"Excuse me, may nakita ba kayong lalaki na ganito ang itsura? Six footer siya at nakasuot ng itim na polo ito ang itsura niya." Ipinakita ko ang larawan ni David. Umiling ang lalaki na nagtitinda ng balot. "Ay, hindi ko siya nakita." "Sigurado ba kayo?" Umiling ang tindero ng balot. "Oo, wala akong nakita na dumaan dito na ganyan itsura." "Kung makita niyo ay pakitawagan ako sa numero na 'yan magbibigay ako ng pabuya." Inabot ko sa kanya ang calling card. Gulat na gulat siya ng basahin niya ang calling card ko. Matagal ko ng calling card 'yon at dahil wala akong time para gumawa ng bagong calling card kaya iyon na lang ang binigay ko. Hinila ni Veronica ang kamay ko palayo sa tindero ng balot. "Umuwi na tayo baka maabutan na tayo ng ulan sa daan." "Mauna ka na dahil hahanapin ko pa