Nakangiti pa rin ako pagkatapos kong makipag-usap sa asawa kong si Cyndi. "You look so happy," sabi ng kliyente ko na magiging business partner kapag pinirmahan nila ang kontrata para sa bagong business na gagawin namin. Tumango ako."I just finished talking to my wife pinapauwi na niya ako ng maaga." Ngumiti siya sa 'kin. "Umuwi ka na 'wag mo na kaming hintayin matapos kumain." Sabay tapik niya sa 'kin. "Thank you." Hindi na ako nagpakipot, ang General Manager ko na lang ang inutusan ko para humalili sa 'kin. Gustong-gusto ko na kasing umuwi. Agad kong in-start ang engine ng kotse ko at umalis na ako sa kompanya. Naisipan kong dumaan sa flower shop para bumili ng bouquet ng sunflower. Gusto kong bigyan ng asawa ko ng flowers dahil monthsary date namin ngayon. Gusto ko siyang i-surpris