CHAPTER 3
“Arin!” Humahagos na lumapit sa amin si Teejay.
“Kuya! Pakibaba po ako,” sabi ko sa lalaki na sobrang lakas ng dating. Nakatingala ako sa kanya, kitang kita ko ang expression ng mukha niya na kumunot ang noo. Nakakatakot tuloy ang gwapo niyang mukha.
Susmaryosep! Mali ba na tawagin ko siyang kuya? Eh kuya naman ang tawag ko sa kuya Enzo ni Teejay. I think magka age naman sila, dapat lang na igalang ko din siya.
“Arin? What happened to you?” mahinang tanong ni Teejay.
Sinambot ako ni Teejay habang binababa ako ng lalaki, dahan-dahan. Siya naman ang humawak sa parang walang lakas na katawan ko. Nanlalambot ata ang tuhod ko sa takot sa titig ng lalaki.
“Muntik akong madulas!” Paliwanag ko kay Teejay. Habang nangangatog sa hindi ko mapaliwanag na nararamdaman. Takot? Nabigla? Napahiya?
“Oh really, bakit nakapulupot ka sa boyfriend ko?” Asik ng babaeng maldita. Nakatas ang isang kilay.
Kala mo naman aagawan ko siya ng boyfriend, maganda na pa naman ang maldita, Insecure nga lang. Hindi na lang ako umimik, ayaw ko ng gulo. Walang basihan ang akusasyon niya.
Nabigla na lang ako ng nagsasalita ang lalaki.
“Shut up, Jane! You don’t have the least idea of what could have happened,” saway nito sa girlfriend nya.
Sasagot pa sana ang babae, na si Jane, pero natigilan din ito ng tignan nung lalaki. Siguro ang pangalan ng lalaki, Tarzan.
Tarzan at Jane. Natawa ako sa loob lang.
Mapapaaway pa ako nito ng walang kamalay-malay, kundi ako sinaklolohan ni Tarzan.
“Be careful!” ang huling sabi at tumalikod na si Tarzan pagkatapos ay kinuha ang kamay ng babae. Hindi nagpakilala si Tarzan. Iniwan na lang kami ni Teejay bigla. Nakatalikod na sila pero lumingon pa ang maldita at tinignan ako ng nanlilisik ang mga mata. Kung nagbubuga siya ng apoy, nasunog na ako. Grabe naman siya!
“Okay, ka lang ba? Madulas nga dito. Saan ka pupunta? Gusto mo samahan na kita?” sunod-sunod namang tanong ni Teejay. Napatitig na lang ako sa kanya, over acting naman, Teejay?
Kung sabagay lagi naman siyang ganito sa akin, laging nakabantay, ayaw na ayaw na nasasaktan ako, kahit kagat lang ng lamok ayaw niya. Nakakataba naman ng puso, nakakakilig, pero ako lang ang may alam na kinikilig ako.
“Pupunta lang ako ng CR. Madulas pala dito muntik na akong masubsob.” Sabi ko na lang, medyo nanginginig pa ang tuhod ko. Di ko alam kung dahil dun sa lalaki kanina o dahil dito kay Teejay na nakapulupot ang bisig sa akin.
Napaunat ako bigla ng nakita ko na nakapulupot nga ang bisig niya sa katawan ko.
“Halika samahan na kita,” yaya nito, binitawan din niya ako ng bigla akong humakbang palayo ng kaunti.
“Wag na okay na ako. Malapit lang yun. Balik ka na sa mga kaibigan mo.” tinaggihan ko agad, kaya ko naman mag-isa na pumunta ng CR.
“No. Baka kung ano na naman ang mangyari sa iyo. Papagalitan ako ng mama at papa mo pag nabukulan ka.” Biro na naman nito at ngumiti pa.
Humugot na lang ako ng malalim na hininga,“Sige! Kung mapilit ka,” para matapos na lang ang diskusyon at parang sasabog na ang pantog ko.
Dahan-dahan niya ako inalalayan, hawak niya ang siko ko hanggang makarating kami ng ladies room.
Matangkad din naman si Teejay, bata pa naman siya 16 pa lang, tatangkad pa siya hanggang 25 ata ang mga lalaki tumatangkad pa. Pero yung lalaki kanina, matangkad sobra. Lampas ata ng six feet yun, kaya para akong balde lang ng tubig na bitbit nya. Hindi naman ako maliit na babae, five feet two na ako, tatangkad pa ako bago mag twenty. Pero syempre, compared doon sa lalaki ang liit-liit ko talaga kanina.
Yun namang girlfriend, iskandalosa din. Kala mo naman aagawan, grabe talaga. Hindi nya ba nakita na nene pa ako? Aside sa pagtulong sa akin, wala naman ibang ginawa ang lalaki. Pano kaya kung nahalikan ko iyon, siguro mas lalong umusok ang bumbunan ng girlfriend nya. Napatawa ako ng konti.
Pag labas ko ng ladies room nasa di kalayuan si Teejay. May kausap na mga lalaki din, pero dali dali nagpaalam. Tinapik niya ang balikat ng mga kausap at lumapit na sa akin.
“Tapos ka na?” Tanong nito na nakangiti. Hinawakan ang siko ko ulit.
“Yeah!” simpleng sagot ko.
“Halika na at baka hinahanap na tayo ni Gina,” yaya ni Teejay.
Tumango lang ako ng paulit ulit. Bago kami nakalabas ng garden ulit, nasulyapan ko pa yung lalaki kanina na nakatayo malapit sa pinto, may kausap itong mga kaibigan. Nakatingin din siya sa akin. Nakakanginig naman ng tuhod ang titig niya, sobrang lalim, hindi maipaliwanag, parang galit na hindi ko mawari. Iniwas ko na lang ang mata ko at naglakad na kami ni Teejay. Dahan dahan kaming bumalik sa table kung saan nandoon si Gina.
Pagdating namin sa table, andoon din ang mga kaibigan ni Teejay. Magkakakilala naman kami, karamihan sa kanila ka-football team ni Teejay, yung iba naman mga kaibigan niya. Mabait naman din ang mga babae at lalaking nasa table.
Dumaan ang mahigit isang oras na kwentuhan lang.
Ilang beses din kami nagsayaw ng mga kakilala ni Teejay, at si Teejay na din. Nag enjoy lang kami, parang mga batang naglalaro lang. Tawanan at sayawan, hindi kami pwedeng uminom ng alak. Menor de edad pa kami na nakikihalo sa mga legal age na.
Maingay din ang table namin na puro kabataan kahit hindi kami umiinom ng alak, tawanan lang at biruan.
Tapos nagyaya na ako umuwi ng malapit na ang 11 pm. May simba pa kami ng pamilya ko kinabukasan. Nag uumpisa pa lang ang gabi para sa ibang bisita ni kuya Enzo. Legal age naman na sila, kami nila Teejay, hindi pa.
Nang gabing iyon dalawang tao ang tumatatak sa isip ko. Isang parang bagyo at isang payapang presensya. Dalawang tao na hindi ko alam na may malaking partisipasyon sa aking kinabukasan.
Nagpatuloy ang pagkakaibigan namin ni Teejay, pero matapos ang kanyang graduation, lumipad na siya papuntang States. Naputol na ang communication namin. Sadya man o hindi, pero hindi na kami nagkita ulit pagkatapos niyang umalis. Sa probinsya namin sa northen part of Luzon, ang mga umaalis hindi na nakakabalik ng pareho pa din, sa pag-uugali, sa antas ng buhay, at lalong hindi para magtrabaho at mamuhay doon. Ibang-iba na ang bawat umalis, pagbalik nila, para bisitahin ang lugar.
Hindi ko na din inaasahan na magkikita pa kai ulit ni Teejay, napakalaki ng mundo. Isa lang ang natatandaan ko na sinabi niya bago kami naghiwalay,
"Until we meet again. Wait for me."
Sa loob-loob ko bakit naman kita iintayin?
Sa pagkawala niya, nabaling na ang buong atensyon ko sa pag aaral. Wala ng nagungulit sa akin. Minsan nakakalungkot, pero ganun talaga iyon. Iba din ang buhay ng mga may kaya sa buhay na tulad nila, kumpara sa tulad namin na simple lang.
Isa na lang si Teejay sa magandang alaala ng aking kabataan. Sa pagkawala niya baon ko ang isang sekreto na hindi niya nalaman. Kami lang ni Gina ang nakakaalam na sa loob ng tatlong taon, may isang lalaking iningatan ko sa puso ko ang pangalan niya Theodore Benjamin "Teejay" Abesamis.
Pagibig nga kaya ang tawag doon? O simpleng pag hanga lamang? Kung ano man yun, buti na lang at hindi niya nalaman. Isa na lang siyang alaala, --napakagandang alaala.
Mabilis na lumipas ang panahon.
Lumipat kami sa Manila, andito na kasi ang bagong employer ni papa na isang malaking construction company. Dito na ako nag senior high school at college na din at pagkatapos ng college nagreview ako sa para maging ganap na CPA, at nakapasa naman sa board exams at isang top notcher pa --top 10 ako, number 7. Andali kong nakakuha ng trabaho.
Lumipas pa ang tatlong taon. Supervisor na din ako at malapit ng mapromote para maging manager.
Hindi ko namalayan ang bilis ng taon na nagdaan, para lang akong robot na trabaho at bahay lang ang alam. Bahay-work-bahay. Kumain din ng oras ang mga sideline ko, CPA naman kasi ako, Certified Public Accountant at marami akong clients bukod sa magandang trabaho ko. Signature ko lang at konting papeles pera na. Malaki din ang kinikita ko.
Nakapundar ako ng sarili bahay, condo unit nga lang, malapit sa trabaho ko. Bukod sa bahay namin sa southern portion ng Metro Manila, na pinaghatian namin ni papa para matapos na agad ang paghuhulog sa bank. Doon sila nakatira, pag weekends lang ako nakakauwi o pag may mahabang holiday.
I wanted my papa to avail of his early retirement offer, para mag travel sila ni mama. Habang piñag-aaral nila ako, malaki ang nagastos nila sa akin, private school kasi ang pinasukan ko. Kahit may scholarship ako, malaki pa rin ang gastos, halos wala silang malaking ipon. Gusto ko naman ako na ang magintindi sa kanila sa kanilang pagtanda. Yun na ang maliit na kabayaran para sa magandang buhay na binigay nila sa akin --edukasyon at sobrang pagmamahal, wala na akong mahihiling pa.
Well, that’s my life. Simple, quiet, and untroubled.
Nakalimutan ko tuloy ang puso ko. Marami din naman akong manliligaw pero wala sa pag-ibig ang interest ko.
Well, not until I met the new owner of the auditing firm where I am working for the past three years.
Nabigla talaga ako ng makita siya sa staff meeting kung saan ako kasama.
Hindi ko kaagad siya nakilala, sampung taon na din naman kasi ang nakaraan at marahil hindi na rin niya ako natatandaan.