Chapter 3 - The season that has ended

2740 Words
After seeing her walk into the party earlier, Nicollo had been resisting the strong urge to cage his ex-lover into his embrace.  Hindi niya maitatanggi na mas maaliwalas at masigla ang hitsura nito kumpara sa huli nilang pagkikita. His absence in her life must’ve brought back the glow she had when they first met. Iniisip pa lamang niya ang kaototohanang iyon ay parang pinupulbo na ang kanyang puso. If only he was courageous enough back then, he wouldn't feel so helpless right now. She wouldn't be so out of his reach.  Dala ng labis na pagkalunod sa pangungulila kay Roshane, hindi na niya pinalampas pa ang pagkakataon. Hindi na rin niya pinigil pa ang kanyang sarili. Ginising ng dampian ng kanilang mga labi ang lahat ng kanyang panghihinayang at pagsisisi.  Noong una ay ramdam niya pa ang nagpupumiglas nito, ngunit hindi kalaunan ay bumagsak na ang magkabilang balikat ng dilag. Kasabay ng pagsuko nito ang pagtugon sa kanyang mga halik.  "Y-you're not in the right state of mind," hingal na bulalas nito sa pagitan ng kanilang mainit na tagpo. "Let's stop here, please." He didn't. Sa halip, mas lumalim pa ang kanyang paghalik dito. His hands were under the water, wrapped around her waist.  “I said stop,” bulong nito kasunod ng pagkalas mula sa kanya. “Tama na, Nicollo. Hindi na ‘to tama. Tapos na tayo.”  “My feelings didn’t change. Alam kong mahirap paniwalaan, matapos ang lahat ng ginawa ko sa’yo. Two years may have passed, but I still love you.”  "Hindi mo dapat sinasabi ang mga salitang 'yan ng basta-basta, Nicollo." "It's true," tahasan na giit niya. "Mahal na mahal pa rin kita. Kahit anong gawin ko, it's still you I long for." “It’s too late for that.” "We can try again. It'll be different this time, I promise." "Tama na. Just let me go." Kahit ilang beses pa na ulit-ulitin sa kanya ng dilag ang mga katagang iyon, hindi pa rin magawa ni Nicollo na gawin ang nais nito. Bago pa ito makapag-pumiglas palayo sa kanya, hinila niya ang mga kamay nito at ikinulong muli sa kanyang mga bisig. “Godammit, Nico.” Halos pasigaw na bulalas ni Roshane saka marahas at buong mithi na itinulak ang kanyang katawan. Namumugto man ang mata’y hindi na maitaatanggi ang pagkilap ng galit sa mukha nito. “Tanggapin na natin ang tadhana. This thing between us is long overdue. Let’s just go our separate ways.”   “No. What do you want me to do?”  “Wala kang kailangan gawin….”  “Gusto mong magbago ako? I’ll do that. Gagawin ko lahat ng gusto mo,” inihilamos ng binata ang mga palad sa kanyang mukha. “We can go ahead and get married. If that’s what you want…”  Hindi pa natatapos ang kanyang pagsasalita nang dumampi sa pisngi niya ang sampal mula sa dalagang kaharap. Nagngangalit ang tingin nito sa kanya habang patuloy ang pag-agos ng mga luha.  “How dare you say that….” “Shane. Please.” Aabutin at pupunasan niya sana ang mga luha na bumabagsak sa mga mata nito, ngunit hinawi nito ang kanyang kamay palayo. “Don’t make me lose you again.”  “Matagal na akong nawala sa’yo,” matigas na pagtatama nito sa kanyang sinabi. Nakakuyom ang mga kamay nito at buong tapang na nakipagpalitan ng tingin sa kanya. “The next time we meet, let’s go back to being strangers.”  Wala na siyang nagawa nang umahon na mula sa pool si Roshane. Sinundan na lamang ng kanyang mga mata ang bawat galaw nito. It was a familiar sight. Tila nagbalik sa kanyang alaala ang paghihiwalay nila dalawang taon na ang nakalipas. When he begged with the same words and she left him anyway.  “May pag-asa pa ba na mapatawad mo ‘ko? Maybe not now, but perhaps someday?”  Pinatigil ng tanong na iyon ang akma na paghakbang palayo ng dating kasintahan. Sa huling pagkakataon ay nilingon siya nito. Malayo sa matigas nitong ekspresyon kanina, tila mas malambot na ang tingin ng mga mata nito sa kanyang direksyon.  “I can’t promise anything, Nicollo. But I wish you well, I sincerely do.”  --------- Nanginginig pa ang mga kalamnan ni Roshane habang tinatahak ang daan palayo sa pool kung saan sila nag-usap ni Nicollo. Hindi na niya alintana ang basang-basa na katawan at ang malamig na ihip ng hangin.  Ang tanging nais niya lamang ay makalayo nang tuluyan sa lugar na ito. Her tears kept on falling no matter how hard she tried to stop it. Nanghihina rin ang kanyang mga tuhod at ano mang oras ay batid niyang tutumba na siya.  “Roshane?” Tinig iyon ni Leontine. Nang umangat siya ng tingin, nakita niya ang nag-aalala nitong mukha kasama ang asawa na si Nathan. “Anong nangyari sa’yo? Bakit basang-basa ka?” “Wala lang ‘to. Nahulog lang ako sa….”  Hindi na natapos ang kanyang pagsasalita dahil bigla na lamang umikot ang kanyang paningin. Mabuti na lang at mabilis siyang nadaluhan ng kaibigan na si Nathan. Nasalo siya nito bago pa man siya bumagsak mula sa pagkakatayo.  “What the heck is happening with you….” he paused upon noticing the tears on her face. “Umiiyak ka ba?”  Maagap na umiling ang dilag at marahan na winasiwas ang kamay sa ere. “Ayos lang ako. Nahulog lang ako sa pool.” “Here. Baka magkasakit ka.” Ibinalot ng nakababatang kapatid ni Nicollo ang suot na coat sa kanyang katawan.   “Nathan, kunin mo yung spare kong damit sa kotse para makapag-palit si Roshane,” utos ni Leontine sa asawa ka kaagad naman nitong tinanguhan. Matapos nito, kapwa nilang inalalayan na makatayo ang dalaga. “Kaya mo bang maglakad?”  Tumango siya at pilit na ngumiti. “Oo naman.”  “Anong nangyari rito?” Gulantang na bulalas ni Nicoleen nang makita sila. Agad-agad itong lumapit sa kanila.  "Let's ask her that later, Nics. Ipasok na muna natin siya sa loob." Sa kabila ng matinding panghihina bunga ng tuloy-tuloy na pag-iyak kanina, nagawa ng dilag na makapag-lakad hanggang sa sala ng bahay ng mga Baltazar.  Pinaupo siya ni Nicoleen sa sofa, habang si Leontine nama'y humahangos palabas ng isang kwarto. Umupo ito sa kanyang tabi at dahan-dahan na idinampi sa kanyang mukha at buhok ang hawak na dilaw na tuwalya.  "Gusto mo bang pag-usapan kung anong nangyari?" maingat na tanong nito.  Walang kataga na namutawi sa kanyang bibig. Nagpatuloy lamang siya sa pagkuskos ng tuwalya sa kanyang basang damit kasunod ng isang buntong-hininga.  "Dahil ba kay Kuya Nicollo?" Napalingon si Roshane kay Nicoleen. Hindi na niya kailangan na marinig ang sasabihin nito. The hint of anger in her eyes were enough for her to know that her friend wasn't pleased with her own brother.  "Nics, okay lang ako. Hindi mo na kailangan na pagalitan si Nicollo." Inilipat niya ang tingin sa sahig at kinuyom ang kanyang palad. "I took care of it. Nilinaw ko na sa kanya ang lahat. Sigurado akong naintindihan na niya ang gusto kong ipahiwatig." "Are you sure?" Biglang sabad ni Leontine. "Umiiyak ka kanina. It didn't look like your conversation ended well." Isang ngiti lamang ang itinugon niya sa tanong nito. Gustuhin man niya na ipakita na kumpiyansa siya sa kanyang naging desisyon, hindi niya maiwasan na pagdudahan ang sarili. Especially upon seeing how Nicollo easily shattered her defenses with just one kiss.  "Wala ka na ba talagang nararamdaman para sa kanya?" Sa pagkakataong ito'y si Nicoleen naman ang ang nagtanong.  Saglit na napapikit ang dalaga at iginuhit ang mga daliri sa kanyang kilay. Seeing that she cannot answer, Leontine tapped her hand and shook her head.  "Kapag handa ka na, we're here to listen."  "Thank you," saad niya at hinawakan din ang kamay ng kaibigan. Matapos nito'y luminga siya kay Nicoleen. "Sorry for making a scene in your baby shower. Dapat araw niyo ito, eh. I'm sorry." "No, no, no. The party’s almost over naman na. At saka, you being here means a lot to me." Isang malapad na ngiti ang puminta sa maamong mukha nito. "Kahit ano pang mangyari sa pagitan ninyo ni Nicollo, I won't trade our friendship for anything else." Nagawa niya na makaraos ng araw na iyon sa tulong na rin ng kanyang mga kaibigan. Pinili ng dalaga na magpahinga noong mga sumunod na araw upang paghandaan ang meeting niya sa Emerald Brodcasting. Now that she already settled the issues with Nicollo, she now has to move forward with her career.  “Good morning,” bati ng kanyang ina pagkalabas niya ng kanyang silid. Nanlaki ang mga mata nito at napapalakpak sa hangin nang makita ang bihis na bihis niya na postura. “Napakaganda ng ayos mo, anak. Ngayon ba ang meeting mo sa bago mong trabaho.”  “Yes, Ma.” Napakamot siya ng batok at muling sinilip ang sarili sa salamin. “Ayos lang ba ang hitsura ko? Hindi ba ‘ko mukhang overdressed?”  Hindi kasi ganito ka-pormal ang madalas niyang suot noong nagta-trabaho pa siya sa Australia. Kahit pa noong nasa kompanya pa siya ni Paix, hindi niya nakasanayan na magbestida at blazer dahil na rin sa nature ng kanilang trabaho. “You look great, Tinang,” komento ni Heaven na palabas din ng sariling kwarto. Itinaas nito ang magkabilang hintuturo at ngumisi. “You should try to dress up like that lagi. Mas bagay sa’yo, and I’m sure you’ll get a boyfriend soon.” “Heaven,” saway ng kanyang ina sa pamangkin.  Natawa na lamang siya at umiling-iling. “Mauna na ‘ko, Ma. I don’t wanna be late.”  “Okay, anak. Magpahatid ka na sa Papa mo.” Binunot ng ginang ang telepono mula sa kanyang bulsa. “Teka, tatawagan ko lang saglit.”  “No, it’s okay. I can book a car naman.”  Inabot lamang ng halos isang oras at narating na ni Roshane ang gusali kung saan nakatakda ang pakikipagpulong niya sa Director General ng Emerald Broadcasting. It was her first interview after a long time, which is why she was extra nervous today.  Tahimik siya na nakaupo sa waiting area habang nakakuyom ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang mga tuhod. Nang makita niya ang papalapit na sekretarya, kaagad na umikit sa kanyang labi ang isang ngiti.  “Ms. Roshane Montallana, please follow me.”  “Ah, yes.”  Dinala siya nito sa harap ng isang opisina na may dambuhalang pintuan. Malaking kompanya ang Emerald Broadcasting kaya hindi na niya ipinagtaka ang ang bagay na iyon. Sa pagbukas nito’y bumungad sa kanya ang isang malawak na silid. Sa gitna nito, naroon ang office desk kung saan nakaupo ang isang babae na nakasuot ng pulang blazer tulad niya.  “It’s nice to finally meet you, Ms. Montallana.” Inilahad nito ang palad sa harapan niya nang tuluyan siyang makalapit dito. “I’m Tanya Hermosa, the Director General of Emerald Broadcasting.”  Malugod naman niya na tinanggap ang pakikipagkamay nito. “Nice to meet you, too.”  “Have a seat. Do you want anything to drink? Coffee or juice?”  “Water is fine,” wika niya at sinabayan ang pag-upo ng kaharap.  Sinenyasan nito ang sekretarya na nasa pintuan. Nang magsara ang pintuan ay doon lamang ibinalik ni Tanya ang tingin sa kanyang direksyon.  “First of all, congratulations on winning such a prestigious award,” panimula nito. “We’re grateful that you accepted our invitation. Sigurado akong marami na rin ibang companies ang gusto kang i-recruit.”  “Ah, not really. It’s an honor to be invited by such a big company, so I have no second doubts about going.”  “Oh, that’s great to hear.” Sa isang iglap, nagbago ang tono ng pananalita ni Tanya. Tumalas ang tingin nito sa kanya at tila may kakaibang kislap ang mga mata nito. “Natutuwa ako na hindi mo hinayaan na maging handlang ang personal mong buhay sa career mo.”  “Pardon? What do you mean?”  Nawala ang ngiti sa mukha ng babaeng kaharap at hinawi nito ang mahabang buhok palikod. Hindi nito sinagot ang tanong niya at dinampot ang piraso ng papel na nasa ibabaw ng coffee table.  “I’m sure the management already told you about our company’s intention to recruit you, right?”  Tiniklop ni Roshane ang magkabilang mga braso at inangat ang kanyang tingin. She didn’t like the the way this woman disregarded her question. Something feels off about her. At hindi niya iyon magawang balewalain. “Ah, yes. That’s why I flew back here because you were eager to discuss that.”  “With your known professional background and achievements, I don’t see any problem going forward with your recruitment.” Huminto ito ng pagsasalita at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “However, there’s something I’m worried about.”  Tumaas ang kilay ng dilag sa narinig. “And that is?”  “According to your records, you’re worked under a marketing firm which is a subsidiary to Baltazar Events Incorporated.”  “Yes. But I was already a pioneer of the company way before the merger talks with the Baltazar Holdings,” mariin niyang paliwanag. She was unfazed despite the obvious intimidation Tanya was directing at her. “Although I admit that my job experience there helped me a lot to adjust in a foreign work setting.”  “Do you also admit that your success is somewhat owed to your connection with them?”  It was a eureka moment for Roshane. Hindi pa nagtatagal ang kanilang paguusap ay malinaw na sa kanya na hindi siya pinapunta dito ni Tanya dahil sa job offer, kung hindi para usisain ang kanyang koneksyon sa mga Baltazar.  “That’s a bit of a stretch, don’t you think?” Pilit siyang ngumiti sa gitna ng insulto na ibinabato nito sa kanya. “Are you implying that the international awarding body has been influenced by a company that’s not even operating in their territory?”  Hindi ito nasagot ng kausap. Halata na hindi nito inasahan ang kanyang matapang na pagsagot.  “Tanya Hermosa, is it?” Tumingala ang dilag sa kisame na para bang nag-iisip. “If I’m not mistaken, ikaw ang nag-iisang anak na babae ng may-ari ng broadcasting station na ‘to. Tama ba?”  “What about it?”  “Like you, I did my research before coming here. Alam ko na katulad ko, you’ve won local awards in the multimedia industry. How would you feel if I say that I’m doubting your credentials because you’re a daughter of an influential family?”  Nandilim lalo ang mukha ni Tanya dahil sa kanyang sinabi. “Do you think it’s appropriate to ask me that? Nakalimutan mo na ba na ako ang nagha-hire sa’yo? You’re not in a position to ask those questions.” “Hiring me? Says who?” Tumayo si Roshane mula sa upuan at dinampot ang kanyang dala-dala na bag. “I simply went here to see if Emerald Broadcasting has the working environment I’m looking for. At base sa pinakita mo in less than five minutes that we’re taking, I’m afraid I have to decline. Like you said, maraming ibang company ang nagrerecruit sa’kin.”  “You sure it’s about that?” tanong nito bago pa siya makapag-martsa papunta sa direksyon ng pintuan. “Since you did your research, siguro alam mo na rin ang balita tungkol sa’min ni Nicollo?” Kinagat ng dilag ang kanyang labi at nagbuntong-hininga bago muling harapin ang director ng Emerald Broadcasting.  “Is that why you wanted to meet me personally? You felt threatened?”  “Threatened? Ha!”  “You know what? Sinayang mo lang ang oras ko. There’s no way I’d work for a woman as unprofessional as you.” Sinapo niya ang batok at umiling-iling bunga ng pagka-dismaya. “Nicollo and I are like the seasons that already ended. I can’t understand why you’re stuck with that.”  “Seasons come and go, Ms. Montallana. Naninigurado lang ako na hindi ka na babalik pa para guluhin ang buhay niya.”  “Hindi ko kailangan i-explain ang sarili ko sa’yo,” akma na sana siyang tatalikod nang mapagpasyahan niyang lingunin ito ulit sa huling pagkakataon. “If you want my kind advice, stop treating your fellow woman rudely just because of a man. Especially if that man isn’t yours yet in the first place.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD