CHAPTER 6
Ang laki ng building sa harapan ko, 60 floors? Nakakalula grabe. Pagdating pa lang namin dito ni Harold di ko na mapigilan ang matulala, labas pa lang ng building, hangang-hanga na ako. Napapalibutan ito ng glass, ang tangkad, akala mo abot na sa langit, ang ganda sobra.
Isa ang MONTI Towers sa mataas na buildings sa Taguig, pero may mas mataas pa dito, 66 floors ata ang pinakamataas sa lugar na to.
At ang kanilang lobby ang lawak. Ang ganda ng mga couches, reception counter, ang mga decoration na akala ko nasa ibang bansa ako. Ang pumukaw ng tingin ko ay ang interesting pieces of paintings on the walls. Ang galing ng artists, parang gusto ko na rin mag painting.
“Wala kang talent sa art, wag ka ng mag ambisyon,” sabi ng munting tinig sa loob ng utak ko. Killjoy, hmp! Pero tama naman siya, hindi ako marunong mag drawing. Natawa ako.
“Look! May interactive screen sila.” Excited na sabi ni Harold. Nilapitan namin ang screen sa wall, virtual tour ito ng buong building, ang galing! Kung sino man ang nakaisip nito, sobrang galing nya. Hindi na nga mawawala ang bawat bibisita sa building na ito, ipinakikita na sa screen ang bawat floors kung saan nag oopisina ang mga tenants, pati na kung saan ang mga kainan. Dahil malaki ang screen pag pinindot ng sinuman, yung mismong tao na nakaapak sa pad ang nakikita sa screen. Amazing! Ngayon lang ako nakakita nito. Technology really makes lives easier.
“May 10 restaurants and coffee shops sa loob mismo ng building, bukod pa sa fast food area and mini mart. Wow! At saka, tignan mo Harold, nagdedeliver sila ng grocery sa bahay at may daycare center pa,” sobrang convenient nito sa mga employees na walang mapag iwanan ng mga anak nila habang nasa trabaho sila. Ibang level itong MONTI, nakaka-believe!
“Sa MONTI din kaya ito? Sobrang dami nga ng negosyo nila,” sabi ni Harold na katulad ko manghang-mangha din sa dami ng negosyo sa loob ng mala-hotel na building ng MONTI. Para kaming mga probinsyano at probinsyana na bagong salta sa Maynila. Napatawa ako ng mahina, si Harold din.
Nagpasya kaming sabay na pumasok ngayon, para makabawas ng kaba, buti na lang at ginawa namin iyon, kung hindi ay para akong tanga dito. Buti na lang dalawa na kami ni Harold.
Nag search ako sa internet regarding the company pero walang masyadong information na nakalabas tungkol sa MONTI, pati na rin sa President and CEO nito na si Jared Montelibano, pati pictures niya wala. Pangalan lang nasasambit at sa MONTI na holdings company na may affiliation sa French company.
Pag walang information na nakalabas sa web, ibig sabihin sobrang laki ng company. Hindi na nila kailangang ihayag ito dahil sobrang stable ng company. Gosh! Ganito ba kayaman ang pamilya ni Tarzan?
Hindi ko alam na ang taong tumulong sa akin noon, sobrang big time pala!
“Halika na! Baka ma-late tayo. First day pa lang natin, baka sermunan na tayo kaagad.” Sabi ni Harold na kinuha ang kamay ko para lumapit na kami sa hanay ng mga elevators.
Sobrang dami din ng elevators. Limang hanay ito na may limang shaft bawat isa, magkabilang panig, so, sampu bawat isang hanay. Goodness! Kung sabagay ay maraming floors at tenants dito. Sampung floors lang ang okupado ng MONTI, sampu din sa isang kilalang telco at iyong iba tenants na. May basement parking din at may steel parking pa sa likod ng building.
Nalula akong bigla sa laki ng property ng MONTI. Na curious tuloy ako kung gaano ba talaga kalaki ang Company na ito. Kaya siguro kailangan may special team na humawak sa management ng mga negosyo nila, ngayon pa lang alam ko na marami kaming trabaho.
Bigla ko din naisip si Tarzan, kung siya ang President ng holding company sobrang laki ng responsibility niya. Kaya siguro masungit at suplado, napakalaking responsibility ang nakasalalay sa balikat niya. Kaya din siguro wala pang asawa, maraming obligasyon kaya puro trabaho lang. Hindi biro ang trabaho niya, sobrang galing at talino siguro ng taong iyon.
Kaya ko nalaman ang pangalan niya noon ay dahil nabanggit ni Teejay, pero nakalimutan ko din paglipas ng panahon. Nahirapan ako tuloy i-recall ng una ko siyang makita last week.
Nakarating kami ni Harold kung sa 28th floor kung saan nandoon ang HR Department ng company. May sarili itong reception area, at nag iintay na sa amin ang HR assistant.
“Good morning, Mr. Cortez, Mr. Cruz! I am Claire, HR assistant. I will show you to your cabins after a brief orientation,” tuloy tuloy na sabi ng HR assistant. Cabin daw ibig sabihin mini office or cubicle?
Bata pa si Ms. Claire siguro ay mga 23 lang, maganda ang mukha at ang ngiti nya hindi plastik.
“Good morning, Ms. Claire!” Halos sabay naming bati ni Harold.
“Naihirapan ba kayo na makita ang HR floor?” Tanong nito habang naglalakad kami papunta sa isang meeting room.
“No ma’am! The interactive screen was informative enough,” Sagot ni Harold.
“Good! That’s one of the pet project of the President,” nakangiting sagot ni Claire. Mukhang hanga din ito sa presidente.
“Wow!” Hindi ko maiwasang masambit ang nararamdaman kong kumbinasyon ng paghanga at pagkabigla. Ang galing nga ni Tarzan.
“Gaano na matagal na president si Mr. Montelibano?” Tanong ni Harold, hanga din ako sa kanya, makakapag isip ng mabuti kahit alam kong nabigla din siya tulad ko.
“He was one of the youngest CEOs. Five years na siyang namumuno sa amin. After he completed his double major and master’s degree in London, he took over. Tiwala ang board sa kakayahan niya. He was also the one responsible for the French investor, now they're part of the company. The tremendous success of the company was all due to him.” Tuloy tuloy na salita ni Ms. Claire. HR assistant nga siya, alam niya ang mga information na dapat malaman namin.
Pinapasok at pinaupo kami ni Ms. Claire sa silya na may round na table para sa amin na katao. Mini meeting room lang ito. I’m sure they have more meeting rooms bigger than this.
“Sobrang galing pala ni sir,” sabi ni Harold. Kahit sino naman ay hahanga sa presidente.
“Sobra. Pantasya nga ng mga single female employees si Mr. Montelibano. But a man like him with too much responsibility on his shoulders is a little temperamental,” napa-ngiti si Claire.
Hula ko isa rin siya sa nagpapantasya kay Mr. Montelibano. Napangiti din ako.
“Ms. Claire, kanino po kami directly mag-rereport?” Binago ko na ang usapan, bago pa kung ano ang malaman namin ni Harold tungkol kay Mr.Montelibano.
“Oh! Mr. Jacobs is the one in charge of your team. Unfortunately, he’s still in London. He will report next week.”
“Bago din po siya?” Tanong ni Harold ulit.
“Yes! Actually, all of the team members are new employees. Lahat kayo ay galing sa iba’t ibang businesses ng MONTI, the cream of the crop. But I cannot discuss with you the scope of work. You have to wait for Mr. Jacobs. Meanwhile, I am tasked to give your badges, it will serve as your ID and pass to all areas here. I will also give you your company email address and access to the company chatbox. Your contracts had been signed, I hope you are happy with the compensation package?” Ngumiti si Ms. Claire, alam naman niya siguro na malaki ang package namin.
“Yes! Ms. Claire.” Sagot namin sabay ni Harold.
Sino ba naman ang hindi magiging masaya sa compensation na 250% increase from our current salary? Kahit siguro tamabakan kami ni Harold ng trabaho, ayos lang! Hindi ko kikitain sa ibang company yun. At may benefits pa, free lunch, car plan, housing subsidy and up to 16 months pay.
Muntik na ako himatayin ng nakita ko ang appointment papers and employment contract na nak-lock ng three years with five years noncompete provision. Expected ko naman iyon, may trade secrets ang bawat company, kung bigla na lang magreresign ang employee tapos kukunin ng kalaban, unfair sa company yun.
“I will assist you now to your assigned cabin. It’s on the 59th floor.” Tumindig na si Ms. Claire.
59th floor daw, eh 60 floors lang ito, so, one floor lang ang pagitan namin ni Tarzan? Gosh! Hindi kaya kami magkita? Nanginig ng konti ang tuhod ko. Bakit ba takot na takot ako sa kanya?
Hindi ko na muna inintindi ang nararamdaman ko, sumunod kami ni Harold kay Ms. Claire, papuntang elevator.
Kahit naman mas bata siya sa amin, dapat lang igalang ang ang position niya. Pero tingin ko later on, mas mataas ang position namin sa kanya. Special team kasi ang aming designation, hindi ko lang alam kong plantilya position ito or labas sa set-up ng company, kung ano pa man iyon, hindi mahalaga ang position para sa akin.
Pagdating namin sa 59th floor, napanganga na lang ako sa ganda ng opisina. Lahat ata ng gusto ko sa opisina andito na. Granite flooring, metal and glass portions, wood panels on fixed walls, expensive couches at glass cubicles.
Yung lang kitang-kita kami lahat, hindi pwedeng matulog habang nagtratrabaho. Natawa ako ng palihim, hindi naman ako tamad para sumimple na matulog pag oras ng trabaho, pero nakaka-ilang din na kitang kita kami sa loob ng mga opisina. Buti na lang napansin ko ang may foldable blinds din pala, pwedeng gamitn iyon para hindi masyadong kita.
Ang sosyal, grabe. Doon sa pinakadulo lang covered ng wood panel ang hindi exposed ang tao sa loob. Sino kaya ang nag-oopisina doon?
“Here’s your cabin, Arin. Arin na lang ang itatawag ko muna sa iyo, hindi naman siguro tayo nagkakalayo ng age! Do you like your office?”
Iginala ko ang tingin ko sa mga 14 meters na space. May lamesa at silya na maganda, maliit na corner couch sa gilid at desk ay may desktop, laptop at telepono --very nice.
“I like it, thank you!” simpleng sagot ko sa kanya. Si Harold sa kabila lang ang cabin nya.
“Good, the president’s office is just down the hall. Pag kailangan niya kayong ipatawag, mas madali kayong makakapunta sa office niya. Well, as I told you, he has a temper. His time is valuable, pag pinatawag nya kayo, make sure you drop everything and go straight to his office. His executive secretary’s cabin is just outside of his office, including his assistant and assistant secretaries.”
Tuloy tuloy ang salita ni Ms. Claire, pero para akong nabingi sa una niyang sinabi. Shocks! Si Tarzan dito rin sa floor nag-office? The heck! Magkikita kami nun, walang duda!
“Ibig mong sabihin, President’s floor ito?” Hindi ko napigilan itanong.
“Yes! The special team will be directly under his command, meron lang kayong team leader si Mr. Jacobs. But all of you will be under the turf of the President. It’s his latest pet project!”
Napa laki ang mga mata kong nakatitig lang kay Ms. Claire! Tignan mo nga naman kung paano maglaro ang tadhana. Yung taong hindi mo inaasahang makita ulit, boss mo pa pala. Diyos ko, boss ko si Mr. Montelibano? Direct boss!!!
Napahugot ako ng malalim na malalim na hininga.
Hindi pa ako makakabawi sa pagkayanig ng utak sa mga nalaman ko, na parang isang malakas na earthquake na yumanig sa paligid ko. Eto pa ang isa...Nag touch base na ang bagyo sa lupa! Napahugot ako ng malalim na hininga ulit ng pumasok ang isang lalaki na biglang humarang sa lahat ng abot ko ng tingin ko. Sa laki niya, parang natabuan lahat ang paligid at ang opisina ko-- siya na lang ang laman.
Holy s**t! napamura ako sa isip ko lang.
“Arin? Meet me in my office in 30 minutes,” ang sabi ni Tarzan, sa mababang tinig.
Napa tango lang ako na parang nahipnotismo.
Arin, sabi niya, that means he remembered me? Napapikit ako ng lumabas siya ng office ko. Oh my God! Grabe ka naman pong mag biro!
Ang sobrang lakas na bagyong yayanig at magpapaikot sa simple kong mundo, nag landing na sa lupa. Gusto kong maiyak pero hindi ko magawa.