Isang buwan na akong nakakulong sa malaking bahay na tinitirahan namin ni Karina at sa loob ng tatlong linggo na 'yon pinaniwala ko siyang wala na akong pakialam sa pamilya ko lalo na kay Cyndi. Ang hindi nila alam ay araw-araw ko siyang nami-miss kung minsan ay kasama ko pa siya sa panaginip ko. Isang buwan pero parang ilang taon na akong nakakulong dito. Bagamat malaya akong nakakalakad sa loob ng bahay hindi naman ako puwedeng lumabas at wala rin telepono o wifi sa loob. Sinadya nilang alisan ang maaring kong gamitin para makahanap ng tulong. Narinig ko ang tunog ng sasakyan sa labas kaya tumayo ako sa kinatatayuan ko. Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Karina na bumaba ng kotse. Ang lapad ng ngiti niya habang papasok sa loob ng bahay. "David!" Sabay yakap niya sa akin. "Mabuti n