BAHAGYA NG NAHIHILO ANG DALAGA NGUNIT PATULOY PA rin siyang
naglalasing. Tatlong linggo na mula ng nag-resign siya. Tatlong linggo na rin niyang
hindi nakakausap si Rafael. Nagawa niya namang makahanap ng bagong trabaho.
Hindi siya nahirapan sa bagay na 'yun. Sana nga ganoon din kadali ang problema
niya sa puso niya.
" Excuse me ma'am," Lumapit sa kaniya ang isang waiter. Binigyan siya nito ng
bulaklak.
" Ano yan kuya? Mangliligaw ka?" Tinawanan niya ito. " May boyfriend na po ako.
" Sabi niya dito. Tinapik niya ito sa balikat. " Ibigay mo na lang 'yan sa iba." Muli
siyang tumawa at nilagok ang alak na nasa harap niya.
" Hindi po ako ang nagbigay nito. Pinabibigay lang po ma'am."
" Pinabibigay? Sino naman?"
" Hi," Agad siyang napalingon sa boses na biglang sumulpot sa gilid niya.
Natulala siya nang makita ang mukha nito. Napatayo siya sa kina-uupuan niya.
Hinawakan niya ang pisnge nito. Unti-unting namumuo ang luha sa mga mata niya.
Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ito. Ngumiti ito sa kaniya. "Ikaw ba
talaga 'to?" Nanginginig ang mga kamay niya. " H-honey?" Niyakap niya ito. Halos
ubusin niya na ang lakas niya sa pagyakap dito.
Masakit ang ulo ni Monique ng magising siya. Dahan-dahan siyang bumangon.
Natigilan siya ng maalala niya ang nangyari kagabi. " R-rafael." Nagmamadali siyang
bumangon. Hinanap niya ito sa banyo ngunit wala ito. Lumabas siya ng silid niya.
Hinalugad niya ang buong condo ngunit wala siyang matagpuan. Hanggang sa
makarating siya ng kusina, nadatnan niyang may nakahain na du'n. Hindi niya
mapigilang mapangiti, kung ganun totoo nga ang nakita niya kagabi. Bumalik na ang
mahal niya ngunit bakit wala ito? Saan ito nagpunta?
Umupo siya sa harap ng hapag. Hihintayin niya na lamang ito. Babalik ito
natitiyak niya. Masaya siya. Gusto niya na itong makita muli't mahagkan.
Ipaparamdam niya dito kung gaano niya ito na-miss.
Napatayo siya nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. Nagmamadali siyang
nagtungo ng sala. " Hi," Nakangiti nitong bati sa kaniya. " Nalasing ka kagabi, kaya-"
Hindi niya na hinintay ang sasabihin nito. Mabilis niya itong niyakap. " Honey,"
Maluha-luha ang mga mata niya. " Honey, I miss you and I love you so much!"
Naramdaman niya ang pagkabigla ng reaksyon nito. Ngunit mas pinili niyang 'wag
itong pakawalan. Nais niyang makulong sa bisig nito habang buhay.
Unti-unti ring humigpit ang pagyakap nito. " Sorry," Bulong nito.
Ngumiti siya at tiningnan ang mukha nito. Hinimas niya ang pisnge nito. " Okay
lang, ang importante nandito ka na ulit. Bumalik ka. Akala ko kasi susundin mo ang
gusto ng Daddy mo. Natakot ako nang sabihin niyang hindi ka na niya ibabalik sa
akin."
"S-si Daddy?" Nagulat ito. Tumango siya bilang tugon. Bumuntong hininga ito. "
Hindi na siya nagbago." Malungkot na saad nito.
" 'Wag na natin siyang isipin, ang importante nandito ka na, bumalik ka."
Tiningnan niya ito sa mga mata at walang pasabing hinagkan ang labi nito. Na-miss
niya ang labi nito. Sa una ay 'di ito tumugon. Hindi niya alam kung bakit pero iba ang
lasa ng labi nito. Nagbabago ba ang halik? Siguro nga ganun lang. Matagal niya rin
bago nahagkan ang labi ng minamahal. Napangiti siya nang hapitin nito ang
beywang niya at tinugunan nito ang bawat pagkilos ng labi niya.
" I love you." Mahinang bulong niya dito. Ngumiti lang ito sa sinabi niya.
" Kumain na tayo." pagyaya nito. Nginitian niya ito. Sinabayan niya ito sa
paghakbang. Hindi niya mapaliwanag ang saya niya. Hindi na siya papayag pang
malayo itong muli.
" Nabanggit ba sayo ni Chairman na nag-resign na ako?" Usisa niya dito.
Napatingin ito sa kaniya. " W-wala siyang nasasabi." Nauutal nitong sagot.
Napatango na lamang siya at napangiti. " Hindi ko akalaing magagawa sa atin
'yun ng Daddy mo. Ang taas pa naman ng tingin ko sa kaniya." Natigilan siya ng
natahimik ito. Sobra yata ang nasabi niya, kahit ano pang dabihin niya, Ama pa rin
nito ang tinutukoy niya. " I-i'm sorry," Pagpapaumanhin niya dito.
Ngumiti ito sa kaniya. " Okay lang 'yun. Ganun talaga si Dad. Sorry kung
nasaktan ka niya." Ngumiti siya .
" Babalik ka na uli sa Company?"
" H-hindi. Ang totoo, umalis na ako sa poder ni Dad. Ayaw kong pangunahan
niya pa ang buhay ko." Seryusong saad nito. Alam niyang 'di siya dapat maging
masaya at nagkalayo ang loob ng mag-ama ngunit masaya siya dahil kapalit n'un
ang hindi nito pag-alis. Mananatili na ito sa tabi niya.
" Hindi ka na aalis?" Sabik siya sa sagot nito.
" H-hindi." Ngumiti ito.
May kakaiba siyang nararamdaman. Ngunit ' di niya matukoy kung anong ibig
sabihin ng nararamdaman niya ngayon. Hindi niya maintindihan kung bakit sa kabila
ng pagbalik nito parang ang bigat pa rin ng pakiramdam niya. " Weird" Lihim na
sambit niya sa sarili. Hindi niya na lamang papansinin ito. Ang mahalaga ay bumalik
na si Rafael at 'di na siya nito iiwan pa.
" Aalis ka." Tanong niya sa binata nang makita niya itong patungo sa pinto.
Katatapos lang nilang kumain.
" Ah, kasi-" Hindi ito makatingin ng diritso sa kaniya. " May pupuntahan lang ako."
" Pwede ba akong sumama?" Nakangito niyang tanong dito.
Matagal itong hindi nakasagot. Tila nag-iisip pa ito ng sasabihin sa kaniya. "
'Wag na. Babalik din ako agad." Ngumiti ito at umalis.
" Honey," Tinawag niya ito bago ito makalabas ng pinto. Lumingon ito sa kaniya.
" Umuwi ka ng maaga, ipagluluto kita." Ngumit ito.
" Sure." Sagot nito.
" Hon," Muli niyang pigil dito.
" Bakit?" Nginitian niya ito. Humakbang siya papalapit dito.
" Ilang buwan ka lang nawala, nakalimutan mo na?" Kumunot ang noo nito.
" Ang alin?" Ngumiti siya. Hinalikan niya ito sa labi. Saglit lang ang halik na 'yun.
At bakas na naman ang pagkabigla sa mukha nito.
" I love you." Ngumiti ito sa kaniya.
" I love you too." Tugon nito.
" Umalis ka na para makabalik ka agad." Pagtataboy niya dito.
" Okay." Nakangiti itong nilamon ng pinto.
MASYANG PINAGMAMASDAN NG DALAGA ANG SARILI NIYA SA SALAMIN.
Katatapos niya lang maligo. Pinapatuyo niya ang buhok niya gamit ang tuwalya.
Nang matapos siya, sinuklay niya ang buhok niya.
Napabuntong hininga siya ng mapansin na 'di pa pumapasok si Rafael sa
kwarto nila. Inayos niya ang sarili saka lumabas. Hinanap niya ito. Natagpuan niya
itong nagpapahangin sa terrace. Napangiti siya. Nilapitan niya ito at niyakap mula
sa likuran nito. Nabigla ito sa pagdating niya. Hindi ito kumibo.
" Bakit nandito ka pa?" Aniya habang nanatili pa ring yakap ito.
" Nagpapahangin lang." Matipid nitong sagot.
" Hindi ka pa matutulog?"
" Mamaya na."
Malungkot siya sa sagot nito. Hindi ba ito masaya na makita siya nito? Hindi ba
siya nito nami-miss?
Dahan-dahan niya itong iniharap sa kaniya ang mukha nito. Ang mga mata nito
tulad pa rin ng dati. Maging ang tangos ng ilong at hugis ng labi nito. Ngunit bakit
parang nagbago ang paraan ng pagtitig nito sa kaniya? Mukha ni Rafael ang
nakikita niya, ngunit bakit parang ibang tao ang kasama niya?
