HIS FIRST NAME

1721 Words
CHAPTER 7 “Arin…Arin!” Nang Hindi pa rin ako natatauhan sa pagkabigla, “ARIN!”  Finally, ang malakas na boses ni Harold ang gumising sa tulala kong diwa. “Ha?!” Pinilig ko ang ulo ko, para makabalik ang nawala kong ulirat ko. Not literally, of course, my brain cells are still intact. Nabigla lang ako kasi kilala pa ako ni Tarzan, este ni Mr. Montelibano. “What happened to you Arin?” Nag-aalala ring tanong ni Ms. Claire.  Bago pa man ako makasagot, biglang nagtanong si Harold, “Magkakilala ba kayo ni Mr. Montelibano matagal na? Tinawag ka niya sa nickname mo kanina. Kelan pa kayo nagkakilala?” Daretsahan niyang tanong. Nainis siguro sa akin, hindi ako nag-kwento sa kanya agad. Eh, paano ko naman i-kukwento ang ganitong mga bagay? Humingi muna ako ng malalim at saka sumagot, “Pareho kasi kami ng probinsya. We don’t know each other like friends or anything. Yung kuya ng kaibigan ko, kaibigan ni Mr. Montelibano. Wala akong ibang alam sa kanya bukod doon,” paliwanag ko. “I see! Bakit hindi mo naikwento?” Ayun na itinanong din niya kung bakit siya nakasibangot. “Sus! May maniniwala ba sa akin kung bigla ko na lang sasabihin na kilala ko ang presidente ng isang malaking kumpanya? Malayo ang estado ng buhay nila sa amin. Nagkataon lang na may isang pamilya sa probinsya namin na pareho naming kakilala,” smpleng paliwanag ko ulit. “Oh! Pero natatandaan ka niya.” Sabat ni Ms. Claire, mukhang excited siya. “Nagka-kwentuhan siguro sila ni kuya Enzo.” Binaggit ko talaga ang kuya ni Teejay, para isipin nilang wala talaga akong alam kundi iyon. Ang dami nilang tanong, paano ko ba dadaretsuhin ang kakarampot kong alam tungkol kay Mr. Montelibano? “Oh, well! Buti ka pa at kilala ni sir. Ako nga, mag dadalawang taon na dito pero, hindi man lang ako nagkakaroon ng pagkakataon makausap siya. Laging yung head lang ng HR ang kinakausap niya.” Napahagikhik pa si Ms. Claire. “Wala naman iyon, gusto ko nga hindi na lang niya ako matandaan. Wala na rin kasi kaming communication ng kaibigan ko. Sampung taon na ang nakakaraan, nang huli kaming nagkita-kita." Totoo naman lahat ang sinasabi ko. Wala na din akong balita sa probinsya namin sa Benguet, walong taon na. Hindi na nga kami nakabalik doon kahit bakasyon, kasi naman na-busy na din sila mama at papa bukod pa sa magastos ang pumunta doon. “Okay! Sige maiwan ko muna kayo and by the way, just call me Claire. Mukhang magkakasundo tayo Arin.”  Nginitian ko na lang siya, para matapos na ang usapan namin at kailangan ko din maghanda para sa kung ano man ang sasabihin ng presidente. Bakit nya kaya ako ipinatawag? Hindi pa mandin kasama si Harold. Ako lang! Hayst! “Ay!” Napabalik si Claire, tinitignan ko siya, “Sa desk top at laptop naka install ang orientation slides, for everything you need to know about the company. Your local line, Arin is 1120 and yours Harold is 1121. Bye! See you both tomorrow.” Tumalikod na siya sa amin ni Harold.  Ang daming local lines, 1,000 plus.  Isinulat ko sa pad ang local line ko, baka bigla kong nakalimutan. Pagtaas ko ng ulo ko, nasa harapan ko pa pala si Harold. “Hey!” Bati ko sa kanya, medyo nakakunot pa din kasi ang noo ni Harold, “Ayaw mo pang pumunta sa room mo? “No it’s not that.” Nagbuntong hininga ito, “Bakit nga hindi mo sinabi na kakilala mo si Mr. Montelibano?”  Humogot ako ng hininga, “May maniniwala ba? Sasabihin mo lang ilusyunada ako, sa konti impormasyon na maibibigay ko.” Biro ko sa kanya. Sino nga ba ang mag aakala na ang isang Jared Jacob Montelibano ay kilala ng isang Marinella “Arin” Cortez? “Hmmm” nagpakawala na lang si Harold ng mahabang bunting hininga, naniwala na rin. Ano ba naman kasi ang masasabi ko sa kanila? Ni hindi ko nga kaibigan si Tarzan. Takot nga ako sa kanya, titig pa lang. Buti na lang kanina, kahit walang expression sa mukha niya, hindi naman magkadikit ang kilay nya, wala siyang ngiti pero hindi naman nanlilisik ang mga mata. Kung alam lang nila ang pinagdadaanan kong kaba pag nakikita ko si Mr. Montelibano, hindi sila maiinggit sa akin. Nabalik tuloy kay Mr. Montelibano ang isip ko. Diyos ko po! Ano nga ba ang kailangan niya sa akin? Eight minutes na lang ang natitira sa ibinigay niyang thirty minutes. Kailangan ko ng maglakad papunta sa office nya. “Aalis na ako at baka sa unang araw ng trabaho ko, mapatalsik na ako agad.” Sabi ko kay Harold na pabiro. Natawa na din siya. Nabawasan na ang tampo. “Okay! Mamaya na lang balitaan mo ako ha,” pahabol nito. Kinakabahan man ako kailangan kong magpakatapang.  Wala naman sigurong lion sa loob ng opisina ni Tarzan, para sungaban ako. Lumakad ako papuntang dulo ng corridor, nakita ko sa pinto ang naka lagay, "President & CEO". Pero bago ako makarating doon ay napatingin ako sa nakabukas na opisina sa bandang gilid. Isang mga 40 years old na babae ang biglang lumabas ng cabin niya, siguro ito ang executive secretary ni Mr. Montelibano. Nagpakilala ako ng lumapit siya sa akin, “Hi miss, I am Marinella Cortez, the President asked me to visit him in his office.” Ngumiti agad ang babae. Matangkad at maganda ang damit niya at sapatos, parang isang modelo ng middle age women’s wear. Nakaayos din ang kanyang buhok, very elegant but business like. At ang kanyang mga kuko ay hindi pintorado. She was dressed appropriately, kagalang-galang.  “Arin, yes! He’s expecting you. Go ahead and enter his office, no need to knock.” Mabilis nitong sagot na may tipid na ngiti sa labi. Mukha naman siyang mabait. Pero bakit niya alam na Arin ang nickname ko? Siguro sinabi ni Tarzan. “Thank you… miss?” Tanong ko sa kanya, hindi ko pa alam ang mga pangalan nila kasi naman, hindi pa ako nakakapag bukas ng orientation slides. “Daniella, I’m his ESEC!” Inabot nito ang kamay sa akin, at nag kamay kami. ESEC, executive secretary. “Thank you miss Daniella.” Yumukod ako at iniwan ko na siya. Alam ko hagod niya ako ng tingin habang naglalakad patungo sa office ng president. Hindi naman masama ang tingin niya sa akin pero ewan ko ba kung bakit nakadagdag iyon ng tension ko. Humugot ako ng hininga bago ako kumatok ng mahina. Kahit pa sabihin ni Ms. Daniella na huwag ng kumatok, but I can’t help it. Hindi maganda ang basta na lang pumasok ng walang paramdam.  “Come in!” Isang tinig ang narinig ko, deep and rich.  Eto na po, God help me. Pinihit ko ang knob at unti-unting binuksan ang pinto.  I saw him standing by the window. Nakatingin sa paligid na gusali na mas maliit sa kinatatayuan ng building na ito. He was wearing the same grey suit na suot niya kanina na halos hinulma sa kanyang katawan. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya. Dahan dahan kong isinara ang pinto, halos walang sound. Hindi naman siya nagsalita, nakatingin pa rin sa malayo. Dahan dahan akong lumapit hanggang marating ko ang gitna ng isang malawak na room, halos isang apat yata ito ng buong floor. Maganda and decoration, malinis ang room niya, maaliwalas sa paningin, at mamahalin ang mga gamit. Class! Isang hugot pa ng malalim na hininga at napilit ko ang sarili ko na magsalita, “Goodmorning, Mr. Montelibano.” Medyo nanginginig ang boses na lumabas sa lalamunan ko. Nakita kong medyo gumalaw ang balikat ni Tarzan, pero nakatalikod pa rin sa akin. Narinig nya siguro ang nginig sa boses ko. Natawa ata? Para naman nasa cover ng men’s magazine si Tarzan sa mga oras na ito. Daretso ang tindig pero nakasukbit sa bulsa ng pantalon ang isang kamay. Hindi naman bago sa akin na matikas talaga siya noon pa. Pero iba din ang dating niya pag naka formal wear. Lalaking lalaki ang dating. Yung sikat ng araw, na nagmula sa salamin, parang nagbigay pa ng kakaibang aura sa kanya, para tuloy hindi tao, para siyang rebulto ng isang Greek God. “Umm—umm” tinanggal ko ang bara sa lalamunan ko. Parang kinapos ako ng hangin at nanunuyo ang lalamunan ko.  Pagkarinig ata niya sa tikhim ko, unti unting bumaling ang tingin niya sa akin, sabay sa paggalaw ng kanyang katawan. Gosh! Para naman siyang display sa isang glass show room ngayon. Goodness! “Umayos ka nga Arin! Kung ano ano ang iniisip mo. Boss mo yan!” Sabay dining ko sa tinig mula sa utak ko. “Hello, Arin!” Ang medyo may ngiti sa labi na bati ni Mr. Montelibano. Shit! Ngayon ko lang nakita ngumiti si Tarzan, kahit kakarampot lang. Feeling ko nalaglag ang…p—puso ko.  Gwapo! Sandamakmak na balde ang pinansahod nito sa biyaya ng diyos. “Umm” I cleared my throat once again. Dumadagundong din ang dibdib ko, parang gustong kumawala ng puso ko at mahulog na lang sa lapag. “S—sir!” Mahina kong sagot sa kanya. Yumuko ako at nag-intay sa instruction nya, kung ano ba ang dapat kong gawin. “Jared, Arin. You can call me Jared.” Mahina nitong sabi na parang haplos ng hangin sa dalampasigan. Pag angat ko ng ulo ko, isang metro na lang ang lapit namin sa isat isa. Oh damn it! Baka himatayin ako dito! Nanatili akong walang imik.  Pero napatitig ako sa mata niya na unti-unti nang tinatangalan ng salamin.  Ang nag register lang sa utak ko, GOLD. The most interesting golden brown eyes I’ve ever seen. Parang golden brown orbs, may sinag pa ang mga ito na yellow at white. Parang araw nakakasilaw. Tulad ng una kong makita ang mga mata niya, kahit madilim parang umiilaw, naalala ko na. Ay sus! Mapaka-swerte naman nito. Gwapo na, ang ganda pa ng mga mata. Walang panama ang grey kong mata sa kanyang golden brown eyes.  Pero ano nga ang sabi nya? Jared lang ang itawag ko sa kanya? Ay naku!  Hindi iyon pwede, baka awayin ako ng buong opisina pag narinig nila tinawag ko ang president ng kompanya sa first name nito.  No way! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD