Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Roshane nang umapak ang kanyang mga paa sa labas ng airport. It's been two years. Tinanggal niya ang shades mula sa kanyang mata at dinama ang matinding sikat ng araw na dumadapo sa kanyang balat.
"Wala talagang makakatalo sa summer ng Pinas." Natatawang bulong ng dilag sa sarili habang hila-hila ang kanyang maleta. Huminto siya sa isang gilid at luminga sa mga dumadating na sasakyan.
Kumunot ang noo ni Roshane nang hindi niya natanaw ang kanyang nais makita. Maya-maya'y binunot niya sa kanyang bulsa ang telepono at nagsimulang mag-dial ng numero dito.
"Nasaan na ba 'yung mga 'yon?" Napalabing saad niya kasabay ng pagdikit ng telepono sa kanyang tenga.
Ilang sandali pa ang lumipas, isang busina ang pumawi sa kanyang pagkabahala at naghatid ng munting ngiti sa kanyang mga labi. Dahil sa dami ng nakahilerang sasakyan, hindi agad ito nakarating sa kanyang harapan kaya't napagpasyahan niyang mabilis na lumakad sa direksyon nito.
"Papa!" Masayang sigaw ni Roshane nang makita na bumaba mula sa kotse ang ama upang salubungin siya. She embraced him tightly. Oh, how she missed this man.
"How's the flight baby girl?" Malambing na tanong nito sa gitna ng kanilang pagyayakapan.
"It's was great. I missed you so much." Bulalas niya at hindi kumalas dito.
She was on the brink of crying but her father caressed her back to soothe her. Napangiti siya sapagkat dalawang taon man ang mabilis na lumipas, tila kilalang-kilala pa rin siya nito.
"Ang dating ba n'yan eh si Papa lang ang na-miss mo?" Singit ni Roanna, isa sa kanyang mga nakatatandang kapatid. Nakayukod ito sa driver's seat at pinapanood silang mag-ama.
"Pa'no kita mamimiss eh kakadalaw mo lang sa'kin sa Australia last month?" Pabirong sagot niya dito at umismid. Isang taon lamang ang agwat ng kanilang edad kaya't madalas na kaswal lamang sila mag-usap nito.
"Oh, tama na 'yan. Humayo na tayo at naghihintay na ang mama mo." Saway ng ama sa pag-aangilan nila ni Roanna.
"Pinagluto ka n'on ng mga paborito mo."
Nagningning ang mga mata ng dilag bunga ng narinig. "Sakto, miss na miss ko na 'yung pininyahang manok ni Mama."
Matapos maikarga ang kanyang mga gamit, sumakay na sila ng kotse at tinahak ang daan pauwi. Luminga siya sa bintana at pinagmasdan ang naglalakihang electronic billboard na natatanaw mula sa NAIA Expressway. Tila wala pa rin pinagbago ang lahat. Siguro nga'y napaka-iksing panahon lamang ang dalawang taon.
Natigilan ang kanyang pagmumuni-muni nang mahagip ng kanyang mata ang isang pamilyar na imahe sa isang billboard. Unti-unting gumuhit ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi. It was him, smiling brightly, unlike the last time they saw each other. Lihim siyang napa-isip kung kamusta na ang lagay ng binata.
"Kamusta pala ang exhibitions mo sa Australia?" Untag ni Roanna sa pananahimik niya.
"Ah, okay naman. I had lots of fun." Tipid na sagot ng dilag at pilit iwinaksi sa isipan ang kalungkutang nadarama.
"You're all over the news, Shane. Huwag ka na magpa-humble." Pambubuyo ng kapatid habang nagmamaneho. Nagkasalubong ang mga mata nila sa rearview mirror at nginisian siya nito. "You won first place in the International Photography Awards. It's okay to brag, ano ka ba?"
"That's right, anak. Hindi mo alam kung ga'no ka ipagyabang ng mama mo sa mga kumare niya." Dagdag pa ng kanyang ama at hinawakan ang kanyang kamay.
"We're proud of you, anak."
Halos mangilid ang luha ni Roshane sa kanyang narinig. Pinisil niya ang nakakuyom na kamay nito at tumango. "I know. I'm always thankful for that."
That's right. Umalis siya dalawang taon na ang nakakalipas upang patunayan ang kanyang sarili. Hindi lang para lumimot sa nakaraan kundi upang makapagsimula muli. And here she is, at the peak of her career. This is more than what she wished for.
Inabot sila ng lagpas isang oras at kalahati sa daan bunga ng mabigat na trapiko. Naidlip siya saglit at nang maalimpungatan siya'y papasok na sila sa kanilang Village. Pagkatigil na pagkatigil pa lamang ng sasakyan sa harapan ng gate ay natatanaw na ni Roshane ang kanyang nakaabang na ina at tatlong kapatid pati na rin ang ilan nilang kasambahay.
"Welcome back, Shane." Sinalubong siya ng kanyang ina ng isang mahigpit na yakap at munting halik sa pisngi. Buong saya naman niyang tinugunan ang mga ito.
"Missed you, Ma."
"Missed you, too."
Nang nagkalas sila'y tumakbo sa kanyang harapan si Dreame, ang kanyang apat na taong gulang na pamangkin sa kapatid na si Rowela. Umakap ito sa kanyang binti kaya't binuhat niya ito sa kanyang bisig.
"Tinang, where have you been?" Tumitiling saad ng musmos na naghatid ng tawa sa lahat.
Tinang ang tawag sa kanya nito sapagkat isa rin ito sa kanyang mga inaanak.
Pinisil ng dilag ang pisngi nito. "Dreamy, did you miss Tinang?"
Tumango si Dreame sabay halik sa kanyang pisngi. "Yes, and Mama said you have lots of chocolates for me."
Tinapunan ni Roshane ng nakasimangot na tingin si Rowela na nagtatago sa likuran ng kanilang ina. "At talagang tinuruan mo pa 'tong pamangkin 'ko, Ate Ela ha." Pabiro niyang wika at tumawa.
"Nako, naghihintay din si Heaven at Lucas sa loob. May pasalubong din sila 'di ba?" Singit ni Rachael, ang kanilang panganay.
Umakap ito mula sa kanyang likuran at inihilig ang ulo sa kanyang balikat. Kahit na walong taon ang kanilang pagitan, si Rachael ang pinakamalapit sa kanya at napagsasabihan niya noon ng kanyang mga sikreto.
Bahagyang humalakhak muli ang dilag. "Oo naman. Mga bata lang binilan ko, hindi ko na sinama mga nanay."
"Hala, ang daya naman!" Reklamo ni Rowela at ngumuso.
"Naku, tama na 'yan." Sabad ng kanilang ina at tinapik ang balikat ni Roshane.
"Pasok na tayo sa loob, nang makakain ka at makapagpahinga. Sigurado akong tagtag ka sa biyahe."
Sa kanyang pagpasok sa tahanang iniwan ng saglit na panahon, nakaramdam siya ng kakaibang kapanatagan. She's finally home. Hindi makakaila ang labis niyang pangungulila sa lugar na ito. Nagbago man ang pwesto ng mga gamit at nagpalit ang kulay ng mga pader, ito pa rin ang nag-iisang lugar kung saan siya nakakadama ng kapayapaan.
Sama-sama silang nagtungo sa hapag-kainan. Dito'y nakalatag ang kanyang mga paboritong putahe tulad ng sinabi ng kanyang ama kanina. Nasa gitna ng mga ito ang kinasasabikan niyang pininyahang manok kaya't hindi na siya nag-atubiling umupo upang kumain. Sinimulan nila ang maagang hapunan ng isang dasal bago tuluyang magsalo-salo.
"So, how's the darling of the Philippines? Trending ka ngayon girl." Masiglang wika ni Rowela habang sinasandukan siya ng kanin sa plato.
"Yes, Tinang. You're so popular na, my friends were even asking me if you can attend our art exhibit sa Makati bukas." Umusog sa kanyang tabi ang pamangkin na si Heaven at kumurap-kurap na para bang nagpapa-cute.
"Nagpapasikat ka na naman sa barkada mo." Pambabara ng binatilyong si Lucas sa kapatid kasunod ng isang buntong-hininga.
Akma nang magsasagutan ang dalawa nang ginawaran ng tig-isang batok ni Tyler ang kanyang mga anak. Ito ang asawa ng kanyang Ate Rachael. "Tigilan ninyong dalawa ha, pagod ang tita niyo."
"Okay lang, Kuya." Saad niya at inakbayan ang pamangkin na si Heaven. Nakasimangot na kasi ito. "Pag-usapan natin later ha? Check muna ni Tinang schedule niya, okay?"
Kaagad naman nagliwanag ang mukha nito at tumango. "Thank you, Tinang. You're the best." Pinandilaan muna nito si Lucas bago bumalik sa kinauupuan.
"Masyado mong inii-spoiled 'yang mga pamangkin mo." Komento ni Papa habang umiiling-iling. Isang tawa na lamang ang isnagot ni Roshane dito.
"Anyway, I'm glad you're back. Saktong-sakto dahil ikaw ang maid of honor 'ko." Kaswal na anunsyo ni Roanna na nagpagitla sa lahat. Iwinasiwas niya sa ere ang kanyang kamay na may suot na singsing bilang tugon sa mga nangungusap nilang tingin.
"Oh my God, legit?" Napasinghap na bulalas ni Rowela at dagli-dagling pumunta sa tabi ng nakababatang kapatid. Sinuri pa nito ang singsing habang nakasuot sa kamay ni Roanna.
"Congratulations, Ana. Sa wakas at natauhan din si Simon." Bati ni Tyler na halos napapalakpak pa sa ere.
"That's great! I'm happy for you, anak." Dagdag na pagbati ng kanilang ina at tumayo upang akapin si Roanna.
"At talagang inaagawan mo 'ko ng moment, Ana ha?" Pabirong saad ni Roshane at ngumisi. "Congrats, so kailan ang kasal?"
"In two months time siguro."
"Hindi ba't napaka-bilis naman yata n'on, anak? Pinaghahandaan ang ganyang mga okasyon." Mababakas sa mukha ng kanilang ama ang pagkabahala.
"A-Ah, it's still in discussion pa naman Papa. Bukas makikipag-meeting kami sa Baltazar Events - " Natigilan si Roanna nang magtama ang kanilang mga mata. Namayani rin ang katahimikan sa hapag-kainan matapos ng sinabi nito.
Baltazar Events. Isa sa mga kompanya sa ilalim ng Baltazar Group of Companies na pagmamay-ari ng pamilya ni Nicollo Baltazar. Her ex and the reason she fled two years ago. Kaya't hindi na nakakapagtaka na ganito ang reaksyon ng mga ito. Limang taon din nilang itinuring na parte ng pamilya ang binata. Their families were quite close too.
Isang tawa ang pumukaw sa pananahimik ng lahat. Napatingin sila sa direksyon kung saan humahagikgik ang kapatid na si Reema na kanina pa walang imik mula nang dumating ang dilag.
Pangalawa ito sa magkakapatid, at kung si Roshane ang tatanungin, malayo ang loob at hindi sila madalas magkasundo nito.
"Ema." May pahiwatig na tawag ng kanilang ina sa pangalan nito. Kaagad naman tumigil ito sa pagtawa.
"Sorry. It's just too funny." Malumanay na saad ni Reema at bumaling kay Roanna. "Congrats, but why can't you just find another wedding planner? Alam mo naman na may mao-offend dito 'di ba?"
She didn't need to point it out, Roshane was fully aware that her sister was referring to her. Ngunit hindi tulad ng dati, nagbuntong-hininga na lamang siya at hindi pinatulan ang pang-iinis nito.
"I'm sorry, Shane. You know Simon is close with Nathan Baltazar, right? Nahihiya kasi akong tanggihan 'yung offer nila." Maingat na pagpapaliwanag ni Roanna.
"Hey, ano ba naman kayo?" Tumawa siya upang iwaksi ang tensyon sa paligid. "It's fine, Ana. Walang problema. It's been two years, I'm alright now."
"Really? Even if we tell you that Nicollo's about to get married too?"
Tila nagtigil ang mundo ng dilag sa narinig. What was that? He's getting married? Batid niyang may bagong karelasyon na ang dating kasintahan sapagkat kalat na kalat ang balita tungkol dito sa social media. But, marriage? Hindi ba't ang pagtanggi nito sa kasal na alok niya ang naging ugat ng kanilang hiwalayan? Now, he's getting married?
Muli niyang inangat ng tingin ang kapatid na si Reema, seryoso ang mukha nito. Walang bahid ng panunuya o pagbibiro. Gumihit ang dismaya sa kanyang maamong mukha. Sa totoo lamang ay lihim niyang hinihiling na hindi totoo ang kanyang narinig.
It's like the world came crashing down at her. Ang buong akala niya'y kahit ano pa man ang marinig niya tungkol dito ay hindi na siya maaapektuhan. Hindi pa rin pala.
"Ah, I see. Good for him." Tipid na sagot ni Roshane at pilit na ngumiti.
Nang matapos kumain, nagpaalam ang dilag na magpapahinga sa kanyang silid. Ibinato niya ang sarili sa kama at taimtim na ipinikit ang kanyang mga mata. Naramdaman niya ang unti-unting pagtulo ng kanyang mga luha.
Ang kirot sa kanyang dibdib na inakala niyang nawala na sa paglipas ng panahon, muling nananariwa at nilalamon ang kanyang kamalayan.
Napagitla siya nang naramdaman ang pag-vibrate ng kanyang telepono. Kumunot ang kanyang noo at mabilis iminulat ang kanyang mga mata. Pinunasan niya muna ang mga luha na umagos sa kanyang pisngi bago ito tignan.
I heard you're back.
Isang mensahe mula kay Nicollo. Humugot siya ng malalim na paghinga at ibinaba sa kanyang harapan ang hawak na telepono. She ran a palm across her face, thinking. Lumipas ang ilang minuto bago niya napagpasyahang sagutin ito.
I heard you're getting married.
Nagngitngit ang kanyang kalooban nang tuluyan niyang maipadala ang mensaheng iyon. Nagtatalo ang kanyang isipan kung nararapat pa nga bang magkaroon sila ng komunikasyon ni Nicollo matapos ang kanilang relasyon.
Can we meet?
Tatlong kataga. Iyon lamang ang bumasag sa dalawang taon niyang pagtitiis. Once again, she's trapped in a time lapse of memories. The memories of what they used to be.