Gusto niya sana itong halikan, ngunit may bumubulong at tumututol na parte ng
puso niya. Nginitian niya na lamang ito.
" Mauna na akong matulog. Pumasok ka na lang pag-inaantok ka." Ngumiti ito
sa sinabi niya.
Mabigat ang loob niyang iniwan ito. Dumiritso siya sa silid nila. Humiga siya.
Ngunit 'di naman siya dinadalaw ng antok. May bumabagabag sa isipan niya. Anong
gagawin niya ngayon? May nagbago ba talaga sa lalaking mahal niya o ang
pandama niya ang may problema?
Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad niyang ipinikit ang mga mata niya.
Palapit ng palapit ang paghakbang nito. Hanggang sa maramdaman niya ang
paghiga nito sa tabi niya. Marahang dumampi sa pisnge niya ang kamay nito.
" Nagustuhan talaga kita." Saka hinalikan nito ang noo niya. Dinig niya ang
buntong hininga nito.
Iminulat niya ang mga mata niya nang maramdaman niya ang paghiga nito.
Ayaw niya mang isipin ngunit ibang-iba ang nararamdaman niya sa lalaking katabi
niya ngayon. Maging ang pagdampi ng palad nito sa pisnge niya ay 'di nakilala ng
puso niya.
" ANONG KAKAIBA?" TANONG NI LENY nang makipagkita siya sa isang
restaurant na malapit lang sa bangko na pinagtatrabahuan nito.
" Hindi ko alam. Basta parang ibang tao 'yung kasama ko. Parang hindi si Rafael.
" Paliwanag niya sa kaibigan niya. Dalawang linggo na din mula ng bumalik si Rafael
ngunit mas lalo lang nakakapanghinala ang nararamdaman niya dito.
" Anong hindi si Rafael? Si Rafael nga 'yung naghatid sayo dito 'di'ba?"
Bahagyang tumaas ang kilay nito. " Saan nga pala 'yun pupunta? Bakit 'di tayo
sinabayan n'un?"
" Makikipagkita daw siya sa kaibigan niya. Magtatayo sila ng negosyo." Sagot niya.
" So talagang, hindi na siya babalik sa kompanya nila?"
Umiling siya. " Ayaw niya na, eh." Napabuntong hininga siya. " Len, sa tingin mo
ba may patutunguhan 'tong nararamdaman ko? Kasi parang ngayon ko lang siya
nakilala. Ang weird talaga."
" Talagang weird! Alam mo, baka nakulangan lang 'yan, eh." Agad niyang
nakuha ang nais nitong iparating.
" Tigilan mo nga ako Leny." Inirapan niya ito. " Naaasiwa ako sa tuwing kasama
ko siya. Ewan ko ba." Naiinis niyang sabi.
" Ilang buwan din kayong nagkalayo 'di'ba? Normal lang naman siguro 'yung
gan'un. O baka naman may iba ka ng nagugustuhan?" Sabay taas ng kilay nito.
" Ano?" Natatawa siya sa sinabi nito. " Kilala mo ako Len, wala akong ibang
lalaking nagustuhan at minahal kundi si Rafael lang."
" Then, talk with him. Tanungin mo siya kung may problema ba kayo o may
nangyari ba sa Amerika na naging dahilan ng pagbago niya na nararamdaman mo.
Ayusin niyo 'yan Monique, bago pa lumala." Batid niya ang nais nitong iparating.
" Siguro nga dapat ko siyang kausapin." Pagsang-ayo niya sa sinabi ng kaibigan.
Pagkatapos niyang maka-usap ang kaibigan niya. Nag-abang siya ng taxi na
masasakyan. Hindi siya masusundo ng nobyo kaya mauuna na siyang umuwi.
Hihintayin niya na lamang ito sa condo nila.
Ilang sandali pa siyang nag-antay bago siya makasakay ng taxi. Nagpahatid
siya sa Condo unit nila. Dumiritso siya sa kanilang unit. Tumuloy siya sa silid niya at
nagbihis. Pagkatapos niya makapagbihis, hinubad niya ang wrist watch niya at
inilapag iyon sa side table na nasa gilid ng kama. Natigilan siya nang dumapo sa
litrato ni Rafael ang paningin niya. Kinuha niya iyon. Hinimas niya ang nakangiti
nitong mukha. Isang malungkot na ngiti ang sumilaw sa labi niya.
" Bakit kahit nandito ka na, nami-miss pa rin kita, Honey?"