be the one in charge.” Tumayo mula sa kinauupuan ang matanda at nagpalipat-lipat ng tingin sa dating magkasintahan. “Hindi ko naman kailangang banggitin pa, hindi ba? Ayoko lang na maapektuhan ng nakaraan ninyo ang project na ‘to. Considering how massive this is, we need to focus.” “Pa, it’s Baltazar Events. The company where I spent my sweat, blood, and tears. I’m in charge.” Tumaas ang tensyon sa loob ng silid. Mula pa noon, malinaw na kay Roshane ang madalas na banggaan ng dating nobyo at ama nito pagdating sa usaping negosyo. Whenever they're in the same room talking about company affairs, they always clash with contrasting opinions. “I agree with Nicollo, sir.” Naghatid ng gulat sa lahat ng nasa silid ang komento ng dalaga. “Whatever happened between us is a personal matter. Nirerespeto ko ang authority niya sa kompanyang ito.” Nagbuntong-hininga si Harry at tumago. “If that’s the case, then great. We’ll leave you two to it.” Matiwasay na natapos ang meeting. Nagkasundo ang lahat na magpatuloy sa susunod na hakbangin upang masimulan na ang plano para sa proyekto. Kahit papano’y nakahinga na nang maluwag si Roshane. “Thank you for agreeing with me earlier,” untag ni Nicollo habang tahimik na nagliligpit ang dilag ng ginamit na laptop sa meeting. “And congratulations. It’s a great presentation.” “Thank you. Let’s work hard on this project,” inilahad niya ang palad sa harapan nito. Walang alinlangan naman itong nakipag-kamay sa kanya. “Nicollo…..” Ang tinig ni Gale mula sa pintuan ang tuluyang kumalas sa kanilang mga kamay. Napatakip ito ng bibig at ngumiwi. “S-sorry, naka-istorbo ba ‘ko? Akala ko kasi tapos na ‘yung meeting ninyo.” “No. What is it?” “Ah, eh.” Kumamot ito ng ulo at luminga kay Roshane bago bumalik ng tingin sa binata. “Nasa opisina mo si Tanya Hermosa. Sinubukan ni Jasmine na pigilan pero nagpumilit pumasok, eh. Parang galit na galit.” “You should go,” wika niya bago pa makapagsalita si Nicollo. “Ise-send ko na lang sa email lahat ng presentation files. And then, we can set a meeting with the entire team.” Hindi kaagad nakapagsalita ang binata. From the worried look in his face, she knew he wanted to explain. But, what for? Wala na siyang kinalaman sa personal na buhay nito. Pinanatili niya ang ngiti sa kanyang mga labi hanggang sa paglabas nito ng silid. “Really? Talagang hinayaan mo siya na puntahan ang babaeng ‘yon?” Nagpatuloy si Roshane sa pagliligpit at umiling-iling. “Wala na akong kinalaman sa buhay niya, Gale. Kung ano man ang pag-uusapan nila ni Tanya, labas na ‘ko dun.” Ngumuso ito at itiniklop ang magkabilang braso. “Wala rin naman karapatan ang Tanya Hermosa na ‘yon. Hindi ko talaga malaman bakit habol ng habol ‘yon kay Nicollo kahit pa noong di pa kayo naghihiwalay.” “What?” Napakagat ng labi si Gale. “Oh, you didn’t know?” “Matagal na ba silang magkakilala?” “Matagal nang nagpapadala ng party invitations dito si Tanya. Pero recently lang sila nagkakilala ng personal dahil sa merger.” May himig ng inis ang tinig ni Gale habang inaalala ito. “Sa totoo lang, matagal na namin natutunugan ‘yang si Tanya. If you watch her interviews, she’d mention Nicollo any chance she gets. Acting as if they’re close when they have never met before.” Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong pagkakataon. Sa buong tala ng relasyon nila ni Nicollo noon, hindi mabibilang sa kamay ang nagtangka na mapalapit sa binata. She can’t blame them, though. The man isn’t bad looking, and he’s one of the most eligible bachelors in the country. Kung hindi lang malaki ang kumpiyansa niya sa sarili, malamang ay mas napaaga pa ang kanilang paghihiwalay. “Whatever it is, wala na kong karapatan manghimasok sa buhay nila. Mas marami pa kong dapat asikasuhin kaysa d’yan.” “Speaking of aasikasuhin,” isinukbit ni Gale ang kamay sa braso ng dilag at ngumisi. “Halika. May naghihintay sa office desk mo.” “May bisita rin ako?” Umiling-iling kasunod ng isang halakhak na animo’y kinikilig. “See for yourself. Tara na.” Wala nang nagawa si Roshane nang hilahin siya ni Gale palabas ng conference room. Mula sa malayo ay natatanaw na niya ang kumpulan sa entrada ng kanyang opisina. Naroon ang kanyang team at iba pang empleyado na naka-station malapit sa department nila. “Excuse me, dadaan ang dyosa,” pabirong anunsyo ni Gale habang hatak-hatak siya. “Oh, paki-ingatan. Baka maapakan ninyo buhok n’yan. Super haba.” “Gale,” saway niya rito. “Ano bang pinagsasabi mo….” Tuluyan siyang natigilan nang makita ang mga basket ng pink na rosas sa kanyang opisina. Nakapalibot ang mga ito sa bawat sulok ng silid at may isang airplane stuff toy na may kalakip na sulat ang matatagpuan sa ibabaw ng kanyang desk. “Cailen.” Kumunot ang noo niya nang basahin ang nasa likuran ng envelope. Napalingon siya kay Gale na abot tenga ang ngisi. “The one from E&A? Siya ang nagpadala ng mga ‘to?” “Looks like it?” Yumukod ito sa harap ng isa sa mga basket at bumunot ng rosas mula rito. “Ang romantic naman. Imagine, he only met you once and now he’s expressing interest in you?” Imbes na sagutin ang pang-aasar nito, binalingan niya ang hawak na envelope. Nang buksan niya ito’y isang invitation ang tumambad sa kanya. “Anong sabi?” Dagli-dagling pumunta sa tabi niya si Gale upang makibasa sa hawak niyang piraso ng papel. “Oh, Manila Aeroclub Annual Party. I guess he wants you to be his date?” “Manila Aeroclub? Ano ‘yun?” “Ah, that’s an organization of pilots in the country.” Kumunot lalo ang noo niya. “Bakit naman niya ‘ko bibigyan ng imbitasyon? I’m not a pilot.” “Well, he is. Bukod sa pagiging young entrepreneur, Cailen is also known as a pioneer member of Manila Aeroclub.” Pumalakpak sa hangin si Gale kasabay ng pagkislap ng tuwa sa mga mata. “You should go.” “Huh?” Inilapag niya muli ang envelope sa ibabaw ng desk saka umiling. “He’s a competitor. Hindi maganda na magkaroon pa kami ng koneksyon ngayong dito na ‘ko nagtatrabaho sa Baltazar Events.” Ngumuso ang dalagang kaharap. “Eh ano naman? It’s not like he’s inviting you officially as his date. Anyone can go there, as long as they’re part of the guest list. Isa pa, it’s an exclusive party. Since you’re launching a project soon, it won’t hurt to find some network there to invest in it.” “Still, hindi pa rin tama na paunlakan ko siya.” “Come on, Roshane. It’s not like he’s a bad person.” “Right, he’s not. Alam ko naman ‘yan.” “You should do something new, meet new people,” inilagay ni Gale ang hawak na rosas sa kanyang tenga at ngumiti. “Wala naman mawawa, ‘di ba? Just like how Nicollo can meet other women, you should explore your options too.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD