Date with me?
Paulit-ulit kong naririnig ang salitang 'yon sa isip ko. Dalawang araw na mula nang sabihin sa 'kin ni David ang hiling niya dahil niligtas niya ako sa mga lalaking naglagay ng droga sa baso ko. Kung tutuusin kasalanan naman nila kung bakit ako pumunta sa ganun sitwasyon. Kung hindi dahil sa kanilang dalawa ni Mommy hindi ako pupunta sa lugar na 'yon.
"Ma'am, five thousand eight hundred po."
"Ha?"
Nabaling ang tingin ko sa babae. Nakalimutan kong nasa harap ako ng cashier at magbabayad ng pinamili kong mga gamit.
"Do you accept debit cards?" tanong ko. Wala pa kasi akong cash.
"Yes, Ma'am."
"Here." Inabot ko sa kanya ang debit card ko upang gawin pangbayad. Wala akong kasama na mag-shopping dahil may pictorial si Geoff. Nang nakapagbayad na ako ay naisipan kong kumain sa restaurant. Alas-dos nang hapon kung kaya't walang masyadong maraming kumakain. Nagsuot ako ng shades habang papasok ako sa restaurant. Um-order ako ng pagkain.
"Miss. Cyndi, puwede ba akong magpa-picture sa 'yo?" tanong isang lalaki na naglakas loob na magpa-picture.
"Sure!"
Tumayo ako upang pagbigyan ang hiling ng lalaki.
"Thank you, ang ganda n'yo pala sa personal," sabi niya.
"Thank you."
Nang dumating ang pagkain ko ay kumain ako mag-isa sa loob ng restaurant.
"Cyndi?"
Tumingala ako upang tingnan ang babae na tumawag sa 'kin. "Oh, my gosh! Veronica!"
Nagtitili si Veronica sa tuwa. Tumayo naman ako para yakapin siya. "It's nice to see you again," sabi ko.
Hinila niya ang buhok ko. "Gaga! Bakit ang tagal mong hindi nagparamdam sa 'min? Anong trabaho mo na ngayon? May asawa at anak ka na ba?"sunod-sunod na tanong niya.
Umupo kami at nag-order ako ng pagkain para kay Veronica. "Matagal na akong nasa Pilipinas. Freelance model ako at businesswoman. Kung minsan nagsusulat din ako."
"Ano dami mong raket lalo ka niyang yayaman. May asawa ka na ba?" tanong niya.
"Boyfriend pa lang."
Sumimangot siya. "Huwag ka ng mag-asawa mai-stress ka lang."
"Sa tono ng boses mukhang may asawa ka na. Ilan na ang anak mo?" tanong ko.
"Bagong kasal pa lang ako. Wala pa akong anak. Huwag ka ng mag-asawa mawawalan ka ng freedom."
Hindi na ako magtataka sa sinabi niya dahil noong college kami ay wala siyang naging boyfriend na umabot ng isang taon. Ayaw niya kasing nasasakal. Kung may lalaki naman na mamahalin ako ng lubos ay handa akong magpakasal sa kanya.
"Kumusta ang mga kaibigan natin?"
"Ikaw lang naman ang hindi nagparamdam sa 'min palagi pa rin kaming nagkikita nila Dina."
"I see.. tara puntahan natin sila."
Umiling ako. "Next time na lang kapag hindi ako busy may gagawin pa kasi ako."
"Okay, pahiram ako ng cellphone mo."
Binigay ko sa kanya ang cellphone ko at pagkatapos ay tinawagan niya ang number niya.
"Save mo ang number ko para simula ngayon may communication na tayo. Kapag may gimik ang barkada sumama ka sa 'min."
Tumango ako. "Salamat."
Sinamahan ko si Veronica na mamili ng mga damit niya. Habang pumipili kami ng mga damit niya ay nakita ko si Trixie co-model ko. Lalapitan ko sana siya nang marinig ko ang boses ni Geoff.
"Ito bagay ito sa 'yo." sabi ni Geoff. Ipinakita niya ang hawak niyang damit kay Trixie.
Nagtago ako upang hindi nila ako mapansin. "Bakit sila magkasama?"
Kaya pala kanina nang puntahan ko si Geoff sa condo unit niya ay wala siya dahil kasama na pala niya si Trixie. Ang akala ko nasa pictorial siya ngayon.
"Cyndi, anong ginagawa mo diyan?" tanong ni Veronica.
Hinila ko si Veronica. "Huwag kang maingay baka marinig ka ng boyfriend ko."
Salubong ang kilay ni Veronica. "Sinong boyfriend mo?"
Tinuro ko si Geoff. "Ayun may kasamang babae."
"P*tang *na! May babae ang boyfriend mo. Ano'ng gusto mong gawin natin sa kanya?"
"Wala! Ayokong mag-iskadalo dito baka masira ang career namin."
"Sira na naman ang tiwala mo sa kanya. Kung ako 'yan susugurin ko ang babae at kaladkarin ko siya. Nanggigigil ako sa kanilang dalawa." Kinuha ni Veronica ang cellphone niya at kinuhanan ng video ang dalawa. Hinayaan ko lang si Veronica sa ginawa niya.
"Ipapasa ko sa 'yo ang video nilang dalawa para may ebidensiya ka. Nakakainis ang boyfriend mo kung ako diyan hihiwalayan ko na siya."
"Hindi puwede mahal ko siya at marami na kaming pinagdaanan."
"Alam mo kahit nakuha na ng lalaki na 'yon ang virginity mo or magaling siya sa kama. Hindi pa rin sapat na hayaan mo lang siya sa ginagawa niya.
"Hoy, virgin pa ako."
Umarko ang kilay ni Veronica. "Hindi na uso ang virgin kapag may boyfriend. Hindi naman kita i-judge kahit ibigay mo sa kanya."
"Lahat ng parte ng katawan ko ay natikman na niya maliban lang sa pechay ko."
"Mukhang may natutunan ka sa 'kin noon?" Sabay tawa ni Veronica.
"Yes, sa 'yo ko ito natutunan. Kapag hindi pa handang ibigay huwag pilitin ang sarili."
"Correct! Let's go, lumabas na tayo dahil baka mainis ako sampalin ko ang boyfriend mo."
Totoong kay Veronica ko natutunan ang pag-aalaga sa sarili. Noong college si Veronica marami siyang naging boyfriend pero hindi niya binigay ang virginity niya sa mga naging boyfriend niya. Ang sabi kasi niya, hinahayaan niya ang katawan at ang isip niya ang magdesisyon. Kapag may pag-aalingan 'wag ituloy. Maraming beses na kaming dalawa ni Geoff na nagtatalik at dahil ayokong ibigay ng virginity ko ako lagi ang gumagawa ng paraan para makaraos siya.
"Alam ko na kung bakit ganyan ang boyfriend mo."
Naglalakad na kaming dalawa papunta sa parking area.
"Ano?"
"Hindi kasi naipapasok sa pempem mo ang t*ti niya kaya naghanap ng babae na pwedeng makipag-s*x. Kung ako sa 'yo hiwalayan ko na siya. Hindi siya ang lalaki na para sa 'yo."
Tumahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung kaya kong makipaghiwalay kay Geoff. Ang tagal na namin dalawang magkasintahan.
"See you next time." Sabay halik ko sa pisngi ni Veronica.
"See you!" sagot niya.
Habang nasa biyahe ako ay naisipan kong tawagan si Geoff. Gusto kong malaman kung anong idadahilan niya sa 'kin. Tatlong beses ko siyang tinawagan bago niya sinagot ang tawag ko.
"Bakit ka tumawag?" Bungad na tanong ni Geoff.
"Kanina pa nga ako tumatawag sa 'yo hindi mo naman sinasagot."
"Kagigising ko lang dahil kauuwi ko lang galing pictorial. Ano ba ang kailangan mo?" Irita niyang sagot sa 'kin.
Liar!
Nanggigigil ako sa galit dahil sa kasinungalingan sinabi niya. Akala niya siguro ay hindi ko alam na niloloko na niya ako.
Huminga ako ng malalim. "Sorry, kung naistorbo kita sa tulog mo. Gusto lang kitang kumustahin dahil hindi na tayo nagkikita."
"Babe, don't worry babawi ako sa 'yo."
"Okay, Babe."
"I love you, Babe," sabi niya.
"Hello, Babe, naririnig mo ba ako? Hello, choppy line," sagot ko.
Dahil sa ginawa niyang panloloko sa 'kin nahihirapan na akong magsabi ng I love you sa kanya. Si Geoff ang pumutol sa tawag ko. Marahil naiinis na si Trixie na ako ang kausap ni Geoff habang sila ang magkasama.
Nagkulong ako sa kuwarto nang umuwi ako ng mansyon. Hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa labis na galit kay Geoff. Kahit ilang beses akong tawagin ng katulong para kumain ay hindi ako lumabas ng kuwarto ko. Nakahiga ako at nakabalot ng kumot ang katawan ko.
Narinig kong bumukas ang pinto ng silid ko. Marahil si Mommy ang nagbukas ng kuwarto ko. Siya lang naman ang may hawak ng duplicate ng susi ko.
"Why don't you go out of your room to eat?"
Bakit nandito si David?
Hindi ako kumilos. Nagkunwari akong tulog.
"Cyndi, wake up!"
Bwiset na lalaki na 'to.
"Alam kong gising kaya bumangon ka na. Kung anuman ang problema mo tutulungan kita."
Bumilis ang t***k ng puso ko sa sinabi niya. Bakit sa tuwing kaharap ko si David ay hindi nagiging normal ang t***k ng puso ko.
"Kapag hindi ka bumangon diyan bubuhatin kita palabas ng kuwarto mo."
Inalis ko ang nakatakip na comforter sa katawan ko. "Bakit ba masyado kang pakialamera?!" inis kong sigaw sa kanya.
Nakahalukipkip ang kamay ni David habang nakatingin sa 'kin. "Sinadya mo ba talagang magtakip ng comforter dahil nakasuot ka lang ng manipis na damit?"
Saka ko lang pinansin ang suot ko. s**t!
Muli kong kinuha ang comforter at binalot sa katawan ko. Wala akong suot na bra at shorts kaya halata sa manipis kong damit. Pulang-pula ang mukha ko sa sobrang hiya.
"Sino nagsabi sa 'yo na pumasok ka rito?" tanong ko.
Tinaas niya ang suot niyang susi. "Here! May duplicate ako ng susi ng kuwarto mo.'
"Bakit meron ka niyan? Isusumbong kita kay Mommy, siguro kapag tulog ako ay binobosohan mo ako!"
Tumawa si David. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi ko kailangan mamboso dahil may girlfriend naman ako na handang ipahawak ang hubad niyang katawan. Handa siyang makipag-s*x sa 'kin. So, bakit pa ako magpapakahirap nabosohan ka kung abot kamay ko lang naman ang pagkain ko."
Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Umalis ka na!"
"Hindi ako aalis kung hindi ka lalabas para kumain."
"Busog ako kaya huwag mo akong pakialaman."
Umupo sa gilid ng kama ko si David at tinitigan niya ako. "You're crying. What's wrong?"
"Wala akong problema."
Bumuntong-hininga siya. "Anong problema mo?"
"Wala nga akong problema bakit ba ang kulit mo!"
Hinawakan niya ang mukha ko at sapilitan niya akong pinaharap sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalaala. Kahit ayokong umiyak sa harapan niya ay kusang tumulo ang luha ko.
"What's wrong with you?" Pinunasan niya ang pisngi ko gamit ang hinlalaki niya.
"D-David." Sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit. Naramdaman ko naman ang mahigpit niyang yakap sa 'kin.
Hinaplos ni David ang likod habang yakap niya ako. "Anong problema mo?"
"Nahuli ko ang boyfriend ko na may ibang babae." Sabay iyak ko nang malakas. "Bakit palagi na lang akong sinasaktan ng mga taong mahal ko?"
"I'm sorry." sagot niya.
Tumigil ako sa pag-iyak. Tinamaan siguro siya sa sinabi ko dahil isa rin siya sa lalaking sinasaktan ako noon. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. "Maraming salamat sa tulong mo pero hindi pa rin ako kakain. Kumain na ako sa Mall bago ako umuwi kaya busog ako." Tumayo ako at dumiretso sa banyo para mapilitan si David na umalis. Sinandal ko ang likod ko habang nakahawak ako sa dibdib ko.
"Hindi ito puwedeng mangyari."
Nang marinig kong sumara ang pinto ng kuwarto ko ay lumabas na ako ng silid. Muli akong humiga para matulog. Hindi na si Geoff ang iniisip ko ngayon kung hindi si David.
Kinabukasan ay nagising ako ng alas-diyes ng umaga. Dumiretso ako sa banyo para maligo at gawin mag-skincare care. Nang matapos akong maligo ay dumiretso naman ako sa kusina para kumain ng almusal. Kapag ganitong oras ako bumaba ay wala na sila sa kusina. Dahil alas-otso sila ng umaga kumakain ng almusal.
"Manang ipaghanda n'yo po ako ng pagkain." sigaw ko.
"Cyndi!"
Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si Karina ang girlfriend ni David. Pang-asar na ngumiti sa 'kin si Karina nang nagkatinginan kaming dalawa. Nakasuot siya ng two-piece bikini na kulay itim.
"Oh, gising na pala ang ambisyosa mong stepsister." Sabay tawa ni Karina.
Nameywang ako sa kanya. "Kumusta ang acting ko paniwalang-paniwala ka ba? Well, hindi na ako magtataka kung maniwala ka. Madalas kasing maniwala sa 'kin ang mga tanga na tao." Pang-aasar ko sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin? Tanga ako?"
Nagkibit-balikaw ako. "Ikaw ang nagsabi niya at hindi ako."
"How dare you!" Tatayo sana siya para lapitan ako pero pinigilan siya ni David.
"Karina stop!" sabi nito.
"Nakakainis kasi ang stepsister mo."
Umupo ako sa harap nilang dalawa habang kumakain ako. Napapansin kong nakatingin sila sa 'kin. Mas lalo kong ginalit si Karina. Pasimple kong hinila pababa ang damit ko sa harapan para lumabas ang cleavage ko. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko si David na nakatingin sa dibdib ko.
"Let's go, mag-swimming na tayo." Tumayo si Karina at hinila ang braso ni David. Hindi ko mapigilang tumawa ng malakas dahil sa naging reaksyon ni Karina. Nang matapos akong kumain ay umakyat ako sa kuwarto ko. Binuksan ko ang bintana para paanoorin sila David habang naliligo.
"Eh, 'di sila na ang sweet at happy." Inis kong sabi.
Ang sweet kasi ni David sa girlfriend niya. Hindi ko mapigilan ang mainggit sa kanila. Ang boyfriend ko kasing si Geoff ay nagiging sweet lang kapag niyaya niya akong makipag-s*x sa kanya.
"Hays! Sakit nila sa mata." Padabog kong sinara ang bintana at humiga ako sa kama. Habang nakahiga ako ay bigla naman tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang cellphone ko nakita ko ang pangalan ng editor ko. Agad ko iyon sinagot.
"Hello, Ma'am."
"Cyndi, magpasa ka ng bagong story naghahanap sila ng puwedeng i-publish na libro. Galingan mo malay mo makuha rin siya na adaptation."
Lumapad ang ngiti ko. Bukod kasi sa pagiging freelance model ko ay isa rin akong part-time writer. Nagsusulat ako kapag nanghihingi sila ng bagong kuwento sa akin ."Okay, Ma'am gagawa na ako."
"Sige, hihintayin ko 'yan."
"Thank you, Ma'am." Pagkatapos ay pinutol ko niya ang tawag. Bumangon ako at binuksan ko ang laptop ko para magsulat ng kuwento. May naisip akong kuwento at siguradong maganda 'yon.
Humanda ka sa 'kin David. Kakawawain kita sa kuwento na isusulat ko.
Pangalan ni David ang bidang karakter sa kuwento at pahihirapan ko siya nang sa gano'n ay makaganti ako sa kanya. Nakakainis kasi dinala pa niya ang girlfriend niya sa mansyon alam na nga niyang badtrip ako dahil sa panloloko ng boyfriend ko. Dumagdag pa sila sa galit ko.