BASANG-BASA NA NG LUHA NI MONIQUE ANG UNAN NIYA. Unang gabi na
hindi niya katabi si Rafael. Labis siyang nangungulila dito. Wala pa ngang isang
araw na umalis ito, nababaliw na siya kakaisip dito. Magagawa kaya niyang matulog
gayung wala siyang katabi at kayakap?
Hinimas niya ang parte ng kama na hinihigaan nito. " I miss you. Bumalik ka
na,please." Nanginginig ang balikat niya sa labis na pag-iyak. Wala na siyang ibang
ginawa kundi umiyak nang umiyak. Magagawa niya pa kayang ngumiti bukas kung
ang taong nagbibigay saya sa buhay niya ay wala na?
Isang tunog mula sa telepono niya ang agad nagpabangon sa kaniya sa
pagkakahiga. Mabilis niya iyong dinampot. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa
labi niya ng makita ang pangalan ng nobyo sa screen ng phone niya. " Hello, hon?"
" Hello, kamusta ang mahal ko?" Napasandal siya sa headboard ng kama at
ipinikit ang mga mata niya.
" Nami-miss na kita." Muling tumulo ang butil ng tubig mula sa nakapikit niyang
mga mata. " Sobra na kitang nami-miss." Hindi niya napigilang manginig ang boses
niya.
" Umiiyak ka na naman." Naging malungkot ang tinig nito mula sa kabilang linya.
" Natural lang naman na umiyak ako. Ikaw siyempre ang dahilan." Napasinghot
siya. " Hon, magsalita ka lang diyan. Kahit ano, magkwento ka. Kahit na walang
kwentang bagay, gusto kong marinig ang boses mo hanggang sa makatulog ako."
Saglit siyang tumigil at tinuptup ang bibig niya. Ayaw niyang marinig nito ang paghagulgol niya. Hirap na hirap na siyang huminga dahil sa sobrang paninikip ng
dibdib niya. Sinikap niyang gawing normal ang boses niya. " Hon, gusto kong isipin
na nandito ka pa rin, magsalita ka lang, please."
" Hon?"
" Hmm?"
" Nasabi ko ba sayo kung bakit palagi kitang inaasar noong 'di pa kita
girlfriend?" Napangiti siya nang maalala ang bagay na iyon. Iminulat niya ang mga
mata niya.
" May dahilan ba 'yun? Wala ka lang ibang magawa nun kundi awayin at asarin
ako." Tugon niya.
Narinig niyang marahan itong tumawa. " Hindi. Gustong-gusto kong nakikita
kang nagagalit nun kasi namumula ka. Daig mo pa ang ibinilad sa araw. Bakit ba
ang ganda mo? Bakit ba baliw na baliw ako sayo?" Napangiti siya. Para siyang
kinikiliti sa mga salitang binitawan nito.
Hindi niya na namalayan ang oras. Nag-usap lang sila ng kung ano-ano. Malaki
ang naitulong ng pagtawag nito. Kahit papaano naibsan ng kaunti ang pangungulila
niya sa binata.
TATLONG BUWAN NA ANG LUMIPAS MULA NG UMALIS SI RAFAEL.
Naninibago pa rin si Monique. At marahil kailanma'y 'di talaga siya masasanay na
wala ito. Araw-araw itong tumatawag. Hindi nito nakakaligtaang batiin siya sa bawat
paglabas ni haring araw. Nagkakausap din sila bago siya matulog.
Sa mga panahong wala ito, binubuhos niya ang atensyon niya sa trabaho.
Walang ipinalit sa posisyong iniwan nito. Lahat ng transaksiyon ay dumadaan sa
opisina ng CEO. Nang mawala si Rafael hindi niya na rin nakita ang Chairman,
ngunit nandiyan naman ang attorney nito na siyang pansamantalang namamahala
sa kompanya.
Abala ang mga mata ni Monique sa monitor ng computer nang biglang lumapit
sa kaniya ang Executive Assistant ng Chairman. " Miss Monique," Mahinhin ang
boses nito.
Nagtaas siya ng tingin. " Jamie, ikaw pala." Sambit niya. " May kailangan ka ba?"
Ngumiti ito sa kaniya. " Pinapatawag po kayo ni Chairman." May pag-aalangan
sa tinig nito.
" A-ako?" Nauutal niyang sabi. Pinapatawag siya? Ibig sabihin nandito na ito
ngayon sa kompanya? " Nandito si Chairman?" Hindi niya makapaniwalang tanong
sabay turo sa sarili niya.
Ngumiti ito sa kaniya. " Opo miss Monique. Kaninang umaga lang po siya
dumating from States at kayo po agad ang gusto niyang makausap."
Kinabahan siya sa kung ano ang sadya nito. Ito ang unang pagkakataong
makakausap niya ng sarilinan ang may-ari ng kompanya. " S-sige, susunod ako."
Aniya.
" Sige po, Miss Monique." Umalis na ito.
Bagsak ang balikat niyang napasandal sa swivel chair niya. Anong
pag-uusapan nila? Wala naman siyang naaalalang ginawa niyang kapalpakan sa
trabaho. Maliban na lang kung ang tungkol sa kanila ni Rafael ang nais nitong
pag-usapan.
Sa labis na kaba ang larawan ng nobyo niya na nasa ibabaw ng mesa niya ang
natagpuan niya. Nakangiti niyang tiningnan ang mukha nito. Dito lang siya
humuhugot ng lakas upang mapaglabanan ang lahat ng pagsubok sa kanilang
dalawa.
Napabuntong hininga siya. " Kaya ko 'to." Pilit niyang pangungumbinsi sa sarili.
Tumayo siya at nagsimula nang humakbang patungo sa opisina ng Chairman.
" Naghihintay po siya sa loob, Miss Monique." Wika ng assistant nito na nasa
labas ng opisina. Nginitian niya ito.
" Thanks." Lumapit siya sa glass door. Nakita niyang naka-upo ito sa swivel
chair nito. Agad niya namang nakuha ang atensyon nito. Sumenyas ito na pumasok
siya. Humugot siya ng isang malalim na paghinga bago tumuloy.
" Good morning, Sir." Magalang na bati niya dito.
" Good morning, Ms. Mendoza. Have a seat." Pag-aalok nito.
" Thank you, Sir." Umupo siya sa upuang nasa harap ng mesa nito.
" Didiritsuhin na kita, Ms. Mendoza, at alam ko rin naman na alam mo 'to, I don't
like you for my Son." Walang kaabog-abog nitong sabi.
She was expecting it. Pero 'di niya alam na ganito pala kasakit na marinig
mismo 'yun.
" Nasa Amerika ngayon si Rafael. At ngayon pa lang gusto kong malaman mo
na hindi ko na siya pababalikin dito." Agad na umusbong ang galit sa puso niya.
Madiin niyang tinitigan ang mga mata nito.
" Mawalang-galang na po, babalik po si Rafael dahil 'yun ang pangako niya."
Tumawa iyo sa sinabi niya. " Talaga bang iniisip mo na mahal ka ng anak ko at
seryuso siya sayo?" Matapang niyang sinalubong ang titig nito.
" Sasagutin ko po kayo ng isang Oo, hindi dahil 'yun ang gusto kong paniwalaan
at hindi rin dahil sa 'yun ang sinabi ni Rafael. Kundi dahil kilala ko siya. At alam kong
totoo siyang tao." Lumitaw ang galit sa mukha nito. " For more than two years, Sir,
ako po ang nakasama ng anak niyo at wala kayo sa tabi niya ng mga panahong 'yun.
Kung mayroon man po sa atin na higit na nakakakilala kay Rafael, mukhang ako po
'yun."
Napapailing ito sa sinabi niya. " Bahala ka sa kung anong gusto mong
paniwalaan, basta gagawin ko ang lahat malayo lang siya sayo." Nginitian niya ito.
Hindi niya alintana ang luhang dumaloy sa pisnge niya.
" Dati po, pangarap kong makausap kayo at mapalapit sa inyu, pero ngayon,
nagbago na po ang isip ko. Ayaw ko pong maging parte ng buhay ko ang taong
tulad niyo. Nakakaawa po kayo, masyadong malungkot ang buhay niyo." Nanlaki
ang mga mata nito. Tumayo siya sa pagkakaupo. " At Oo nga po pala , magre-resign
na po ako. Thank you, Sir." Mabilis ang paghakbang niya palabas ng
opisina nito. Hindi niya na ito binigyan ng pagkakataon pang maliitin siya.
Agad siyang bumalik sa table niya. Isa-isa niyang niligpit ang mga gamit niya.
Hindi naman siya manghihinayang kung mawawalan siya ng trabaho. Marami
siyang ibang mapapasukan. Babalik si Rafael, yun ang paniniwalaan at aasahan
niya.
Pagkatapos niyang maligpit ang mga gamit niya, agad siyang lumabas ng
building at tinungo ang parking lot. Sumakay siya at mabilis na nilisan ang lugar na
iyon.
Habang pauwi siya hindi niya maiwasng isipin ang mga sinabi ng Ama ng
lalaking mahal niya. Ayaw niyang maniwala ngunit labis na nadurog nito ang puso
niya. Patuloy sa pagdaloy ang luha niya. Halos hindi niya na makita ang daan. Itinabi
niya ang kotse at hinayaan ang sariling umiyak. Napahagulgol siya. Natuptop niya
ang bibig niya upang pigilan ang hikbi niya. Napasandal siya. Isinuklay niya ng
dalawa niyang kamay ang buhok niya.
" Umuwi ka na. I need you." Bulong niya sa sarili. Walang kahit na ano ang
maaring magpapagaan ng nararamdaman niya kundi ang binata lamang. Ito lang
ang tanging kailangan niya ngayon. Ngunit wala ito.
Kinuha niya ang telepono niya. Tinawagan niya ang numero ng nobyo niya.
Ngunit nadismaya siya nang unattended ito. Ilang ulit niya pang sinubukan itong
tawagan ngunit wala talaga.
" N-no!" Nanginginig ang kamay niyang muling tinawagan ito. Ngunit kahit ano
pang gawin 'niya palaging end tone lang ang naririnig niya. Galit na hinampas niya
ang kamay niya sa manibela. " Rafael, " Bakit hindi niya ito makontak? Dapat niya
bang paniwalaan ang sinabi ng Chairman?
" MONIQUE!" AGAD NA LUMABAS NG BAHAY NITO ANG KABABATA NI
MONIQUE na si Leny nang makita nito ang sasakyan niya. Kumatok ito sa bintana
ng kotse niya. Tiningnan niya ito. Isang pilit na ngiti ang sumilaw sa labi niya.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kotse. Lupaypay ang balikat niyang
yumakap dito. Mahigpit siya nitong niyakap. " Monique, sorry, ngayon lang ako
nakabalik mula sa Davao. Sorry." Hinagod nito ang likod niya.
Elementary pa lang sila noon malapit na silang magkaibigan. Ito ang
kadalasang nagtatanggol sa kaniya. Kababalik lang nito mula sa kasal ng pinsan
nito sa Davao. Nagbakasyon na din ito doon kung kaya't ngayon niya lang ito
natakbuhan.
" Pasok muna tayo sa loob. Du'n tayo mag-usap." Inalalayan siya nito papasok.
Pina-upo siya nito sa sofa. "Ikukuha muna kita ng tubig." Umalis ito.
Napasandal siya sa kina-uupuan niya. Pinunasan niya ang luha niya. Ilang saglit
pa ay bumalik na si leny dala ang isang baso ng tubig. Nginitian niya ito. " Thank you.
" Ininom niya ang ibinigay niyo.
" Okay ka lang" Hinawakan nito ang kamay niya. Dama niya ang pag-aalala nito.
" Sabihin mo sa akin anong nangyari, handa akong makinig."
Nginitian niya ito. " Sorry Len ha? Kakabalik mo lang, problema agad ang
inilapit ko sayo."
" Ano ka ba? Magkaibigan tayo, tayo lang nga ang nandito. Tell me, Monique."
" Iniwan na ako ni Rafael." Nanlaki ang mga mata nito.
" Anong iniwan? Hindi 'yun magagawa ni Rafael sayo." Hindi ito makapaniwala.
Umiling siya. " Hindi ko na alam kung anong paniniwlan ko." Ngumiti siya. "
Nag-resign na nga pala ako."
" Ano?" Gulat nitong banggit. " T-teka lang, bakit? Grabe, ilang buwan lang
tayong 'di nagkita ang dami nang nangyari sayo?"
" Kinausap ako ng Papa ni Rafael, sabi niya hindi niya raw ako gusto para sa
anak niya. Ayaw ko namang magmakaawa sa kaniya lalo na't hindi naman siya
karapat-dapat."
" As if naman, gusto mo rin siyang maging father-in-law?" Pagtataray nito. " Si
Rafael, naka-usap mo na ba?"
Naging mahina siya nang marinig ang pangalan ng binata. Bigla na namang
tumulo ang luha niya. " 'Yun na nga, eh. Hindi ko siya makontak." Napapailing siya. "
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hirap na hirap na ako." Wala na siyang tinig
na narinig mula dito. Tanging yakap ang itinugon nito.