CHAPTER 4
“Parang kilala ko siya!” Pasulyap sulyap ako sa bagong stockholder ng kumpanya.
Nasa unahan sila, nasa elevated portion, parang mini stage. Narinig ko sinabi ang pangalan niya sa introduction kanina. Hindi ko matadaan kung sino nga ba ang lalaking iyon?
"Arin naman ang memory mo, ang purol! Bakit hindi mo makilala ang lalaking iyon?" Bulong ko sa sarili ko. Sinulyapan ko ulit. "Gosh! Napapikit na ako pero hindi ko pa din maalala, pero sigurado ako nakita ko na siya.Sa magazine kaya? Sa news? Hmph. Hindi na nga bale," inis kong bulong sa sarili.
Pero para naman may magnet ang lalaki, sa kanya bumabaling ang tingin ko.
May salamin siya, hindi ko makita ang mata. Pero yung tikas, tindig at mismong kabuuan niya, saan ko nga ba siya nakita? Makasuot ng suit ang lalaki, kulay dark gray at puti ang panloob, may tie din, mukhang mamahalin. Siguro puro mamahalin ang damit niya, ang tikas kasi.
Buti na lang at hindi naman tumitingin sa akin ang lalaki. Nakikipag usap ito ngayon sa isa ring stockholder na babae. Anak siya ng major stockholder dati, majority ng shares nya ibinenta sa bagong may-ari at may mga iba pa na nagbenta rin ng shares. So, major stockholder na ang lalaking ito ngayon. 60% ng total shares ng company sa kanya na.
Nakikinig ang bagong may ari sa katabi niyang babae pero nakaiwas ang tingin sa kanya. Pakikot -ikot ang tingin nito sa ibang mga stockholders. Mukhang excited sa pakikipagkwentuhan ang anak ng dating may ari, pero parang makikisama lang ang lalaki sa kanya, bored na ata ito sa katabi. Napatawa ako ng konti, mukhang suplado ang lalaki.
Tapos, bigla itong nag angat ng tingin. Tumama sa akin ang mga mata niya. Wala siyang expression pero ako meron. Napahugot ako ng malalim na hininga at napalunok ako ng laway.
"Oh my God! Si Tarzan!"
Siya ang sumagip sa akin noon, sa party ng kuya Enzo. Muntik na akong madulas pero bigla niya akong kinarga sa tagiliran niya. Siya nga! Yung lalaking nakakatakot tumingin.
Naman! Mas pogi si Tarzan ngayon. Ano nga ba ang pangalan niya?
Sabi kanina sa introduction Mr. Jared Jacob Montelibano, ba iyon? Tama! Jared nga ang pangalan niya.
Mas nag-mature na siya. Sabagay, sampung taon na ang nakalipas. Mas lalo ata siyang tumangangkad, maganda lalo ang katawan, mukhang mas lalong umasenso sa buhay at yun na nga mas lalong naging gwapo. Yung mata niyang nakakatakot pa rin pag nakatitig ng diretso, hindi masyado pansin dahil may salamin na siya ngayon. Oh my goodness! Siya na nga iyon, wala akong duda.
Hindi na rin siguro niya ako matatandaan. Sa tagal ng panahon na nagdaan, marami na ang nabago sa pisikal kong anyo.
Wala na akong salamin ngayon, nakapag lasik surgery na ako. Wala na ang sagabal na salamin sa mga mata ko.
Ang mahaba kong buhok ay nakapusod. Simpleng uniform ng auditing firm ang suot ko na chocolate brown ang kulay, wala akong make-up at matangkad na ako kaysa dati. Five six na ang height ko, slim pero hindi naman payat na payat.
Sabi nila maganda ako. Well, I have my mother to thank for that. Mukhang mestiza din ako, maputi at mas lalong naging prominent gray ang mga mata kong may mahabang pilik mata. Matangos din ang ilong ko.
Pero balik tayo kay Tarzan, mukhang sobrang asenso na niya. Mayaman naman ang pamilya niya dati pa. Kung siya nga ang nakabili ng majority shares ng company namin, sobrang yaman nga niya. Ang balita, hindi lang itong auditing firm ang negosyo niya, mas marami at mas malalaking companies ang pag-aari ng pamilya nila.
Nagbaba na ako ng tingin, baka kung ano pa ang isipin niya sa akin. Supervisor pa lang ako dito, baka mapurnada pa ang promotion ko kung mapapag-initan ako ng bagong may-ari ng kumpanya.
Kung idedescribe ko siya ngayon, dalawang salita lang ang pwede kong gamitin at sakto ng description niya iyon. INTENSE and INTIMIDATING.
Pwede din dagdagan ng FIRST RATE DROP JAW SEXY! Gosh! Arin, stop it! Saway ko sa sarili ko.
“Ms. Cortez,” tawag ng Managing Director namin—si Mr. Chan, malapit ng mag 40 si director Chan. Napaunat ako ng upo. Malapit lang sa front row ang inuupuan ko. Nakita kong tumingin sa akin si Mr. Montelibano, pero wala pa ding expression sa mukha niya.
Nilipat ko bigla ang tingin ko kay director Chan.
“S-sir?” Eto na naman siya, ano kaya ang kailangan ang matandang ito sa akin? Lagi na lang akong tinatawag, pero sana hindi ngayon. Hindi habang malapit lang sa amin si Mr. Montelibano. Na mula ata ang mukha ko, mainit kasi ang pakiramdam ko eh.
Hindi na ako kailangan lumapit sa kanya, nagkakarinigan naman kami. Tumayo lang ako mula sa pagkaka-upo.
“I will talk to you later. After the meeting, please, follow me to my office,” sabi ni director Chan.
Wala naman akong magagawa kundi ang sumunod sa utos ni director Chan. Basta may kinalaman sa trabaho, hindi pwedeng hindi ko siya sundin.
“Yes, sir!” Sagot ko na mahinahon. Tumango din ako.
Kinakabahan ako kasi mahilig manghawak ang matandang ito. Lagi akong hinahawakan sa braso at sa kamay o di kaya hinahagod ang likod ko. Nakakatayo ng balahibo pero, hindi naman sumosobra doon ang ginagawa niya kaya hindi naman pwedeng sabihin s****l harrassment na iyon. Pwede siyang magdahilan na parang anak ang turing niya sa akin, mahirap mag akusa ng walang sapat na katibayan.
Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin? Bakit sa office pa niya kailangan mag-usap eh, andito naman kami ngayon. Pwede naman dito na lang sa conference room, pag konti na lang ang tao.
At may tinawag itong isa pang employee. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko na sinabi din sa kanya ang sinabi sa akin ni Mr. Chan.
Lumapit sa akin ang isang kaibigan ko dito sa opisina.
“Naku Arin! Ano na naman kaya ang gustong ipagawa sa iyo ni Mr. Chan?” bulong nito.
Umiling ako ng pault ulit at nagkibit balikat, “Di ko nga rin alam eh. Basta sumunod daw ako sa kanya.”
“Baka tsansingan ka na naman.” nag-aalala nito bulong.
Humugot ako ng malalim na hininga, “Sana hindi, mukhang kasama si Harold. Tinawag din eh.”
Lihim akong natuwa na may makakasama ako pagpunta sa office niya, mabuti na iyon para safe. Hindi naman siguro ako gagawan ng masama ng managing director namin pero mahilig lang talagang manghawak, nakagawian na niya iyon. Ang pinagtataka ko lang eh, mas malimit at matagal ang paghawak niya sa akin. Halos ayaw na niyang bitawan ang kamay ko pag na hawakan na niya, kaya lagi akong umiiwas na hindi masyado halata para lang makawala sa hawak niya.
“Ah okay! Pero sana yung si Mr. Montelibano ang nag papatawag sa iyo. Kahit tsansingan at halikan ka pumayag ka,” napahagikhik pa ng mahina lang si Jessie.
“Grabe ka!” Nagkunot ang noo ko.
“Ang gwapo eh. Kahit isang gabi lang papayag ako, matikman ko lang siya.” Kinilig pa ang lola.
Lola at Lolo ang karaniwan kong bansag sa mga kaibigan. Kung may Gina ako sa province na nasa Singapore na ngayon dito sa office may Jessie naman ako. Loka-loka din si Jessie, parang si Gina. Masayang kasama, pero deadly sa mga boys. Sanay sa one-night stand ang isang ito at walang boyfriend, hindi naniniwala sa relasyon. Na-broken hearted ata nung bata pa siya. Natawa ako ng kaunti.
“Tumingil ka nga at baka mawalan tayo ng trabaho. Malay mo kung may asawa na yan!” Hindi naman nakakapagtaka kung meron siyang asawa. Si kuya Enzo kaya may asawa na rin? Pinakasalan na kaya niya ang girlfriend niya? Eh yung kaibigan ko, may pamilya na kaya siya? Matagal na akong walng balita sa kanya. Medyo natulala ako sa pagiisip.
Nagising ako sa pagkakatulala ng magsalita si Jessie.
“Hay naku! Yung secretary ni director Chan ang nag confirm na binatang-binata ang bagong may ari ng company.” Kompiyansang sagot ni Jessie, tumingin pa kay Mr. Montelibano at hinagod ito ng tingin.
“Hah?” Pero ikinagulat ko ang sinabi niya, “Eh… 30 na siya ngayon!” Mali ako ng nasabi ko iyon. Ayaw ko sanang may makaalam na nagkita na kami minsan.
Napataas ang isang kilay ni Jessie, nakangiti din ito ng may kahulugan, “At bakit mo alam? Type mo noh?”
“Naku mali ka!” Umiling ako ng paulit-ulit.
Hindi ako ilusyunada, alam ko kung saan ilalagay ang sarili ko. Yung mga elitist na katulad niya, bagay lang sa mga katulad niya ang estado sa buhay. Paglalaruan lang nila ang damdamin ng mga katulad kong simple lang.
“Bakit mo alam kung ilan taon na siya, aber?” Usisa ni Jessie.
Napahugot ako ng malalim na hininga, “Kasi yung kuya ng kaibigan ko, kaibigan niya. Mga 30 na si kuya Enzo, e di pareho sila.”
“Aba, aba, ang old maid may alam sa bagong boss!” biro ni Jessie.
Napatingin ako sa kisame, sanay na akong tinatawag ng mga kaibigan ko na old maid. Hindi pa kasi ako nagkaka-boyfriend kahit marami akong manliligaw. Ang sabi pa nila natutuyo na daw ang katas ko pero wala pang nakakasimsim. Lagi akong walang maisagot sa kanila, kasi naman, kahit ako nagtataka din kung bakit wala akong magustuhan sa mga manliligaw ko. May inaantay kaya ako?
Ako na mismo ang pumigil na tinstskbo ng isip ko. Wala naman mangyayari doon.
Sinagot ko si Jessie, “Iyon lang ang alam ko. Ay!” Nang biglang may na alaala ako, “May girlfriend pala siya noon, baka asawa na ngayon!” Ang maldita, hindi ko na sinabi yun. Maldita naman kasi ang girlfriend niya, parang aagawan ng candy este boyfriend. Kaya Tarzan ang tawag ko kay Mr. Montelibano dahil Jane ang pangalang ng girlfriend niya. Tarzan at Jane.
“Single nga siya!” Pairap na sabi ni Jessie.
“Eh, di baka nag break na sila. Pero siguro naman may bagong girlfriend.” Sabi ko, hindi naman nakapagtaka na may girlfriend, gwapo eh.
“Sana wala, para matikman pa!” nahagikhik pa si Jessie.
“Sus! Pantasya ka din. Tigilan na natin ito. Si director Chan tumitingin na sa akin.” Nakatingin nga si director Chan.
Nakita namin na lumabas na ng pintuan si Tarzan, este si Mr. Montelibano. Hindi nagtagal at tinanguan na ako ni Mr. Chan, halos sabay kami ni Harold na lumapit sa kanya.
“To my office, please. I will meet you there. My secretary will guide you.”
His office is on the top floor of this 35-floor building. Konti lang ang nag-oopisina doon, puro top executives.
Sabay na kami ni Harold na sumakay ng elevator.
“Ano kaya ang kailangan sa atin ni Director?” Kabado si Harold. Ako naman kampante kasi may kasama ako. Kung ako lang ang ipinatawag ni Mr. Chan kakabahan din ako.
“Hindi ko din alam pero natural may kinalaman iyon sa trabaho.” Ang simple at kampante kong sagot ko sa kanya.
Wala akong kamalay-malay na maya-maya lang mayayanig ako sa sasabohin ni Mr. Chan. Kung alam ko lang nagkunwari na lang akong nahihilo at bumulagta na lang sa lapag, para hindi na ako mapilitang magdesisyon sa isang bagay na magpapabago ng lahat sa akin.