Prologue - The Marriage Proposal

1164 Words
Flickering lights. Sweet waves of laughter. Napangiti si Roshane habang pinagmamasdan ang kasiyahang nagaganap sa balkonahe ng mga Baltazar. Hindi na siya makapaghintay na masilayan ang mukha ni Nicollo sa oras na matunghayan nito ang sorpresang inihanda niya para sa kaarawan nito.  “Shane, anak.” Kaagad siyang napalingon nang marinig ang malambing na tinig na iyon.  Mas lalong lumapad ang ngiting nakapinta sa kanyang mga labi nang makita ang kanyang ama at ina. Salitan siyang inakap ng mga ito nang napaka-higpit at walang alinlangan naman niyang tinugunan ito.  “Ma, Pa.” malambing niyang tawag bago kumalas sa mga bisig nila. “Mabuti at maaga kayong nakapunta.”  “Of course, we wouldn’t miss it for the world.” Kinuyom ng kanyang ama ang palad niya at nagbuntong-hininga. “Pero sigurado ka na ba, anak? Hindi naman sa pinipigilan ka namin ng Mama mo, nag-aalala lang kami na baka mabigla si Nicollo.”  Umiling ang dilag kasabay ng pagguhit ng determinasyon sa kanyang mga mata. “I’m sure about Nicollo, Pa. Siya lang ang lalaking nai-imagine kong makakasama ko habang-buhay.”  “We’re happy for you, Shane.” Sinapo ng kanyang ina ang pisngi niya at marahang hinaplos ito. “Wala kaming ibang hihilingin kung hindi maging masaya kayong dalawa.”  “Thank you so much, Ma. Masaya akong nandito kayo para suportahan ako.”  “You’re so sure about him, is he sure about you?”  Mula sa likuran ng kanyang mga magulang ay tila isang kabute na sumulpot si Reema. Walang ekspresyon na mababasa sa mukha nito habang nakikipagpalitan ng tingin sa kanya.  “What do you mean?” kunot-noo niyang tanong dito.  Isang sarkastikong ngiti ang umukit sa bibig nito at lumipat ng tingin sa entabladong puno ng pailaw, lobo, at mga rosas.  “Bakit ka ba nagmamadaling magpakasal, Shane?”  “Hindi naman ako nagmamadali. We’ve been together for years - “  “Is it out of insecurity? Dahil nakikita mong ikaw na lang sa’ting magkakapatid ang hindi settled? Even Roanna seemed like she’s about to get married any day now.”  “Ema, tama na.” saway ng kanilang ama at tinapunan ng matalim na tingin ang anak.  “It’s okay, Pa.” Pilit na ngumiti si Roshane at buong-timpi na hinarap muli ang nakatatandang kapatid. “Siguro nga insecure ako. May masayang pamilya na kayo parehas ni Ate Ela. That’s why I think it’s about time I start mine. Nothing wrong with that naman, ‘di ba?”  “Sure, wala naman. I’m just asking you, sigurado ka bang ‘yan din ang pananaw ni Nicollo? What if he’s not as ready as you were?”  “Ayan na naman si Ate Ema. Nega na naman. Halika na nga rito.” Mula sa gilid ay walang sabi-sabi na inakbayan ng kanilang bunso na si Roanna ang kapatid. Kumindat ito kay Roshane at hinila palayo si Reema. “Doon lang kami sa catering, mukhang gutom lang ‘tong si Ate kaya nag-aamok na naman.”  “Hindi ako gutom. Bitawan mo nga ako.” inis na reklamo nito.  Napawi ang ngiti sa mukha ni Roshane habang pinagmamasdan ang unti-unting paglayo ng dalawa sa kinatatayuan niya. There was a sudden sinking feeling in her chest. This was the moment she regretted the most since then. Dapa pala’y pinakinggan niya ang payo ni Reema.  Now, she’s down on one knee while holding a ring in front of an unwilling man. Hindi niya nais pangunahan ang mga pangyayari ngunit nababasa niya ang pagaalinlangan sa mukha ni Nicollo. Nang alalayan siya nito patayo, naging malinaw sa kanya ang lahat.  “Shane, we need to talk.”  Naghatid ng katahimikan sa kaninang masayang balkonahe ang sinabing iyon ng binata. Patuloy na tumutugtog ang musiko ng matamis na ritmo ngunit tanging pait ang inuukit nito sa kanyang damdamin. Hinatak siya nito pababa ng entablado at doo’y nagsimulang magbulungan ang lahat.  Gusto niyang tumalungko at mamilipit sa hiya habang naglalakad sila palayo sa kaganapan. Nang makarating sila sa isang tahimik sa sulok ay marahas niyang binawi ang kanyang kamay mula kay Nicollo.  Huminga siya nang malalim. Pilit na pinapahinahon ang sarili at naghahanap ng rason sa kanyang isipan kung bakit ganoon ang inakto ng kasintahan.  “I’m sorry, Shane. Nabigla lang ako.”  Akmang magsasalita pa muli ito ngunit itinaas ng dalaga ang kanyang palad upang pigilan ito. Umiling-iling siya at sinapo ang kanyang batok. Nang makabawi ang kanyang kamalayan ay sinalubong niya ang nangungusap nitong mga mata.  “I’m sorry,” mahina niyang saad. “I should’ve considered your feelings first before I did any of this. Masyado akong nagmadali na itali ka sa’kin.”  Muling hinagit ni Nicollo ang mga kamay niya at pinunlaan ito ng mumunting halik. Nagbuntong-hininga ito na tila ba hindi rin malaman ang gagawin para mapagaan ang kanyang loob.  “Don’t say that. Ako ang dapat mag-sorry, hindi mo kasalanan na hindi pa ‘ko handa.” Sinapo ni Nicollo ang kanyang pisngi. “Hindi ko lang alam kung kaya kong bumuo ng isang masayang pamilya when I never really experienced it myself.”  “I know. Alam ko naman ‘yan dahil kasama mo ‘ko sa mga pinagdaanan ng pamilya niyo.”  “I’m sorry,” pauulit nito na mas lalong nagpabigat ng dibdib ng dilag. The more he apologize, the more everything sinks in deeper in her heart. “And thank you for still staying with me despite all that. Mahal kita, alam mo ‘yan.”  “I love you too.” Kinuyom ni Roshane nang mahigpit ang kamay ng binata na nasa kanyang pisngi.  Habang nakatitig siya sa makisig nito mukha ay nagbalik sa isipan niya ang mga katagang sinabi ng kanyang kapatid na si Reema kanina.  “Can I ask something?”  “Hmm?”  “If the time comes that you’re finally ready…” saglit siyang natigilan at napalunok bago muling ibinuka ang kanyang bibig upang magsalita. “Do you ever see yourself building a family with me? Or even just marrying me?” “Shane.”  “Just answer me,” mariin niyang saad at tuluyang bumitaw mula sa kasintahan. “Dahil sigurado ako sa’yo, Nicollo. Sigurado akong ikaw ang lalaki na gusto kong makasama habang buhay. Do you feel the same way?”  Nang hindi ito kaagad nakasagot ay tuluyang tumulo ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Everything she has ever dreamt of crashed in front of her eyes. Gustuhin man niyang hanapan ng rason ang malungkot nitong ekspresyon, tanging dumadagundong lamang sa kanyang isipan ay ang katanungan ni Reema na pilit niyang binalewala kanina.  Why is she staying beside a man who was never sure of her in the first place?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD