Ang bilis nang t***k ng puso ko habang naglalakad ako palabas ng hotel room ko. Hindi ko magawang lumingon dahil natatakot akong baka nakatingin sa 'kin si David at mahalata niyang tumingin ako sa kanya. Dumireto ako sa labas ng hotel at naglalakad-lakad ako upang magpahangin. Nararamdaman ko kasing nag-iinit ang mukha ko dahil sa nangyari kanina.
Bumuntong-hininga ako. "Oh, my gosh? What happened to you, Cyndi?" Malamig ang hangin na dumadampi sa balat ko pero hindi ito nakatulog para mawala ang init ng mukha ko. Hindi ko na alam ngayon ang feelings ko for him. "Bakit kasi nandito siya?"
Nakakita ako ng nagtitinda ng sigarilyo kaya bumili ako ng isang stick. Ngayon na lang ulit ako nagyosi dahil sobrang stress ako. Noong college ako ang malakas magyosi sa amin ay si Veronica at Dina. Natuto ako sa kanilang magyosi pero hindi ko naman ginawang bisyo.
Sa tuwing binubuga ko ang usok ng sigarilyo ay gumaan ang pakiramdam. Unti-unti akong kumakalma. Habang naglalakad ako pabalik ng hotel ay may nakita akong isang babae at isang lalaki na magkayakap habang nakaupo sila sa ilalim ng malaking puno ng narra. Hindi ko na sana silang papansin kung hindi ko napansin na naghahalikan silang dalawa. Nag-sign of the cross ako sa nakita ko. Ang kaninang init na naramdaman ko ay muling bumalik at hindi nakatulong ang pagre-relax ko. Muli naman kasing nag-init ang mukha ko dahil sa nakita kong eksena.
"Nakakabadtrip bakit ba nila pinapakita sa 'kin?"
May boyfriend ako pero bakit si David ang iniisip kong kalandian? Nagmadali akong pumasok loob ng hotel ko. Kung makikita ko si David sa hotel room ko. Hindi ko na siya palalabasin.
"Where is he?" takang tanong ko.
Wala na kasi siya sa hotel room ko. Hindi ko naman siya nakitang lumabas at nasa harap lang naman ako ng malaking gate ng hotel kaya imposibleng hindi ko siya nakitang umalis.
"Excuse me!" tawag ko sa babae na naglilinis ng hotel room . Bago dumating si David kanina ay tumawag ako sa information para maglinis ng kuwarto ko.
"Yes, ma'am?" tanong ng housekeeper.
"Nakita n'yo ba ang lalaki sa room 401?"
"Ay, 'yung gwapong lalaki po ba? Nakita ko siyang lumabas kanina."
Tumango ako. Thank you so much." Tumalikod ako para bumalik sa kuwarto. Bumalik na siguro siya ng Manila. Umupo ako sa gilid ng kama. Bigla akong napatingin sa kama ko. Sumariwa sa 'kin ang kaninang nangyari. Namula ang mukha ko nang mag-flash back sa 'kin ang lahat. Hindi ko namalayan na kinakagat ko na pala ang labi ko.
Hindi ito puwedeng mangyari! Hindi ako dapat ganito ang nararamdaman ko.
Sunod-sunod ang pagbusina ko ng kotse sa tapat ng malaking gate ng mga Aragon. Ilang saglit pa ay binuksan ng katulong ang malaking gate kaya pumasok ako sa loob. Tuwing umuuwi ako sa mansyon nila ay nakakaramdam ako ng inis na kahit hindi ko sila makita ay naiinis pa rin ako.
"Good afternoon Ma'am." Yumuko ang katulong nang salubungin ako.
Pilit akong ngumiti sa katulong. Kahit galit na galit ako ay sinisikap ko pa rin maging mabait sa mga katulong nila kahit ang tingin ng mga katulong sa 'kin ay maldita.
Taas noo akong naglalakad papunta sa kuwarto nang makaramdam ako uhaw. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig, ngunit bigla akong umatras nang makita ko silang tatlo na masaya at nagtatawanan habang kumakain ng tanghalian. Kuyom ang kamao ko at matalim na tingin ang pinukol ko sa kanila.
Tumalikod ako para umalis, ngunit bago ko iyon gawin ay nakita ako ni Mommy.
