"Hoy! Bruha!" Tawag sa 'kin ni Veronica. Nakataas pa ang kanang kilay niya nang lumingon ako sa kanya. "Bakit?" Sabay simangot ko. "May balak ka ba na kainin 'yan in-order mo na pepperoni pizza na 'yan o titigan mo lang? Kahit umabot tayo ng 365 days dito hindi 'yan kayang tunawin ng mga mata mo." Sabay irap niya sa 'kin. Tinawagan ko kasi siya para samahan akong mag-shopping. Hindi ko niyaya si David dahil may meeting siya ngayong araw. Kinuha ko ang pepperoni para tikman ngunit hinawakan ko pa lang ay parang babaliktad na ang sikmura ko. "Hindi ko gusto ang lasa niya at amoy niya ngayon." Sinalubong ko ang tingin ni Veronica. "Paborito mo ang pizza na 'yan. Ikaw nga ang nagturo sa 'kin kumain 'yan paanong hindi mo gusto ang amoy?" "Hindi ko nga alam sa sarili ko madalas na nga rin