"Roshane, welcome back. I've missed you!" Buong galak na salubong ni Nicoleen sa dilag kasabay ng isang mahigpit na yakap.
"Same here, Nicoleen. Na-miss din kita." Nakangiting tugon ni Roshane. Nang magkalas sila'y doon niya lamang nasuri ang itsura ng kaibigang dalawang taon niya rin na hindi nakita ng personal.
She was glowing. Bahagyang nahahalata na rin ang umbok sa tiyan nito. Maituturing niyang isa ito sa mga dahilan kung bakit nagmamadali siyang bumalik sa Pilipinas.
When she received the news that her friend was pregnant and hosting a baby shower, she thought there's no way she'll miss that. Kahit pa ibig sabihin nito'y muli niyang makakadaupang-palad ang kapatid ni Nicoleen na si Nicollo.
"Congratulations, Nics." Wika niya sabay baling ng tingin kay Paix na umakbay sa kaibigan. "Sa'yo rin, Paix. Parang kailan lang noong napakarami ninyong pinagdaanan. And now you're both here, expecting a baby."
"Is that the side effect of winning a prestigious competition? Nagiging sentimental ka na ba, Roshane?" Pabirong saad ni Paix at ginawaran din siya ng isang yakap.
Natawa naman ang dalaga at umiling. Sa totoo lamang ay nangingilid na ang luha niya habang pinagmamasdan ang dalawa. She witnessed the hardship that these two experienced before they were able to reach this point. Hindi man niya aminin, magkahalong tuwa at kaunting inggit ang nadarama niya ngayon.
"Siguro nga."
"But seriously, thank you for coming." Hinawakan ni Nicoleen nang mahigpit ang kamay niya at nagbuntong-hininga. "Alam kong busy ka sa kaliwa't kanang offers sa'yo at - "
"Nics, you know I wouldn't miss this for the world." Putol ni Roshane sa sinasabi nito.
She didn't need to hear it to know the rest of what she's going to say. Alam niyang nagaalala ang kaibigan lalo't hindi maganda ang sitwasyon sa pagitan nila ni Nicollo.
"Thank you, Roshane. Hindi mo alam kung ga'no mo napasaya si Nics." Wika ni Paix. Nagpalitan ang mag-asawa ng tingin at matamis na mga ngiti.
"Sige na. Asikasuhin ninyo muna ang mga bisita. I'll be okay here." Paninigurado niya at sumulyap sa mga nagdadatingan bisita sa entrada ng venue.
"I'll ask Tantan and Tristan to accompany you. Balikan ka namin, okay?" Nakangusong paalam ni Nicoleen bago makipag-beso sa kanya at hilahin ang asawang si Paix papunta sa kumpol ng mga bagong bisita.
Luminga ang dalaga sa paligid, kaagad niyang namataan si Leontine sa entablado. Kumakanta ito at nililibang ang mga dumalo sa salo-salo. Tahimik siyang nagtungo sa isang bakanteng mesa at pinanood ito.
"Look who's back." Isang tinig mula sa kanyang likuran ang nagpalingon sa kanya. It was Nathan, one of Nicoleen's brothers.
Tinabihan siya nito at tinapik ang kanyang balikat. Kapansin-pansin ang aliwalas ng awra ng binata kumpara noong huli nilang pagkikita bago siya lumipad pa-Australia. He was a mess back then.
"Hey, Nathan." Bati niya dito sabay siko sa balikat bago muling bumaling sa kumakantang si Leontine na nasa entablado. "Looking at you now, is it safe to assume that everything worked out? Bumalik ka na ba sa katinuan?"
Isang tawa ang kaagad namutawi sa bibig ng binata. Sa totoo lamang, ito na yata ang unang pagkakataon na nakita niyang tumawa nang puno ng sinseridad ang binata kaya't bahagya siyang nagulat.
"I'm great, Roshane. Salamat sa pagaalala." Hindi napawi ang ngiti nito habang pinapanood ang dalagang kumakanta.
"We're working things out. Hindi pa pala kita napapasalamatan sa ginawa mo." Dagdag pa nito at muling tumingin sa kanyang direksyon.
"Ginawa ko?"
"I heard you went and comforted her. Sinabi niya sa'kin kung wala ka doon, baka kung anong nagawa niya sa sarili niya."
Saglit na nagbalik-tanaw si Roshane dahil sa binanggit ni Nathan. She didn't really mean to help them that time. Lalo't wasak na wasak pa siya noon bunga ng hiwalayan nila ni Nicollo. Ngunit mas nangibabaw sa kanya ang pagiging mabuting kaibigan sa kanya ng dalawa.
"I'm glad. You look better now."
"Ikaw din." Saglit na sinuri siya nito mula ulo hanggang paa. "Iba na nga yata talaga kapag sikat na."
Inambahan niya ng palo ang kaibigan at humalakhak. "Talaga ba? Sino bang sikat na celebrity love team ngayon? I've been watching your cooking vlog with Leontine ha."
"Thank you. But really, you look more at ease now." Giit nito at luminga sa isang gilid. Napasunod naman siya ng tingin sa direksyong iyon.
Natigilan siya nang magtama ang mga mata nila ni Nicollo. Nakatayo ito sa tabi ng isang table malapit sa gilid ng entablado. Kung hindi lamang kalabisan ay iisipin niyang kanina pa ito nakatingin sa kanila.
"Kung ayaw mo siyang kausapin, I can stay here." Seryosong wika ni Nathan. Napasapo ito ng batok at nagbuntong-hininga.
"He's been acting really strange since the news of you coming back. Kapatid ko siya pero hindi ko siya kukunsintihin, alam mo 'yan."
Umiling si Roshane at pilit na ngumiti. "I know. Pero kung hindi kami ngayon mag-uusap, kailan pa?"
"Sigurado naman akong narinig mo na ang balita, hindi ba?"
Tumango ang dilag bilang pagkumpirma. Hindi na rin niya napigilan ang pagguhit ng pait sa kanyang mukha. "I just want to ask him something. For my peace of mind."
"Fine." Pagpapatalo ni Nathan at saka lamang tumayo. "But don't let him take you for granted again, Roshane. You don't deserve that."
Hindi siya nakasagot, tanging nagawa niya'y panoorin ang paghakbang nito palayo. Miski siya'y hindi sigurado kung tama nga ba ang kanyang gagawin. Ngunit ilang babala man ang ibulong ng kanyang isipan, hindi yata siya matatahimik hangga't hindi niya nakakausap ang dating kasintahan.
Before she knew it, her feet brought her to the pool side. Sa hardin kasi ang venue ng party kaya't walang tao ngayon dito. Patay din ang mga ilaw at maging ang mga kasambahay ng mga Baltazar ay abala ngayon sa handaan kaya't nakakasigurado siyang walang makakakita sa kanilang dalawa.
She should know, she'd been a welcome guest in this house for five years. Luminga siya sa gilid nang marinig ang mga yabag ng paparating na si Nicollo.
There he is, up close and in flesh. Ang mukhang inakala niyang hindi na maghahatid ng kahit anong emosyon sa kanya ay muling nagpapabilis ng t***k ng kanyang puso. Mabilis siyang umiwas ng tingin at kinuyom ang magkabilang palad.
"Hey." Basag nito sa katahimikan.
Hindi umangat ng tingin si Roshane, sa halip ay tumitig siya sa kanyang repleksyon sa tubig ng swimming pool.
"What do you want?"
Namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Mula sa gilid ng kanyang mga mata'y nakikita niya ang pagsapo nito sa batok na tila ba nagdadalawang-isip.
"Roshane." Mabilis siyang umiwas nang maramdaman ang akma nitong paghawak sa kanyang kamay.
"Let's get this over with, Nicollo. Bago pa may makakita sa'tin." Matigas niyang saad. Finally meeting his gaze.
Halos maantig ang kanyang kamalayan nang maaninag ang namumugto nitong mga mata. He doesn't look well. Sobra ang ipinayat nito at tila bakas na bakas ang pagod sa mukha. Naiinis siya sa kanyang sarili sapagkat hindi pa rin niya maiwasan na magalala sa kalagayan nito.
"I've missed you."
Napapikit ang dilag kasabay ng mga katagang iyon. Pinilit niyang balewalain ito at humugot nang malalim na hinga.
"Kung 'yan lang ang sasabihin mo, aalis na 'ko. Nagsasayang lang tayo ng oras." Wika niya sabay talikod upang humakbang palayo.
Ngunit bago pa man siya makagalaw, hinagit na ni Nicollo ang kamay niya. Kinulong siya nito sa isang mahigpit na yakap. Gustuhin man niyang manlaban, tila nanghina siya nang umapaw sa kanyang mata ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
"I'm sorry."
Maiikli ang mga salitang iyon ngunit napakalalim ng pagtarak nito sa kanyang puso. Dati'y inakala niya na nais niyang marinig ang mga ito, bakit ngayo'y tila naghahatid ito ng kirot sa kanyang damdamin?
Itinulak niya palayo ang binata at mabilis na pinunasan ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi. "Sorry? What for? Ako naman ang nakipaghiwalay hindi ba?"
"But I should've fought for you. Hindi kita pinigilan. Dapat hinabol kita kahit saang lumalop ka pa pumunta - "
"But you didn't." Maagap niyang saad. Tumingala siya at pumikit upang pakalmahin ang sarili.
"Tapos na ang lahat sa'tin, Nico. It's too late for this, so stop contacting me. Iyon lang ang gusto kong sabihin." Malumanay na pagpapatuloy niya kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata.
"I'm not getting married, Shane." Mariin na wika ni Nicollo. "Kung iyon ang bumabagabag sa'yo, hindi totoo ang balitang 'yon."
Napawi ang bakas ng kahit anong emosyon sa mukha ng dilag. Muli niyang binalingan ng tingin ito at natawa. Iyong tawa ng isang tao na hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
"So? Anong gusto mong gawin ko?" Sarkastiko niyang tanong.
"Let's get back together. I'll treat you better just.." Hinablot nito muli ang kamay niya. "Stay with me. Hindi ko na kayang mawala ka pa ulit. Please."
As his tears started running down, her defenses finally collapsed. Isa itong mahalagang araw para kay Nicoleen pero narito siya ngayon, nalilito sa mga kataga ng taong minsang winasak siya.
"f**k you, Nicollo. You should've said that two years ago!" Galit na sigaw niya kasunod ng mumunting hikbi na tumakas sa kanyang bibig.
Inakap siya muli nito. Sa pagkakataong ito'y nanlaban na ang dalaga upang makawala sa bisig ni Nicollo ngunit mas lalo lang humigpit ang kapit nito sa kanya. Pinagpapalo niya ang dibdib nito bunga ng labis na galit sa gitna ng kanyang pag-iyak.
"What do you expect me to do now?" Basag na ang tinig ni Roshane. Nang mapagod siya'y hinayaan na lamang niya na manatiling nakayakap sa kanya ang binata.
"Gusto mong manatili ako sa relasyon na walang kasiguraduhan? You want me to be with someone who's afraid to commit to a lifetime with someone? Ganon ba?"
"Alam ko, Roshane. Naduwag ako eh." Tahasang pag-amin nito.
"I didn't want to compel you in the same situation my mother had. Alam mo ang nangyari sa pamilya namin. Natakot akong sumuong nang hindi handa."
"But I'm not like your mother and you're not like your father." Matapos ang katagang iyo'y lumuwag ang pagkaka-akap sa kanya ni Nicollo. Dito siya nagkaroon ng pagkakataon na kumalas sa bisig nito.
"Yes. I realized that after you left. Hindi tayo tulad nila dahil para akong mababaliw noong umalis ka."
The mighty Nicollo Baltazar, crying and pleading in front of her. If this was two years ago, this situation was unimaginable. Ngunit hindi na yata kakayanin ni Roshane na magsalita pa, naubos na ang kanyang lakas kakaiyak. Hindi na rin gumagana ng ayos ang kanyang isipan. This is all too much for her.
Hahakbang na siya palayo nang bumigay ang kanyang tuhod. Nawalan siya ng balanse at bago pa niya napagtanto, pahulog na ang kanyang katawan sa pool. Naramdaman niya ang paghila ni Nicollo sa kanyang kamay ngunit napasama ito sa kanyang pagbagsak.
Hinabol ni Roshane ang kanyang paghinga kasabay ng pag-ahon ng ulo mula sa tubig. Nang mamulat siya'y natagpuan niyang nakatitig sa kanya ang binata at katulad niya'y basang-basa rin ito.
When she saw the glint in his eyes, she quickly tried to get away - but it's too late.
Mabilis na nagapi ni Nicollo ang braso niya. Isang masidhing halik ang iginawad nito sa kanyang labi. He was gentle but tempting at the same time. She couldn't bring herself to push him away. Did she long for this? Tila unti-unting nagbabagsakan lahat ng pader na binuo niya sa loob ng dalawang taon.