CHAPTER 8

2742 Words
ILANG BESES kong pinagmasdan ang relong pambising ko pagkatapos ay titingin ako sa entrance ng isang malaking gusali kung saan naroon si Geoff ang boyfriend ni Cyndi. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita kong lumabas si Geoff kasama ang isang magandang babae. Masaya silang dalawa habang naglalakad palabas. Umakyat ang dugo ko nang makita ko silang naghalikan. Hindi ko pinalampas na kuhanan sila ng larawan at video. "Bullshit!" Lumabas ako ng kotse at nilapitan ko si Geoff. Hinawakan ko ang damit niya sa may batok niya at inilayo sa babae. Gulat na gulat silang dalawa sa ginawa ko "Who are yo— Sinuntok ko siya at sinipa. Sumigaw ng tulong ang babae niyang kasama kaya nilapitan ko ang babae at hinawakan ko ang braso niya tinitigan ko siya ng masama. "Go ahead! Tumawag ka ng tulong para malaman ng mga taon ang ginagawa ninyong pagtataksil kay Cyndi Fuentes." Umurong ang dila ng babae. "Sino ka?" Hindi ako sumagot sa tanong ng babae bagkus ay nilapitan ko si Geoff at kinuwelyuhan ko siya. "Lumayo ka kay Cyndi!" nanggigigil kong sabi sa kanya. Ngumisi si Geoff. "Nagseselos ka ba dahil ako ang boyfriend niya at hindi ikaw? Hindi ako makikipaghiwalay sa kanya. Hahayaan ko siyang maghabol sa 'kin. Ako ang mahal niya at gagawin niya ang lahat para sa 'kin." "Fvck!" muli ko siyang sinuntok sa mukha ng tatlong beses bago ako umalis. Hindi ako papayag na mapunta lang si Cyndi sa lalaking pinaglalaruan lang siya at ginagawa siyang tanga. Mabilis kong pinaharurot ang kotse ko palayo sa lugar na 'yon pagkatapos ay pumunta ako sa mansyon ni Lester. "Something wrong?" Bungad na tanong sa 'kin ni Lester nang makita niya ako. Hindi ako kumibo. "I need someone to talk to." Sinandal ko ang likod ko sa sopa nila at marahan kong hinilot ang sintido ko. Sinalinan ako ng alak sa kopita at ininom ko iyon bago ako sumagot sa tanong ni Lester. "You come here more often. I guess you have no problems. Bumuntong-hininga ako. "I have no problem. I want advice." "I'm no longer good at advising problems. What kind of advice do you need?" he asked. Tiningnan ko si Lester. Kahit civil wedding ang naging kasal ni Lester. Nakikita ko naman sa mukha niya ang kaligayahan. Alam kong masaya siya ngayon kasama ng babae na mahal niya. "What am I going to do? Cyndi's boyfriend doesn't want to break up with her even if he has another girlfriend." Nagsimula naman magdilim ang paningin ko nang maalala ko ang ginawa ni Geoff kay Cyndi. Umiling si Lester. "Nababaliw na si Cyndi? Bakit kailangan niyang magtiis sa tao na niloloko lang siya?" "Mahal niya ang boyfriend niya, so even if she caught him with another woman, she still doesn't break up." "Ang may problema diyan ay si Cyndi. She let her boyfriend cheat on her. Don't mind them, no matter what you do. They won't separate ." "I fell in love with her." Tinitigan ako ni Lester. "Malaki ang problema mo kung totoo na nga 'yan nararamdaman mo para kay Cyndi dahil pareho kayong may karelasyon." "How can I forget her?" Saglit na nag-isip si Lester. "Itanan mo na siya puwede kong pahiram sa 'yo ang resort sa Batangas para maitakas mo siya. "Psh, hindi nga kami nakakapag-usap ng maayos laging galit siya sa 'kin." Bigla kong naalala ang nangyari noong isang araw na sinama ko si Karina sa mansyon. Galit na galit siya sa 'kin dahil kay Karina. "Bakit hindi mo sabihin ang nararamdaman mo para kay Cyndi. At makipaghiwalay ka na kay Karina kung hindi mo na siya mahal." Sunod-sunod ang naging pagtungga ko ng alak pagkatapos ay bumuntong-hininga ako. "Siguro nga iyon ang dapat kong gawin." "Cheers!" Tinaas ni Lester ang bote ang glass wine niya. "Cheers!" "Minsan sumama ka sa ibang mga kaibigan ko masaya sila kasama. "Okay, some other time." Nagpa-reserve ako ng VIP table sa isang sikat na restaurant dito sa Makati. May bitbit akong red roses para kay Karina. Hinanda ko ang lahat ng ito para sa importante kong sasabihin sa kanya. Ilang minuto pa ang lumipas ay natanaw ko na si Karina na papalapit sa 'kin. The width of her smile at me as she approached me. I don’t know if she’ll even smile after telling her that I’m going to break up with her. Niyakap niya ako at hinalikan sa labi. “What evil spirit came to you, and you invited me on a dinner date? Karina asked. Isang tipid na ngiti ang naging tugon ko sa kanya. “Have a seat.” Pinaghila ko siya ng upuan. "Thank you." Nang makaupo na kami ay tinawag ko ang waiter upang dalhin ang mga pagkain na in-order ko. “Waiter!” “Yes, sir.” “Please bring the meals I reserved.” The waiter nodded. "Okay, sir." “You're so sweet. You took me to my favorite restaurant.” She smiled. "Na-realized mo na ba na ako pa rin ang mahal mo?" "Kanina pa ako nagugutom, can we eat first before we talk about us." Tumango siya. "Sure." Habang kumakain kaming dalawa ay pinagmamasdan ko si Karina. Gusto kong makasigurado na hindi na siya ang tinitibok ng puso. Hindi ko nararamdaman ang bilis ng t***k ng puso ko na naramdaman ko kay Cyndi." "Busog na tayong pareho. Anong dahilan bakit mo ako pinapunta rito?" Bumuntong-hininga ako sa kanya at tumingin. "Gusto ko lang ng closure." Nagsalubong ang kilay ni Karina. Napansin ko rin ang kuyom niyang kamao na nakapatong sa table. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata." "G-Gano'n lang kadali sa 'yo ang lahat?" "I'm sorry pero hindi na kita mahal." "Gano'n lang kadali sa 'yo sabihin na hindi mo ako mahal? Binigay ko sa 'yo ang lahat. Naging loyal ako sa 'yo bakit ang bilis naman iwan mo ako? Dahil ba sa step sister mo?" "No, hindi dahil sa kanya. Alam mo naman na galit kami sa isa't-isa at imposible na magkagusto ako sa kanya." "Liar!" sigaw ni Karina. . Tumingin tuloy sa 'min ang ibang customer sa sigaw ni Karina. Nakipagtitigan ako sa kanya. “Cyndi was not the reason we broke up. I don’t love you anymore, and I can’t be with you anymore. We know the reason why we have been in a relationship for so long. You knew from the beginning that I didn’t want commitment, but you forced me and told me to try to have a relationship with you. You would give everything to me even if I didn’t ask you." Nag-uunahan na tumulo ang luha ni Karina. “I love you ... I love you so much, give me another chance.” “I’m sorry, but I can’t give you a second chance. I don’t love you anymore. It would be best if you didn’t rely on me. You deserve someone better who will love you more than you love. I’m sorry and thank you!" Tumayo ako at lumabas ng restaurant. “David! David!” sigaw niya. Hindi ako lumingon kahit paulit-ulit na tinatawag ni Karina ang pangalan ko. Alam kong sobrang sakit ang nararamdaman niya ngayon. Alam kong mawawala rin ang sakit na 'yon. Kahit pilitin kong isalba ang relasyon namin ay hindi na puwede dahil hindi na siya ang mahal ko. Pareho lang kaming masasaktan kung itutuloy namin ang relasyon namin na isa na lang ang nagmamahal. Karina deserve some better at hindi ako ang lalaki na magbibigay sa kanya ng pagmamahal na 'yon. Umuwi ako ng mansyon para makita si Cyndi ngunit nang umuwi ako ay wala si Cyndi sa mansyon. "Tita, where's Cyndi?" Alas-onse nang gabi ngunit wala pa siya. Bumuntong-hininga si Tita Silvia. "Hindi nagpa-alam kung saan siya pupunta. Sinundo siya ng boyfriend niya rito kanina." Fvck! Tumalikod ako at lumabas ng mansyon. Sinundan naman ako ni Tita Silvia hanggang garahe. "Hahanapin mo ba si Cyndi?" Tumingin ako kay Tita Silvia. "I'll try to find her." "Subukan mong pumunta sa mga disco bar ng mga kaibigan niya baka nandoon siya." Tipid akong ngumiti. "Thanks, Tita." Pinaharurot ko ang sasakyan ko palayo. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap kay Cyndi. Ang sigurado lang ay hindi ako babalik ng mansyon ng hindi siya kasama. Habang nasa biyahe ako ay sinimulan ko ng tawagan ang mga malalapit na kaibigan ni Cyndi. Kinuha ko ang mga contact number nila nang mabuksan ko ang luma niyang cellphone. "Si Cyndi ba? Kasama ni Geoff sa isang bar sa Tomas Morato," sabi ng kaibigan ni Cyndi na makeup artist niya. Pagkatapos niyang sabihin ang address at pangalan ng bar ay mabilis kong pinaharurot ang kotse ko papunta sa bar na iyon. Agad akong nag-park ng kotse at pumasok ako sa loob ng bar. Tinakpan ko ang ilong ko. Hindi na kasi maganda ang amoy sa loob ng bar. Halo-halo na kasi ang amoy ng alak, sigarilyo, pawis at pabango ng mga tao. Naging malikot ang mga mata ko para mahanap si Cyndi. Nakita ko si Cyndi na nakasubsob na sa lamesa habang ang boyfriend niya at ang model na si Trixie at naghahalikan. Umakyat ang dugo ko nang makita ko ang ginagawa ng boyfriend ni Cyndi sa kanya. Harap-harapan siyang niloloko ng boyfriend niya. "Bullshit!" Hinila ko ang kuwelyo niya at sinutok ko siya ng sunod-sunod. Sinipa ko siya. Dahil sa lasing na si Geoff ay hindi na siya nakalaban sa 'kin. Inawat kami ng mga bouncer at security guard ng disco bar. "Son of a b***h! Harap-harapan mong niloloko si Cyndi!" Halos magdilim ang paningin ko sa kanya. Tumawa siya. "Ito ba ang sinasabi mo na niloloko? Ayan! Hindi na makabangon sa kalasingan! Magsama kayong dalawa!" Tumalikod si Geoff kasama ng babae niya. Hahabulin ko sana siya para suntukin ngunit inawat na ako. Binuhat ko si Cyndi at dinala sa kotse ko. Pinagmasdan ko siya. "Bakit ba nagpapakatanga sa isang tao. Bakit ayaw mong lumingon sa paligid mo." Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang mukha ni Cyndi. Basa kasi ng alak ang mukha niya marahil ay binuhusan pa ito ng alak habang natutulog. Nanggigigil ako sa galit kapag iniisip kung anong ginawa ni Geoff kay Cyndi. Nakakainis! Ano ba ang dapat gawin para matauhan itong si Cyndi? "What happened to her?" Bakas sa mukha ni Tita Silvia ang pag-aalala kay Cyndi nang makita niyang karga ko si Cyndi at walang malay. "She was too drunk." “What’s going on with Cyndi? She never used to be like that." Dahan-dahan kong hiniga sa kama niya si Cyndi. Wala pa rin itong malay. "Tita, kayo na po ang bahala magpalit ng damit sa kanya." Tumango-tango si Tita Silvia. "Thank you David for taking care of my daughter." I smiled. "You're welcome." Lumabas ako ng kuwarto niya at pumunta naman ako sa kuwarto ko para maligo at magpalit ng damit. Nakahiga na ako sa kama ko nang marinig ko ang katok sa pinto. Tumayo ako upang buksan. "Tita." "Nalinisan ko na si Cyndi at napalitan ng damit. Maraming salamat ulit." "You're welcome, Tita." Hinintay kong makapasok sa kuwarto nila si Tita Silvia pagkatapos ay pumunta ako sa kuwarto ni Cyndi. Nakaupo ako sa gilid ng kama at pinagmamasdan siya habang mahimbing na natutulog. Mukhang hindi lang ito nalasing. Nilagyan din ng pampatulog ang alak niya kaya hindi ito nagigising. "Cyndi, kung hindi mo kayang alagaan ang sarili mo. Simula ngayon ako ay babantayan na kita. Hindi kita hahayaan na masaktan ng ibang tao." Dahan-dahan kong hinaplos ang buhok niya habang ginagawa ko 'yon ay naririnig ko naman ang malakas na t***k ng puso ko. Hanggang sa hindi ko na nakayang kontrolin ang nararamdaman ko para sa kanya. Dahan-dahan akong yumuko upang halikan si Cyndi. Pumikit ako nang maamoy ko ang kanyang hininga. Shit! Tila nasusunog ang mukha ko nang maglapat ang labi namin dalawa mas lalong lumakas ang kabog ng puso na parang sasabog na sa lakas at bilis. Sampung segundo kong hinayaan ang labi kong nakalapat sa labi ni Cyndi. Tahimik ako umalis ng silid niya at wala akong iniwan kahit anong bakas. Pagdating ko sa kuwarto ko ay humiga ako sa kama. Nararamdaman ko pa rin na nag-iinit ang mukha ko. I can't sleep. Ilang beses akong paikot-ikot sa kama ko. Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog dahil sa pag-iisip kay Cyndi. Simula nang malasing si Cyndi ng sobra ay hindi na pumayag si Tita Silvia na umalis si Cyndi na hindi ako kasama. Kapag tumakas si Cyndi sa mansyon ay agad ko siyang hinahanap para puntahan. Nakakapikon dahil para akong may alagang bata na lagi akong tinatakasan. Bukod do'n mas lalong tumindi ang galit niya sa 'kin dahil sipsip daw ako sa Mommy niya. Hinahayaan ko na lang siyang magalit sa 'kin ang mahalaga ay nagagawa ko siyang protektahan. Ayoko ng maulit ang nangyari sa kanya na malasing ng sobra. Halos isang oras ako sa loob ng banyo dahil nakatulog ako sa jacuzzi. Tinakpan ko ng tuwalya ang katawan ko nang lumabas ako ng banyo. Pagbukas ko ng pinto ay gulat na gulat ako sa nakita ko. Shit! "What are you doing here?" tanong ko kay Cyndi na nakatitig sa 'kin. Nagulat din siya nang makita niya ako na galing sa banyo. Lumunok siya ay umiwas ng tingin sa 'kin. "Nandito ako para sabihin na ginamit ko ang pangalan mo sa kwento ko." Nangunot ang noo ko. Hindi ko alam na nagsusulat pala ng kuwento si Cyndi ang alam ko ay puro gimmik lang ang alam niya. "And who told you to use my name? Do you want me to sue you? " "I already said, didn't you hear? It would be best if you thanked me because I used your name as the main hero. Your role should be a villain because you look like a villain in the movie," she teased me. "b***h!" inis kong sagot. "Nasa email mo ang kwento basahin mo na lang." Tumalikod siya at lumabas ng silid Nagbihis ako ng damit at binuksan ko ang laptop ko para tingnan ang email niya sa 'kin. Isang nobela ang pinasa niya sa email ko. Sinimulan kong basahin ang kwento niya. Ang mga pangalan ng mga karakter ay totoong tao. Pumukaw sa 'kin ang mga pangalan ng mga bida. Ako kasi ang bidang lalaki at siya ang bidang babae. Habang binabasa ko ang kwento ay napapangiti ako. Ibang-ibang karakter ni Cyndi sa kuwento kaysa sa tunay buhay. Hindi ko tinapos ang buong kuwento dahil habang binabasa ko ang kuwento niya ay nagkaroon ako ng idea para mapasunod si Cyndi sa gusto ko. Pumunta ako sa kuwarto ni Cyndi at binuksan ko ang pinto gamit ang duplicate kong susi. Nakita ko siyang nakahiga sa kama. Tumayo ako sa harapan niya upang mapansin niya ako. Nakasimangot siyang tumingin sa 'kin. "Anong ginagawa mo rito?" "Do you like me?" Tumaas ang kilay niya pagkatapos ay tumayo at nameywang. "Kapal naman ng mukha mo." "Nabasa ko ang story mo, bakit tayo ang mag-partner sa story? Gusto mo ako noh?" Sabay tawa ko ng malakas. "Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na gusto kita? Kwento lang 'yon wala 'yon katotohanan kaya nga pinatay kita sa kwento, feel mo ba ang galit ko sa 'yo," sabay irap niya. "Pumapayag na akong gamitin ang pangalan ko." "Really? Well, thanks." "But in one condition." Umarko ang kilay niya. "Hu?" Tumingin ako sa kanya. "One night stand tayo." "f**k you!" Nag-finger sign siya. "If you don't want to accept my offer, remove my name from your story. Use your boyfriend's name and not my name." "Ikaw ang gusto kong pahirapan kaya pangalan mo ang ginamit ko." I stared at her sharply and grabbed her arm. "You know what, Cyndi. It's easy for me to do what I ask of you. And I will do it now." Tinulak ko siya sa kama niya at umibabaw ako sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at tinaas ko. Nagtitigan kami. "Let me go!" sigaw niya sa 'kin. "If you don't want me to do anything. Call for help. Report me to the police and say I forced you. I won't fight. I'm willing to go to jail if that's what you want." Pinikit ko ang mga mata ko at siniil ko siya ng halik. Hindi nanlaban si Cyndi at hindi rin sumigaw para humingi ng tulog. Nagulat na lang ako nang tumugon siya sa halik ko. Oh, s**t! Mas mahirap yatang huminto sa inumpisahan kong halik lalo na't tumutugon siya sa mga halik ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD