CHAPTER 5
“Good! You are both here!” Sabi ni director Chan pagpasok na pagpasok niya sa pinto. Sobra ang excitement sa kanyang mukha, at kinikiskis pa niya ang dalawa niyang kamay.
Kumunot ang noo ko. Bakit ganito ang reaction niya? Anong magandang balita ang dala ni director Chan?
Wala lang kaming imik ni Harold habang nakaupo sa magkabilang silya sa harap ng desk ni director Chan. Nakatingin lang kami sa kanya habang umuupo sa silya.
“Okay! You are both fortunate!” Pauna nitong sabi na hindi naalis sa mukha niya ang sobrang ligaya.
Pigil ang hininga ko. Tungkol kaya ito sa promotion?
Si Harold ay ganoon din, pinagpapawaisan na ito ng malapot.
“Not everyone will be given this chance. It will be like a double promotion!” Excited pa rin na sabi ni director Chan
Hindi na ako nakatiis, the suspense was killing me. Ang dami naman kasing pasakalye ni Mr. Chan.
“Can you tell us what this is all about sir?” Medyo hindi ko rin naiwasan ang pagtaas ng isang kilay ko. Kabado ako eh.
“Of course, sorry! Na excite din kasi ako,” ngumiti muna siya tapos ay sinabing, “Well, tulad ng binanggit sa meeting kanina, may bago tayong major stockholder ngayon. Majority of the shares were bought by MONTI Holdings. Isang kilalang kumpanya hindi lang dito sa atin pati na rin sa iba't ibang panig ng mundo.” Paliwanag nito. Well hindi pa rin nasasagot ang tanong ko. Ano ang kinalaman namin sa MONTI?
Nakatitig lang kami ni Harold sa kanya.
“Kailangan ng MONTI ng bagong mga employees para sa binubuo nilang special team. Kayong dalawa ang nakapasa sa higit 20 na sinubmit namin na pangalan sa MONTI. You will be a part of that special team.”
Natulala ako. Ibig bang sabihin bago na ang employer namin? Ano naman kaya ang trabaho namin doon? Sino ang boss namin? Saan kami ma-assign na opisina?
“Sir, ano po ang gagawin namin sa MONTI?” Tanong ni Harold. Buti na lang tinanong na niya ang gusto ko din itanong, isa sa mga nasa isip ko yun.
“Special team iyon. Hindi ko din alam ang scope of work. Ang alam ko maraming negosyo na pinamamahalaan ang MONTI. Ang nasa isip ko ay sa lahat ng mga kumpanya ng MONTI, magiging involve and special team. Sobrang dami na siguro ng negosyo nila kaya kailangan ng may isang group na titingin sa lahat ng negosyo nila.” Paliwanag ni Mr. Chan.
He makes sense. “Cool. Dream job!” Nawika ko sa isip ko lang. Pero mukhang maraming trabaho. Okay lang naman sa akin yun. Sana malaki rin ang sahod.
“Consider it two times a promotion. You will be compensated in conformity with MONTI’s compensation structure. Hindi ba maganda yun? Balita ko rin mataas ang compensation package nila,” ngumiti si Director Chan, “Yun nga lang hindi na ako qualified. Sana ako na lang!”
Natawa kami ni Harold. May sense of humor din pala itong si Director Chan.
At higit sa lahat mukhang maganda ang compensation package. Ay, salamat, lalaki ang ipon ko.
“Sir, ano po ang susunod na gagawin? At kailangan po ito mag take effect?” Ako na ang nagtanong. Tama si Director Chan, swerte kami ni Harold. Hindi birong opportunity ito para sa amin.
“It will take effect in a week. Aayusin ng HR ang transfer ninyo sa bagong office sa BGC.” Sabi ni director Chan na abot pa rin sa tenga ang ngiti.
Ang bilis pala. Next week wala na kami dito, mami-miss ko din itong trabaho dito at ang aking kasamahan. Maganda ang samahan namin dito nga 70 plus employees din kami dito lahat-lahat, kasama na ang mga secretaries at messengers, pero hindi kasama ang mga guards at cleaners, naka-kontrata kasi sila sa agency.
“Oh! BGC sir?” Medyo malalayo pala sa condominium ko. Pero okay lang naman iyon. Pwede din bumili ng bago tapos parentahan ko na lang ang condo ko ngayon. Lalo na kung mas malaki ang sweldo namin. Hindi problema ang mag invest sa bagong condominium.
“May problema ba Ms. Cortez?” alalang tanong ni director Chan.
Umiling ako paulit-ulit. Hindi ko palalampasin ang ganitong kagandang opportunity.
“Naku wala po sir! Pwede naman akong kumuha ng bagong condo doon, kung hassle sa traffic.” Paliwanag ko.
“Good! Now kung okay na sa inyo ito, ang pakiusap ko lang ay hindi muna ninyo mabanggit sa ibang employees hanggang hindi pa ayos ang documents. Iniiwasan ko lang na may questions sa arrangement na ito. Baka mainggit ang iba. Hindi naman kami ang nag decision dito. Ang MONTI ang humingi ng 20 plus resumes sa amin. Nagbigay lang kami ng may potential at maganda ang performance. Ayaw kong mapahiya sa may ari, kaya ang magagaling ang ipinadala namin. Then, MONTI made the decision.” sabi ni Director Chan.
“Yes sir!” Halos sabay kaming sumagot ni Harold. Sino nga ba ang aayaw sa opportunity na ito. Parang biyaya ng langit.
“Kung ganoon ay okay na tayo. Hintayin ninyo na ipatawag kayo ng HR within the week. congratulations sa inyong dalawa.” Nakipagkamay sa amin si Director Chan.
Yung nga lang katulad ng dati, paghawak niya sa kamay ko parang ayaw na niyang bitawan. At sus! Hinawakan pa ako sa braso. Hindi ko na lang pinansin, ilang araw na lang naman at wala na kami dito.
Napangiti si Harold. Nakita nya kasi napangiwi ako pero hindi naman ako kumibo. Iniisip ko na lang isa si director sa mga tiyuhin ko at tatay ko. Medyo mas bata naman siya kay papa pero ganun na lang ang iniisip ko, baka naman parang anak niya ang turing sa akin.
Nagpaalam na kami at dumaretso na kami ni Harold sa elevator. Habang naghihintay kami sa pagtaas ng elevator at nasa gound floor pa ito ay may bilang lumabas na mga tao sa conference area. Pag lingon ko ay muntik na akong mabuwal sa kinatatayuan ko. Si Tarzan kasi, este si Mr. Montelibano pala, nakatingin siya sa akin.
May mga nakapalibot sa kanyang mga stockholders din, habang naguusap ang mga ito nakapako ang tingin niya sa akin.
Yung tingin niya sa akin, kung wala siyang salamin, para pa ding kung paano niya ako tignan noon. Nakakatakot! Nakatitig lang siya pero walang ngiti sa mga labi niya, lalong-lalo na sa mga mata. Malayo-layo rin kami sa kanya pero parang magnet ang mga mata niya. Parang hinihigop ako na di ko mawari.
Nakilala kaya ako ni Tarzan? Syempre naman hindi. Sampung taon na ang nakalipas, marami na ding nabago sa akin. Hindi na niya ako makikilala. Sabi ko sa sarili ko para makabawi ng kabang di ko malaman kung saan nanggagaling.
Nang bumukas ang elevator nagmadali na kami ni Harold na pumasok. Yumuko ako habang inaantay na magsara ang pintuan ng elevator. Nakahinga lang ako ng maluwag ng sumarado na ang pintuan.
“Hay, salamat po!” Mahina kong bulong.
Nakaka nerbyos naman kasi si Tarzan eh, kung makatingin parang kakainin ako ng buhay. Anyway, tapos na iyon. Sus! Hindi naman siguro kami magkikita sa MONTI, malaking company iyon. At saka sa dami ng negosyo niya, baka laging wala si Mr. Montelibano sa opisina at sa dami ng empleyado niya hindi na siguro niya malalaman kung sino ang mga ito.
Sa kakaisip ko kay Tarzan, hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa floor namin ni Harold. Hindi ko rin maintindihan ang mga tanong ni Harold, ngumiti na lang ako.
Nang naghiwalay kami, si Jessie naman ang sumalubong sa akin. Kitangkita kong nagmamadali siya.
Gosh! Paano kaya ito? Sabi ni director Chan, huwag muna kaming magsalita pero hindi pwede iyon kay Jessie. Tiyak na kukulitin ako nito at sobra pa namang kulit ng babaeng ito. Walang sikreto na hindi niya alam dito sa opisina, pero in fairness, hindi naman matabil ang dila. Siya lang at minsan ako na din ang nakakaalam ng mga tsismis sa opisina, pero hindi naman namin ipinagsasabi.
“O, ano ang nangyari?” Tanong nito kaagad.
“Kwento ko sa iyo pagkatapos ng trabaho. Libre kita sa Japanese resto sa tapat ng building.” Ang sabi ko na lang. Hindi ko rin naman maitatago ito sa kanya. Nakakalungkot lang na magkakahiwalay kaming magkaibigan.
“Wow! Mukhang maganda iyon ah! May pa-dinner ka pa eh.” biro ni Jessie.
Tinignan ko siya ng blanko ang expression. Mami-miss ko talaga ang lola.
“Mamaya na! May tatapusin pa akong report para sa client." totoo naman iyon. Lahat ng trabaho dapat kong madaliin ngayon na matapos, para next week handa na ako sa bago kong trabaho.
Nag-abre-syete sa akin si Jessie at sabay na kaming tumungo sa cubicle naman na magkatapat lang. Kaya kami naging close, kasi magkadikit lang ang aming desk, nahahati lang ng detachable wall partition.
Halos dalawang taon din ako sa cubicle na ito, pagkatapos kong mapromote bilang supervisor. Mayroon akong 5 na junior assistants. May hawak kamig 20 accounts na malalaki din companies, inaalagaan namin taon taon.
Sa tatlong taon ko dito sa opisina, wala akong naging problema. Mababait ang mga empleyado dito, wala kaming inggitan. Magaling si director sa paghawak ng tao, yun nga lang medyo man-yakis ang matandang iyon. napatawa ako ng konti.
Ano kaya ang nag-iintay sa akin sa panibago kong trabaho? Sana din hindi ko makita si Tarzan palagi doon. May kakaibang effect sa akin si Tarzan, para siyang magnet. Yun nga lang nakakatakot na magnet, maisip ko pa lang siya, parang may ilang libong kuryente ang nanunulay sa balat ko. Ano kaya ang ibig sabihin nito?
"Arin, hindi ka na NENE. Tawag diyan DESIRE!" sabi ng utak kong tuliro.
Muntik na akong mahulog sa silya ko. Diyos mio, hindi naman sana.