HALOS MADALING ARAW NA NGUNIT 'DI PA RIN UMUUWI si Rafael, hindi na
mapakali si Monique habang maya't-mayang napapatingin sa orasan. Hindi naman
ugali nito ang umuwi ng madaling araw at pag-aalalahin siya.
"God, pauwiin niyo na po si Rafael." Mahinang wika niya.
Mas lalo siyang kinabahan ng 'di nito sinasagot ang telepono nito. Isang ring
lang ng phone nito agad na nitong sinasagot. Nasapo ng kamay niya ang noo niya
habang naghihintay siya sa sofa sa sala.
Napatayo siya ng may pumindot ng door bell. Mabilis niyang binuksan ito.
Tumambad sa kaniya ang binata. Parang wala ito sa sarili. "Hi, " Ngumisi ito at
lumapit sa kaniya.
Amoy niya ang alak mula dito. " Naka-inom ka?" Hindi niya makapaniwalang
tanong. Ngumiti ito na parang sira.
Ngumiti ito. " Kunti lang naman." Mas lalo pa itong lumapit sa kaniya.
Napapaatras naman siya. Isinara nito ang pinto. " Hon, halika dito." Mabilis nitong
hinawakan ang kamay niya. " Matagal ko ng gustong gawin 'to, eh." Bago pa man
siya naka-iwas marahas nitong inangkin ang labi niya. Pilit siyang nagpupumiglas.
Gusto niyang makawala sa mapusok nitong halik. Ngunit kahit anong gawin niya 'di
siya nito pinapakinggan. ' Di nito batid ang pagtutol niya sa nais nitong mangyari.
Humigpit ang pagyakap nito sa kaniya. Yakap na tila nasasakal na siya. Naging
agresibo ang pagdaloy ng palad nito sa bawat bahagi ng katawan niya.
Sapilitan siya nitong dinala sa kwarto at ipinahiga sa kama. " Rafael, please,
'wag ganito." Mangiyak-ngiyak niyang paki-usap dito.
Ngunit patuloy pa rin ito. Hinubad nito ang suot niyang damit. Gusto niyang
pigilan ito ngunit nangibabaw ang labis na pangangailangan nito. Mahal niya ito
ngunit bakit ang sarap at tamis na dapat maramdaman niya sa piling nito ay naging
sugat sa bawat parte ng kaniyang pagkatao.
Hinayaan niyang angkinin nito ang katawan niya. Sa bawat pagkilos nito sa
ibabaw niya ay kayumbas ng mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya.
Walang bahid ng pagmamahal ang ginawa nito sa kaniya. Pakiramdam niya
naging tubig siya na pampawala sa uhaw nito.
Nasasaktan si Monique habang pinagmamasdan ang lalaking mahimbing na
natutulog sa tabi niya. Pinababa nito ang tingin niya sa sarili niya. Bakit kailangan
siya nitong pilitin sa nais nito? Hindi niya naman iyon ipagkakait.
Pinunasan niya ang basa niyang pisnge. Dinampot niya ang saplot niya. Isinuot
niya iyon at bumangon. Lumabas siya ng silid. Nagtungo siya sa kusina at nagtimla
ng gatas. Umupo siya sa harap ng hapag. Tulala siyang nakatingin sa kawalan.
Hanggang sa naramdaman niya na lamang ang pagdaloy ng likido sa pisnge niya.
Napapailing siya sa sarili niya. Ano bang nagawa niya? Bakit nagbago ang
lalaking mahal niya? Pakiramdam niya binastos siya nito habang nilalasap nito ang
matamis niyang katas. Ipinikit niya ang mga mata at ipinilig ang ulo. " Hindi.
Magiging okay din kami." Pilit niyang pangungumbinsi sa sarili. Mahal niya si
Rafael at alam niyang mahal din siya nito.
" GOOD MORNING! " Nakangiting bati ng dalaga sa kagigising lang na si Rafael.
Nadatnan siya nitong naghahain ng pagkain sa mesa. " Kumain ka na." Aniya dito.
" Wait, ipagtitimpla muna kita ng kape." Bago pa man siya makalayo. Hinawakan nito
ang kamay niya. Napatingin siya sa kamay nila na magkalapat.
" Sorry sa nangyari kagabi. Hindi ko dapat ginawa 'yun." May lungkot sa tinig
nito.
Pilit ang ngiting sumilaw sa labi niya. " Wala 'yun. Sana nga lang 'wag ka ng
uminom ulit. Nabigla lang ako kagabi, ang pagkakaalam ko kasi hindi ka umiinom."
Naging malikot ang itim na bilog sa mga mata nito. Hindi ito makatingin sa kaniya.
" Sorry,"
" Hon," Napabuntong hininga siya. " Kung may problema ka, kung may problema
man tayo, pwede naman nating pag-usapan. 'Wag 'yung ganito. Nandito ka nga pero
parang ang layo pa rin natin sa isa't-isa."
Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. " I'm sorry. I promise from now
on, magiging mabuti akong partner sayo. Sana mapatawad mo ako." Nginitian niya
ito.
" Okay na 'yun. Maupo ka na, magtitimpla lang ako ng kape." Natigilan siya ng
ayaw nitong pakawalan ang kamay niya. " Hey, magtitimpla-." Hindi niya nagawang
tapusin ang sasabihin niya ng mabilis siya nitong niyakap. Iyong yakap na tila may
pangangamba. " H-hon?"
" I'm so sorry. Promise me kahit anong mangyari 'wag mo akong kakalimutan."
Nabalot ng pagtataka ang puso't isipqn niya. Hindi niya maintindihan ang ibig
nitong sabihin. " A-anong nangyayari sayo?" Bulong niya habang yakap siya nito.
" Wala. Masaya lang ako at nakilala kita. At palagi mong tatandaan na mahal na
mahal kita."
" Rafael," Kumalas siya sa pagkakayakap nito. Tiningnan niya ito sa mga mata
nito. " Umiiyak ka?" Pinunasan niya ang basang pisnge nito. " Bakit? "
" Natatakot akong mawala ka. Natatakot akong iwan mo ako." Kitang-kita niya
ang lungkot sa mga mata nito. Pero bakit tila 'di naman siya apektado ng
kinatatakutan nito?
Nginitian niya ito. " Hindi iyon mangyayari. Dito lang ako sa tabi mo, Pangako."
Muli niya itong niyakap.
" Mahal kita, Monique. Mahal kita." Mas lalong humigpit ang yakap nito.
ABALA SINA LENY AT MONIQUE SA PAGBABALOT NG christmas gifts nila.
Ilang linggo na lang pasko na. Nasa bahay siya nito ngayon. Taon-taon nila itong
ginagawa. Sabay silang namimili at nagbabalot ng mga regalo nila para sa kanilang
mga kaibigan at pamilya. Sabay din silang umuuwi sa probinsiya nila.
" Magugustuhan kaya nila Tatay at nanay mo itong regalo ko sa kanila?" Tanong
nito habang magkaharap silang naka-upo sa sala.
" Oo naman. Wala namang pili 'yung sila Nanay at Tatay. Kahit ano
magugustuhan ng mga 'yun." Nakangiti niyang tugon.
" Sana nga." Itinabi nito ang natapos na nitong ibalot. " Kailan ka nga pala uuwi
sa atin? Sasabay ka pa rin ba sa akin?"
" Sabay na lang tayo nila Rafael." Tumango ito habang nakatuon ang mga mata
sa tinatrabaho nito.
" Speaking of your handsome lover, kamusta na kayo? Mukhang okay naman
kayo kanina n'ung nasa mall tayo." Nginitian niya ang kaibigan niya.
" Sa awa ng Diyos, nalalagpasan na naman namin." Nagkatinginan sila. " Tsaka,
unti-unti na ring bumabalik 'yung dating Rafael na kilala ko."
" That's good. I'm happy for you." Ngumiti ito sa kaniya. " Oo nga pala, third
anniversary niyo na din this christmas 'di'ba?"
" Oo nga,eh. Parang kailan lang."
" Alam mo 'di ko pa rin nakakalimutan 'yung pagharana niya sayo ha. Grabe,
siya na lang yata ang gumagawa ng gan'un." Natigolan siya sa sinabi nito.
Napangiti ang labi niya nang maalala iyon. " Sinong mag-aakalang magiging
kami gayung para kaming aso at pusa kung magtalo n'un." Natawa si Leny sa sinabi
niya.
" Sinabi mo pa." Nagtawanan sila.
Natigilan siya ng biglang sumama ang pakiramdam niya. Hindi niya
maintindihan. Parang siyang nahihilo na.
" Monique, okay ka lang?" Nag-aalala nitong tanong.
Ngumiti siya. " Y-yeah. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko. Pupunta
muna ako ng banyo." Pagpapaalam niya.
" S-sige. Sure kang okay ka lang?"
" Okay lang ako." Tumayo siya. Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ng
biglang umiba ang paningin niya. Hanggang sa naramdaman niya na lamang ang
sarili niyang dahan-dahang bumabagsak. Ang tanging huling narinig niya ay ang
boses ni Leny na tinatawag ang pangalan niya.
DAHAN-DAHANG IMUNULAT NI MONIQUE ANG mga mata niya. Natagpuan
niya ang sariling nakahiga sa malambot na kutson. Inikot niya ng tingin ang paligid.
Hindi pamilyar sa kaniya ang silid na kinalalagyan niya. Bumangon siya. Pagkatapos
saka niya lang nahulaan ang lugar na kinalalagyan niya. " Hospital?" Kuno't noo
niyang tanong. Anong ginagawa niya dito?
Nasuklay niya ng daliri niya ang buhok niya ng maalala ang huling nangyari
kanina. Bigla na lang nanlabo ang paningin niya at nawalan siya ng malay.
Napabuntong hininga siya.
Napalingon siya sa pinto ng bumukas iyon. Iniluwa n'un si Leny at Rafael. Abot
tenga ang ngiti ng kaibigan niya habang papalapit sa kaniya. Bakas din ang tuwa sa
mukha ng mahal niya.
" Bakit parang ang saya niyo?" Pagpupuna niya sa mga ito.
" Wala lang. Ginulat mo ako kanina, akala ko kung napano ka na." Nakangiting
wika ng kababata niya. Mahigpit na hinawakan nito ang kamay niya. " Monique,
congratulations." Kumunot ang noo niya sa sinabi nito.
" Congratulations?" Paglilinaw niya.
Tumango ito. Tumingin ito kay Rafael. " Raffy, ikaw na nga magsabi dito."
Nagpalitan ng ngiti ang dalawa. Bahagyang lumayo sa kaniya si Leny upang
makalapit ang ksintahan niya sa kaniya.
Masuyo nitong hinawakan ang pisnge niya. " Hon, anong pinagsasabi ni Leny?"
Mas lumapad ang ngiti nito. " Hon, magiging isang pamilya na tayo."
Naguguluhan na siya sa sinasabi ng mga ito.
" Pamilya? Anong-" Natigilan siya ng biglang may pumasok sa utak niya. "
Pamilya?" Patanong na sambit niya. Tumango ito sa kaniya. " Y-you mean?"
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. " B-buntis ako?"
" Yes. And I'm so happy."Mahigpit siya nitong niyakap.
Hindi niya mapigilan ang sariling maiyak. Dahil na rin siguro sa labis na tuwa.
Masaya siya. Matutupad na rin ang pangarap niyang bumuo ng pamilya kasama
ang binata.