CHAPTER 8
“Sir—“ sasabihin ko sana na hindi pwede yun. Kailangan siyang igalang kasi presidente siya. Ang katulad kong special project assistant lang ay hindi pwedeng basta na lang tawagin ang boss by his first name. Pero bago ko pa man nasabi iyon ay magsalita siya.
“Please have a seat, Arin.” Tinuro niya ang couch na may silya sa magkabilang dulo. Hindi nya ako pinaupo sa mismong silya sa harapan ng desk nya. Bagkos ay dun kami, umupo sa magkabilang dulo ng silya sa pagitan ng couch.
Naguguluhan man ako ay sumunod na lang ako, pero kung ipipilit pa din niya mamaya, sasabihin ko na hindi ko siya pwedeng tawagin Jared.
“Now tell me. Matagal ka na ba sa Manila?” Tanong niya bago umupo.
Bunuksan muna niya ang isang bitones ng coat niya at umupo sa silya na naka de kwatro. Ako naman ay nilagay ko sa likod ng right leg ng isang paa ko, habang nakaupo na parang may cardboard ang likod. Diretso lang ang upo, para maganda ang blood flow at hindi ako kabahan...well I hope. Parang ulam at kanin ang pangalan at presensya ni sir sa kaba ko. Ulam at kanin, laging magkadikit.
“Sir, matagal na din po. Eight years na kami dito,” maliwanag kong sagot.
“Any news about the Abesamis?” Tanong niya na nakatitig sa akin.
Iniiwasan ko ang tingin sa kanya. Nakakatunaw at nakakakaba ang titig niya. Dumadagundong ang dibdib ko sa kaba, bakit ba parang mangangain ng tao ito.
Umiling ako, “Nothing, sir!” Sagot ko na simple.
“Sir again, Arin?” Tanong niya ng may haplos ng lambing sa dulo.
Nabibingi yata ako. Ano bang lambing ang pinagsasabi ko?
Naitaas ko ang isang kamay sa sentido at hinagod ko ito ng kaunti “Sorry po. I can’t call you by first name. It’s not proper. You are the President of the company,” Paliwanag ko.
Napatawa siya. Maganda ang tawa niya. Parang nabawasan ang age niya sa pag tawa. Hindi malakas pero alam mong lalaki ang tumatawa.
“You will know sometime soon, why you need to call me by my first name,” ang matalinhaga niyang tugon. Titig na titig din siya sa akin. Diyos ko po, mukhang may ipapagawa ito sa akin na hindi ko magugustuhan. Kinabahan ako muli.
“Anyway, have you seen the paintings in the lobby?” Tanong nya.
“Yes sir! Magaganda ang mga paintings. Ang galing ng painter.” Papuri ko na tagos sa puso ko. Nakaka-believe naman kasi, ang gaganda lahat.
“It was painted by—“ nag isip siya. “Your friend,” dugtong niya.
Ipinilig ko ang ulo ko, hindi ko siya maintindihan. Wala naman akong kilalang painter. Hindi ako naka sagot, tinitigan ko lang siya.
“Abes is none other than Theodore Benjamin Abesamis, si Teejay. ABES ang artist name niya,” ang sabi nya, seryosong seryoso.
Bakit ba parang nasa microscope ako pagtumititig siya? Parang lahat ng pileges sa mukha ko pinagaaralan. Pero bago pa man mawala sa topic ang isip ko, bumalik sa diwa ko ang sinabi niya. Ang painter na si ABES eh siTeejay daw.
“Oh my god!” Yun lang ang nasabi ko. Napanganga ako sa pagkabigla at tinakpan ko agad ng isang kamay ko.
“Very talented. I’ve been supporting his works for years now,” Paliwanag ni sir.
Hindi pa din ako makapagsalita sa pagkabigla ko. Kung sabagay dati pa naman mahilig mag sketch si Teejay. Puro kalokohan nga lang, yung tipong nagdrawing siya ng tao tapos lalagyan ng pakpak, buntot o di kaya ay sungay. May sketch nga siya noon sa akin pero nilagyan niya ng pakpak sa background. Maganda din naman, pero yun nga lang nagmukha akong angel.
“He will have a one-man exhibit in three months. I am sponsoring it. You’ll meet him soon,” Dagdag pa nitong sabi. Mukhang proud talaga siya kay Teejay.
“Oh?!—“ napalunok ako. Three months? Magkikita ko ulit ang mokong na iyon? Huninga ako ng malalim.
“Nabigla ka ba?” Tanong nito ng may pagtataka. Alam niya kasing magkaibigan kami ni Teejay and I should be excited to know that may one man show siya. Pero nakatunganga lang kasi ako kay sir, kaya siguro nagtatanong. Doon ko na-express ang paghanga ko. Nakatunganga!
“Sampung taon na kasing hindi kami magkikita sir. Hindi na siguro niya ako kilala.” Paliwanag ko ng makabawi na ako sa pagkabigla.
“I don’t believe that. He has sketches and paintings of you!” Bunyag nito, na ikinabigla ko ulit. Ako? May paintings siya na ako ang subject, eh ang tagal na naming hindi nagkikita.
“What?!” Hindi ko maiwasan ang pagtaas ng boses ko. Nalaglag na sa lapag ang hawak kong ballpen at kasama na doon ang poise ko.
Napatawa si sir ng hindi ko makuha kuha sa lapag ang ballpen na nahulog. Tumayo siya ang lumapit sa akin, yumuko at siya na mismo ang pumulot ng ballpen. Sa pag-angat ng ulo niya halos malapit na sa ulo ko, konti na lang ang masisinghap ko na ang hininga niya at vice versa. Tapos ay bigla siyang nagsalita ng marahan...
“Although, I must say the younger version of you. You definitely look better now.” Sabi niya, na namumungay pa ang mga mata.
Compliment. Papuri ba yon? Ang daming shocking na nangyari ngayong araw na ito. Diyos ko po ang puso ko. Baka atakihin na lang ako bigla.
Wala. Wala na akong nasabi. Pulang-pula siguro ang mukha ko ngayon, ang init ng pakiramdam ko kahit alam ko naman na malamig dito sa office. Sobrang lamig nga nakakanginig pero pinagpapawisan pa rin ako.
Yung mga mata kasi ni Tarzan parang bumbilya ng ilaw habang nakatingin sa akin. Hindi ko tuloy maitaas ng matagal ang ulo ko, iniiwas ko sa kanya ang tingin ko. Lahat na ata ng sulok sa opisina niya hanggang kisame natignan ko na kakaiwas ko na tumingin sa kanya.
Nang Hindi pa rin ako makasagot, inabot niya ang ballpen sa akin at tinanong ako ulit.
“Arin, can I invite you to dinner later? I have something important to tell you. I think you are the right person to help me with my little problem,”
“Sir—“
Tulala. I need to be out of here as soon as possible otherwise— Naiihi na ako sa nerbiyos. Ano na naman ito? Bakit kami kailangan mag dinner?
“Okay. Wait for me until 6:30 pm. I just need to do a conference call that will end around that time.”
Napangiti ulit si sir, gwapo sobra. Kahit siguro rebulto mapapasagot nito ng OO. Paano pa ang isang Arin?
“Wait po. Bakit po tayo magdidiner? Pwede naman po dito na lang, lalo na kung may gusto po kayong i-utos sa akin. mas magagawa ko po agad.”
Buti na lang may lumabas na boses sa akin, kahit na kabadong-kabado ako.
Umiling siya ng marahil, at pagkatapos ay sinabing,“It’s not business. I need your help— badly.”
One hour later…
Parang ang bilis na tumakbo ang mga minuto, pagkatapos sabihin sa akin ni Tarzan na magdidiner kami mamaya, wala na akong maintindihan. Ayoko naman mag assume ng kung ano-ano, pero bakit nga sa labas pa, pwede naman dito sa office mag discuss ang lahat ng kailangan niya.
Well, wala naman siguro siyang masamang intensyon. Kilala pa niya ang dati kong kaibigan at empleyado niya ako.
“Agh!” Napahawak ako sa sintido ko at napasigaw na walang sound. Oh lord!
Hindi naman ang pakikipag-dinner ang problema ko talaga. Ang mas pinag-aalala ko ang epekto niya sa akin. Iba ang kaba ng puso ko habang kausap siya at para akong natutunaw sa titig niya.
Malamim akong nag-iisip ng pumasok si Harold sa cabin ko. Nakatayo na siya sa harapan ko at ilang ulit na atang pinipitik ang kanyang kamay bago na napansin.
"Arin, lunch time. Saan mo gustong kumain?"
"Huh?!"
"Sabi ko lunch time na. Bakit ba tulala ka?" nakakunot ang noo ni Harold.
"Wala lang." Napabuntong hininga ako, "Dun tayo sa fast food kumain ngayon? May Wendy's sa ibaba. Nakita ko kanina."
"Hmm. Ayaw mong i-try ang fastfood area sa 10th floor? Mas maraming pagpipilian doon." suggestion ni Harold.
"Oh, sure! Tama ka." Napangiti ako sa kanya. Tama naman na mas maraming choices sa fast food area.
"Halika na. Baka maraming tao, maubusan p atayo ng pagkain," natatawng sabi ni Harold.
Tumayo na ako sa silya ko at nag lakad kami sa malawak na pasilyo. Ang ganda talaga ng opisina sa floor na ito, ang lawak. Malapit na kami sa elevator ng bigla kaming tawagin ni Ms. Daniella.
"Arin, Harold?" Sabi nya sa magandang tinig. Kahit may edad na si Ms. Daniella, mukhang bata pa rin. Ang sosyal nga, "We have food today. It's one of the Assistant's birthday. Please proceed sa pantry area. Medyo na late lang ang announcement. Late din ng konti ang dating ng food, wait for 10 minutes."
"Sino po ang may birthday?" tanong ko.
"It's Peter's birthday. He's one of the President's assistants. Well, senior assistant. He will be retiring soon. This is his last birthday with us." Nakangiting sabi ni Ms. Daniella.
"Oh!" yun na lang ang nasabi ko.
"Come, I will introduce you to everyone. Hindi pa kasi complete ang batch ng Special Project team. Pag kumpleto na kayo, we will introduce you to everyone."
Iyon lang at sabay sabay na kaming pumunta sa pantry. May mga twenty na tao doon. At pinakilala kami ni Ms. Daniella sa lahat. Mukhang mababait naman ang mga empleyado dito, karamihan nga lang eh lalaki. Lima lang ang nakita kong babae, kasama na ako, bale amin lang kami?
Nagkakatuwaan ang lahat sa handa na ang nagpa-order ay ang mismong presidente. Kwentuhan at tawanan. Kumanta din kami ng birthday song para sa celebrant.
At tama nga si Ms. Daniella malapit ng magretire ang Senior Assistant ng presidente. As in, senior na talaga siya, 60 years old. Siguro ay minana lang siya sa dating presidente ng company. Napatawa ako kasi siya lang ang pinakamatanda sa aming lahat. Parang mga 40's pa lang pababa ang mga employees.
Pero bigla akong natigil magtawa ng biglang pumasok sa malaking pantry ang presidente.
"Sir! Join us--" Sabi ni Mr. Peter.
Kumabog ang dibdib ko kahit hindi ako nakatingin sa kanya. Unti-unti akong pumunta sa likod ni Harold.
"I can't I have to meet with the Arevalos. Enjoy everyone." Sabi nito sa malamig at malalim na boses.
"See you later. everyone. Peter, happy birthday again."
"Thanks for this, boss."
"It's the least that I can do. I'll talk to you later."
"Okay! Boss!"
Nakahinga ako ng malalim. Hindi naman pala niya kami sasabayang kumain.
Pero bago pa ako magsaya, "Arin, just a second," narinig kong tawag niya.
Unti-unti kong inilabas ang ulo ko pasilip mula sa likod ni Harold. Dyos ko po! Bakit ako na naman?
"Sir--"
Mukha akong tanga. Ang katawan ko nakatago lahat sa likod ni Harold at ang ulo ko lang ang nakasilip. Lahat tuloy sila nakatingin sa akin.
"I left a folder on top of your desk. Study it and let's discuss later," ang sabi nya.
"O-Okay sir--" ang sagot ko na lang.
Yun lang at tumalikod na si Tarzan, kasunot ang isang assistant niya.
Pero ang mga naiwan niya nakatingin at nakatawa sa akin. Hindi ko mabasa ang ibig sabihin ng mahiwaga nilang tinginan. Mamula akong bigla. Ang puso ko lord, first day pa alang ito pero bakit ganito? Tama bang lumipat pa ako dito, kung maya't-maya parang gustong lumundag ng puso ko palabas ng dibdib ko?