"Anak, dumating ka na pala halika at sumabay ka na sa 'min kumain."
Huminto ako at pagkatapos ay slow motion akong lumingon. Tinaas ko silang lahat ng kilay nang makita ko silang nakatingin sa 'kin.
"Hindi ako patay gutom para sumabay sa inyo." Inirapan ko sila bago ako tumalikod.
"Cyndi!" sigaw ni Mommy.
Nakakatatlong hakbang pa lang ako ay may biglang humila ng braso ko. Nang tumingala ako ay si David iyon.
"Bitawan mo ako!"
Hindi maipinta ang mukha niya sa galit sa 'kin.
"Sasabay ka sa 'min kumain sa ayaw at gusto mo!" Hinila niya ako palapit sa lamesa.
"Bitawan mo ako!"
Sapilitan niya akong pinaupo at nilagyan ng plato at pagkain. "Eat!" utos niya sa 'kin
"No way!" Nakipagtitigan ako sa kanya.
"Eat or I will tell your Mom that we kissed. " bulong niya.
"Fvck you!"
He grinned. "Thank you, eat!"
Kinuha niya ang kutsara at tinapat niya sa bibig ko. Nakatingin sa 'min si Mommy at Tito Romano.
Inagaw ko sa kanya ang kutsara at kumain ako mag-isa. Nagngingitngit ako sa galit dahil sapilitan akong kumakain na kasama sila. Nagagalit ako dahil nakialam naman sa 'kin si David.
Padabog akong tumayo at naglakad ng mabilis pagkatapos kong sumubo ng pagkain ay nagmartsa na ako papunta sa kuwarto ko. Inis na inis ako dahil nasunod naman si David.
"Damn it! Damn it!" sigaw ko sa loob ng kuwarto ko. Hindi ako magiging masaya kung dito ako nakatira. Binuksan ko ang kabinet ko at kinuha ko lahat ang mga gamit sa loob pagkatapos ay isa-isa ko itong nilagay sa loob ng maleta. Nang mailagay ko na lahat ang mga gamit ko ay binuksan ko na ang pinto ngunit pagbukas ko ay nakita ko si David na nakasimangot at hindi maipinta ang mukha.
Nakatingin siya sa mga maleta ko. "Where are you going?" he asked.
"It's none of your business," sagot ko.
Hinila ko ang maleta palabas upang makaalis pero sapilitan namang inagaw sa 'kin ni David ang maleta ko pabalik ng kuwarto.
"Akin na 'yan!"
Hinagis ni David ang dalawang maleta ko papasok sa loob ng kuwarto ko, at hinila niya rin ako papasok sa loob saka tinulak sa kama. Hindi pa ako nakakabangon ay dinaganan na niya ako. Hinawakan niya ang magkabilaan kamay ko. Bumilis ang t***k ng puso ko. Wala akong nararamdaman takot sa anumang gagawin niya kung hindi ay para akong excited sa gagawin niya.
"A-Anong gagawin mo?"
"I'll punish you for being childish."
Nanlaki ang mga mata ko nang siilin niya ako ng halik. Sinikap ko naman itulak siya pero mas lalo akong nahihirapan na paalisin siya. Umawang ang mga labi ko nang maramdaman ko ang kamay niya na humaplos sa hita ko. Tila may kiliti akong nararamdaman sa ginawa niya. Nagawang ipasok ni David ang dila niya sa loob ng bibig ko at ginalugad ang loob nito kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng kakaibang init ng katawan.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko hanggang sa hindi ko namalayan ang sarili ko na nakayakap na ako kay David at nakikipaglaban sa halik niya. Naramdaman kong mas nag-enjoy si David nang tumugon ako sa kanya. Mas naging mapusok ang halik niya sa 'kin. Tuluyan na akong natangay sa ginagawa niya lalo nang maramdaman ko ang kamay niya sa loob ng pang-itaas kong damit.
"Cyndi! Cyndi!" boses iyon ni Mommy.
Huminto ako at tumingin kay David na huminto rin sa halik. Tinulak ko si David at tumayo ako. Hindi ko agad binuksan ang kuwarto. Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig.
"Cyndi! Cyndi! Hindi mo ba ito bubuksan? Mapipilitan akong kunin ang duplicate ng susi ng kuwarto mo."
Naglakad si David palapit sa pinto upang buksan pero pinigilan ko siya. "What the hell are you doing?!"
"I will open the door."
"Damn it! Don't do that or I will kill you." Warning ko sa kanya.
Pang-asar siyang tumingin sa 'kin. "Papatayin mo ba ako sa sarap?" Sabay kindat niya.
"Bullshit!"
"Thank you," pang-asar niyang sagot.
Hindi ko na siya napigilan nang buksan niya ang pinto at tumambad kay Mommy ang gulo ng kuwarto ko.
"What happened here?" tanong ni Mommy.
"Tita, kinakausap ko siyang mabuti para hindi siya umalis pero sinampal niya ako," ani David.
"Liar!"
Saka lang nakita ni Mommy ang mga maleta ko at ibang damit na nakakalat.
"Cyndi, bakit ka lalayas? Pumayag na nga akong hindi magpakasal kay Romano. Bakit kailangan mo pa rin umalis?" Bakas sa boses ni Mommy ang lungkot.
Umiwas ako ng tingin sa kanila. "Hindi ako masaya rito kaya pagbigyan mo na akong umalis. Si David na lang ang mahalaga sa 'yo parang siya ang anak mo."
Nakaramdam ako ng awa nang tumulo ang luha ni Mommy. Mommy…
"Bigyan mo naman sana sila ng chance para pumasok sa buhay mo."
Tinitigan ko ng masama si Mommy. "Mommy, bakit si Tito Romano pa ang gusto mo? Bakit ang pamilya niya pa!" Hindi ko napigilan ang galit ko.
"Why?"
"I hate David, I don't want him to live in the same house. I don't want to be with their family. I miss my Daddy." My tears flowed into my eyes. "Ikaw lang naman ang masaya, bakit kailangan mo akong idamay. Hindi naman ako masaya."
"Yan ba ang dahilan kung bakit ka laging galit?" tanong no Mommy.
"Kung masaya kayong tatlo bilang pamilya, kayo na lang huwag n'yo akong idamay." Hinila ko ang dalawang maleta ko palabas.
"Cyndi!" sigaw ni Mommy.
Hinarangan ni David ang dadaanan ko. "Stay here." sabi niya.
"Get out of my way."
"You're not leaving," ani David.
"Hindi ka aalis dito Cyndi!" Galit na sabi ni Mommy.
Hindi ako nakinig sa sinabi niya. Humakbang pa rin ako para lumabas ng kuwarto pero hinawakan ni David ang mga maleta ko.
"Ano ba? Pabayaan n'yo na akong umalis!"
"Lahat ng mga ari-arian na iniwan ng Daddy mo ay ibibigay ko kay David."
"Pinaghirapan ni Daddy ang naiwan niyang kayaman bakit mo ibibigay sa iba?!"
"Hindi ka aalis dito kung ayaw mong ibigay ko sa kanya. David mula ngayon ikaw na ang bahala sa anak ko." Tumalikod si Mommy at umalis.
Nagsisigaw ako sa sobrang inis. Hindi ko lubos maisip na kayang gawin 'yon ni Mommy para lang sa kaligayahan niya.
"You heard what Tita said. From now on I will take care of you, and from now on you will follow me, my loving stepsister. "he said sarcastically.
"A-Ah! Bullshit!" sigaw ko.
Iniwan ko ang mga maleta ko sa loob ng kuwarto at umalis ako ng mansyon. Kailangan kong magtanggal ng inis. Pinuntahan ko si Geoff para may kasama ako na pumunta sa bar, ngunit wala naman siya sa condo unit niya. Nakakainis talaga si Geoff kung kailan kailangan ko ng makakausap ay wala siya. Hindi ko na tuloy alam kung may boyfriend ako. Mag-isa akong pumunta sa disco bar para uminom ng alak. Kaharap ko ang bartender na gumagawa ng iinunim kong alak. I paid him para may makausap at gumawa ng alak para sa 'kin.
"Miss. Cyndi, masyado ng marami ang ininom n'yong alak baka hindi na kayo makauwi."
Tinaas ko ang wine glass ko. "K-Kaya mo naman akong ihatid pauwi."
"Nasaan po ba ang boyfriend n'yo?"
Kilala nila ang boyfriend ko. Siyempre sino ba naman ang hindi makakakilala sa amin ni Geoff pareho kaming model at madalas kami rito."
"W-Wala akong kasama mag-isa lang ako." Sabay tungga ko ng alak. "Bigyan mo pa ako ng isa."
"Lasing na kayo."
"Hindi ako lasing maganda lang ako. "Sabay tawa ko.
"Hi, Miss!" sabi ng isang lalaki na lumapit sa 'kin.
Tatlong lalaki ang lumapit sa akin at sa kanilang mga kilos ay lasing na sila. Hindi ko sila pinansin bagkus ay nagpatuloy ako sa pag-inom ng alak.
"Miss, kausapin mo naman ako, may boyfriend ka na ba?"
"H-Huwag n'yo akong kausapin!" sigaw ko sa kanila.
"Ang sungit naman ni Miss. Ganda," sabi ng isa.
Tumingin sa 'kin ang bartender. "Huwag po kayong sasama sa kanila Miss. Cyndi," pabulong na sabi nito.
"Hoy! Anong sinasabi mo sa kanya?" galit na sabi ng lalaki sa Bartender.
"W-Wala sir."
Umalis ang tatlo at naiwan akong umiinom pa rin hanggang sa nagpatugtog sila ng nakakaindak na musika. Bitbit ko ang isang bote ng tequila nang tumayo ako para pumunta sa stage at sumayaw.
Nasa stage ako nang may mga kalalakihan na lumapit sa akin at sumayaw sa harap ko. Giniling ko sila. May mga humihimas ng puwet ko pero hindi ko alam kung sino sa mga iyon.
"Cheers!" sabi sa 'kin ng isang lalaki.
Nawala sa isip ko na hindi dapat tumatanggap ng inumin kapag nasa bar.
Ininom ko 'yon at patuloy akong sumasayaw. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng pagkahilo at panlalambot ng tuhod.
Oh, s**t!
Sinikap kong maglakad palayo sa stage. Nabunggo ko na ang mga tao dahil sobrang hilo ko.
"Saan ka pupunta, Honey," narinig kong sabi ng lalaki na nagbigay ng alak sa akin.
Sinikap kong makalayo sa kanila kahit makarating ako sa security guard ay magiging safe na ako pero bigla akong sumubsob at hindi na ako nakabangon. Ang nakita ko na lang ang suot na sapatos ng nakabangga ko. Naramdaman kong umangat ang katawan ko at may yumakap sa 'kin. Hinang-hina na ako at wala na akong lakas para itulak kung sinoman ang lalaki na 'yon.
Help! Help me!
Iyon ang mga salitang nais kong isigaw ngunit walang tinig na lumabas sa bibig ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
Masakit ang ulo ko nang magising ako. Pinagmasdan ko ang lugar kung saan ako nakahiga. Nakita kong kulay puti at gray ang paligid ko. Kulay gray ang kama, unan at comporter maging ang kurtina ngunit puti naman ang dingding.
Where am I?
Inalala ko ang nangyari kagabi at nang maalala ko ay bigla akong kinabahan at nakaramdam ng takot. Tiningnan ko ang sarili. Ibang damit na ang suot ko. Gusto kong umiyak dahil hindi ko na alam kung anong kababuyan ang ginawa sa 'kin ng mga hayop na lalaking naglagay ng pampatulog sa ininom kong alak.
Tumayo ako at naghanap ng maaring puwede maging sandata kung sakaling may biglang pumasok sa loob. Nakita ko ang lampshade. Kinuha ko iyon at dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
"Mabuti naman at gising ka na!"
Bigla akong lumingon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si David na nakatapis ng tuwalya. Tumutulo pa ang sa katawan niya ang patak ng tubig na nanggaling sa buhok niya. Lumunok ako nang huminto ang mga mata ko sa maumbok niyang dibdib. Hindi ko akalain na ganito pala ka-macho si David.
Damn abs!
Lumapit siya sa 'kin. "Do you plan to leave
"What happened, why am I here?"
"It's almost like something bad will happen to you if I don't follow you. You're definitely dead now.
"The men who put drugs in my drink. What happened to them?"
"They are in jail now."
"Thank you for saving my life."
Thank you is not enough. "
My eyebrows arched. "What do you want? Money?"
"I have a lot of money, I don't need that."
“So what do you want?
“Date with me, and be my girlfriend for one day!
I felt butterflies in my stomach.
Oh, s**t!