Chapter 9 - A Battle of Curiosity

2392 Words
“Anong ginagawa mo rito?” bungad ni Nicollo kay Tanya nang makarating sa kanyang opisina. Hindi niya ito binalingan ng tingin at dumiretso lamang sa kanyang office desk. “Sabi ng sekretarya ko, you refused to set an appointment and just barged in here like you own the place. Kailangan mo ba talagang gumawa ng eksena?” Imbes na sumagot sa kanyang sunod-sunod na tanong, hinawi ng dalaga ang buhok at nagbuntong-hininga. Nanatiling nakapako ang tingin nito sa kanyang direksyon kahit na abala siya na nagsasalansan ng mga papeles. “You know what? All this time, akala ko matalino ka.” Kinuyom ni Tanya ang mga palad na nasa kanyang kandungan. “Lahat ng tao sa paligid ko, pinupuri ka. Gushing about your accomplishments at a young age. So, I got interested. However, I didn’t know that you’re a romantic fool.” May diin ang mga kataga na binitawan nito, ngunit nanatili na walang bahid ng emosyon ang mukha ni Nicollo. Ibinaba niya ang mga hawak na papel at tuluyan na ibinaling ang mga mata rito. With slightly flaring nosetrills and arched eyebrows, there’s no question that the woman in front of him was angry. “I’ll ask again. Mukhang hindi mo naintindihan ‘yung una kong tanong.” Lumakad siya papalapit sa kinauupuan nito. “Anong ginagawa mo rito sa opisina ko, Ms. Hermosa?” “Bakit? Now that the merger is off, you don’t want to see me anymore? Tapos mo na ‘kong pakinabangan, ganoon ba?” “Well, yes. That works, too. Although, if you think about it, wala naman talaga akong napakingabangan doon.” “Bakit masyado kang nahuhumaling sa Roshane Montallana na ‘yon?” Sa pagkakataong ito, may himig na ng inis ng tono ng pananalita ng dalaga. “So much that you’re willing to sacrifice the progress of your company. Alam mo ba kung gaano kalaking business deal ang itinatapon mo?” “Whatever happens to my company isn’t any of your business,” walang paliguy-ligoy na sagot niya. “Kung ito lang ang gusto mong pag-usapan, makakaalis ka na. I have nothing more to say about this issue. It's over, so get over it." “Well, now everyone’s trashing me because of what you did!” galit na sigaw nito at idinuro ang daliri sa kanya. “Apparently, word is out that you called for an emergency meeting. Ipinamukha mo sa lahat na hindi mangyayari ang merger o ang kasal natin, because apparently that girl is back. And now, I’m being laughed at.” “Hindi ko alam kung saan mo nakalap ang balita na ‘yan, pero hindi ‘yan ang nangyari.” Ipinalakpak ni Tanya ang mga palad sa ere. “Really? Sa tingin mo wala akong mga mata at tenga sa loob ng kompanya mo, Nicollo? I know every word coming out of that mouth. At alam ko rin kung paano mo hinahabol-habol ang babaeng 'yon.” “You’re delusional.” “Well, guess who made me like this? Hindi naman ako ‘yung biglang nag-cancel ng merger at ng arrange marriage, right? It was you.” “Why the heck are you so invested in this, Tanya?” Sinapo ng binata ang kanyang sentido at humugot ng malalim na hininga. “Hindi naman kawalan sa’yo o sa Emerald Broadcasting ang pag-call off sa merger. And it’s not like we’ve known each other for so long for you to develop romantic feelings for me.” Isang mahabang katahimikan ang namayani sa silid matapos ang kanyang pahayag. Nang makita niya ang paglambot ng ekspresyon ni Tanya, saglit niyang ipinikip ang talukap ng kanyang mga mata. He can’t believe this is happening. “What the heck is this?” bulong niya. “Nicollo,” hinablot nito ang kamay niya, ngunit mabilis niya na binawi ito. “Kung management rights lang ang issue rito, kakausapin ko si Daddy. You don’t have to surrender much for the merger, we can continue with the wedding and….” “You don’t get it, do you?” “Get what? Hindi naman kayo nagbalikan ni Roshane, ‘di ba? If your sole purpose is to use her for the benefit of the company, I won’t interfere with that decision.” Napahilamos na lang ng mukha si Nicollo bunga ng dismaya sa inaasal ng dilag na nasa kanyang harapan. He never viewed Tanya in a bad light during the talks of their supposed arranged marriage. Subalit ang kakatwa nitong mga pahayag ngayon ay unti-unting binabago ang tingin niya tungo rito. “May management rights man o wala, I don’t want my company to merge with yours. That’s the point.” Ibinulsa niya ang magkabilang palad at umiling. “And I don’t want to marry you.” “Bakit? Dahil ba bumalik na si Roshane Montallana? You’re trying to win her back by offering her a position?” “No, hindi ako katulad mo.” Ngumisi ang binata kasabay ng panlalaki ng mga mata ni Tanya. Hindi na sana niya gusto banggitin ito, subalit napatid na ang natitira niyang pasensya. “Why? Tingin mo hindi ko malalaman ang ginawa mo? Inofferan mo ng posisyon sa Emerald Broadcasting si Roshane para umuwi siya sa Pilipinas, tama ba?” Umiwas ito ng tingin mula sa kanya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo. I haven't met her yet. Siya ba ang nagsabi sa’yo n’yan?” “It doesn’t matter who said it. The fact of the matter is you crossed the line.” “How is that crossing the line? She won an award and the management wanted to recruit her. Wala akong kinalaman don,” mariin na tanggi nito. “Wanna challenge me?” He smirked. “May mga ebidensya ako na nire-recruit ninyo na siya bago pa siya manalo sa kompetisyon na ‘yon. And that’s after I told my father that I won’t be doing the merger or the marriage.” “At bakit naman namin siya ire-recruit kung hindi siya nanalo? What the heck are you talking about?” “You wanted to use her to threaten me,” isinuklay ni Nicollo ang mga daliri sa buhok ng dalaga at yumukod upang bumulong sa tenga nito. “Unfortunately, it backfired. Hindi siya tulad ng inakala mo, tama ba? Why did you think I chose to recruit her right away, huh?” Mabilis na napalitan ng galit ang kanina’y nagsusumamong mukha ni Tanya. Ibinato nito ang hawak na sling bag sa sahig. Bumangga ito sa coffee table na nagdulot upang bumagsak ang mga dolphine figurines na nakapatong sa ibabaw nito. Dagli-dagling pumasok si Jasmine sa kanyang opisina nang marinig ito. Akma sana nitong lalapitan ang dalaga, ngunit maagap niyang itinaas ang palad para pigilan ang paglapit nito. Hindi na niya nais na madamay pa ang kanyang sekretarya sa gulong ito. “Get out of my office,” malumanay na utos ng binata at itinuro ang direksyon ng pintuan. “I’m sure you don’t want security to drag you out of the building, right? Ayokong umabot tayo sa punto na ‘yon.” “You’ll regret this, Nicollo. Hindi ko palalampasin ang lahat ng pamamahiya na ginawa mo sa’kin.” Puno ng panibugho ang titig nito sa kanya. Kung nakakamatay man ang isang matalim na tingin, malamang ay kanina pa siya nakabulagta sa sahig. “Then, be my guest.” Tinalikuran niya ito at lumakad pabalik sa kanyang office desk. “Jasmine, please escort her out. Marami pa ‘kong dapat tapusin ngayong araw. I have no time for this.” “Y-yes, sir.” “Huwag mo ‘kong hawakan!” bulyaw ni Tanya sa sekretarya ng binata at tumayo mula sa kinuupuan. Pinulot nito ang ibinatong bag na nasa sahig at walang sabi-sabi na nag-martsa patungo sa pintuan. Samantala, nakipagpalitan muna ng tingin si Jasmine sa kanyang boss bago tuluyang sinundan ang nanggagalaiting dilag palabas. Naiwan si Nicollo sa silid habang nakayapos ang palad sa batok. Luminga siya sa labas ng bintana at pinagmasdan ang maaliwalas na kalangitan. It’s ironic, though. He had a chaotic morning, but the weather seemed to call for a joyous occasion. ------ Puno ng tawanan, kamustahan, at musika ang paligid. Habang si Roshane ay naka-upo lamang sa isang gilid at umiinom ng champagne. Lihim na kinakastigo ng dalaga ang sarili sa pagpunta sa party ng Manila Aeroclub. Hindi niya malaman kung ano ang kanyang nakain at nakumbinsi siya ni Gale na pumunta rito. Luminga siya sa kanyang paa at napa-ngiwi. Namamaga na naman kasi ang bukong-bukong niya dahil sa suot na high heels. Isa rin ito sa dahilan kung bakit napagpasyahan niya na umupo muna sa isang tabi. Marami na siyang nabati na kapwa panauhin, pero ni anino ni Cailen Rex Lorenzo ay hindi niya nakita. Why would he invite her here if he’s not here in the first place? Iniisip pa lamang niya iyon ay tila sinisidlan na siya ng inis. “Pinag-tripan lang ba ‘ko non?” naka-ngusong bulong niya at pinagpag ang suot na dilaw na bestida. “May pa-deliver pa ng sangkaterbang roses, pinaglinis lang naman kami ni Gale.” Nasa gitna ng pagmamaktol ang dilag nang may isang pares ng paa ang huminto sa kanyang harapan. Kumunot ang kanyang noo bago tuluyan na umangat ng tingin upang alamin kung sino ang lumapit sa kanya. “Bakit ka mag-isa at nagmo-monologue rito?” It was Cailen, adorned in a navy blue suit and his usual cheeky smile. Kinuha nito mula sa kamay niya ang baso ng champagne. “You’re really not a social flower, are you? Nasa isang sulok ka rin nung huling party na nagkita tayo.” “N-nagpapahinga lang ako,” pagdadahilan niya at tuluyang tumayo. “I already talked to several people, so I think I’m done for tonight.” “Really? There’s over three hundred people in attendance.” “Right. Ikaw nga pala ang pioneer ng club na ‘to. So of course, you’d know.” “I guess Gale already told you.” “Paano mo nalaman na si Gale ang nagsabi sa’kin?” Humalakhak si Cailen at kinindatan siya. “Well, knowing her talkative mouth, hindi na ‘ko magtataka na siya ang kumumbinsi sa’yo na tanggapin ang invitation ‘ko.” Naubo na lamang ang dalaga sa eksaktong hula ng binata. Iginala niya ang mga mata sa paligid upang iwasan ang malagkit na tingin nito sa kanya. “Shall we go?” “Ha?” Hindi pa siya natatapos sa pagtatanong ay hinila na nito ang kanyang kamay. Marami ang nagtangka na batiin si Cailen ngunit nilagpasan lamang ito ng binata. Nang marating nila ang hardin sa likuran ng venue, pinaupo siya nito sa pasimano ng malawak na water fountain. “Anong ginagawa natin dito…” Natigilan siya nang yumukod ito sa kanyang harapan at inangat ang kanyang paa. Tatanggalin sana nito ang sapatos niya ngunit awtomatiko na gumalaw ang kanyang katawan upang bawiin ito mula sa binata. “Anong ginagawa mo, ha?” May dinukot ito mula sa bulsa at inangat sa ere ang piraso ng band-aid. “Nakita kita kanina na iika-ika. And I figured it must be your shoes again. Ganyan ka rin nung anniversary ng Lorenzo’s Snap Kitchen, and you still refused a ride from me.” “Kaya ko ang sarili ko….” Natigilan si Roshane nang mapagtanto ang sinabi ni Cailen. “Nakita mo ko kanina? You mean, you knew I was already here but you didn’t care to greet me kahit na ikaw ang nag-invite sa’kin?” “Well, it was fun watching you struggle to socialize.” “You, stalker.” “Hey, I’m not a stalker.” Tuluyan na tinanggal ni Cailen ang sapatos niya at nilapatan ng band-aid ang kanyang paltos. “Ayoko lang na sirain ang momentum mo. After all, you’re doing something new. I’m just thrilled to see you stepping out of your shell.” It was a straightforward compliment. Kadalasan ay sanay na siya na tumanggap ng mga ganitong papuri, ngunit tila may dalang ibang pahiwatig ang mga katagang nanggagaling sa binata. Hindi niya nais na ipakita na may epekto sa kanya ang mga ginagawa nito kaya naman inirapan niya na lamang ito. “Yeah, right.” “Anyway, thank you for accepting my invite. Akala ko tatanggihan mo na naman ako.” “I almost did,” masungit na segunda ni Roshane habang isinu-suot muli ang sapatos. “You should send flowers to Gale next time, tutal siya naman ang kumumbinsi sa’kin na pumunta rito.” “Why? Hindi ka ba mahilig sa roses? What’s your favorite flower, anyway?” “It’s sunfl….” itinikom niya ang kanyang bibig ng ilang sandali. “It’s none of your business. Isa pa, hindi ka dapat nagpapadala ng kahit ano sa opisina ng competitors mo. I already told you, didn’t I? We can’t act friendly in a professional environment.” “How about here?” Kumislap ang nakakalokong ngisi sa labi ni Cailen. “If I ask you to have a friendly date with me, would you accept?” “Mr. Lorenzo.” “Cailen. Call me, Cailen.” Tumayo ito mula sa pagkakayukod, ngunit hindi mawalay sa kanya ang mga mata nito. “I’m here as a licensed pilot and a part of Manila Aeroclub, I’m not representing E&A right now. So, technically, hindi mo ‘ko kakumpitensya.” Just like how Nicollo can meet other women, you should explore your options too. Namayani ang boses ni Gale sa likuran ng kanyang isipan habang nakikipagpalitan ng tingin sa binata. Gustuhin man niya na kastiguhin ang sarili, may parte sa kanyang kalooban na sumasang-ayon dito. It was a battle between her professionalism and curiosity. “Fine, I guess there’s no harm in having some coffee.” “Really?” Bakas sa pagtaas ng tono nito ang galak. “Wala nang bawian ‘yan, ha?” “Oo na. Pero hindi ba isa ka sa organizer dito? Is it okay for you to leave?” Lumingon siya sa loob ng venue kung saan marami pa ang mga panauhin na nagkakasiyahan. “Mukhang hindi pa rin tapos ang program.” “Sure, it’s not like this party mattered more than this.” “What?” “Nothing,” sagot ni Cailen bago ngumuso sa direksyon ng parking lot. “Let’s go?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD