CHAPTER 9 Kabado ako sobra. Halos hindi ako magkandatuto sa ginagawa ko after lunch. Hindi ko rin maintindihan ang pinapaliwanag sa amin ng HR representative tungkol sa mga rules ng company at benefits ng empleyado. Tahimik lang ako na parang nakikinig sa kanila pero wala akong maintindihan--wala talaga! Habang nakatalikod sa amin ang HR representative dahil may kausap sa cellphone… “Arin, it’s almost 5:00 pm. Siguro naman wala pa tayong OT (overtime) ngayon,” sabi ni Harold, na humilig at bumulong pa malapit sa tenga ko. Tumango ako, pero “Una ka ng umalis sa akin, may pag aaralan lang ako mamaya. Hindi naman OT pero, gusto ko lang basahin ang manual ng tahimik,” paliwanag ko. Totoo naman iyon, gusto kong maintindihan ang employees manual, lahat ng employee codes, rig